Tue

01

Feb

2011

Status sa hayskul: In a relationship (Tama o Mali?)

photo credit: google.com
photo credit: google.com

ni Glinith Pauline R. Egos

            Mapapansin natin sa ating henerasyon ngayon na talamak na ang mga estudyante sa hayskul ang mayroon nang mga kasintahan sa murang edad pa lamang. Nagkakaroon na sila ng mga commitment kahit na hindi pa ito angkop para sa kanila kung pagbabasehan lamang ang kanilang pisikal na itsura at edad. Hindi ko malubos maisip kung bakit nagmamadali ang mga taong magkaroon ng kani-kanilang mga kasintahan lalong-lalo na sa pagtungtong nila sa hayskul. Imbes na pagtuunan nila ng pansin ang kanilang pag-aaral ay nalilihis ang kanilang atensyon at kung anu-ano ang kanilang inaatupag. Isa na nga rito ay ang pagkakaroon nila ng tinatawag nating lovelife. Dahil dito, imbes na hawak-hawak nila ang kanilang mga libro at kwaderno, telepono ang kanilang hawak. Imbes na atupagin nila ang kanilang pag-aaral upang makakuha ng mataas na marka sa kard, mas natutuon ang kanilang atensyon sa kanilang mga syota. Bakit nga ba ganito?

 

            Dito ay susubukan kong sagutin ang mga katanungang bumabagabag rin sa aking isipan: Anu-ano nga ba ang mga masasamang naidudulot ng pagkakaroon ng lovelife sa pag-aaral ng mga estudyante? May mga magaganda ba itong epekto sa ating pag-aaral? Alamin natin.

 

            Ayon kay Ramon Carlos (2008) sa kanyang blog entry, naaapektuhan lamang ng pagiging “in a relationship” ng isang tao ang mga mahahalagang bagay na lubos niyang kailangan sa pang-araw-araw bilang isang indibidwal. Tinukoy niya ang mga negatibong epekto ng pagkakaroon ng lovelife sa buhay ng isang estudyante. Una sa lahat, maaapektuhan nang malaki ang kanyang pag-aaral. Gaya nga ng nabanggit ko kanina, imbes na ituon natin ang 100% na atensyon natin sa pag-aaral ay nalilihis tayo at mas napagtutuunan natin ng pansin ang ating mga kasintahan. Imbes na mag-aral tayo nang mabuti at mailaan natin ang ating oras sa pag-aaral ay mahahati ito kung sakaling may mga kasintahan tayong nangangailangan din ng ating atensyon. Dahil dito, mahahati ang ating oras at maguguluhan ang ating isipan kung alin sa dalawa ang uunahin. Malaki ang posibilidad na dahil dito, mawawalan tayo ng pokus at maaaring bumaba ang ating mga grado.

 

            Pangalawa, maaapektuhan din ang ating mga bulsa. Ang ating allowance ay para sa ating pansariling gastos sa paaralan. Ang perang ibinibigay sa atin ay galing sa dugo’t pawis ng ating mga magulang. Binibigyan nila tayo ng pera upang makabili ng mga pangangailangan natin sa paaralan gaya ng mga school supplies at pagkain. Kung may kasintahan tayo, malaki ang posibilidad na mabubutas ang ating mga bulsa lalong-lalo na para sa mga lalake. Paano? Alam naman natin na ang karaniwang paraan upang maipakita ng isang lalake ang kanyang pagmamahal para sa isang babae ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga materyal na bagay gaya ng tsokolate, bulaklak, stuff toy at iba pa. Kaya nga hindi biro ang pumasok sa isang relasyon kung alam naman natin na hindi pa handa ang ating mga bulsa.

           

            Sa kabila ng mga negatibong epekto ng pagkakaroon ng kasintahan sa ating pag-aaral, may mga mabubuting bagay rin naman itong nagagawa para sa iilan batay sa aking sariling opinyon. Dahil sa pagkakaroon ng ka-relasyon, mas nagiging inspired ang ilan sa mga estudyante upang mag-aral. Nagkakaroon sila ng inspirasyon upang pagbutihin ang kanilang pag-aaral. Sunod, nagkakaroon sila ng katuwang sa mga problema nila sa eskwelahan. May tutulong sa kanila sakaling nangangailangan sila ng tulong pagdating sa paggawa ng mga takdang-aralin at kung may mga hindi man sila naintindihan sa mga leksiyon.

 

            Hindi ko naman sinasabi na ang pagkakaroon ng lovelife sa hayskul ay masama dahil na nga sa mga masasamang epekto nito sa ating pag-aaral. Ang akin lang, dapat ninyong tandaan na importante pa rin ang pag-aaral sa ating buhay. Tayo ay nasa hayskul upang mag-aral at matuto ng mga bagay na kailangan natin para sa hinaharap. Nag-aaral tayo upang umasenso sa buhay. Kung sakali mang hindi nating mapigilan ang hindi magkaroon ng lovelife, nasa sa atin na kung paano natin ihahati ang ating oras nang hindi naaapektuhan ang ating pag-aaral. Laging tatandaan na mas mahalaga pa rin ang edukasyon sa ating buhay.


Sanggunian: Carlos, Ramon (2008). LOVELIFE: Kailangan ba talaga to?. Retrieved on February 1, 2011: http://dboynxtdor.multiply.com/journal/item/4/LOVELIFE_Kailangan_ba_talaga_to.

 

Write a comment

Comments: 148
  • #1

    Christian Egos (Tuesday, 01 February 2011 06:14)

    ayos lang ang magkaroon ng kasintahan basta hindi napapabayaan ang pag-aaral.. tama!

  • #2

    jabe (Tuesday, 01 February 2011 06:33)

    ok lang magkaroon ng kasintahan basta huwag pabayaan ang pag-aaral at dapat hindi ito itago sa ating mga magulang.

  • #3

    Ranrey (Tuesday, 01 February 2011 06:40)

    SIGE LANG!
    bsta dpat stagnant ang grades mo at ndi bababa.

    dahil naman din sa lovelife kea ang isang tao ay masyadong inspired mag aral dba?

  • #4

    ian (Tuesday, 01 February 2011 06:44)

    parte ata ng buhay hayskul ang pagkakaroon ng isang kasintahan.dapat lang, tanawin natin ito bilang isang inspirasyon, at hindi distraksyon. :D

  • #5

    keri (Tuesday, 01 February 2011 07:11)

    basta't pinahahalagahan ang pag-aaral kaysa sa kasintahan ayos na un.

  • #6

    Anton Go (Tuesday, 01 February 2011 07:12)

    Para sa akin lamang, ayos lang ang magkaroon ng kasintahan basta't hindi pabayaan ang pag-aaral at mga kaibigan. Normal na lamang ito sa mga estudyanteng hayskul. Kung magkaroon man tayo ng kasintahan, dapat lagi nating tatandaan na i-balanse at ang dapat na pokus natin ay ang pag-aaral.

  • #7

    cha (Tuesday, 01 February 2011 07:42)

    ok lng magka-bf/gf, basta dapt focus lang talaga sa studies. :)

  • #8

    daryl (Wednesday, 02 February 2011 04:47)

    ok lang magkaroon ng kasintahan sa hayskul, normal lamang ito ngunit dapat mauna ang edukayon

  • #9

    Kharnelle Eyrand Sade K. Lim (Wednesday, 02 February 2011 04:50)

    Sang-ayon ako sayo Ate :) Nasa estudyante parin ang desisyon kung pababayaan nila ang kanilang pag-aaral dahil sa kanilng bf/gf. Dapat ay matuto ang mga may karelasyon na i-balanse ang kanilang pag-aaral at lovelife. yun lang ang aking masasabi. Magaling ang pagkakasulat :)

  • #10

    bii.etch.ess (Wednesday, 02 February 2011 04:51)

    ayos lang na magkaroon ng kasintahan basta't hindi ito magiging sagabal sa pag-aaral, sa ating mga ugali at ang pagtrato natin sa ibang tao dahil pag may kasintahan ka ay nalalayo ka na sa iyong mga kaibigan. Kahit na may relasyon ka na ay wag mo pa rin kakalimutan ang iyong mga responsibilidad at limitasyon.

  • #11

    Harvey Ong (Wednesday, 02 February 2011 04:52)

    Ok lang man pag meron na man kasintahan, basta may pokus ka pa rin sa iyong studies.

  • #12

    jill (Wednesday, 02 February 2011 04:54)

    Ok lang magkaroon ng lovelife, basta alam natin ang priorities natin at hindi ito napapabayaan. Minsan, ang ating lovelife ang nagiging inspirasyon natin upang labanan ang mga problema natin sa buhay.

  • #13

    Alodie Mankin (Wednesday, 02 February 2011 04:57)

    Hindi naman masamang magkaroon ng kasintahan sa hayskul, ngunit hindi ito dapat maging hadlang sa ating pag-aaral. Dapat ding alalahanin ang mga limitasyon (PDA) upang maiwasan ang masamang pagtingin ng mga guro sa mga estudyante.

  • #14

    Paula Estive (Wednesday, 02 February 2011 04:59)

    Sang-ayon ako sa iyong mga sinabi ate Glin. Kung gusto man ng mga estudyante ngayon magkaroon ng kasintahan sana naman ay handa sila sa pwedeng mangyari at sana hindi nila mapapabayaan ang kanilang pag-aaral.

  • #15

    Angelo (Wednesday, 02 February 2011 04:59)

    Ok lng po mayroon na kasintahan, ang importante lng po ay dapat alam nila kung papaanong ibalance ang kanilang relasyon at ang kanilang pag-aaral.

  • #16

    angel (Wednesday, 02 February 2011 05:08)

    Para sa akin ay ok lang naman ang magkaroon ng kasintahan pero dapat ang pag-aaral pa rin ang gawing prioridad.

  • #17

    ANONYMOUSE (Wednesday, 02 February 2011 05:14)

    ang husay po ng pagkasulat. tila tama ang lahat ng nakasaad. depende lng sa student kung paano niya nahandle ang mga intimate relationship na meron sya. based on experience nga ba ito? biro lang po. isa lang masasabi ko-mahusay.

  • #18

    diane (Wednesday, 02 February 2011 05:14)

    para sa akin, ok lng ang magkaroon ng kasintahan sa hayskul kung kaya ng tao ibalanse ang pag-aaral at ang kanyang lovelife. mas ok na rin kung ang silbi nito ay maging inspirasyon na pumunta sa paaralan araw-araw

  • #19

    Valerie (Wednesday, 02 February 2011 05:16)

    Tama ka. Kc obviuosly sa generation natin ngayon, parami nang parami na ang mga kabataang nagkakaroon ng kani-kanilang bf/gf. Beyond this, may mga negative and positive effects that could go along their ways. Kaya nga kailangan nilang maging aware sa mga limitations nila.

  • #20

    aL-aZim (Wednesday, 02 February 2011 05:40)

    ..tama :D that's all i can say..

  • #21

    mikaela perez (Wednesday, 02 February 2011 05:40)

    para skin po ok lng man magka bf/gf basta mas mag focus lang talaga sa studies at matuto mag manage ng time para sa studies and sa relationship.

  • #22

    flora (Wednesday, 02 February 2011 05:41)

    tama!! ok lng mgkaroon ng kasintahan.. pero! dapat priority parin ang pag-aaral.. :)

  • #23

    joanne (Wednesday, 02 February 2011 05:42)

    ok lang man magkaroon ng bf pero dapat alamin rin nila na sila ay nasa murang edad pa.
    Dapat "take it slow" muna. Unahin ang pag aaral kaysa sa pagkakaroon ng boyfriend o girlfriend.
    NAkakaapekto sin ito sa pag aaral natin, ang mga grado natin embes taas, bumabagsak.

  • #24

    Amielle Barre (Wednesday, 02 February 2011 05:45)

    Sa aking opinyon, madaming nagagawa ang pagpapasok sa isang relasyon. positibo man o negatibo, depende to sa desisyon ng mga tao. :))

  • #25

    Issa (Wednesday, 02 February 2011 05:45)

    sang-ayon ako, dapat talagang unang atupagin ang pag-aaral para magkaroon ng magandang kinabukasan. Ang lovelife ay darating sa tamang panahon :)

  • #26

    Nikka (Wednesday, 02 February 2011 05:50)

    Sangayon ako sa mga sinabi ni Ate Glinith, maari ngang magkaroon ng love life basta't handa ang tao at inuunahan parin niya ang kanyang edukasyon. :)

  • #27

    mary joy dumagpi (Wednesday, 02 February 2011)

    sang-ayon ako dito. mahalaga pa rin ang pag-aaral. ang lovelife ay nandyan lng yan di yan mawawala. naghihintay lamang yan.

  • #28

    Aljhun Rey Canillo (Wednesday, 02 February 2011 05:57)

    ang pagkakaroon ng kasintahan ay normal lang, pero pag napapabaya ang pag aaral ay di tama yan. kailangan prioty ay ang pag-aaral natin kung baga 80% ang pag-aaral at 20% ang pag-ibig, talagang laging natin tandaan na mas mahalaga ang ating edukasyon sa buhay, NAPAKAHUSAY na blog na ito.. =D

  • #29

    Regine Cabato (Wednesday, 02 February 2011 06:04)

    LIKE. Sumasang-ayon ako rito. Nothing wrong with high school relationships naman, pero guys should be inspiration and not distraction. Sa wakas naman, 2% lang ng mga high school relationships ang nakakaabot sa kasal eh. :\ Good learning ground though.

  • #30

    anon (Wednesday, 02 February 2011 06:08)

    okay lang po magkaroon ng kasintahan basta hindi napapabayaan ang pag-aaral.

  • #31

    Ninia Knüttel (Wednesday, 02 February 2011 06:10)

    Para sa akin, hindi naman mali magkaroon ng mga ganyan.
    Hindi naman natin maiwasan ang pagiging inlove sa hayskul eh. Kailangan lang natin alamin ang ating mga limitasyon upang hindi ito madala sa masamang palad.

  • #32

    E.r (Wednesday, 02 February 2011 06:13)

    tama ang sinasabi sa blog na ito. kahit ang pagbanggit na umuubos ang mga allowance ng mga lalake dahil sa mga gips ay tama. hahaha :)

  • #33

    Trizhia Matutinao (Wednesday, 02 February 2011 06:18)

    Sang-ayon ako rito. Una, kung alam ng isang mag-aaral na wala siyang ginagawang masama, wala namang masama kung siya'y magkakaroon ng kasintahan. Pangalawa, tama ang sinabi ni ate Glinith na maaaring maapektuhan ang ilang mga bagay-bagay sa buhay ng isang mag-aaral kung siya ma'y papasok sa isang relasyon. Subalit, hindi sa lahat ng pagkakataon ay mayroon silang napapabayaang mga bagay... nasa pagdala lamang ito ng isang mag-aaral. Tama nga naman na sa unang tingin ay hindi pa ito angkop para sa kanila, subalit masasabi kong depende lamang ito kung paano dalhin ng isang mag-aaral ang kanyang sarili. Dapat lang ay alamin niya ang kanyang mga prayoridad sa buhay at kung anu-ano ang kanyang mga limitasyon. Hindi ito nagiging tama dahil sa normal na ito sa hayskul bagkus ay maaari itong maging mabuti depende sa kung paano ito dalhin ng isang estudyante.

  • #34

    Aileen Enriquez :) (Wednesday, 02 February 2011 06:19)

    sumasang-ayon ako sa mga puntong iyong ibinigay. para sa akin, dipende na din 'yan sa isang estudyante kung papaano niya maibabalanse ang kanyang oras. dapat nating tuunan ng pansin ang pag-aaral sa lahat ng oras. talagang magandang pag-usapan ang ganitong klaseng bagay lalo na sa henerasyong ito. NAPAKAGANDA! :D

  • #35

    Joseph Ruiz (Wednesday, 02 February 2011 06:24)

    Hmm,pwede pero parang hnd dapat, ksi ang high school ay ang panahon na tinatawag kong "years of mistakes, fun, laughter, sadness"

  • #36

    Mr. M (Wednesday, 02 February 2011 06:26)

    Tama, Dahil isa na un sa mga symbolo na gaano mo kamahal ang isang tao. :)

  • #37

    Katharina Nicole Tingkahan (Wednesday, 02 February 2011 06:37)

    Ang lahat ng nailahad ng artikulong ito ay tama. Naniniwala nga ako na ang lahat na negatibong sinabi at positibong sinabi mo tungkol sa pagkakaroob ng lovelife, nasasabi ko ito kasi ito ang nakikita ko sa mga kaibigan kong may karelasyon. Kung may karelasyon nga tayo dapat hindi nating kalimutan ang ating pag-aaral kahit malaki ang problema natin sa ating lovelife dapat bigyan pa rin natin ng pansin ang ating pag-aaral kasi ito ang dahilan kung bakit tayo pinapapasok sa paaralan at naghirap talaga ang ating mga magulang magtrabaho upang ipaaral lang tayo sa Ateneo ang swerte-swerte nga natin kasi dito tayo nakapag-aral kasya wag natin sayangin ang ating edukasyon dahil para sin ito sa ating FUTURE. :D

  • #38

    Jessah Daymiel (Wednesday, 02 February 2011 06:38)

    Tama ang iyong mga sinabi. Ngunit nasa tao lamang iyan kung paano niya pagsasabayin ang pagkakaroon ng relasyon at pag-aaral. Ako din nman ay isa sa nabanggit mo sa iyong artikulo ngunit sa tmang kaalaman sa limitasyon at balanse ng oras ang solusyon sa problemang ito. :P

  • #39

    Kristin Gail. (Wednesday, 02 February 2011 06:42)

    Sang ayon ako sa blog mo, Glinith. :)

  • #40

    Fad Fadd Fahad (Wednesday, 02 February 2011 06:49)

    Para sakin, nakaka-apekto ito. tingnan mo ako, hindi ako nagkaroon ng relasyon kahit kanino dahil alam ko ang maging consequences nito. mas mabuti nang maging maingat kaysa magsisi at masaktan sa huli.

  • #41

    SHIRISA ALAWI (Wednesday, 02 February 2011 07:04)

    hindi naman pinagbabawalan na magkaroon tayo ng isang relasyon. ang maganda pa rito ay naipapakita natin kung paano tayo magmahalan ngunit alalahanin din natin ang limitasyon sa isa't-isa. huwag natin pabayaan ang ating pag-aaral dahil ito parin ang susi sa ating tagumpay sa future. Hindi natin kailangan na pumasok sa isang relasyon lalung lalo na pag hindi pa tayo handa.walang masama sa nagmamahalan,ang nagpapasama dito ay kung ginagawa na ang ipinagbabawalan. =)

  • #42

    John Serag (Wednesday, 02 February 2011 07:15)

    Tama ang lahat na naisulat sa blog post na ito. Kapag usapang pag-ibig, hindi talaga natin maaalis ang mga mabubuti't nakakasamang epekto nito sa ating buhay. Lalong lalo na sa hayskul, napapansin ko na may mga iilan na sabik na sabik magkaroon ng kasintahan. Ang maipapayo ko lamang ay mag-ingat sa pag-ibig, alamin ang prayoridad, at matuto bumalanse ng mga mahahalagang bagay sa buhay ng isang tao. Isa rin sa aking mapapayo ay huwag ibigay ang "lahat" o ang iyong buong sarili sa iyong kasintahan sapagkat marami sa mga relasyon sa hayskul ay hindi tumatagal. Pero nasa inyo pa rin kung sa tingin niyo'y mas makakbauting magkaroon ng commitment o kaya'y hihintayin niyo na lamang ang tamang oras at panahon.

  • #43

    Michelle :) (Wednesday, 02 February 2011 07:17)

    tomooooooo! :)

  • #44

    Salina Teo (Wednesday, 02 February 2011 07:18)

    Wag lang kalimutan ang pag-aaral ;)

  • #45

    Aya (Wednesday, 02 February 2011 07:24)

    Normal lang ang isang tao ay magkaroon ng kasintahan, ngunit dapat may pokus parin tayo sa ating edukasyon.

  • #46

    Kryz Acuna :D (Wednesday, 02 February 2011 07:29)

    Relationships, relationships. Actually, they are not bad. A relationship only becomes bad when you get too obsessed with it. We should use them the right way by being inspired by your lover, or maybe helping each other with school work. A relationship is also something that can make students happy after a tiring day of ordeals. Great Blog ate:D

  • #47

    AC Estive (Wednesday, 02 February 2011 07:29)

    Una sa lahat, hindi ako sangayon sa "In a relationship" sa hayskul. Bakit? ayon sa aking karanasan, naging sagabal ito sa aking pag-aaral SA UNA. ngunit, kapag ika'y nasanay na, maaari nang hindi ito maging sagabal subalit laging tandaan, ika'y hayskul palang. nasa pader ka pa ng iyong mga magulang. sila parin ang dapat masunod. hindi naman masama ang umibig subalit dapat may limitasyon ito.

  • #48

    Stella Timtim (Wednesday, 02 February 2011 07:38)

    tama nga ang relasyon ay nakakabagabag sa ating pag-aaral,ngunit minsan ang pagkakaroon ng isang karelasyon ay may maging mabuting epekto, katulad nalang ng pagging inspirasyon sa pag-aaral. ngunit dapat ring tandaan ng mga kabataan ngayon na kung magkakaroon man sila ng isang karelasyon, dapat nilang isipin kung anong mabuting gawin upang sa huli'y hindi sila magsisisi at masasaktan. Mas mgandang magkaroon ng isang relasyon kapag ikaw ay nakjapagtapos na ng pag-aaral. Para sa huli'y ikaw mismo ang pipili kung sino ba talaga ang pipiliin mo para makasama mo habng buhay,. Glinith, sumasangayon ako sa blog mo.

  • #49

    Sirach John Lacson (Wednesday, 02 February 2011 07:44)

    "Hindi ko naman sinasabi na ang pagkakaroon ng lovelife sa hayskul ay masama dahil na nga sa mga masasamang epekto nito sa ating pag-aaral." - tama ka diyan! Naiintindihan ko,.. :)))

  • #50

    Glicerio Egos (Wednesday, 02 February 2011 07:45)

    Wala na mang problema ang magkaroon ng kasintahan eh. yun nga lang, mababaling mo ang iyong atensyon sa kanya. High school ang pinakamasayang parte ng ating buhay. Nasa sa iyo yan kung gusto mo'ng maalala ang iyong high school life na puno ng pait at pighati sa isang nabigong pag-ibig.

  • #51

    Al-Rasheer L. Damsik (Wednesday, 02 February 2011 07:54)

    depende na yan sa user ^_^

  • #52

    Vanessa Jane Vicete (Wednesday, 02 February 2011 07:58)

    Para sa akin, ayos lang naman ngunit kailangan lang talaga na mas alam mo ang priority mo sa buhay, ang iyong pag-aaral. Kaya dapat kahit tayo ay committed, dapat 'di pa rin natin pabayaan ang atin pag-aaral.

  • #53

    Colleen Zacarias (Wednesday, 02 February 2011 08:13)

    Okay lang magkaroon ng kasintahan, basta hindi lang napapabayan ang pag-aaral.

  • #54

    Camilla Reyes (Wednesday, 02 February 2011 08:15)

    Sa akin opinyon ay ayos lang magkaroon ng kasintahan dahil isa ito sa nagbibigay ng inspirasyon sa pag-aaral. Yun nga lang, ang iba naman grabe sila magseryoso sa isang relasyon. Akala nila na siya na un "one and only" na lalaki. Dapat palaging iuna ang edukasyon kaysa relasyon.

  • #55

    Angelique Miranda (Wednesday, 02 February 2011 08:27)

    Para sa akin, ang pagkakaroon ng relasyon ay hindi natin masisisi sa kanila [magkarelasyon] sapagkat, ito lamang ay natural na nagyayari. Ang pagmamahal ay natural ding dumadating at nararamdaman. Sa pagkakaroon ng relasyon ay nararapat din ang limitasyon ng dalawang magkarelasyon sa mga sinasabi nating "dont's" sa pagmamahalan.

  • #56

    Levin Angelo Lobren (Wednesday, 02 February 2011 08:30)

    I do not speak from experience, ngunit sa tingin ko'y dapat ireserba ang isang relasyon sa kolehiyo o pagkatapos maggradweyt (mga panahong mature na ang mag-iisip). Walang kasiguraduhan na hahantong sa kasalan ang isang relasyon kung kaya bakit pa nga ba natin kailangang mag-"experimento" sa isang murang edad? Bakit ba kailangang itulak ang sarili sa isang relasyon? 'Wag na 'wag mong sasabihing dahil sa peer pressure, inuuto mo lang ang sarili mo. Uhm... inspirasyon...? ...maaari. Ngunit bakit hindi ka humugot ng inspirasyon mula sa ibang bagay?

    Ang lahat ng ito'y pawang opinyon ko lamang. Maiintindihan ko kapag ang iilan sa inyo ay 'di ako sasang-ayunan. X)

  • #57

    Yvanna Go (Wednesday, 02 February 2011 08:39)

    Walang masama sa pagkaroon ng inspirasyon, ngunit ang dapat asekasuhin ay ang pag-aaral, at hindi ang syota. Hindi naman masama magkaroon ng kasintahan, ngunit dapat lang alamin ang mga limitasyon, para hindi masama ang tingin ng mga magulang at ng mga guro sa mga estudyante.

  • #58

    Russell Diolata (Wednesday, 02 February 2011 09:25)

    Opinyon ko lamang -dapat lang alamin kung ano ang iyong prayoridad. Timbangin kung saan ang mas nahihigit sa dalawa at pagtuunan ng pansin ang mas higit.

  • #59

    Loise (Wednesday, 02 February 2011 09:29)

    Hindi kasalanan ang magkaroon ng "lovelife". Ngunit, dapat natin isaalang-alang ang ating edukasyon dahil ito ay para rin sa ating kinabukasan. Isang malaking tulong din ang pagkakaroon ng inspirasyon dahil mas ma-eenganyo ang mga mag-aaral kung kaya't mas tataas ang kanilang mga grado.

  • #60

    .gia. (Wednesday, 02 February 2011 09:53)

    sumasamg-ayon po ako. sa tingin ko ay hindi namin masama ang pagkakaroon ng relationships, kailangan lang talaga ay nasa lugar ang pagsasama ng dalawang taong iyon. Hindi rin dapat maging distraction ang lovelife, dahil dapat parin nating maging prayoridad ang ating pag-aaral.

  • #61

    Paul Denzil (Wednesday, 02 February 2011 15:20)

    Nice man eto, pati tama ang lahat ng sinsabi dito.
    Good job Glin, Agree ako.

  • #62

    Russell (Wednesday, 02 February 2011 15:49)

    oh yes, tama lg. dpat balanse :)

  • #63

    Christopher Tagnipez (Wednesday, 02 February 2011 18:16)

    Hindi naman masama ang pagkakaroon ng isang "commitment" sa edad natin ngayon, ngunit hindi rin ito inirerekomenda sapagkat tayo ay nag aaral at wala pang masyadong alam sa mga obligasyon ng isang "commitment". Sang ayon ako sa mga sinasabi mo Ate Glin...

  • #64

    Raelyn (Wednesday, 02 February 2011 18:48)

    Okay lang naman magkaroon ng ka-relasyon sa hayskul, basta siguraduhin na mas malaki ang oras na binibigay mo sa iyong pag-aaral, at dapat wag gawing distorbo sa pag-aaral ang iyong kasintahan.

  • #65

    Sha (Wednesday, 02 February 2011 18:52)

    okay lang naman magkaroon ng kasintahan, basta ndi napapabayaan ang pag-aaral :)

  • #66

    sanne (Wednesday, 02 February 2011 20:37)

    Hindi naman masamang magkarelasyon. Ito kasi ang nagsisilbing inspirasyon sa atin upang mag strive na maging mas mabuting tao. Sa pagiging sangkot sa isang relasyo'y nararanasan nating magkaroon ng "self worth" dahil nararanasan nating mahalin at mabigyang importansya ng nobyo/nobya natin. Para sa akin, okay lang magkarelasyon hangga't nalalaman ng magkarelasyon ang kanilang limitasyon. Ayos lang naman ipakita mo ang pagmamahal mo sa isang tao, pero let it flow in the right time and manner. ;)

    *Ate Glin, AFK pla ako kahapon kaya ngayon lang nakacomment ^^V

  • #67

    princee (Wednesday, 02 February 2011 21:10)

    tama ang sinasabi sa blog na ito. kahit ang pagbanggit na umuubos ang mga allowance ng mga lalake dahil sa mga gips ay tama. hahaha :)

  • #68

    Sophia (Wednesday, 02 February 2011 21:16)

    MALI,dahil ayon sa iba dahil dito marami ng gumagawa ng masamang gawain sa hindi tamang edad,madami din nabubuntis na,kahit menor de edad pa lamang.Siguro tama sa iba dahil kailangan nila ng inspirasyon at malamang hindi sila nag-go go beyond.:)

  • #69

    Zach (Wednesday, 02 February 2011 21:38)

    ok lang , magkaroo ng kasintahan basta wag lang kalimutan ang pag aaral

  • #70

    rafie baird (Wednesday, 02 February 2011 23:00)

    hindi naman porket in love ka napapabayaan mo na ang pag aaral. minsan pag inlove ka eto yung dahilan na gusto mo mag excel at mag succeed para sknya :*

  • #71

    XyvieGee (Wednesday, 02 February 2011 23:35)

    Hindi naman masamang magmahal at mainlove ngunit mayroong oras para sa lahat ng bagay. Sa ngayon dapat ay pag-aaral muna talaga ang ating inaatupag dahil ito ang tanging pamana sa atin ng ating mga magulang na kailan ma'y di maaagaw ng iba. Taray! =))) Pang miss-Universe??? hahaha. Hindi naman tatakbo ang "LOVE" diba. :)) Nakakaloka naman! Nakuuuuu may mga nakikita pa nga akong mga mag-aaral sa una at ikalawang taon at maging sa elementarya na nagkakaroon na ng karelasyon at para bang nilagyan na sila ng mighty bond o rugby o ano ba diyan na di man lang sila mapaghiwalay at mayroon pang mga PDA. Diba tinalo pa ko =)))))) hahaha yan lang ang masasabi ko. I THANK YOUUUU :)))

  • #72

    Crystal Navarro (Thursday, 03 February 2011 00:02)

    Hindi naman mali ang magkaroon ng kasintahan o karelasyon. Ako mismo ay may karelasyon XD. Dapat nga lang ibalanse natin ang ating mga sarili. Gaya ng sa oras. Oras para sa pagaaral, oras para sa kasintahan at oras para sa sarili. Ang maganda rin dito ay ang isang tao ay makakahugot ng inspirasyon para sa pagaaral nito. Dapat din na hindi OA ung pagmamahal mo sa isang tao dahil baka ito ay masakal, at iwan ka. Balance lang ba :))At higit sa lahat mas maganda ang relasyon kung sasang ayon din ang mga magulang sa mga ating desisyon tungkol sa pakikipagrelasyon.

  • #73

    Star Joyce (Thursday, 03 February 2011 00:06)

    Para sa akin, hindi nman masamang magkaroon ng lovelife. Pero kailangan rin natin seryosohin ang pag-aaral pra sa ating gustong pangarap. :]

  • #74

    Edward P. (Thursday, 03 February 2011 00:08)

    Ok rin naman mag karoon ng lovelife pero mas uunahin ko parin ang edukasyon dahil ang pag kakaroon ng lovelife ay nandyan lang habang ang pag aaral kailangan makamtan natin.

  • #75

    Czantana Marguerie Wong (Thursday, 03 February 2011 00:13)

    tama ang mga na bangit mo ate glin.
    pero hindi naman lahat ng estudyante ay ganyan, meron din pinapahalaga parin nila ang kanilang pag-aaral.

    tandaan, wag iwanan ang pagaaral natin kasi isa to sa pinakaimportante para sa ating kinabukasan.

  • #76

    Rafi (Thursday, 03 February 2011)

    Tama. ayos lang naman ang magkaroon ng kasintahan ngutin dapat din natin bigyan ng atensyon ang ating pag-aaral

  • #77

    bash.sahibul (Thursday, 03 February 2011 02:30)

    hindi naman masama magkaroon ng kasintahan. nakadepende lang naman yan sa estudyante e. kung marunong silang maghandle nito:D

  • #78

    Muss (Thursday, 03 February 2011 02:45)

    maaari po bang i-balanse ang pag-aaral at pagkakaroon ng relasyon? kung oo, masama po ba ito?

  • #79

    Ayeem Igasan (Thursday, 03 February 2011 02:59)

    Gaya ng sinabi ng iba, ok lang naman na magkaroon ng relasyon ang mga estudyante. Dapat lang hindi pabayaan ang pag-aaral at meron ding mga "limitations" ang mga relasyong ito. :D

  • #80

    Glinith Pauline Egos (Thursday, 03 February 2011 03:14)

    Muss, maraming salamat sa iyong komento. Maaari namang i-balanse ang pag-aaral at pagkakaroon ng relasyon. Nasa tao lang naman iyan kung kaya niyang i-balanse ang dalawang bagay na ito. Para sa akin, hindi naman po ito masama.

  • #81

    Ian (Thursday, 03 February 2011 04:29)

    Ang pagkakaroon ng relasyon sa murang edad pa lamang ay hindi problema hannggat nakakaya itong ibalanse kasabay ng pag-aaral.

  • #82

    Prince Mallari (Thursday, 03 February 2011 06:47)

    Basta nababalanse ang pagaaral pati kasintahan pati ang pamilya, ayos lng.

  • #83

    jed abarro (Thursday, 03 February 2011 08:10)

    I think it depends na lang sa tao and how a certain person balances, manages, and looks at it. As long as hindi siya pabigat and TRUE siya, maybe ok lang.

  • #84

    Mae R. (Thursday, 03 February 2011 08:21)

    Para sa akin, nasa sa tao na iyan kung papaano niya i-handle ang pagkakaroon ng relasyon sa hayskul. Mayroon mga ibang relasyon na hindi nakabubuti at meron namang nakabubuti. Tungkol naman sa gastos, dapat lang nilang magtipid sa mga bagay-bagay. Ngunit mayroon din mga pagkakataon na ang mga magulang mismo ang bumibili ng mga regalo para sa syota ng kanilang anak. :D

  • #85

    tao (Friday, 04 February 2011 04:10)

    para saken, ang pagkakaroon ng relasyon during highskul ay ayos lang, maaring tingin mo tama kung pinaprayoritize mo ang pag-aaral, ngunit mali pa din ang tingin ng mga nakakatanda dito. basta't alam mo ang limitasyon mo at mataas ang grado mo, maaring tama ito. ngunit kahit anong gawin mo sa paningin ng iba'y maaring maging mali ito

  • #86

    JJ (Friday, 04 February 2011 04:20)

    Balanse ang dapat :D

  • #87

    Jermone Muarip (Friday, 04 February 2011 07:00)

    tama lang naman ang magkarelasyon pero bilang mga bata pa, dapat alam natin ang mga limitasyon. talagang maganda ang iyong paksa, nakakarelate ito sa karamihan sa atin. :)

  • #88

    Vivenzel Carl (Friday, 04 February 2011 07:57)

    Tama! Pinapapasok tayo ng ating mga magulang sa eskuwelahan para mag-aral. Paminsan mas nakakatulong ang pagiging taken dahil mas nakakadagdag ito ng inspirasyon para mas pagbutihan natin ang ating pag-aaral.:D

  • #89

    Glinith Pauline Egos (Friday, 04 February 2011)

    Una sa lahat, gusto kong magpasalamat sa lahat ng mga komento na inyong inilagay dito. Lubos akong nagagalak dahil binasa ninyo ang aking blog entry at naglagay kayo ng inyong mga komento ukol dito. Sinasang-ayunan ko ang lahat ng mga nabanggit ninyo at nirerespeto ko ang lahat ng inyong opinyon tungkol sa paksang ito.

    Masasabi ko na sa usaping ito, maraming mga estudyante sa hayskul ang talagang makaka-relate at may kanya-kanyang mga pananaw. Tunay nga naman na ang pagkakaroon ng relasyon sa hayskul ay hindi masama. Sang-ayon ako sa sinabi ng karamihan sa inyo. Hindi naman talaga masama ang magkaroon ng kasintahan sa hayskul basta lagi lamang nating tatandaan ang mga mahahalagang bagay na ito: dapat hindi napapabayaan ang pag-aaral at hindi bumaba ang mga grado, dapat matutong ibalanse ang pag-aaral, pamilya, kasintahan at sarili, dapat hindi maging hadlang ang pagkakaroon ng relasyon sa ating pag-aaral, dapat alam natin kung paano natin i-manage ang ating oras, dapat handa tayo sa lahat ng mga pwedeng mangyari, dapat alam natin ang ating mga limitasyon sapagkat tayo ay nasa murang edad pa lamang at hindi kanais-nais na gawin rin natin ang ginagawa ng mga nakatatanda (alam na ninyo kung ano ang tinutukoy ko), dapat hindi mawala ang ating pokus sa pag-aaral at panghuli, dapat ay hindi natin itago sa ating mga magulang na tayo ay may ka-relasyon na. Lahat ng ito ay aking nakalap mula sa inyong mga komento. Para sa akin, tama ang lahat ng inyong mga binanggit.

    Nais ko ring idagdag na ang pagkakaroon ng relasyon sa hayskul ay hindi pinagbabawalan ngunit hindi rin ito inirerekomenda sa atin. Galing po ito sa komento ni Christopher Tagnipez. Sa palagay ko, hindi ito inirerekomenda sapagkat ang dapat na mas atupagin natin sa hayskul ay ang ating pag-aaral. Nasa sa tao na iyan kung kaya niyang ipagsabay ang kanyang pag-aaral at pakikipag-relasyon. Dapat lang nating tandaan na kahit na may ka-relasyon na tayo, alam pa rin natin ang ating mga responsibilidad at limitasyon.

    Huwag po tayong magmadali na magkaroon ng kasintahan. Darating rin iyan sa tamang panahon kung saan handa na ang ating puso't isipan na magmahal. Ayon nga kay Glicerio Egos, "High school ang pinakamasayang parte ng ating buhay. Nasa sa iyo yan kung gusto mo'ng maalala ang iyong high school life na puno ng pait at pighati sa isang nabigong pag-ibig."

  • #90

    Fatima Juaini (Saturday, 05 February 2011 02:51)

    Tamang tama talaga ito, Ate Glinith!
    Good Work! :D

  • #91

    raz famor (Saturday, 05 February 2011 07:13)

    ay oo nga, napansin ko rin sa ating henerasyon, siguro para na impuwensiyahan lng ang mga kabataan na maghanap ng kanilang lovelife dahil ito ang uso ngayon.. XD

  • #92

    Glinith Pauline Egos (Saturday, 05 February 2011 08:11)

    Ako'y sumasang-ayon sa'yo Raz. Karamihan sa mga kabataan ngayon ay nagkakaroon ng lovelife dahil naiimpluwensiyahan lamang sila ng kanilang mga kaibigan o hindi kaya ay sumusunod lamang sila sa kung ano ang uso sa henerasyon natin ngayon. Kaya nga bago tayo pumasok sa isang relasyon, dapat alam natin sa ating mga sarili na hindi lang tayo napipilitang gustuhin o mahalin ang isang tao. Dapat maging bukal sa ating loob ang pagkakaroon ng relasyon. Hindi tayo dapat magmadali. Marami pang oras. :)

  • #93

    Sir Marcial (Saturday, 05 February 2011 11:11)

    Checked 02/06/2011

  • #94

    NICOLE (Sunday, 20 February 2011 04:45)

    hindi pwdeng pagsabayin ang pagaaral sa pakikipagrelastyon

  • #95

    ivy (Tuesday, 22 February 2011 00:16)

    whe d nga-.. its only an inspiration... as long as you know how to handle.. you can be successful

  • #96

    Sir M (Thursday, 10 March 2011 06:49)

    47 comments validated

  • #97

    cheap nike air max uk (Thursday, 21 July 2011 22:53)

    Nice content, I trust this is a nice blog. Wish to see fresh content next time.

  • #98

    manya (Wednesday, 05 October 2011 05:26)

    lol....party party

  • #99

    crischelle anne (Saturday, 22 October 2011 05:53)

    hmmp pede naman pag sabahin ang pag aaral at pag boboyfriend may sabado at lingo naman para mag kita at mag ka tex kayu pag nasa school pag aaral muna pag nasa labas cge bf nua 13 palang ako pero diko napapabayaan pag aaral ko ..

  • #100

    Sikola (Saturday, 22 October 2011 07:48)

    Can I post your post to my wordpress blog? I’ll add a one-way link to your forum. That’s one actually nice post.

  • #101

    Lowell (Monday, 24 October 2011 03:48)

    {-String.Spintax-|-{I think|I believe|I do believe|I do think} {other|additional|some other|various other} {web site|site|internet site|web page} {owners|proprietors|entrepreneurs|masters} {should|ought to|need to|must} {take|consider|get|acquire} {this web site|this website|this site} {as an|being an|as a possible|just as one} {model|design|product|style}

  • #102

    Albert (Tuesday, 25 October 2011 01:20)

    Hi there are choosing WordPress on your site system? Iam new at all to blog globe however. Iam trying to get started and hang up my own. Also i heard about Drupal is okay. Might find my own alternative.... Educational submit, thanks.

  • #103

    Adrian (Wednesday, 26 October 2011 16:08)

    {-String.Spintax-|-{I think|I believe|I do believe|I do think} {other|additional|some other|various other} {web site|site|internet site|web page} {owners|proprietors|entrepreneurs|masters} {should|ought to|need to|must} {take|consider|get|acquire} {this web site|this website|this site} {as an|being an|as a possible|just as one} {model|design|product|style}

  • #104

    Pjotr (Thursday, 27 October 2011 10:47)

    You will find been recently following your web site for any month or two roughly and also have picked up a ton of details along with liked the process you've set up your internet site. I'm trying to operate my own extremely individual web site nevertheless. I do think it's also basic and i also must consentrate on lots of smaller matters. Staying all things to all or any men and women is just not all that their chipped approximately be.

  • #105

    Prema (Thursday, 27 October 2011 21:47)

    Hm, I’m just comfortable with this but still not entirely convinced, hence i’m going to research a touch more.

  • #106

    Rasto (Friday, 28 October 2011 05:28)

    Hey are choosing WordPress for the site program? Iam a new comer to the blog entire world but. Iam looking to get started and set up my personal. Also i found out about Drupal is ok. Might find my personal option.... Informative post, thanks.

  • #107

    Anurag (Friday, 28 October 2011 13:42)

    Fine 1 posting. Normal trouble is actually G. modify ones own mind very repeatedly.

  • #108

    Egon (Thursday, 10 November 2011 23:18)

    Hm, I’m just comfortable with this but still not entirely convinced, hence i’m going to research a touch more.

  • #109

    Robert (Thursday, 24 November 2011 16:24)

    Auto Twitter WP plugin Publish your own post to Twitter, completely from WP admin area

  • #110

    seo seznam (Monday, 23 January 2012 21:31)

    THX for info

  • #111

    Juicy Couture Outlet (Friday, 03 February 2012 03:15)

    Good article, Each and every point is good enough.Thanks for sharing with us your wisdom.

  • #112

    bertluvsgeh (Friday, 09 March 2012 21:57)

    hindi lhat nq msrap ay msrap .. kea mli ang sobrang paqmamahal s kasintahang babae/lalake .. kea ang DAPAT MHLIN NYO AY KAPAREHAS NYO NG KASARIAN PARA MASAYA

  • #113

    Roland (Tuesday, 03 April 2012 23:45)

    Nice one info, thanks

  • #114

    gladys sanchez (Thursday, 09 August 2012 06:46)

    di dapat na pagsabayin ang pag aaral at ang pagkakaroon ng syota dahil isa din ito sa nakaaapekto sa pag aaral natin dahil kapag mag aaway kayo ng syota mo parang mawala yong atensyon mo sa pag aaral,parang dun nlng yung atensyon mo sa kanya....

  • #115

    grace (Monday, 03 September 2012 06:45)

    ok lng nmn a mayroon nang kasintahan bxta ayw lng jub bya.e imung pag eskwla bxata happy ka pra u future hah

  • #116

    KATE (Monday, 24 September 2012 08:14)

    ok ra madala ranag SMILE !!!

  • #117

    vermoi (Saturday, 27 October 2012 17:24)

    tamang-tama po ang mga nakasaad sa artikulong ito... bagamat hindi maiiwasan ng ilan ang pagkakaroon ng kasintahan dapat lang ay maging matalino, at malawak ang iyong kaalaman pagdating sa ganitong sitwasyon! isang magandang bagay ito para sa mga istudyanteng nasa ganitong sitwasyon na makapag-isip ng tama!

  • #118

    sdio;j (Tuesday, 29 January 2013 18:41)

    tama din naman to kasi yung bf mo o gf mo ang nagiging inspirasyon mo sa buhay mo. mali na to kapag sumusobra na kayo sa kasweetan na hahantong sa paghingi ng distansya o "space"

  • #119

    janedae yu agua (Sunday, 17 February 2013 06:16)

    ..ndi naman sa sinsbi kung ok lang ang pumasok sa isng relasyon.. lalo na at nag-aaral pa sa hiskul.. alam namn natin na ang mga kabataan n nag-aaral sa secondarya ay nasa murang edad palamang.. dalawa lang namn ang kahihinatnan nito.. maaring mabuti or masama, nasa tao lang talaga kung paano nya eh handle ang kayang mga ggwing desisyon..

  • #120

    char-char (Monday, 04 March 2013 19:14)

    masama talaga para sa isang estudyante ang pumasok sa relasyon especially sa high school. Hindi lang naman kasi pag-aaral ang napapabayaan ganun na din sa oras para sa ating mga magulang at kapatid. Atsaka yung desire mong matuto mababawasan iyan kasi yung ibang desire dyan napupunta na sa kasintahan mo. time will come na dadating ka dyan sa status na yan.... yung hndi biruan, lokohan, payabangan, pataasan ng pride, gaya-gaya sa mga celebrity, just to be popular, dahil curius ka, kundi dahil handa ka na sa seryosong komitment.

  • #121

    Masticating Juicer (Wednesday, 10 April 2013 10:44)

    This post was in fact exactly what I had been looking for!

  • #122

    Coach Bags Outlet (Thursday, 25 April 2013 03:47)

    There was this old boy working there named Duval who had a fine Harley hog that was sure enough fast and loud and mean and chrome as a mirror and it was just about as big as he was.

  • #123

    j.m (Monday, 24 June 2013 05:09)

    ok. lang nman mag ka-bf bsta was kng magpa2baya. ok.

  • #124

    Rodel Allen, Necesario (Thursday, 18 July 2013 06:13)

    oo naranasan ko na yan ung relasyon na yan kmi ni aiza kaso ang edukasyon ay napabaya sana inuna ko muna ang pag-aaral.

  • #125

    website development company (Tuesday, 01 October 2013 00:54)

    What’s up to every one, because I am actually eager of reading this website’s post to be updated regularly. It consists of good material.

  • #126

    wency (Tuesday, 10 December 2013 07:08)

    haitx

    gawa nyo nga po aku ng story about dyan hehhe pls
    tenkks

  • #127

    Gabrielle (Sunday, 09 February 2014 05:40)

    Kung ako man ang tatanungin, mas gugustuhin ko pa ang maging single hanggang sa ako'y makatapos. Kesa sa me kasintahan nga ako eh pano nmn ung kanya kanya naming gusto kung parehas kaming hirap magbalanse sa isa't isa dba? Kaya mas mainam paring paraan para sa aming mga estudyante ang mas pagtuonan muna namin ng pansin ang aming edukasyon kesa ang makipag-relasyon. Paulit ulit ko na iyang sinasagot sa mga kaklase kong me mga bf/gf na kung bakit daw d ako 'makiuso' sa kanila na keso daw magjowa ako. Eh yun sinasagot ko nman sila na, para san pa yang paggaganyan ko kung pang disply ko lang pala yang jinowa ko dba? Tsaka d nman dn requirement sa pag-aaral ang pagiging in-a-relationship. :)

  • #128

    jam ;) (Monday, 02 June 2014 04:03)

    ok lang naman basta wag pabayaan ang pagaaral , maintain yung grades , yung iba kasi inspirasyon nila sa pag aaral , ayos lang ; pero sa panahon ngayon 11 years old palang may boyfriend / girlfiend na . pero kung ako ang tatanungin kailangan muna magtapos ng pagaaral like me NBSB . mas maganda maging single habang d kapa tapos ng pagaaral . tsaka di naman requirement ang pag bbf / gf sa pagaaral dba ! yun lang :)

  • #129

    unknown (Friday, 22 August 2014 22:34)

    tama thats all

  • #130

    alma (Saturday, 24 January 2015 22:33)

    Maganda ito dahil mauunawaan ng isang mag-aaral kung bakit mas tutok ang intention niya sa lektur,,pero need dn niya ibalanse ang sarili kung myroon siya in relationship

  • #131

    Jamie (Thursday, 29 January 2015 08:08)

    Ako ay isang 1st year high school na estudyante. Alam ko weird na gusto ko rin magka-lovelife. I know it's a part of being a teen but for me ang priority ko muna ay yung pag-aaral ko saka lang ako magka-lovelife kapag maayos na talaga at handa na akong pumasok sa isang relasyon. Sa ngayon, I'm enjoying God's love, my family's care for me, my friends support me and my ates and kuyas cheer for me. Thanks for the advice and warnings. I SALUTE! +_-

  • #132

    ericka (Thursday, 26 March 2015 09:12)

    .Kasi minsan mas maganda na rin ung magkaroon ka ng boyfriend/girlfriend lalo na pag teen ka pa at high school kc atleast may experience ka na , kung masaktan ka man ok lng atleast sa sunod hindi ka na gano masasaktan ng sobra dahil natural lang nmn sa isang relasyon ang masaktan .TAMA BA ?

  • #133

    erros (Thursday, 02 July 2015 08:09)

    kasi kpag my livelife ka ngaganahan kng pumxok kc gsto mo sya mkta sa mdling slita inspirasyon ..
    kta yn ang dilan kung bkt gsto nlang pumxok lge ktulad ko my inspirasyon ako kya gsto ko pumok lage pra mkta ko sya :D

  • #134

    jane (Saturday, 04 July 2015 04:46)

    ano ang limitasyon

  • #135

    janice platero (Monday, 13 July 2015 03:15)

    isa ako dyan .. may crush pa ako pero feeling ko bF ko na cya .. cesarcharles...

  • #136

    battalones (Sunday, 20 September 2015 21:43)

    Okay lang mag karelasyon.. it depend on how or pano mag work..

  • #137

    Obat Herbal Kista Ovarium Yang Sudah Parah (Wednesday, 27 January 2016 22:30)

    I liked the article you wrote, it is very interesting and easy to observe, we wait for the next article

  • #138

    Cara Membersihkan Rahim Pasca Keguguran (Monday, 08 February 2016 23:01)

    Articles submitted its contents provide a solution to cure diseases that are natural and effective. Thank you for the information

  • #139

    Cara Merawat Kulit Berminyak dan Kusam Secara Alami (Friday, 11 March 2016 00:35)

    information articles about cold allergy in children is very beneficial and helpful, thank you for the info gan

  • #140

    Cara Memutihkan Wajah Secara Alami dan Cepat (Tuesday, 15 March 2016 02:56)

    Skin care solutions is gorgeous and smooth with beauty supplements glucoberry. Thank you very useful information

  • #141

    Obat Tradisional Patah Tulang Retak (Thursday, 24 March 2016 02:34)

    Thanks for the information gan, who will share the article very helpful and useful to us, thank you very much

  • #142

    JCMJ2113 (Monday, 28 March 2016 06:13)

    Lovelife parang wala na sakin ang love girl ang relationship ko eh

  • #143

    Cara Mengobati Patah Tulang Belakang (Monday, 28 March 2016 20:23)

    The article you share enough to help me in searching for health-related information, thank you for the information very useful.

  • #144

    Midred mae (Thursday, 21 July 2016 01:59)

    Sa akin okie lang ang may kasintaha bsta alam ang limitisyon at alam ang mali at ang tama .

  • #145

    kirk (Tuesday, 13 September 2016 10:50)

    galing may sagot na ko sa ass. namin!!!!!!!!

  • #146

    norhana.ismael (Wednesday, 19 October 2016 14:39)

    Para.sa.akin.Ayo.KO muna.mag.boyfriend. daHil.ang.insipin.KO. muna.ay.sarili.KO. Kong. Paano. Ako.makatapus.mag.a ral.para.matolongan.KO. ang.a king. Mga.magulangAko.po.ay.nakatira.sa.langayen.pikit.cot.

  • #147

    Roselyn de mesa (Sunday, 20 November 2016 00:26)

    Para sa akin maganda rin namn po na may kasintahan ka kc may inperision ka sa lahat ng ginagawa mo pero dapat alamin kong tama ba ang gingawa mo o tama

  • #148

    oczyszczenie aury (Wednesday, 30 November 2016 18:46)

    tarantela