Tue

01

Feb

2011

Saan Ba Ako Lulugar?

ni Geomar P. Zandueta

 

Sa pagtatapos ng ating paglalakbay sa Mataas ng Paaralan, hindi natin maiiwasan ang mapaisip kung anong klaseng buhay ang nakalaan ng Diyos para sa atin sa hinaharap. Kahit ako man ay nagagalak at nasasabik sa pagkakataong ito. Parang hindi na ako makapag-antay.

Simula pa noon ay lagi nang naging katanungan sa atin sa paaralan kung ano ang mga ninanais nating ambisyon sa buhay. Ang paborito at pinaka-pangkaraniwan naman nating isinasagot ay, “Gusto kong maging doktor. Tatanungin mo ba kung bakit? Eh kasi kwan...” Gusto nating makatulong sa mga maysakit, iyon naman ang palagi nating dahilan, kung kaya hindi na ito dapat itinatanong. Ako naman, mapasa-hanggang ngayon, ay hindi pa nakatutok sa aking magiging buhay sa kolehiyo. Kumbaga, hindi ko pa ang aking magiging buhay sa mga panahong iyon. Gayunpaman, kahit hindi ko muna lubos maisip ang wala pa roon, hindi ko mapigilan ang saying aking nadarama. Sa wakas ay matutupad ko na rin ang akin mga pangarap. Ngunit sa kabila ng kasiyahang aking nadarama ay may kalakip na kalungkutan at pag-aalala.

Hindi ko pa kasi lubos malaman kung anung tungkulin ba ang aking gaganapan sa lipunang ito. Ako ba ay ung tipong manggagamot ng maysakit, manghuhuli ng masasamang loob, pumatay ng sunog, manghuli ng mga isda, magtanim ng mga pananim, magtuturo sa mga iliterato, magbenta ng Korean Surplus, magpapasabog ng kung anu-anong kemikal na sangkap sa laboratoryo, magtrabaho sa Unilever, maglalakbay patungo sa buwan, umakyat sa Mount Everest, magpatayo ng sariling mall, mag-artista, maging co-host ng Willing Willie, at kung anu-ano pang mga malalaking pangarap. Alin, alin ba talaga sa mga nabanggit ko ang nakatakda para sa akin?

 Sakit sa ulo ang isipin ang lahat ng iyon. Hindi pa man ako natatapos sa hayskul, hindi pa rin ako papasok sa kolehiyo. Mapaisip man ako sa mga bagay na ito ay hindi ko pa rin mabigyang linaw ang aking magiging buhay sa hinaharap. Talaga ngang napakahirap pag-usapan ang “what is still not there”.

Ang kolehiyo ay ang susi sa ating tagumpay sa buhay. Ito ay nagbubukas ng pinto upang mas makilala natin ang ating mga sarili. Dahil dito, mas nalalaman natin ang ating mga kakayahan at kahinaan. Mas nasusuri natin kung saang aspeto ng buhay ba tayo nangingibabaw. Sa kolehiyo rin natin mas napapalawak pa ang ating kaalaman at kabihasnan sa mga bagay-bagay. Dito natin nakikita ang ating mga potensyal at hilig sa paggawa. Ito ay nagmimistulang tuntong bato natin sa pag-abot ng ating mga pangarap. Malaking pribilehiyo sa kaninuman ang makatuntong ng kolehiyo. Dapat tayong magpasalamat sa Diyos at sa ating mga magulang dahil sa kanilang pagsisikap upang tayo ay makapagtapos.

Kasabay nito, hindi pa siguro natin malaman kung anong paaralan ang dapat nating pasukin. Hindi na nga natin alam kung anong kurso ang dapat kunin, hindi pa talaga natin alam kung saan tayo mag-aaral. Tila tayong mga mag-aaral sa ikaapat na taon ng hayskul ay alanganin pa sa ating mga desisyon sa buhay. Tayo’y mga pawang hilaw pa sa mga pasikot-sikot sa mundo, at kailangan natin ng paggabay ng ating mga magulang. Sa mga entrance test na ating napasa sa ating lugar o mapa-sa iba mang lugar, mas napapalawak ang ating pagpipilian. Kung higit sa isang paaralan ang ating naipasa, mas mainam dahil mas nabubuksan ang ating pag-iisip kung saan ba tayo nararapat. Kung sakaling mas pipiliin nating mag-aral ng kolehiyo sa ibang lugar, may mga magaganda at mga hindi masyadong magandang mga salig na dapat nating malaman upang tayo ay magabayan sa ating pagpili tungo sa tamang paaralan.

Una, kung saka-sakaling nanaisin man nating mag-aral sa ibang lugar, mas maisisiwalat sa atin ang tunay na kahulugan ng realidad. Matututo tayong umasa sa ating mga sarili, at sa ating mga sarili lamang. Magiging independent tayo at mas magkakaroon tayo ng kumpiyansa sa ating mga sarili. Mapapatunayan na natin sa wakas kung ano ba talaga ang mamuhay nang mag-isa, at mararanasan natin kung gaano ba ito kahirap. Matututo tayong harapin ang mga pagsubok ng walang ibang inaasahan kung hindi ang ating mga sarili.

Dahil bago sa ating paningin ang lugar, paaralan, mga pamilihan, siyudad at mga pook, mas malalantad tayo o mas ma-e-expose sa bago. Ito ay mabuti na rin upang magkaroon tayo ng karanasan kung papaano ba mamuhay sa ibang lugar, at hindi maisara ang ating pagpapayaman ng kaalaman sa nakagawiang lugar lamang. Matututo tayong mag-familiarize ng lugar na iba pa sa ating sariling tinitirhan. Mas malaki rin ang oportunidad lalo pa kung sa Maynila ka mag-aaral. Anila, mas medaling makahanap ng trabahong mapapasukan kung ikaw ay magiging graduate ng mga kilalang paaralan nila roon.

Sunod, ang bagong lugar ay mangangahulugan din ng bagong mga kaibigan. Mapapalawak ang iyong circle of friends at mas makakakilala ka ng iba’t-ibang taong may iba’t ibang personalidad. Matututunan mong mag-adjust sa kanilang mga ugali dahil sila ang iyong mga makasasalamuha sa iyong pananatili sa lugar na iyon. Ang mga bagong kaibigan ay nangangahulugan din ng mas masaya at enjoy na samahan. Mas maraming kaibigan, mas masaya.

Ngunit sa kabila nang masasayang dulot ng pag-aaral sa malayo ay may mga di kanais-nais ding mga bagay na mangyayari kung saka-sakaling maisipan nating mag-aral sa malayo. Maaari tayong magkaroon ng homesickness o pangungulila sa ating pamilya at tahanan. Mangungulila tayo sa ating mga nakagawiang lugar, bagay at gawain. Sa simula ay maaari tayong mahirapang mamuhay nang hindi na umaasa masyado sa ating mga magulang. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay naroon sila upang bisitahin ka, pakainin ka o alagaan ka. Maaari ring maging problema ang malaking gastusin. Ang iyong titirhan sa ibang lugar ay papatak buwan-buwan o lingo-linggo. Ang iyong kakainin din at mga gastusin sa mga gamit iba pa. At higit sa lahat, ang tuition fee o pambayad sa paaralan. Naku po, tiyak na mas mahal ang natatayang tuition fee kung napakaganda ng paaralang iyong nais pasukan.

Nasa sa atin pa rin ang huling desisyon. Kung nanaisin ba nating mag-aral sa malayo, dapat nating panindigan na atin itong pagbubutihin at hindi sasayangin ang pribilehiyo. Hindi lahat ng mag-aaral ay nabibigyan ng ganitong oportunidad. Hindi rin dapat natin maging basehan ang paaralang papasukan ng ating mga matatalik na kaibigan. Kung hindi mo naman gusto ang paaralan na iyon, bakit mo pa ipagpipilitan ang iyong sarili roon? At tsaka, magkikita-kita pa rin naman kayo ng iyong mga kaibigan. Kung talagang tunay nga kayong magkakaibigan, hindi ninyo malilimutan ang inyong pinagsamahan. Hindi rin dapat tayo maimpluwensyahan ng course na gustong kunin ng iba. Dapat ay nanggagaling ito sa ating mga sarili upang hindi na tayo magsayang ng panahon at pera kung sakaling maisipan nating magpalit ng kurso. Higit sa lahat, kinakailangang aprubado ang lahat ang lahat ng ating desisyon ng ating mga magulang. Humingi tayo ng payo mula sa kanila at huwag silang pilitin ipagaral tayo sa napakamahal na paaralan na hindi naman abot ng kanilang makakaya. Huwag din nating kalimutang pasalamatan ang Diyos.

Kahit ano pa mang course, at saan pa mang paaralan ang atin papasukan sa kolehiyo, nakasalalay pa rin ang ating pagtagumpay sa buhay sa ating pagsisikap sa pag-aaral. Kahit anong paaralan pa yan, kahit gaano pa ka-baba ang tuition, ang importante ay masipag ka, mataas ang iyong marka, mabait kang mag-aaral, at may respeto ka sa kapwa. Ang busilak na loob ang siyang magdadala sa iyo tungo sa kaunlaran. Good Luck!

 

Sanggunian: http://www.exampleessays.com/viewpaper/48641.html

Write a comment

Comments: 16

  • #1

    perplexed pinky (Thursday, 03 February 2011 01:57)

    ang galing! nakakabilib ang iyong isinulat

  • #2

    Conie Himor (Thursday, 03 February 2011 06:33)

    Tama! Hnd muna dpat minamadali ang mga bagay na malayo pa dhil mahaba pa ang oras upang pag isipan ito.

  • #3

    Christian Egos (Thursday, 03 February 2011 09:17)

    isa lang masasabi ko, "Count not your Chickens before they'll be Hatched" katulad na lamang sa iyong artikulo, na ang kahulugan ay huwag kaagad isipin ang mga posibleng mangyayari sa iyo sa hinaharap. Maraming mga pangyayari sa ating buhay kung saan hindi natin alam kung anong mangyayari sa atin dahil puno ng misteryo ang buhay ng bawat tao.

  • #4

    Sir Marcial (Saturday, 05 February 2011 09:48)

    Checked 02/05/2011

  • #5

    Sir Marcial (Monday, 14 February 2011 20:19)

    1 comment validated 02/15/2011

  • #6

    Dalchis (Saturday, 22 October 2011 13:06)

    Hm, I’m just comfortable with this but still not entirely convinced, hence i’m going to research a touch more.

  • #7

    Moises (Monday, 24 October 2011 19:49)

    Nice 1 article. Standard downside is actually G. change ones own thoughts too often.

  • #8

    Kamil (Tuesday, 25 October 2011 01:54)

    There are already been following your website for a month possibly even and also have picked up a ton of info along with liked the technique that you've organised your web site. I am wanting to work my personal extremely private weblog however. I do think the way too basic and I have to give attention to quite a lot of smaller subject areas. Getting things to any or all individuals is not all of that it's broke around end up being.

  • #9

    Carl (Thursday, 27 October 2011 22:14)

    Can I post your post to my wordpress blog? I’ll add a one-way link to your forum. That’s one actually nice post.

  • #10

    Buchta (Saturday, 12 November 2011 02:13)

    Hello there are using WordPress for the website program? Iam new to the blog planet however. Iam hoping to get started out and set up my own, personal. I additionally found out about Drupal is fine. Sees my option.... Useful article, many thanks.

  • #11

    Rysdesigns (Wednesday, 23 November 2011 08:54)

    Simply no registration app on Twitter. Plugin may be the highest benefit of simplicity. Auto Tweet plugin for WordPress

  • #12

    Evžen (Wednesday, 04 April 2012 16:25)

    nice post

  • #13

    Miroslávek (Thursday, 12 July 2012 07:16)

    Good info bro

  • #14

    Bogdan (Friday, 13 July 2012 16:41)

    Many thanks for information

  • #15

    Nehru jacket (Tuesday, 29 January 2013 22:20)

    I think the things you covered through the post are quite impressive, good job and great efforts.

  • #16

    Juicer Reviews (Sunday, 05 May 2013 10:49)

    This is a great post! Thank you for sharing!

  • loading