Wed

02

Feb

2011

Reporting - Nakatutulong ba?

ni Maria Angelina Bucoy

 

Ikaw ba ay nakapagreport na sa harap ng klase kahit isang beses man lang? Imposibleng ‘hindi’ ang maging sagot mo sapagkat sa ayaw o gusto natin ay nabigyan na tayong lahat ng pagkakataong mag-ulat.


            Bakit nga ba nagkakaroon ng mga pag-uulat o reporting? Tinatamad lang ba ang mga guro sa pagtuturo? Ibig lang ba nilang maging sadista at pagtawanan ang kanyang mga estudyante? Gusto lang ba nilang magpahinga muna at tumingin-tingin sa paligid? Laging daing ng mga estudyante na hindi mahalaga ang mga reportingsapagkat wala namang nakikinig sa kanila. Minsan nga raw pati mga guro ay hindi na nakikinig. Ngunit kung titingnan natin ang buong aspeto ng pag-uulat, kasalanan din naman ng mga reporters kung bakit walang nakikinig sa kanila.


Marahil ay isa sa mga ito ang dahilan kung bakit hindi ka pinakikinggan ng mga tao:

 

1. Mahina ang iyong boses.

Hindi lahat ng mga tao ay magpapakahirap para lamang marinig ang iyong boses. Ikaw, bilang reporter, ay siyang dapat na nakakaalam kung anu-ano ang pangangailangan ng iyong mga tagapakinig. Ang iyong purpose ay makahatid ng impormasyon kaya dapat ay naririnig ka.

 

2. Ikaw ay laging nabubulol.

  Mayroon talagang mga tao na madaling mainis sa ibang tao kapag hindi nila nasasabi ng maayos ang kung ano mang gusto nilang sabihin. Kaya dapat ay laging malinaw ang iyong pagsasalita.

 

3. Viswal ang iyong manunuod.

Iba-iba ang paraan ng pagkatuto ng mga tao. Mayroong mga viswal, sa kinesics, at iba pa. Kaya mainam na sa iyong pag-uulat ay mayroon kang visual aid o di kaya’y aktibiti upang makuha mo ang atensyon ng mga manunuod.

 

4. Hindi kaaya-aya ang iyong ayos.

Ang reporting ay isang pormal na gawain kaya dapat ay hindi ka marungis tingnan.

 

5. Walang kang bagong gimik.

Madaling mawawala ang atensyon ng mga tao sa iyo kung salita ka na lang nang salita sa harapan. Dapat ay maging malikhain ka sa iyong pag-uulat.

 

Tayo ay pinapaulat ng mga guro dahil gusto nilang matuto tayo. Gusto nilang tumaas ang ating tiwala sa sarili. Isa sa mga maaaring mag-udyok sa pagtaas ng ating tiwala sa sarili ay kapag may nakikinig sa atin habang tayo ay nag-uulat. At para may makinig sa ating pag-uulat, dapat ay huwag nating balewalain ang mga nakasaad sa taas.

 

Write a comment

Comments: 44
  • #1

    Christian Egos (Wednesday, 02 February 2011 10:09)

    Isa sa mga factor kung bakit tayo pinapa-ulat ng ating mga guro ay dahil na upang matuto tayong magsalita gaya na rin sa iyong mga sinabi dahil kakailanganin natin ito sa takdang panahon.

  • #2

    Kassey Pamaran (Thursday, 03 February 2011 16:48)

    Kung tutuusin, may dalang positibong bagay ang pag-uulat. Hindi lamang ito para sa ating grado, kung hindi ay magagamit natin ito sa araw-araw nating pamumuhay. Kakailanganin natin ito sapagkat sa bawat araw, iba't ibang tao ang ating nakakasalubong, mapa-trabaho man o paaralan. Maaring nakakatakot nga ang pag-uulat, ngunit kung ito naman ay may magandang epekto sa takdang panahon, mas maganda na ang isanay ang mga estudyante sa pag-uulat upang mapaghandaan na sila.

  • #3

    Jill Christie Yap (Thursday, 03 February 2011 18:21)

    Ang rason kung bakit tayo pinapa-ulat ng ating mga guro ay para may matutunan tayo ng hindi lang galing sa kanila kundi sa ating mga sarili.Ang paggawa nang pag-uulat ay hindi biro,doon mo masasanay ang iyong sarili na maging independente at maging mapanuri,dahil ikaw mismo sa sarili mo ang hahanap ng mga ideya kung paano mo ibabahagi ang iyong ulat sa iyong mga kaklase.May mga bagay na pwede nating matutunan sa ating mga guro,pero mas may malawak pang mundo kung tayo mismo ang magsasaliksik ng ating iuulat,yung hindi lang tayo natututo sa mga binabahagi nila. Ika nga nila "experience is the best teacher!"

  • #4

    florian dominique (Friday, 04 February 2011 00:55)

    yes it helps...it can boost one's self-confidence...i know its hard at first but as the person is used to it na, it would be easier for him/her the nxt time...

  • #5

    Joevi Chiong (Friday, 04 February 2011 01:53)

    Sadyang nakakatulong ang pag-uulat sa harapan ng iyong mga ka-klase. Ito ang isa sa mga paraan upang mahasa ang ating mga sarili sa pakikipag ugnayan sa ibat-ibang tao.Ito rin ay mahalaga upang matuto tayo na humarap at makapagsalita ng maayos sa harapan ng marami at ihayag ang kabuan ng ating opinion tungkol sa mga bagay-bagay o paksang pinag-uusapan.

  • #6

    Angel Bucoy (Friday, 04 February 2011 16:43)

    Christian tama ka dahil sa kolehiyo, magkakaroon tayo ng maraming reporting. Tapos may mga oral defense din. kaya, kailangan talaga ang mga reporting.

  • #7

    Christian Soriano (Friday, 04 February 2011 21:50)

    bakit ang isang tao kapag nagsa2lita sa harapan ay tumitingin sila sa taas, or sa side nila?. tska bkit nging importante na ang reporting sa atin?.

  • #8

    Angel Bucoy (Friday, 04 February 2011 22:01)

    Kasi Christian S., nag-iisip sila. Mayroon talagang mga tao na kailangan tumingin sa paligid para makapag-isip ng maayos. Important siya kasi natututo tayo dito.

  • #9

    Angel Bucoy (Friday, 04 February 2011 22:13)

    Kassey, tama ka. Kaya sa halip na katakutan ang mga pagreport, dapat ay tanggapin natin 'to ng lubos at dapat i-make ang most out of it dahil tayo rin ang makikinabang nito sa huli.

  • #10

    Angel Bucoy (Friday, 04 February 2011 22:21)

    Manang Jill, tama ka rin kasi hindi naman naituturo sa mga tao kung paano magsalita effectively sa harap. Isa ito sa mga bagay na matututunan lang natin kung nasubukan natin. Salamat sa iyo at binanggit mo yan. Hindi ko iyan naisip na ilagay sa aking blog.

  • #11

    irvin (Friday, 04 February 2011 22:25)

    Sa aking palagay ang pag-uulat ay kelangan gawin sa eskwelahan sapagkat ito'y nakakatulong mapahusay ang "Character" ng isang estudyante.

  • #12

    Richelle Yap (Friday, 04 February 2011 22:44)

    Tama ka. Maaari ring idagdag sa iyong mga nabanggit na, na kailangan ay ngumiti upang hindi natatakot ang mga tao sa iyo.

  • #13

    Jazmin Genito (Friday, 04 February 2011 23:53)

    sangayo ako. sa reporting dapat you have the guts tlaga na mag present XD

  • #14

    sheina mae ramos (Saturday, 05 February 2011 00:32)

    bakit kaya ang mga estudyante ngayon ay mahiyain kahit ang kanilang boses ay malakas at naririnig ng lahat?Sa tingin mo ito ba ay nakakatulong sa mga estudyante ngayong henerasyon?

  • #15

    The Shirt (Saturday, 05 February 2011 01:26)

    bat kayo ngatagalog? T,T

  • #16

    Prince (Saturday, 05 February 2011 04:01)

    Tama yung informasyon pero parang pde ring maging rason ang pagkakomplikado ng pagsasalita.

  • #17

    Pipo Rivera (Saturday, 05 February 2011 04:33)

    Sa palagay ko, isa pang dahilan kung bakit hindi nakikinig ang mga tao sa reporter ay ang paggamit niya ng mga complicating words o mas kilala bilang nosebleed words. Ang payo ko sa mga reporters na may problemang ito ay dapat gawin nilang understandable ang mga salita base sa vocabulary level ng kanilang audience. O kundi, gumawa nalang sila ng isang talasalitaan kung saan andoon ang mga salita at ang kanilang definition.

  • #18

    Christian Soriano (Saturday, 05 February 2011 05:11)

    ahh. ganun pla un.. maraming salamat sa informasyon na binigay mo maka2tulong tlga.

  • #19

    AC Estive (Saturday, 05 February 2011 06:39)

    Nakakatulong ang pag-uulat. una sa lahat, dahil dito, napapaisip talaga ang isang mag-aaral kung ano dapat ang kanyang sasabihin sa harapan ng kapwa mag-aaral. Ito rin ay isang pagsasanay upang mahasa makipagusap sa maraming tao. Isa rin itong paraan upang mapatibay ang iyong confident at upang makuha mo ang attensyon ng ibang tao.

  • #20

    Sir Marcial (Saturday, 05 February 2011 09:27)

    Checked 02/05/2011

  • #21

    Precious Osorio (Wednesday, 09 February 2011 06:47)

    Ano ba ang mga nakukuha ng mga estudyante sa pag-uulat?

  • #22

    Sir Marcial (Monday, 14 February 2011 20:15)

    14 comments validated 02/15/2011

  • #23

    Angel Bucoy (Saturday, 19 February 2011 15:23)

    Sheina: nagiging mahiyain ang mga tao kasi nawawalan na sila ng self-confidence. Siyempre nakatutulong mgareport sapagkat nahohone ang mga talents ng mga tao. Dahil usually mas natututo ka sa paggawa kaysa sa pag-aaral lamang.

  • #24

    Angel Bucoy (Saturday, 19 February 2011 15:27)

    Pipo at Prince: sang-ayon ako sa mga sinabi ninyo na may mga tao talaga na kapag nagrereport ay gumagamit talaga ng mahihirap na words. pasikat lang ang mga taong iyan para isipin ng iba na high ang kanilang vocabulary. pero kung tutuusin, hindi naman ito pagalingan magsalita kundi pabilisan sa pag-abot ng informasyon na nais mong ipaabot. kaya dapat nga talagang iwasan ang mga mahihirap na salita dahil dito nagsisimula ang hindi pagkinig ng mga tao sa iyo dahil wala na silang naiintindihan.

  • #25

    Angel Bucoy (Saturday, 19 February 2011 15:29)

    AC: dapat lang talaga na isipin muna ng mga reporters ang kung ano man ang nais nilang iparating. sabi nga ng mga guro, ang pagtuturo daw ang pinakamahirap na propesyon dahil kung mayroon kang maling naituro sa iyong mga estudyante, madadala nila ito hanggang sa kanilang pagtanda.

  • #26

    Angel Bucoy (Saturday, 19 February 2011 15:32)

    Precious: Makakakuha tayo ng self-confidence dahil, gaya nga ng sabi ko sa iba, nahohone mo ang talents mo. at kung nahone mo ang talents mo, mas mapapadali ang iyong buhay dahil hindi ka na nahihiyang iexpress ang iyong damdamin sa iba.

  • #27

    gracebodaño (Sunday, 20 February 2011 00:21)

    opo nakapagreport narin ako sa harapan ng mga kaklase ko noong high school ako at nakakanervious grabe ang feelings ko noon nanginginig ang buong katawan ko.

  • #28

    Stanly (Sunday, 23 October 2011 08:05)

    Nice a post. Standard difficulty is usually G. transform ones own thoughts too repeatedly.

  • #29

    Mario (Tuesday, 25 October 2011 01:19)

    Can I post your post to my wordpress blog? I’ll add a one-way link to your forum. That’s one actually nice post.

  • #30

    Hanyz (Tuesday, 25 October 2011 03:03)

    Hi there are using WordPress to your website program? Iam a new comer to the blog planet but. Iam trying to get started and set up my own, personal. I also learned about Drupal is okay. Sees my personal selection.... Informative post, thanks.

  • #31

    Mehmet (Tuesday, 25 October 2011 11:04)

    Nice 1 posting. Normal trouble is usually G. transform their own spirit too frequently.

  • #32

    Toma (Saturday, 29 October 2011 19:28)

    I think various other internet site masters need to acquire this web site as a possible model really clean and great style, as well as the information. You’re an authority of this type!

  • #33

    R?hüł (Wednesday, 09 November 2011 13:15)

    Can I post your post to my wordpress blog? I’ll add a one-way link to your forum. That’s one actually nice post.

  • #34

    Miti (Thursday, 24 November 2011 12:48)

    Auto Tweet plugin for WordPress

  • #35

    zvýšení návštěvnosti webu (Tuesday, 24 January 2012 04:33)

    THX for info

  • #36

    Coach Purses Outlet (Friday, 16 November 2012 00:19)

    Ltd have opened a new branch, at No Wood Street, E.G under the management of Mr. H. B. Squire.

  • #37

    lambert felias (Sunday, 20 January 2013 20:14)

    nakakatuwa c grace ! haha ganyan dn ako ee.. pero tnx dn sa blog nato..

  • #38

    Nehru jacket (Tuesday, 29 January 2013 22:09)

    Very nice post. I just stumbled upon your blog and wanted to say that I have really enjoyed browsing your blog posts.

  • #39

    u=22137 (Wednesday, 24 April 2013 00:43)

    This particular article was in fact exactly what I had been in search of!

  • #40

    Miguel (Monday, 14 November 2016 05:02)

    Ito ay malaking tulong saakin sapagkat simula ako ay mamulat sa mundong ito at hangang ngayon ay mahiyain ako at ako ay yung madalas tawaging "Anti-Social" ng mga tao ngayon. Dahil ako ay isa na ngayong High School student at dahil na rin mas napapadalas ang pag-rereport ko sa harap ng aking ma kakase ngunit ako ay nahihiya parin tuwing mga hindi ko kakilala ang mga nanonood saakin kaya't napagisipan kong kailangan ko nang tumayo at harapin ang mga problemang ito. Hindi lang ito makakatulong saakin nagayon subalit pati narin sa pagtuntong ko sa Kolehiyo sa aking nahaharap at para narin sa ikabubuti at ikagiginhawa ng aking buhay kapag ako ay nagtratrabaho na dahil ako ay siguradong mas maraming mga tao ang kailangan kong kausapin para sa aking trabaho. Salamat sa mga maliliit na payo na makakatulong na hubugin ang napakalaking mundo at aking kapalaran.

  • #41

    Miguel (Monday, 14 November 2016 05:06)

    Napagalaman ko rin na ito ay magagamit ko sa aming Proyekto sa Ingles na dapat naming depensahan ang aming nalikom na mga data para saaming Thesis at ang mga hukom na magbibigay ng grado saamin ay hindi mula sa Skwelahan at hindi rin namin kilala kaya dapat ay paghandaan ko na ngayon ito sa pamamagitan ng pagsunod sa mga payo na iyong binigay sa Blog na ito.

  • #42

    Kim Hyacinth (Tuesday, 22 November 2016 06:53)

    Malaking tulong ang pagrereport dahil masarap kung lahat nakikinig sayo at kung maganda ang iyong pagpresenta mas lalong madadagdagan ang iyong grado kaya malaki ang naitutulong sa Blog na ito............

  • #43

    liebeszauber (Tuesday, 29 November 2016 11:33)

    aborygenka

  • #44

    oczyszczanie energetyczne (Wednesday, 30 November 2016 16:47)

    tapicer