Tue

01

Feb

2011

SEX ED: Approve ka ba?

ni Andro Dominic A. Calimot


     Hindi na kapani-panibago ang eksena ng maagang pagbubuntis sa mga dalagang kabataan ngayon. At sa taong 2010, tumaas sa 1,305 ang mga panibagong kaso ng HIV/AIDS sa bansa, kumpara sa taong 2009 na may bilang na 835. Ito ay marahil sa imfluwensya ng pag-usad ng teknolohiya, dahil namulat na ang kabataan sa mga di-kanaisnais na bagay sa mundo. Isa na rito ang pornograpiya, na madalas nakukuha mula sa Internet o sa mga panlalaking magasin tulad ng Playboy, FHM, at iba pa. Hindi na maiiwasan ang paglago ng teknolohiya, ngunit maaari pa nating makontrol ang nakasisirang bunga nito.


      Saan nga ba nagsisimula ang lahat ng ito? Bagamat maaaring naimfluwensyahan ang kabataan ng mga tampok na pangmatandang palabas sa telebisyon (isang halimbawa ang ‘Rubi’ ng ABS-CBN) sa kanilang mga tahanan, hinding-hindi maitatanggi na madalas namumulat ang isip ng kabataan sa mga ganitong bagay sa kanilang mga paaralan. Marahil ay madalas itong nababanggit ng kanilang mga kaklase, o kaya nama’y hindi nila sinasadyang nadaanan ito sa mga Internet sites.


        Aminin na natin na lahat naman ng kabataan sa hayskul ay nakararanas ng kuryusidad sa kanilang pangangatawan at sa mga pagbabago sa kanilang mga sarili. Maaaring nararanasan nila ang raging hormones at puberty. Kaya nama’y lubos na iminumungkahi ang pagpapatupad ng sex education sa mga paaralan ng ating bansa. Ngunit bago ang lahat, ano nga ba ang sex education?


      Ang sex education, ayon kay Mona Valisno (2010), sekretarya ng Departamento ng Edukasyon, ay tumatalakay sa iba’t ibang paksa na may kinalaman sa pagtatalik.


       “The scheme covers topics such as reproductive systems and cycles, hygiene, pre-marital sex, teenage pregnancy and sexually transmitted diseases,” ani Valisno. Ito ay masusing pinag-aralan ng mga dalubhasang propesor at sikologo. Ayon rin sa kanila, panay na siyentipiko at nakapagtuturo lamang ang sex education. Wala itong anumang hangarin na kilitiin ang malalaswang hangarin ninuman.

     

       Gayunman, madiing ikinokondena ng Simbahang Katoliko ang pagpapatupad rito. “Sex education in schools is not the answer to our population problem and poverty.” (Manalang, 2010). Ito raw ay nakasisira lamang sa pagtataguyod ng mahahalagang aralin at asal sa mga eskwelahan, lalo na sa mga Katolikong institusyon. Ito lamang ay nagpapalala ng sitwasyon natin sa Pilipinas.


       Kung ikaw ang tatanungin, sasang-ayon ka ba sa panukalang ito?

 

      Para sa akin, kailangan nang ipatupad ang panukalang ito bago pa mahuli ang lahat. Tulad ng nabanggit, hangad lang naman ng sex education na matulungan ang kabataang gumawa ng mga responsableng desisyon. Wala naman itong balak na turuan tayong magsuot ng condom o anuman. Wala rin itong balak na himukin tayo upang makipagtalik o madawit sa mga sekswal na bagay. Sa halip, ito ay nagsisilbing gabay sa ating mga menor na edad habang tayo ay nakararanas ng paninibago sa ating sekswalidad. Bilang isang Heswitang paaralan, ang Ateneo ay maaari pang magdagdag ng mga alituntunin sa abstinensya at  kadalisayan ng bawat mag-aaral nito.

 

      Bilang isang mag-aaral ng Ateneo na isang institusyong Katoliko sa Pilipinas, tatanggapin mo ba ang pagpapatupad ng sex education sa hayskul? Ano ba ang mga mabuting maidudulot nito? Ano naman ang mga masasamang bunga nito?

 

---


Sanggunian:


Valisno, M. (2010, June).Sex education debate heats up in Philippines. Retrieved January 30, 2011, from, http://www.abs-cbnnews.com/lifestyle/06/22/10/sex-education-debate-heats-philippines

 

Manalang, E. (2010, June) Sex education debate heats up in Philippines. Retrieved January 30, 2011, from, http://www.abs-cbnnews.com/lifestyle/06/22/10/sex-education-debate-heats-philippines

 

Write a comment

Comments: 114
  • #1

    enimzar romaf (Tuesday, 01 February 2011 11:14)

    sa tingin ko, sang ayon ako sa sex education sa hayskul, hindi para malaman kung paano ito gawin ngunit para lumawak pa ang aming kaisipan tungkol dito..

  • #2

    G Francis Rodolfo M Marcial Jr (Guro) (Tuesday, 01 February 2011 23:16)

    Checked! 2/2/2011

  • #3

    Amielle Barre (Student) (Wednesday, 02 February 2011 05:07)

    Sa aking opinyon, hindi naman makakasama ang 'sex education' sa paaralan. At least, may matutunan din ung mga green minded sa school.

  • #4

    Ecko M (Wednesday, 02 February 2011 05:12)

    Sang ayon ako sa sex education sa hayskul, isa itong malaking tulong para sa mga estudyante para malaman nila ang mga "Postive and Negative effects of sex education". Kasi karamihan sa mga estudyante ay walang alam tungkol sa tunay na kahulugan ng 'sex'. para sa kanila ito ay para lang magEnjoy, lust o seduction. Kaya dapay maApprove talaga ang sex education para MAS lumawak pa ang kaalaman o kaisipan nila sa salit na 'sex'. :)

  • #5

    Angelo (Wednesday, 02 February 2011 05:12)

    Tama po ang sinabi nyo, dapat na ipatupad ang sex ed sa mga paaralan natin sa Pilipinas para rin hnde maging ignorante ang mga kabataan ngayon tungkol sa isyu na ito.

  • #6

    mary joy dumafpi (Wednesday, 02 February 2011 05:19)

    sang-ayon ako sa panukalang ito. importante ang sex education para malaman nila kung gaano o kahirap ang magbuo ng isang pamilya lalo na kung isa ka pang menorde edad..

  • #7

    Eslin Hanael U. Cabato (Wednesday, 02 February 2011 05:20)

    Sa aking opinyon, ito'y kailangang isama sa ating kurikulum sa hayskul. Talagang magiging mahalaga ito para sa lahat ng estudyante upang kanilang malaman ang mga dapat at ang mga hindi nararapat. Dahil hayskul na ang mga estudyante, ay kailangan na silang ihanda sa kanilang pagpunta sa 'adulthood'. Habang sila'y lumalaki ay nagkakaroon sila ng tamang pag-iisip sa ganitong gawain at mas malalaman nila ang tama. Habang may panahon pa ay subukan na nating lahat matuto upang magawa natin ang tama sa hinaharap.

  • #8

    Abegail Patalinghug (Wednesday, 02 February 2011 05:21)

    sumasanga-ayon ako sa sex education, pero dpat ituro ito sa nasa tamang edad na.

  • #9

    bryan reyes (Wednesday, 02 February 2011 05:21)

    ahh... ganun pla, tama ang sinabi mo po

  • #10

    dane. (Wednesday, 02 February 2011 05:38)

    inilahad ang blog na ito ang tungkol sa sex ed at ang mga sang-ayon at laban nito, nagbigay naman ng maganda and balanceng informasyon ang blog. at na"defend" naman niya ang opinyon niya tungkol sa sex ed at kung bakit siya sang ayon rito. Para sa akin, neutral ako sa issue na ito

  • #11

    Gio Nortiga (Wednesday, 02 February 2011 05:43)

    Dapat lang talaga na ituro sa atin ang SexEd sa tamang edad upang ito ay maunawaan nating mabuti. :)

  • #12

    Private (Wednesday, 02 February 2011 05:43)

    Nararapat lamang na magkaroon ng sex-ed upang mapalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral tungkol dito. Ang sex-ed ay nagsisilbing gabay upang maintindihan ng mga mag-aaral ang mga bagay-bagay na hindi kayang maipaliwanag ng kanilang magulang. Ito rin ay nakatutulong upang maipaunawa sa kabataan na ito'y hindi isang moral na gawain.

  • #13

    Juvi Serag (Wednesday, 02 February 2011 05:47)

    ako po ay sumasang-ayon sa sex education na dapat ituro sa mga mag-aaral ng hayskul dahil nakakatulong ito para malaman nila kung ano ang tama at mali tungkol sa sex education.

  • #14

    Kristin Gail. (Wednesday, 02 February 2011 05:48)

    Sang ayon ako sa iyong artikulo dahil dapat matutunan ng mga kabtaan ngayon ang Sex Education dahil sa parami na ng parami ang mga nabubuntis na dalaga ngayon.

  • #15

    Bianca Knüttel (Wednesday, 02 February 2011 05:48)

    sumasang-ayon ako sa sex education para naman maiwasan ang maagang pagbubuntis ng mga babae at para naman malaman natin kung anu ang mangyayari sa ganoong sitwasyon.

  • #16

    hermie (Wednesday, 02 February 2011 05:55)

    hindi ako sang-ayon na magkaroon ng sex education. oo, mapapalawak ng sex education ang kaalaman ng mga estudyante. hindi "applicable" ang sex education sa ating bansa, sapagkat pwede itong ma-misinterpret ng mga kabataan, at ma-a-arouse pa lalo ang kanilang curiousity na subukan ito dahil iisipin nilang sapat ang kanilang kaalaman dahil sa sex education, mas magandang ipaubaya natin sa mga magulang ang pagsasabi ng tungkol sa mga bagay na tulad nito.

  • #17

    Feya T. (Wednesday, 02 February 2011 06:00)

    sang-ayon ako dito dahil tinuturuan tayong mga kabataan maging responsable ukol sa isyu na ito.

  • #18

    Karlo Rodriguez (Wednesday, 02 February 2011 06:01)

    Sang ayon ako sa sagot mo. Kailangan nga natin ng sex ed para sa mga studyante ng hayskul. Para malaman nila ang mga posibleng mangyari kung may plano silang mag sex.

  • #19

    jessa aquino C: (Wednesday, 02 February 2011 06:02)

    satingin ko, sang ayon ako sa Sex Education para sa mga kabataan na nasa tamang edad. ito ay para mapalawak ang mga isip ng kabataan sa mga ganitong bagay at para matutunan nilang gumawa ng responsableng desisyon sa kung anong tama at mali. C:

  • #20

    Margaux de la Paz (Wednesday, 02 February 2011 06:02)

    I think sex education should be taught in high school. We need to be open-minded. We need to get rid of the idiotic notion that "Oh no! Don' teach the children about sex! They're innocent and delicate and they can't possibly comprehend the gravity of the knowledge on sexual intercourse!"... well, that is W-R-O-N-G! What happens when you avoid circumstances or events from happening? They eventually happen! Avoiding things will only make the duration of its actuality to happen happen faster. So if parents avoid disclosing information about sex towards their children the chances of their curiosity about it boosts up a notch or goes higher. They tend to become more curious and it will lead to the desire to find out about it. So they ask they peers which isn't really a good idea as, as warm and accepting as they are, not many of them have prior knowledge about this. Another thing they can do to learn about sex is committing the act. They will do it. The Philippines is rampant with teenage mothers and guess whose fault that is that makes most of them in that condition? Nope, it isn't theirs it's curiosity's fault! And who fueled curiosity? Those who avoided the topic on sex. It is better to have knowledge on this issue not for the sake of doing it but for the sake of being aware. Sex education promotes awareness. It is better to be aware than to be out there with the burning desire to do it. Would you want to be a teenage mother or a teenage father? Would you?

  • #21

    candiceinsydney (Wednesday, 02 February 2011 06:07)

    Sa pagkakaalam ko, matagal ng may sex education sa high school. Dalawampung taong nakakaraan na nung ako'y nasa high school at naaalala ko na itinuro ito ng guro ko sa Biology. Magaling at maayos ang pagpapaliwanag niya sa mga temang sensitibo. Maliban sa mga mangilan-ngilan na hagikhik ng mga kaklase kung kalalakihan, walang naging problema sa pagtanggap ng mga paksang iyon at marami pa kaming natutunan. Kaya OO, SANG-AYON AKO sa pagpapatuloy (kung ito'y nawala man) ng pagtuturo ng sex education sa high school.

  • #22

    Lorence Lozada (Wednesday, 02 February 2011 06:12)

    I think it could be better to teach us the sex education in high school.. For we will know how it can affect our lives.. So that we will be also aware of sex education cause we can see that many mothers are at their young age now.. We can prevent it by knowing what we must do in order to prevent it to happen to us with the help of the sex education..(:

  • #23

    Ella Galea (Wednesday, 02 February 2011 06:16)

    Naniniwala akong importante nga na ipatupad ang sex education upang mamulat ang mga isipan ng mga kabataan sa nasabing paksa. Dapat nga itong ipatupad; ngunit sa tamang panahon kung saan ay mauunawaan ito ng husto ng mga kabataan.

  • #24

    Fahad Salahuddin (Wednesday, 02 February 2011 06:22)

    kailangan na talaga itong ipatupad. nagiging ignorante na ang mga kabaataan sa salitang 'sex' at iniisip na ito ay nakakadiri. hindi naman sa ganon'. kaya ako, sumasang-ayon ako sa iyo. sana ito ay maging hakbang sa pagpapanukala ng sex-ed para sa pormalidad ng lahat.

  • #25

    Geli (Wednesday, 02 February 2011)

    Sang-ayon ako sa sex education. Gaya nga ng sabi Mona Valisno, ang sakop ng sex education ay ang ating reproductive systems at cycles, ang ating hygiene, ang epekto ng pre-marital sex, ang maagang pagbubuntis, at ang mga sakit na maari mong makuha sa pagtalik. Ito ay talagang makatutulong sa atin, lalo na sa mga teenagers, na magkaroon ng kaalaman tungkol sa ating mga katawan nang sa gayon, atin itong maalagaan ng mabuti. Wala din naman itong masamang hangarin. nagpropromote lang naman ito ng sexual awareness, na sa paniniwala ko, ay talagang kailangan natin.

  • #26

    Ganni (Wednesday, 02 February 2011 06:24)

    I like the way ideas are presented here, the way you build the issues in the mind of the readers before taking a stand, but if this is really an opinion based essay about a certain topic, you should take into consideration how people will react towards the other end, make sure you try to convince and set parameters with your stand to make it clear to the reader what this is all about.

    Other than technicality, I like the whole thing, simple, straight to the point and I as a reader can pick up some new ideas from this post, so its a good thing given that your topic is already a cliche in academe writing.

    Personally, I would like to agree with sex education being implemented here in the Philippines, first because we can't totally eradicate the influence of media on the way our mind runs because of course media plays a vital role in our community, taking into consideration that everything has its pros and cons, media stirs up the curiosity in the minds of children, and because of this, sex education will compensate and its much better at least we wont like in a world of illusion because sooner or later these children will still learn about these things. But still it SHOULD NOT stop there, sex education is useless unless we all step up and do something about the issue, theories are useless without real application of the lesson learned in sex education.

  • #27

    Mr. M (Wednesday, 02 February 2011 06:25)

    Dapat may sex education tayo para di maignorante ang mga kabataan ngaun. about sa SEX.

  • #28

    Liezel (Wednesday, 02 February 2011 06:29)

    Kailangan ng mga kabataang malaman ang mga naidudulot ng mga bagay na 'to at dapat ay maigi nila itong maintindihan upang hindi ito mabigyan ng ibang kahulugan.

  • #29

    Mae V. (Wednesday, 02 February 2011 06:29)

    Sumasangayon ako sa sex education ngunit dapat lang itong ituro sa mga estudyanteng kayang intindihin ang mga bagay na 'to at hindi bigyan ng malisya. Sa tingin ko, hindi nararapat na ituro ang SexEd sa mga mag-aaral sa hayskul dahil karamihan sa atin ay maraming maling iniisip kapag nakakarinig ng "sex".

  • #30

    Jazmin Grace Genito (Wednesday, 02 February 2011 06:35)

    Sa aking tingin pag sinabing sex ed, ang mga studyente ay biglang maghahalak hakan, pro and sex ed ay nakakatulong para sa mga hayskul students

  • #31

    Kae Paut (Wednesday, 02 February 2011 06:36)

    sang-ayon ako sayo. Upang maging aware tayo kung ano ang maiidulot nito sa ating mga kabataan.

  • #32

    Ybbor Oiprac (Wednesday, 02 February 2011 06:40)

    Tama nga naman. I mean, why not diba? Para naman mas maa-aware tayong mga kabataan sa mga masamang resulta na makukuha natin when we engage ourselves to early sex. Nakikita naman natin na nagkakandahirap ang mga iba, diba? Kaya dapat habang maaga, kaylangan na itong malaman, matutunan, at maiintindihan. The more we know, the more careful we are on what choice to make - "To sex? Or not to sex?" That is the question.

  • #33

    Kio Yamamoto (Wednesday, 02 February 2011 06:41)

    Sang ayon ako. Ngunit may mga advantages at disadvantages ang pagturo ng sex education, lalo na ngayon, masyadong green minded ang mga kabataan. Sana rin ay maituro ito ng maayos at ma explain ng mabuti para hindi magkaroon ng malisya. Pwede rin itong makatulong para maiwasan ang maagang pagbubuntis ng mga kababaihan.

  • #34

    Jessah Daymiel (Wednesday, 02 February 2011 06:43)

    Tama lahat ng mga sinabi mo, spagkat karapat dapat lamang na magabayan ang mga estudyante tungkol sa paksa na ito. Bagamat ang mga kabataan ngayon ang madalas na nabibiktima ng maling pagkagabay tungkol dito :P

  • #35

    Regine Cabato (Wednesday, 02 February 2011 06:43)

    Sumasang-ayon ako sa iyong punto ng paningin. It's actually pretty needed with evolving society -- it's not anything malicious naman. The execution of sex ed and the implementation of these ideas should be monitored though.

  • #36

    Aaliyah Fernandez (Wednesday, 02 February 2011 06:50)

    Bilang isang mag aaral sang ayon ako na dapat turuan ang mga estudyante tungkol sa sex education para maturuan ang mga estudyante kung ano ba tlga ito. Lahat nmn cguro ng estudyante ngayon ay alam kung ano ang sex, kung kaya dapat na lang tayong turuan kug kailan ito gawin.Para maiwasan ang pagbubuntis ng maaga at ng pagkakaroon ng sakit.

  • #37

    Trizhia Matutinao (Wednesday, 02 February 2011 07:03)

    Sa tingin ko'y ang pagkakaroon ng sex education ay hindi naman makapagpapalala sa sitwasyon ng Pilipinas. Para sa akin, maaaring magkaroon ng konting posibilidad na maghatid ito ng masamang epekto sa mga kabataan. Maaaring gamit ang kanilang matutunan dito ay mahimok lamang silang makipagtalik. Subalit, depende na ito kung paano ito naintindihan ng isang tao. Naniniwala akong, mas malaking posibilidad na maghahatid ito ng mabuting epekto. MAs mabuting matutunan ng mga kabataan ang mga bagay-bagay patungkol sa pagtatalik upang malaman nila ang magiging epekto ng pagtatalik sa labas ng sakramentong matrimony. Malalaman nila kung ano ang kahahantungan ng kanilang buhay kung sakaling gawin nila ito. Naniniwala akong magsisilbi itong gabay sa ating lahat.

  • #38

    Ian Calzada (Wednesday, 02 February 2011 07:05)

    Ang pagkakaroom ng sex-ed sa eskwelahan ay hindi dapat pagtawanan dahil ito ay isang seryosong bagay.masasabi man natin na imoral ito, ngunit dapat na nating maging praktikal at gumawa ng hakbang upang lutasin ang mga problema sa ating bansa ngayon lalong lalo na ang early pregnancy na sa kalaunan ay rumeresulta sa overpopulation.Hindi lamang ito dapat abusuhin at gamitin para sa ikabubuti ng lahat.

  • #39

    Andro Dominic A. Calimot (Wednesday, 02 February 2011 07:13)

    Maraming salamat sa lahat ng inyong mga kumento at tugon. Lahat ay makabuluhan at naiintindihan ko na rin kung bakit may mga tao ring hindi sang-ayon sa pagpapatupad nito.
    Sana ay magpatuloy ang diskusyon natin sa paksang ito.

  • #40

    Inna Kindica (Wednesday, 02 February 2011 07:21)

    Kakulangan sa kaalaman ay isa sa mga dahilan kung bakit dumarami na ang mga kababaihang nabubuntis sa murang edad. Sang-ayon ako sa iyo na dapat lang ipatupad ang pagtuturo ng Sex Ed sa mga hayskul. Para naman mamulat ang mga mata ng mga estudyante sa mga masasamang maidudulot ng sex.

  • #41

    John Serag (Wednesday, 02 February 2011 07:34)

    Sang-ayon ako sa sex education sapagkat makakatulong ito sa pagbibigay ng kaalaman at kamalayan sa mga mag-aaral sa hayskul. Siguro, huwag lamang ito ipatupad sa mga mag-aaral na sa murang edad tulad na lamang sa mga preparatory at grade school. Tama ka na dapat ito ipatupad dahil sa lumalalang kaso sa ating lipunan na maaaring malutas sa paraan ng makabuluhang diskusyon sa sex education.

  • #42

    Sirach John Lacson (Wednesday, 02 February 2011 07:49)

    Sumasang-ayon ako sa iyo kaibigan. Mas mapapabuti sa atin ang magkaroon ng SEX ED para mag enjoy!!! :))))

    Wag matakot gumawa ng milagro!!! :))

  • #43

    M.M.T (Wednesday, 02 February 2011 07:53)

    Sang ayon ako sa sex education sa hayskul dahil habang tumatanda tayo, may iba na kaunti lang ang kaalaman sa mga ganoong bagay. Di iniisip kung anu ang mga posibilidad na mangyayari. Marami rin sa mga bata na wala pa sa tamang edad ay may alam na sa mga pornographic sites. Inosente lang sila. Baka sa sobra nilang curious, paglaki nila kahit wala pa sa tamang edad ay makapagbuntis na. Maslalo na sa mga publikong eskwelahan dapat turuin ang sex education.

  • #44

    Patrick (Wednesday, 02 February 2011 08:13)

    Sang-ayon ako dito upang malaman natin ang mga masamang resulta na naidudulot nito.

  • #45

    Aizel (Wednesday, 02 February 2011 08:24)

    I like your topic! I did a paper on this, i was on the other side though. I do not think sex education would be helpful. Kasi baka matulad lang tayo sa US, they have sex education pero they still have the highest number of unwanted and teenage pregancy (that's a fact). Well, you might say na baka hindi naman tayo matulad sa US. However, unlike US, we do not have the luxury of time and money to spend on sex education. Better leave it to the family and the Church. You might say it is proven ineffective, pero siguro now's the time for Filipinos to rule over themselves, this issue roots back to self control lang naman. Also, sex education, for me, promotes promiscuity at a young age, and i do not think it is positive.

  • #46

    K Dean B (Wednesday, 02 February 2011 08:28)

    Ang pagtutupad ng Sex Education sa ating mga paaralan, ay isang napaka-sensitibong bagay. Para sa akin, kailangan parin itong magsimula sa kani-kanilang mga Tahanan, bagamat napaka "awkward" man kung inyong sabihin ngunit nasa kamay parin ng mga Magulang kung paano ito ituturo sa kanilang mga anak. Dahil, mas may kapangyarihan ang mga Magulang kaysa sa mga Guro. Ngunit, ang paaralan ay isa sa pnikaepektibong pamamaraan upang maging bukas tayo sa usapang "Sex". Aminin man natin na lahat tayo ay nagigising kapag ito na ang ating pinaguusapan. Ngunit, laging tandaan na ang Guro ay may malaking responsibilidad sa pagtuturo ng Sex Education. Nasa kamay ng Guro kung paano niya ito maitatalakay NANG HINDI KATAWA-TAWA o "DELOKO", dapat sa isang SERYOSO at MAINGAT na pagtatalakay o diskusyon sa loob ng kanyang klase. Pero, higit sa lahat nasa ESTUDYANTE parin ang responsibilidad kung papaano niya ito maiintindihan, galing man sa kanyang Magulang o Guro. Tayong mga estudayante parin ang may responsibilidad sa ating mga sarili.

  • #47

    Sha Isnani (Wednesday, 02 February 2011)

    Sang ayon ako sa SexEd. Ito ay maaaring makakatulong sa atin at magagamit ito upang lumawak ang ating kaisipan tungkol sa mga ganitong bagay. Wala namang masama dun.

  • #48

    Yra Saavedra (Wednesday, 02 February 2011 09:10)

    sang ayon ako sa sex education kaya lamang naniniwala akong kailangan munang suriin ng mga eksperto kung sa anong taon nga ba ng hayskul dapat ipatupad ang programang ito. maaaring may mga estudyanteng hindi pa handa sa mga bagay na ito sapagkat bata pa, kaya pagtatawanan lamang nila ito at hindi seseryosohin.

  • #49

    Andro Dominic A. Calimot (Wednesday, 02 February 2011 09:17)

    @ Aizel : May punto ka. Sa bagay, magkaibang-magkaiba ang kultura ng US at ng Pilipinas, kaya hindi agad-agad masasabing direktang makaaapekto ang sex ed sa kabataang Pinoy. Depende na talaga siguro yan sa tao, kung papaano niya tatanggapin ang sex ed.

  • #50

    Andro Dominic A. Calimot (Wednesday, 02 February 2011 09:22)

    @ K Dean B: Oo nga naman. Talagang ang ating mga magulang ang una nating mga guro, ngunit dahil nga sa "awkwardness" ay hindi napapag-usapan ang sex ng malaya. Dito pumapasok ang pagpapanukala ng sex ed sa hayskul, upang lubos na magabayan ang mga kabataan sa mga pasikot-sikot ng mundo. At tama, kahit baliktarin mo pa ang mundo, ikaw pa rin ang magdedesisyon para sa sarili mo, at ikaw ay responsable sa lahat ng iyong mga desisyon.

  • #51

    .gia. (Wednesday, 02 February 2011 09:50)

    sang-ayon ako sa sex-ed ngunit dapat ay may mga limitasyon rin ang pagtuturo nito. ang sex-ed ay isa naring pinto upang mabuksan ang mga isipan ng mga kabataan at upang maiwasan ang mga problema tulad ng "unwanted pregnancies" dahil sa kakulangan sa kaalaman tungkol sa mga bagay na ito.

  • #52

    Christian Egos (Wednesday, 02 February 2011 10:24)

    Tamang maituro ang sex ed upang maituro ang mga posibilidad sa paggawa nito at kung paano maiwasan ang mga posibleng mangyari sa pagitan ng lalaki at babae.

  • #53

    Keesh :) (Wednesday, 02 February 2011 10:38)

    Tama ngang dapat ituro ang SEX-ED.. Para ang mga kabataan ay maging 'aware' sa mga ganoon. :DDDD

  • #54

    Jamie (Wednesday, 02 February 2011 22:44)

    sumasang-ayon ako. dpat na maituro ang sexEd, para mas mabgyan tayo na linaw kung ano ba ung mga positibo at mga negatibong epekto nito sa ating mga sarili.

  • #55

    Angelique Miranda (Thursday, 03 February 2011 02:45)

    SexEd? Sumasang-ayon ako. Dapat ito ituro sa TAMANG EDAD para maging 'aware' tayo sa magiging epekto nito sa ating buhay. Hindi rin naman ito isang kalokohan na pinagtatawanan lang ng lahat 'pag naririnig, nababanggit o napapag-usapan lalo na ng mga kabataan. Ito ay isang seryosong usapan na may dapat ay pinag-uusapan din ng may kaseryosohan.

  • #56

    Joy Bernardo XD (Thursday, 03 February 2011 02:46)

    Well, yes i totally agree that Sex Ed should be taught in schools. Though i guess Sex Ed should be taught in a manner where students won't get too curious about it. Because we all know sometimes students can get the wrong message at times and they might actually do those immoral acts. I agree with the others who commented here. Sex Ed should be taught to students at the right age. Students in the High school should be the ones prioritized when teaching Sex Ed. :D

  • #57

    Joshua (Thursday, 03 February 2011 02:52)

    Opo, Sumasang-ayon po ako. Dapat ituro ang sexEd para malaman ng mga karamihan ang tungkol sa sex.

  • #58

    Trisha :D (Thursday, 03 February 2011 03:02)

    Sangayon ako tungkol sa sex-ed, upang malaman natin ang mga masamang ipekto nito. At saka, mabuti na rin to para maiwasan na ang pagbubuntis ng mga dalagang babae ng maaga.

  • #59

    Chai Genaldo (Thursday, 03 February 2011)

    Suma-sangayon ako sa pagpapatupag ng sex education sa high school. Nakakatulong ito lalo na sa mga kabataan ngayon.

  • #60

    Kharnelle Eyrand Sade K. Lim (Thursday, 03 February 2011 04:03)

    Sang-ayon ako sayo Kuya Dro. Sa aking opinyon ay dapat na maituro sa hayskul ang sexEd. Upang tayo ay maliwanagan na mali ang pagtatalik sa murang edad, sapagkat sa panahon ngayon ay marami na ang nabubuntis edad 13 pataas. At ito'y nakakabahala na dahil kung ating iisipin, sa edad na 13 ay may

  • #61

    Kharnelle Eyrand Sade K. Lim (Thursday, 03 February 2011 04:04)

    nabubuntis na, anu nlng kaya yung mas nakakatanda diba? Kaya dapat ituro ang sexEd. Wala naman itong masamang hangad diba? Nakakatulong pa nga ito sa atin.

  • #62

    Andro Dominic A. Calimot (Thursday, 03 February 2011 06:20)

    @Kharnelle : tama ka riyan! Sa maniwala ka man o hindi, may narinig nga akong edad 13 pababa na nabubuntis. Walang taong exempted rito, mapa-bata o matanda. :)

  • #63

    Anna Apa (Thursday, 03 February 2011 06:29)

    Tama, sang-ayon ako sa pagpapatupad ng Sex Education. Upang mabigyan ng sapat na kaalaman at tamang gabay ang mga kabataan ngayon. Sa pamamagitan nito, malalaman ng mga estudyante ang mga masasamang bagay na naidudulot ng pre-marital sex. Makakatulong din ito sa pagbabawas sa bilang nga mga teenage mothers dito sa ating bansa. :D

  • #64

    Andro Dominic A. Calimot (Thursday, 03 February 2011 08:37)

    @ M.M.T.: Oo nga, tama ka riyan. Nararapat na mas ituro ito sa mga pampublikong paaralan dahil hindi sila masyadong nagagabayan at kailangan nila ito. Ngunit hindi naman ibig sabihin na exempted ang private schools.

  • #65

    Mike De Leon (Thursday, 03 February 2011 08:40)

    Oo, ako ay sa pabor ng sex edukasyon. Mga Tinedyer sa panahong ito ay dapat malaman tungkol sa mga mahalagang aralin sa sex.

  • #66

    J :) (Thursday, 03 February 2011 09:07)

    "Bilang isang mag-aaral ng Ateneo na isang institusyong Katoliko sa Pilipinas, tatanggapin mo ba ang pagpapatupad ng sex education sa hayskul? Ano ba ang mga mabuting maidudulot nito? Ano naman ang mga masasamang bunga nito?"

    bilang isang mag-aaral ng Ateneo, a Catholic School in the Philippines [Oo, inEnglish ko. Sosyal ako e. :)) Joke.], sumasang-ayon ako sa Sex-Ed sa high school. Para naman mabawas-bawasan ang mga nabubuntis. Saka para mabigyan sila ng sapat na kaalaman sa maaaring madulot if ever tey get pregnant. Para naman maging aware sila sa mga bagay-bagay.

  • #67

    Julie (Thursday, 03 February 2011 09:50)

    kung ako ang tatanungin, hati ang aking opinyon kung dapat ngang ipatupad and sex ed o hindi. kung ating iisipin, mainam kung ipapatupad ito dahil mas mauunawaan ng mga kabataan ang ibig sabihin ng sex at ang katumbas na peligro pag ito ay ginawa; mas mauunawaan nila ang consequences kung ito ay kanilang gagawin, lalong-lalo na kapag sila ay bata pa. sa kabilang banda, kapag ipinatupad ang sex ed ay mabubuksan ang mga murang isip ng kabataan sa sexwalidad. kahit na ito ay hindi naglalayong magbigay ng malalaswang ideya sa isip ng kabataan, hindi parin maiisawan na maging curious sila at mas mag nais alamin kung ano ang seks.

  • #68

    Andro Dominic A. Calimot (Thursday, 03 February 2011 11:42)

    @ Julie: Tama ka diyan, masyado ngang "risqué" ang sex education. Normal lang naman siguro ang pagiging-curious ng mga teenagers sa ganitong mga bagay. Kaya habang mas-maaga ay mabigyan na sila ng tama at sapat na kaalaman ukol sa sex. :)

  • #69

    Jam Camille Quintanes (Thursday, 03 February 2011 23:16)

    When you teach kids SexEd, hindi maiiwasan na lalo silang maging curious. That's a given. Why not linger on teaching them about sex abstinence? In this way, kahit na aware na sila about the current concept of sex,they would still find it beneficial not to engage in sex due its repercussions that could practically ruin their life. Kudos!

  • #70

    Andro Dominic A. Calimot (Friday, 04 February 2011 03:00)

    @ Jam: Well, sex abstinence nga ang dapat ituro sa mga Catholic schools, lalo na sa Ateneo, sapagkat di lang awareness ang naituturo ngunit pati abstinence at ang pagka-sagrado ng Sacrament of Matrimony. :)

  • #71

    Sir Marcial (Monday, 14 February 2011 20:17)

    45 comments validated 02/15/2011

  • #72

    Ramington (Monday, 13 June 2011 00:01)

    Has anyone tried to get your new date to get tested for stds with instant home use std test kits? I've seen them for sale on a few sites, such as std-test-kits.com

  • #73

    Zenata (Tuesday, 14 June 2011 21:59)

    I just found out that there is an oral hiv test you can buy online. Do you think it would be safe to go bareback after testing your girl? I'm seeing the oraquick test available at std-test-kits.com

  • #74

    Ayun (Monday, 20 June 2011 01:28)

    I've ordered std tests online also, but from home-bio-test.com

  • #75

    brandon (Sunday, 09 October 2011 01:56)

    i didn't agree with that..dpat ituro ang sex education sa 3rd at 4th year high school students dahil dito nahuhubog ang kanilang sekswal na pag-iisip.normal na sa mga edad na ito ang pag-usapan ang sex education.

  • #76

    Jozef (Saturday, 22 October 2011 14:34)

    There are recently been following your weblog for any thirty day period possibly even and still have grabbed a huge amount of info and adored the method you have structured your internet site. I'm trying to run my own really personal web site even so. I do think its too basic i should consentrate on quite a lot of smaller sized subject areas. Becoming things to all individuals isn't everything their broke approximately end up being.

  • #77

    Luki (Sunday, 23 October 2011 10:35)

    Hm, I’m just comfortable with this but still not entirely convinced, hence i’m going to research a touch more.

  • #78

    Misa-Kaja (Tuesday, 25 October 2011 20:00)

    Can I post your post to my wordpress blog? I’ll add a one-way link to your forum. That’s one actually nice post.

  • #79

    Dino (Wednesday, 26 October 2011 03:23)

    {-String.Spintax-|-{I think|I believe|I do believe|I do think} {other|additional|some other|various other} {web site|site|internet site|web page} {owners|proprietors|entrepreneurs|masters} {should|ought to|need to|must} {take|consider|get|acquire} {this web site|this website|this site} {as an|being an|as a possible|just as one} {model|design|product|style}

  • #80

    Otas (Wednesday, 26 October 2011 15:02)

    There are been following on from the weblog for the month roughly and have picked up a lot of info as well as loved the process that you've structured your internet site. I am attempting to operate my really personalized blog site however. I believe it's too standard and i also should consentrate on a great deal of more compact subjects. Being as much as possible to all or any folks is not everything that it's cracked as much as be.

  • #81

    Jachym (Wednesday, 26 October 2011 15:20)

    Nice one publish. Typical downside can be G. transform ones own mind very often.

  • #82

    Blahoslav (Thursday, 27 October 2011 04:40)

    Fine one article. Basic downside is usually G. change their own spirit very often.

  • #83

    Homola (Thursday, 27 October 2011 17:34)

    Hello there are utilizing WordPress for your web site system? Iam new to blog entire world nevertheless. Iam trying to get began and hang up my personal. I additionally discovered Drupal is okay. Sees my personal choice.... Helpful submit, cheers.

  • #84

    Lowell (Friday, 11 November 2011)

    Glad to find out that this site is effective in this little iphone 3gs , every thing I must accomplish is actually practical. Thanks for keeping it to date while using most recent.

  • #85

    Petrik (Friday, 25 November 2011 22:49)

    Auto Twitter WP plugin. Absolutely no registration app on Twitter. Wordpress plugin may be the maximum good thing about ease

  • #86

    a-u dabatos (Thursday, 01 December 2011)

    ...iba-iba man tayo ng pinaniniwalaan pero isa lang ang tanong riyan, dapat bang ipatupad ang sex education?

    ..hindi ako sang ayon sa sex education dahil iminumulat nito sa kabataan ang sex at tulad kong babae dapat pahalagahan naman natin ang ating moralidad.mayroong tamang panahon to begin having sex....

  • #87

    seo zdarma (Monday, 23 January 2012 07:33)

    Great info, thanks

  • #88

    Arnost (Friday, 09 March 2012 13:40)

    will be restored before long

  • #89

    Pepa (Saturday, 14 July 2012 10:44)

    Fine article bro

  • #90

    Genesis (Thursday, 06 September 2012 06:21)

    DApat nang ma ipatupad ang Sex-Ed,upang maiwasan ang maagang pag bunti ng mga babae at para maiwasan ang mga masamang epekto nito saating kalusugan.

  • #91

    ruffa (Thursday, 20 September 2012 02:51)

    para sa akin hindi talaga dapat ituro ng paaralan ang sex education......

  • #92

    malaki ang TITK"o" (Wednesday, 26 September 2012 07:15)

    sex na lng

  • #93

    tangkad (Saturday, 29 September 2012 21:02)

    ou dapat lng kasi masarap yun

  • #94

    Coach Purses Outlet (Friday, 16 November 2012 00:19)

    Ltd have opened a new branch, at No Wood Street, E.G under the management of Mr. H. B. Squire.

  • #95

    Nehru jacket (Tuesday, 29 January 2013 22:12)

    Very nice post. I just stumbled upon your blog and wanted to say that I have really enjoyed browsing your blog posts.

  • #96

    +jeje (Tuesday, 05 February 2013 03:00)

    d nu alam mga pinagsasabi nu .............dapat lang na ipatupad ang S.E para malaman nila ang mga konsekwens nito ........gets .....je je

  • #97

    GROUP-NI NAPE (Tuesday, 19 February 2013 01:29)

    SANG AYON AKO

  • #98

    karl (Monday, 11 March 2013 02:05)

    hindi ako sang ayon sa sex education kasi marami nang mga kabataan ang nabubuntis dahil sah sex education??

  • #99

    Juicer Review (Monday, 22 April 2013 20:04)

    This article was in fact precisely what I had been in search of!

  • #100

    u=13302 (Sunday, 28 April 2013 12:41)

    This is a great blog post! Thank you for sharing with us!

  • #101

    monaliza (Sunday, 14 July 2013 21:32)

    Hindi ako sumasang ayon sa sex education dahil sa sex education na iyan maraming kabataan ang namumulat kung ano at papaano gagawin ang pakikipagtalik dahil na rin sa mga natututunan ng mga ito sa paaralan........

  • #102

    ellyn gacute (Saturday, 01 March 2014 21:35)

    agree ako na dapat ipatupad ang SEX EDUCATION dahil ngayong panahon ay subrang liberated na ang mga ganyang bagay, hindi lamang sa mga MEDICAL COURSES dapat ituro ang sex topic dapat sa lahat para lahat ay magkaroon ng opinyon about sa sex na yan. dahil ngayon kahit bata pa lang is nakakaranas na ng mga bagay na yan.... enjoy na enjoy sila kapag ginagawa nila ito.. ang tanung! alam ba nila ang magandang epekto at di magandang epekto ng sex? so para malaman nila ang mga ito dapat magkaroon ng subject about sex upang sa ganun magkaroon ng pag iingat ang mga kabataan about that issue.....

    thank you for reading this my opinion.... :)

  • #103

    Maryrose Maldia (Wednesday, 11 February 2015 04:51)

    Sang ayon ako sa panukalang ito dahil tulad ko nga pong estudyante kailangan ko na rin pong malaman ang sex educ.

  • #104

    jenny lozada (Saturday, 14 March 2015 21:38)

    gustong gusto ko yan

  • #105

    Aries (Monday, 12 October 2015 21:29)

    Yeahh. Para malaman nila king bakit sila may monthly period at bakit sila nabubuntis pero dapat lng ito ituro sa mga nakaka-unawa tulad nang high school at college ito rin ang tutulong sa kanila para maiwasan ang mga teenage mother at teenage father

  • #106

    Miss naga;) (Tuesday, 15 March 2016 07:00)

    unang una sa lahat at hindi nahuhuli. hindi po ako sang ayon sa pag kakaroon ng sex education, bakit nga ba? dahil ang sex education ay isang sagradong usapin na hindi kinakailngang pag usapan sa isang classroom ksama ang guro at kapwa mag aaral, ngunit mas magandang ang school ay maging gabay nalamang sa mga responsibilidad ng sex, at hayaang ang mga magulang nalang natin ang magturo ng tungkot dito.

  • #107

    Chean Langamon (Tuesday, 13 September 2016 16:28)

    Sang-ayon ako sa panukalang iyan sapagkat kailangan ng mga kabataan ngayon ang pagiging alerto sa mga bagay-bagay na yan....

  • #108

    George :) (Monday, 26 September 2016 06:56)

    Sang-ayon ako sapagkat nakakatulong sa paglobo ng populasyon ng ating bansa :)
    Kasi ang paglobo nang populasyon ay may kaakibat na kahirapan para sa ating lahat

  • #109

    George :) (Monday, 26 September 2016 06:58)

    I mean "nakakatulong sa pagkontrol ng pagdami nang populasyon"

  • #110

    anjie (Saturday, 01 October 2016 07:33)

    para sa aqn hinde dahil dito natututo ang mga kabataan na mag asawa agad at hinde aman trabaho ng mga deped na turoan ang mga student nang mga ganyang bagay kc magiging pabigat lng sila sa pag dami ng population at maaari rin itong makakaapekto sa society. cguro gabay nalng nang magulang.

  • #111

    Cheer (Sunday, 02 October 2016 01:33)

    Para sa akin akoy sang ayon na ipatupad ang Sex Education sa lahat ng paaralan dito sa Pilipinas dahil isa na nga dito ay upang hindi mging ignorante ang mga kabataan sa mga paksang iyan. At pangalawa upang hindi sila mawawala sa tamang landas na dapat nlang tatahakin,dahil may gagabay sa knila na handang ipaalam kung ano nga tlaga ang Tunay ma khulugan ng 'Sex'
    at kung ano ang maidudulot nto kung ito mn ay gagawin.

  • #112

    jalah01 (Thursday, 06 October 2016 22:01)

    Hindi po ako sang ayon, maaaring madagdagan any kaalamn ngunit sa kaalamn na nlmn ng mga bata tungkol sa sex education maaga silang magiging curious kung to too ba ang kanilang napag aralan at 90% na maaari nila itong subukan

  • #113

    mężatki seks telefon (Tuesday, 15 November 2016 07:55)

    nastrojowy

  • #114

    oczyszczanie aury (Thursday, 01 December 2016 01:57)

    tantiema