Tue

01

Feb

2011

Proyektong pampaaralan: Kailangan nga ba?

ni Camille Angelica Mendoza

 

Ang proyekto para sa mga kursong ini-aalok ng paaralan ay katumbas ng limang  bahagdan (5%) o higit pa ng ating class standing. Ang proyekto para sa bawat kurso sa hayskul ay karaniwang ibinibigay sa huling linggo ng markahan. Madalas, sabay sabay pa ito ibinibigay.

 

Hindi pa ba sapat ang mga takdang-aralin, seat works, mga pagsusulit, at markahang pagsusulit para sa pag-aaral ng mga estudyante? Ang tanong na gaya nito ang itinatanong ng mga estudyante sa isa’t isa. Hindi maiiwasan na madalas naitatanong ang kahalagahan ng mga proyekto sa pag-aaral ng mga estudyante. Ito ay dahil na rin sa bigat ng mga dugtong dugtong na mga pangangailangang gawain o requirements  na ibinibigay ng mga guro para sa kanilang mga itinuturong kurso.

 

Ngunit, kapaki-pakinabang nga ba ang pagbibigay ng mga proyekto sa mga estudyante? O ito ba ay pabigat lamang para sa kanila?

 

Ayon sa isang blog site, may mga mabubuti at masasamang epekto ang mga proyektong pampaaralan. Una, ang pagbibigay ng proyekto sa mga mag-aaral ay maaring magbigay ng oportunidad sa mga estudyante na bumawi sa mga grado nila sa kanilang class standing.1 Sa madaling sabi, pambawi ng mga mag-aaral ang kanilang proyekto kung sakaling mababa ang kanilang mga grado sa kanilang mga pagsusulit. Pangalawa, ang pagkamapanlikhain, talento at katalinuhan ng mga estudyante ay  napapayaman.Sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga role play, radio drama, mga sulatin, at marami pang iba, nahahasa ng mga estudyante ang kanilang galing, pagkamapanlikhain at talino. Pangatlo, natututunan ng mga estudyante na magkaisa sa kanilang mga kaklase para magawa ang isang proyektong pampaaaralan.

 

Ngunit, may mga hindi kanais-nais na epekto ang paggawa ng mga proyektong pampaaralan. Una, hindi lahat ng miyembro ng isang grupo ay tumutulong para sa proyekto nila. May mga ilan pang pera na lamang ang ibinabahagi para sa kanilang proyekto. Pangalawa, marami nang kailangang gawin ang mga estudyante. Kailangan pa nilang mag-aral sa lahat ng mga kursong inihahandog ng paaralan sa kanila, may mga takdang aralin pa silang kailangang tapusin, at may mga seatworks pa silang sasagutin. Pangalawa, ang limang bahagdan o 5% na grado galing sa proyekto ay maaring hati-hatiin sa iba pang kategorya ng class standing gaya ng seatworks, takdang aralin,recitation at mga pagsusulit. Maaari namang magkaroon ng grado para saclass standing ng mga estudyante kahit wala na ang kategorya ng mga proyekto. Pangatlo, hindi maiiwasang gumastos ang mga estudyante para sa kanilang mga proyekto. Kailangan nilang bumili ng cartolina, krayola, mga pandikit at marami pang iba. May mga ibang proyekto rin na nangangailangan ng malaking pondo para maging maganda ang kinalalabasan nito. Isang halimbawa ay ang Greek Fest kung saan kailangang magpatahi ng mga damit o kostyum, kailangang gumawa ng mga props at marami pang iba. Pang-apat, kailangan ng mga estudyante ng mahabang panahon para sa kanilang mga proyekto. Hindi maiiwasan na gagabihin sila sa bahay ng kanilang kaklase o sa paaralan. Hindi rin maiiwasan na mapapabayaan nila ang iba nilang kurso sa hayskul.

 

Para sa iyo, kapaki-pakinabang nga ba ang pagbibigay ng mga proyekto sa mga mag-aaral, o hindi?

____________________

                1  “The Importance of Projects”  taken from www. justcallmemsfrizzle.wordpress.com on January 31, 2011.

                2  Paula Bello, “Our Project on Values: Advantages and Disadvantages”. Taken from www.teachingenglish.org.uk on January 31, 2011

 

Write a comment

Comments: 29

  • #1

    Gio Nortiga (Wednesday, 02 February 2011 08:51)

    Para sa akin, kapaki-pakinabang ang mga proyekto. Ang limang porsyento ng class standing ay isang malaking bagay upang bale walain. :)

  • #2

    Jessah Daymiel (Wednesday, 02 February 2011 08:51)

    Importante ang mga proyektong pampaaralan sapagkat nakakdagdag ito ng puntos sa iyong grado at mas nadedevelop yung mga abilidad/ kakayahan natin tulad ng disiplina, teamwork, pasensiya, sariling imahinasyon, sipag at iba pa.

  • #3

    Marco Jerome Factor (Wednesday, 02 February 2011 08:58)

    Projects are not that important literally. Tama, Lifeline lang ng mga studyante ang mga binibigay na mga Proyekto sa kanila ng mga guro. Kung ako ang tatanungin, Ang mga proyekto ay hindi importante. Gastos lang ito at Pagod na at ang kapalit nito ay limang bahagdan lamang ng iyong marka. Sayang ang pagod at puyat kung yan lang ang gradong makukuha mo.

  • #4

    liz :) (Wednesday, 02 February 2011 08:58)

    para saakin napakaimporatnte rin naman ang pagbibigay ng proyekto dahil ito rin ay nakatutulong saatin bilang mag-aaral, khit sbhn man ntng nroon na ang mga seatworks etc.. kinakailangan prin ang skul project :) im sure kung isang araw mawawala to, krmhn saatin o halos lahat ay hahanap-hanapin ito :D

  • #5

    Jejomar Cedeño (Wednesday, 02 February 2011 09:03)

    Importante para sa akin ang mga proyektong pampaaralan dahil nakakatulong pa rin ito sa magiging kalabasan na grado na ibibigay sa ating mga cards kahit papaano kahit na maliit lang ang percent nito.

  • #6

    Min (Wednesday, 02 February 2011 09:03)

    Importante ang proyektong pampaaralan dahil dito masusukat kung papaano natin magagamit ang napagaralan natin at dito nakasalalay ang ating mga grado.

  • #7

    Kathryn Mercado (Wednesday, 02 February 2011 09:06)

    Ang proyekto ay nakakatulong sa mga estudyante kahit ito ay 5-10% ng class standing lamang. Ito ay talagang nagbibigay tulong lalo na sa mga estudyante na kailangan ng tulong.

  • #8

    derf (Wednesday, 02 February 2011 09:08)

    Isa lang naman ang layunin ng lahat ng mga ibinabato sa atin na mga proyekto. Iyon ay upang gawin tayong mga responsableng mag-aaral. Kung mahati-hati natin ang mga responsibilidad at oras sa paggawa ay tiyak na makakayanan natin ang bawat proyektong ibabato sa atin.

    mahusay, camille!

  • #9

    Keannu (Wednesday, 02 February 2011 09:14)

    Ang Proyekto ay di mawawala sa ating buhay estudyante, dahil kasali yan sa ating grades. at if wala ung proyekto di ma kompleto ung ating grade. kaya't mahalaga ang proyekto sa isang batang nag-aaral :)

  • #10

    Keesh :D (Wednesday, 02 February 2011 09:19)

    Importante ang proyekto dahil sometimes ito na lang ang way para makabawi at makadagdag points sa grades. :DD

  • #11

    Joemele (Wednesday, 02 February 2011 09:20)

    para sa akin, mahalaga parin o kapaki-pakinabang parin ang proyekto. Dahil tulad nga ng nakasaad sa iyong sinulat, nakakatulong ito sa mga mag-aaral upang makabawi sa mga kanilang mababang marka sa mga pagsusulit.

    nagiging daan din ang proyekto upang magkaisa ang mga mag-aaral. tulad ng iyong halimbawa, "Greek Fest", dahil jan, marami ang nagkaisa upang mabuo ng mahusay ang proyekto. Marami ding sumaya dahil magkakasama ang barkada sa pagtatanghal :D

  • #12

    Carol Atilano (Wednesday, 02 February 2011 09:24)

    Para sa akin, kapaki-pakinabang ang mga proyekto kasi isa to sa requirement(s) sa school at madami ka pang matututunan doon :D

  • #13

    Christian Egos (Wednesday, 02 February 2011 09:28)

    Para sa akin, ang proyekto ay panggulo lamang subalit ang panggulong aking inaakala ay siyang tumutulong sa akin upang matuto pa ng iba pang mga bagay-bagay na nagpapabago sa aking isipin sa kahalagahan ng proyekto sa isang estudyante.

  • #14

    Loise (Wednesday, 02 February 2011 09:33)

    Para sa akin, ang pamimigay ng mga proyekto ay makakatulong sa mga estudyante na maging malikhain o pwede din nating sabihin na ito'y paraan ng "creative learning". Dito binabase ng mga guro kung paano natin naintindihan ang ating leksiyon ngunit, sa pamamagitan nga lamang ng pagiging malikhain.

  • #15

    fatima (Wednesday, 02 February 2011 09:42)

    para sa akin mahalaga ang proyekto sa ating pag aaral, dahil sa gamit nito maaaring makatulong ang proyekto sa pag papataas ng ating mga grado tulad na lang kapag ikaw ay may mababang grado sa partikular na aralin ay maari pa ito mapataas ng ilang puntos na maaarin makapasa tayo sa araling mababa tayo....

  • #16

    Dan (Wednesday, 02 February 2011 09:57)

    Kapaki-pakinabang ang proyekto dahil una, gaya ng sabi mo, maaring magbigay ng oportunidad sa mga estudyante na bumawi sa mga grado. pangalawa, nagbibigay ito ng experience sa studyante.(research, musical play, etc.) pangatlo, Dito rin nasusukat ng teacher ang effort ng studyante. :D

  • #17

    Sir Marcial (Saturday, 05 February 2011 10:53)

    Checked 02/06/2011

  • #18

    Sir M (Thursday, 10 March 2011 06:40)

    7 comments validated

  • #19

    Tomisak (Thursday, 20 October 2011 09:30)

    Can I post your post to my wordpress blog? I’ll add a one-way link to your forum. That’s one actually nice post.

  • #20

    Sasa (Sunday, 23 October 2011 02:12)

    Can I post your post to my wordpress blog? I’ll add a one-way link to your forum. That’s one actually nice post.

  • #21

    Toma (Saturday, 29 October 2011 19:02)

    Nice 1 posting. General drawback is usually G. change their thoughts very frequently.

  • #22

    Milan (Thursday, 10 November 2011 16:21)

    Can I post your post to my wordpress blog? I’ll add a one-way link to your forum. That’s one actually nice post.

  • #23

    Ayman (Tuesday, 22 November 2011 21:32)

    Absolutely no registration app on Twitter. Plugin may be the maximum benefit of ease. FREE Automated WordPress to twitter plugin

  • #24

    Beats Studio (Wednesday, 30 November 2011 20:19)

    When playing inside a team environment that focuses on communication, Beats Studio is important that you invest in discount monster beats headphones which will permit you to clearly connect to another people you're playing with. Whether they are in the same room or on the other side of the globe, it is essential that your voice can be heard evidently and without the effect of ambient noise. Making investments inside a headset which doesn't provide the best resource for unambiguous communication will only hamper your gaming efforts and result in complications when working with others with the online environment.

  • #25

    Jarda (Friday, 09 March 2012 13:50)

    nice post

  • #26

    exekuce nemovitosti (Monday, 02 April 2012 07:53)

    Great info, thx

  • #27

    Zoroslav (Wednesday, 04 April 2012 13:15)

    will return quickly

  • #28

    Jiri (Monday, 09 July 2012 17:45)

    Fine article dude

  • #29

    joseph gilleho (Monday, 25 February 2013 07:24)

    potang ina ka!

  • loading