Tue

01

Feb

2011

Walang Mang-aapi, Kung Walang Magpapa-api

ni Raffi Isah

 

Si Phoebe Prince, isang Briton na nag-aaral sa South Hadley High School, US, ay ilang buwan nang inaapi at inaalipusta ng isang grupo ng mga mag-aaral, dahil umano sa alitan niya sa ilang mga babae, patungkol sa kanyang pagkakaroon ng relasyon sa dalawang lalaki sa nasabing paaralan. Noong ika-14 ng Enero, 2010, matapos naman ang isang araw na siya’y inapi at batuhin ng isang lata galing sa isang estudyante habang siya’y naglalakad pauwi, nagpasya si Prince, 15, na bigtiin ang kanyang sarili sa kanilang apartment.”


Kung ipupuna natin nang maayos, marahil ay maiisip natin na napakalungkot ng sinapit ng dalagitang si Phoebe Prince. Biruin mo, kung hindi lamang siya inapi ng kanyang mga kapwa mag-aaral, marahil ay nakapamuhay pa siya nang mas mahaba at mas tahimik. Ang mga insidenteng gaya nito ay dulot ng isang nakaugaliang gawi sa mga paaralan – bullying.

 

Ang bullying o pang-aapi ay isang paraan ng pang-aabuso o pagmamalabis kung saan ito ay kinasasangkutan ng paulit-ulit na pang-aapi at pagmamaltrato ng isang tao o lupon ng tao upang ipahayag na sila ay mas o ang pinakamakapangyarihan laban sa ibang tao o lupon ng tao. Ayon kay Dr. Honey Carandang, isang sikologo, ang konsepto ng pang-aapi ay “power over, rather than power within,” kung saan ang naapi ay napapaniwalang wala siyang kakayahan laban sa nang-aapi. Karaniwang nangyayari ang bullying sa loob ng paaralan, at ang karaniwang target naman nito ay ang mga estudyante mismo. Ang bullying ay maaaring mangyari sa anumang tipo, mapa-pisikal man, verbal o emosyonal.

 

Dalawa sa pangunahing dahilan kung bakit may naaapi ay dahil sa kanilang pisikal na anyo at social status. Nang-aapi ang isang tao dahil sa tingin nila ay hindi angkop sa lipunan ang kanilang inaapi, marahil dahil sa kanilang itsura, pagkilos, lahi, o relihiyon.

 

Ano nga ba ang mga epekto ng pang-aapi sa mga naapi? Tulad ng nangyari kay Prince, ang mga epekto ng pang-aapi ay maaring hindi lamang mabigat ngunit nagbibigay rin ng isipan sa naapi na magpakamatay. Unang-una, nakararamdam ng mga emosyonal na problema ang naaapi, at itong asal ay nagbibigay sa kanya ng kalungkutan, mababang kapalaluan at depresyon. Bilang resulta, naaapektuhan tuloy ang araw-araw niyang gawain, tulad ng kanyang ugali, pag-aaral at pakikitungo sa ibang tao. Ang bullying ay walang hangganan at walang awa. Maaaring mang-api lang nang mang-api ang nang-aapi hanggat gusto niya.

 

Hindi lamang ang naaapi ang nakararanas ng masasamang epekto, kundi pati ang nang-aapi. Habang nasasanay ang nang-aapi na gumawa ng hindi tuwirang mga gawain, madadala niya ang kanyang nakasanayang ugali hanggang paglaki niya. Nawawalan din siya ng pagkakataon na magkaroon ng mga kaibigan sapagkat siya man ay maaaring maging iniwan at pinabayaang mga bata.

 

Marahil ay naiisip natin na tila isang katiting na isyu lamang ang bullying sa mga paaralan. Ngunit, matapos ang ilang naiulat na pagpapakamatay at pati na rin ang mga kasalanang ipinaparatang sa kabataan ngayon, ang problema ng pang-aapi ay napagtutuunan na ng pansin ngayon at dapat lamang na asikasuhin. Isa itong imoral na gawain, at nararapat lamang na atin itong tigilan at pigilan. 

 

http://ph.news.yahoo.com/mb/20110122/tel-the-filipino-child-and-his-sense-of-2bf66ac.html

http://en.wikipedia.org/wiki/Bullying

http://kidshealth.org/teen/your_mind/problems/bullies.html

 

Write a comment

Comments: 27
  • #1

    Conie Himor (Thursday, 03 February 2011 06:37)

    Tama! Marahil ang mga taong nang aapi ay cguro hnd na bibigyan ng sapat na attention na gzto nilng makuha mula sa kanilang mga magulang kaya kinukuha nila ang pansin ng iba sa paarang pang-aapi

  • #2

    Christian Egos (Thursday, 03 February 2011 09:18)

    Ang pang-aapi ay hindi kailanman magiging tama.

  • #3

    Rhyle Gonzaga (Thursday, 03 February 2011 11:20)

    Nice article :) mana ka tlga kay Amman :))

  • #4

    rafie baird (Thursday, 03 February 2011 19:05)

    killing your self is never a solutions :)

  • #5

    Katharina Nicole Tingkahan (Friday, 04 February 2011 04:21)

    Tama! kaya wag natin apihin ang ibang tao ksi wala tayong karapatan. Bigyan naman natin sila ng respeto. :D

  • #6

    Sir Marcial (Saturday, 05 February 2011 09:52)

    Checked 02/05/2011

  • #7

    Sir Marcial (Monday, 14 February 2011 20:20)

    2 comments validated 02/15/2011

  • #8

    a-g casidsid (Wednesday, 13 July 2011 09:18)

    imulat ang ispan,ipaglaban ang tama at karapatan para igalang at maging huwaran,.,.

  • #9

    Ruda (Thursday, 20 October 2011 09:19)

    Several of these replies on this post are garbage, You should delete them.

  • #10

    Mike (Sunday, 23 October 2011 05:59)

    Hm, I’m just comfortable with this but still not entirely convinced, hence i’m going to research a touch more.

  • #11

    Sachin (Sunday, 23 October 2011 18:31)

    Can I post your post to my wordpress blog? I’ll add a one-way link to your forum. That’s one actually nice post.

  • #12

    Prca (Wednesday, 26 October 2011 20:01)

    Nice post dude

  • #13

    Ondrej (Saturday, 29 October 2011 09:13)

    Nice post dude

  • #14

    Wolfgang (Saturday, 12 November 2011 14:28)

    Nice post bro

  • #15

    Arnost (Friday, 25 November 2011 04:23)

    Auto Tweet plugin for WordPress Submit your own write-up for you to Twitter, completely from WP administrator area

  • #16

    optimalizace webu (Monday, 23 January 2012 21:07)

    THX for info

  • #17

    Radek (Friday, 28 September 2012 03:09)

    Nice article bro

  • #18

    designer sarees indian (Wednesday, 21 November 2012 00:05)

    A good blog always comes-up with new and exciting information and while reading I have feel that this blog is really have all those quality that qualify a blog to be a good one.

  • #19

    Buy modern furniture online (Wednesday, 20 February 2013 05:51)

    Excellent and decent post. I found this much informative, as to what I was exactly searching for. Thanks for such post and keep it up.

  • #20

    hotel furniture india (Tuesday, 12 March 2013 01:54)

    Hm, I’m just comfortable with this but still not entirely convinced, hence i’m going to research a touch more.

  • #21

    summer drama school (Thursday, 06 June 2013 03:52)

    The weights of individuals speedy coats give these kind of a chic and slim research to your figure, anybody would decide to get by by by themselves a Moncler jacket grownup douleur and Moncler gals, in addition to the incredibly excellent part relating to this realistically is you comprehend by the use of they're able to acquired the inspiration from. although although inside the normal types of jackets, the method total setting today has formulated into these kind of an monumental tech existing industry area.

  • #22

    salwar kameez online (Wednesday, 26 June 2013 05:12)

    Carry on via. It will help me to know better solution for website perform.

  • #23

    salwar kameez online (Wednesday, 26 June 2013 06:00)

    If you’re still on the fence: grab your favorite earphones, head down to a Best Buy and ask to plug them into a Zune then an iPod and see which one sounds better to you, and which interface makes you smile more. Then you’ll know which is right for you.

  • #24

    Georgette Sarees (Friday, 26 July 2013 21:29)

    Can I post your post to my wordpress blog? I’ll add a one-way link to your forum. That’s one actually nice post.

  • #25

    web design vadodara (Wednesday, 11 September 2013 02:29)

    Thanks you drastically for this great and actually insightful report. Everybody will get fantastic specifics from this text.outstanding do the job protect it up. I�m planning to bookmark this website site for came back again all over again in upcoming.Visiting this site daily now. Great info. Keep it up!

  • #26

    JevaZyren (Tuesday, 16 September 2014 02:20)

    Bullying, bata pa lang ata problema ko na ‘to. Kaawa awa naman yung mga tinatapos ang sarili nilang buhay dahil sa hirap na nararanasan nila. Hindi ko pa rin mainitindihan kung bakit ako pinagtatawanan dahil sa katabaan at kalakihan ko. Ano bang problema sa pagiging mataba? Hindi ko maintindihan ang mga tao. Pag malaki, bawal na mabuhay sa mundo? Pag malaki, kakaiba agad? Hayyy. Ang hirap kasi dito sa Pilipinas, usong uso ang diskriminasyon. Akala mo mga perpekto. Pero wala eh may mga standard kuno na naka-set sa society, Nakakalungkot. I’ve experienced bullying and discrimination ever since I was a kid. Hindi talaga madali, yung tipong araw-araw kang pinagtatawanan, pinagbubulungan at minsan pa’y ipinapahiya sa karamihan. Natatandaan ko dati nung bata pa ako madalas akong umiiyak dahil sa mga pangyayaring yun. May mga pagkakataon ayaw ko na lumabas ng bahay, kapag walang pasok nasa bahay lang talaga ako. Kahit nung mag-highschool ako hindi na ako nakikiisa sa mga school activities dala dala ko ang hiyang yun hanggang mag college ako. Naalala ko nung nasa unang taon pa ako sa kolehiyo taong 2009, isang professor ang nagsabi sa’kin na may inferiority complex daw ako. Ngunit sa paglipas ng panahon, natuto akong maging matapang, sinabi ko sa sarili ko na bakit naman ako mahihiya eh tao din naman ako, pare-pareho lang kami. Sabi nga nila “Do not let other people define you.” Unti-unti natututo na akong maging proud sa sarili ko, natututo na akong tanggapin at wag damdamin ang pangungutya ng ibang tao. Natuto na akong wag making sa opinyon nila, sa halip na magpaapekto inienjoy ko na lang ang buhay ko kasama ang mga taong tanggap kung ano at sino ako even beyond my imperfections. Pero minsan hindi maiwasan na mapuno at lumaban na din, yung tipong gusto mo silang tanungin ng “Nung naging mataba ba ako, natapakan ko pagkatao niyo?”. Ngunit lagi kong pinapaalala sa sarili ko na eto na eh, ibang klaseng mundo kinabibilangan ko. Marahil nga ay kakaiba ako o tayong may mga “pagkukulang” daw sa standard na nakaset sa society, pero isa lang ang panghahawakan, wala akong ginagawang masama, wala akong inaagrabyadong tao at higit sa lahat TAO ako, anak din ako ng DIYOS. 

  • #27

    oczyszczanie aury (Wednesday, 30 November 2016 18:47)

    tabbouleh