Tue

01

Feb

2011

Mga Pulang Marka, Uso Na! Bakit kaya?

photo credit: google.com
photo credit: google.com

ni Paula Gail I. Torres

 

Sa hayskul ko unang naranasan ang hindi pagbabalik-aral sa tuwing inaanunsyo ng guro na may mahabang pagsusulit sa makalawa. Sa hayskul ko unang naranasan ang maligaw sa diskusyon. Sa hayskul ko unang naranasan ang magkaroon ng mga mababang marka. Sa hayskul ko tuluyang naranasan ang bumagsak. Kung tutuusin ay sa hayskul natin napagdaanan ang mga, kumbagang, “first time.” Minsan, nakakabawi tayo. Minsan naman, hindi na. Sa lahat ng aking mga nabanggit at pati na rin ang mga hindi ko nabanggit, isang paksa lamang ang ibabahagi ko sa inyo—ang patuloy na pagbagsak ng mga mag-aaral sa loob ng silid-aralan.

 

Ito ba ay pagdududa ng katalinuhan o kakayahan ng isang tao? O baka naman nakukuha ito sa sipag at tiyaga? Sinsubok ba nito ang kakayahang pagtuturo ng mga maestro natin sa paaralan? Ito ba ay isang suliraning dulot ng katamaran? Ano nga ba talaga ang dahilan ng pagbagsak ng mga estudyante? Base sa aking pagsisiyasat, tatlo ang aking napiling mga dahilan kung bakit bumabagsak ang mga mag-aaral: kakulangan sa preparasyon, kawalan ng gana at katamaran.

 

Ang tagumpay sa paaralan ay hindi nakakamit sa pawang katalinuhan lamang. Ano ang gamit ng isang magaling na isip kung hindi natin ito ipalalago? Tandaan, sa patuloy na pagdami ng ating mga nakakalap na impormasyon, mas lalo lamang natin idinidiin ang katotohanang isang maliit na bahagi lamang iyon ng isang malawak na mundo ng kaalaman. Kailanman ay hindi naging sapat ang sapat. Iyan ay nasa kalikasan na natin bilang tao. Ayon kay Edna Wells Handy, hindi sapat ang katalinuhan upang makapasa sa isang pagsusulit. Ang katalinuhan, kapag ipinares sa sipag at tiyaga, ay maaaring makapagdulot ng mga dakilang bagay. Hindi dapat mawalan ng saysay ang pag-aaral at pagbabalik-aral dahil dito tayo tunay na natututo.

 

Eh kasi naman ‘yong guro naming sa asignaturang iyan, hindi marunong magturo! ‘Ayan tuloy, panay ang bagsak ko sa mga pagsusulit niya. Nakakawala ng gana!”

 

-Hindi na ito bago sa aking pandinig. Sa tuwing nakakarinig ako ng mga ganyang klaseng opinion, hindi ko napipigilang mag-isip. Ang paglagpak nga ba ng mga estudyante sa isang asignatura ay resulta ng paglagpak din ng guro sa kanyang tungkulin na magbahagi ng kaalaman? Maniwala kayo kapag sabihin kong may katwiran ang aking sinasabi. Tayo’y pumasok sa hayskul upang matuto, eh, paano kung ang pamamaraan natin upang matuto ay alanganin? Iyan ba ay kasalanan nating mga mag-aaral kung nawawalan tayo ng pagganyak dahil sa mga guro? Ngunit napatigil ako sa tanong na iyan. Oo, ito nga ay may katwiran ngunit dapat ba na sisihin natin ang ating mga guro? Hindi rin. Kung tila’y wala tayong naiintindihan tungkol sa isang paksa, kung tila’y hindi natin nakikita ang layunin ng paggawa ng takdang-aralin na ito, nasa posisyon nga ba talaga tayo upang magduda? Tunay na tayo ay mga musmos pa lamang sa mundong ito, mas nakakaunawa na ang ating mga guro sa mga pasikut-sikot nito. Minsan, hindi na nating kailangang magtanong. Naniniwala akong alam nila kung ano ang nakabubuti para sa atin at handa akong panindigan iyon. Malay mo, magagamit natin ang mga natutunan natin mula sa kanila, maging paraan man ito ng pagtalangguhit ng isang quadratic equation o paraan ng pagbenta ng sari-saring bagay. Sa ayaw natin o sa gusto, pakay lamang nila ang pagandahin ang ating kinabukasan at sinong estudyante naman ang aayaw dyan?

 

Nakasaad sa isang online blog na isinulat ni Kristy Acevedo na isang rason kung bakit bumabagsak ang mga bata sa klase ay dahil sa katamaraan sa pag-aaral. Sinasabi niya roon na nawawalan na ng ganang mag-aral ang mga estudyante dahil sa bawat taon na lumilipas, lalong humihirap ang mga leksyon hanggang umabot sa punto na hindi na nakakayanan ng mga mag-aaral. Kaya, katamaran nga ba ang sangkot sa krimeng ito? Maaaring oo, maaaring hindi. Subalit tiyak ako na ang katamaran ay walang naitutulong sa pagtatapos ng pag-aaral. Minsan ay naging tamad na rin ako, ‘yong tipong wala nang gana magsumite ng mga kinakailangan dahil iniisip ko na maliit lang naman itong porsyento ng kabuuang grado. Masasayang lang oras ko, hindi ba? Minsan naisipan ko na ring sumuko at magtamad-tamaran na lamang. Ngunit alam kong hindi ito mabuting asal ng isang estudyante ng Ateneo. Dito tayo natutong maging responsableng mga bata. Sa Ateneo tayo natutong magsikap para sa kahusayan. Halimbawa, nahihirapan ka sa isang paksa sa klase, hindi lamang tayo basta-bastang tinuruang sumuko, tinuruan tayong sumikap at gawin iyon nang may kahusayan. Ito’y isang pag-e-ensayo sa kung anuman ang itatapon ng kinabukasan sa atin. Para naman, kahit kaunti lamang, mabigyan tayo ng ideya sa mga posibleng maisasampal ng buhay sa atin.

 

Kung may natutunan man ako sa pagkatanggap ko ng mga pulang marka, ito ay ang tapang at lakas na bumangon muli. Sa bawat mababang grado na isinampal sa akin, alam kong hindi ito ang magtatakda sa aking tunay na pagkatao. Ang grado ay grado. Kahit kailan ay hindi ito maaaring maging rason ng pagkasira ng ating mga buhay bilang estudyante.

 

Kaya ano nga ba ang tunay nakapagdudulot ng mga pulang marka natin? Ang pagsuko at pagkawala ng tiwala sa ating mga sarili. Kaya natin ‘to. Ako. Sila. Ikaw. Ikaw ang tanging makahahadlang sa pagkamit mo ng matamis at inaasam-asam na tagumpay.

 

 

Sanggunian:

Write a comment

Comments: 73

  • #1

    Eunice Manalo (Tuesday, 01 February 2011 08:10)

    Tama,agree ako sayo paula =)

  • #2

    sparke (Tuesday, 01 February 2011 08:15)

    agree ako sayo pau

  • #3

    Camille Reyes (Tuesday, 01 February 2011 08:16)

    tama ka, paminsan nga pinagttawanan ko lang mga failing marks ko :))) prang uso na kc eh,

  • #4

    ayra kahal (Tuesday, 01 February 2011 08:16)

    tama nga dahil minsan ang paraan ng pagtuturo ng isang guro ang dahilan kung bakit bumnabagsak ang mga estudyante pero ang madalas na rason ay katamaran. Agree ako diyan. :)

  • #5

    Aimee Loraine. (Tuesday, 01 February 2011 08:17)

    "Ano ang gamit ng isang magaling na isip kung hindi natin ito ipalalago?" Maraming mga estudyanteng nasa hayskul ay talagang "may isip". Hindi lang talaga nila ito ginagamit e, sayang naman. Napaisip at napagising na lang talaga ako nung nabasa ko ung pang-apat na talata. Marami namang talagang mga guro na sadyang hindi 'marunong' o 'magaling' mag turo, kaya nman ang resulta nito ay 'boredom' kaya imbes na makinig at unawain ito ng mga estudyante ay nakikipag-chismisan nalang sa katabi! XD Isang napakagandang blog. :) *saludo.

  • #6

    Job Macatangay (Tuesday, 01 February 2011 08:30)

    tama, ang madalas na rason kung bakit bumabagsak ang mga estudyante ay ang katamaran. :). haha

  • #7

    Anna Marie Ong Arseña (Tuesday, 01 February 2011 08:34)

    Hi Paula! :) first of all, congratulations for having a wonderful and reality-based entry. Sang-ayon ako na sa high school nangyayare ang mga FIRST TIME. Ako man ay unang nagkaroon ng mababang marka nung ako ay nasa pangalawang taon. It felt like I should give up but I also agree that we, Ateneans were not trained to just give up when life slaps us with these things. I know you are a diligent and indeed, am intelligent student. I know it because we were together sa student council. So Paula, stand up and BAWI. Life is full of red marks, but just be strong and never give up. Remember, it takes a long time to become really good at something. AMDG. :)

  • #8

    Gio Nortiga (Tuesday, 01 February 2011 08:34)

    Paminsan kasi nasa paraan talaga nang pagtuturo ng guro kung bakit bumabagsak ang iba. Minamadali kasi minsan ng mga ibang guro ang mga leksiyon upang makahabol sa kanilang scope and sequence. Pero hinde ito ang dahilan para tayo ay hinde na mag-aral, kailangan parin nating mag-aral. :)

  • #9

    Dayanara Torres (Tuesday, 01 February 2011 08:39)

    ikaw na! =))

  • #10

    Cyrose (Tuesday, 01 February 2011 08:40)

    sumasangayon ako, ngunit hindi naman marapat na lagi nating sisihin ang kapalpakan ng mga guro dahil ang mga nakukuha na pulang marka ay kagagawan lng din ng mga estudyante kagaya na nga ng mga rason na pagiging tamad at kawalan ng gana :)

  • #11

    Jabir Kadil (Tuesday, 01 February 2011 08:42)

    paminsan ang grado ay nakakadikta na rin sa buhay nating mga studyante, hindi nga sayo. pero sa ibang mga studyanteng hindi nakakabawi sa kanilang pulang marka kahit na sila ay nagsusumikap pumasa!

  • #12

    Sham Abdulla (Tuesday, 01 February 2011 08:45)

    sang ayon ako! pasok sa usa yang pinagtatawanan ang pulang marka :D

  • #13

    Regine Cabato (Tuesday, 01 February 2011 08:47)

    I agree with Gio's above comment :)) Good article :D

  • #14

    Sxarina Gabriela L. Rellosa (Tuesday, 01 February 2011 08:50)

    Sangayon ako kay Ate Paula, totoo ngang walang magagawa ang natural na katalinuhan kung hindi naman ito gagamitin at subukang ipalago. Naiisip ko rin na isa sa mga dahilan kung bakit natatamad ang isang estudyante makinig sa guro ay dahil na rin sa pagiging tamad ng guro na magturo sa isang paraan na kung saan ay matutuwa at makukuha ang paningin at tenga ng mga estudyante.

  • #15

    Mari Mar (Tuesday, 01 February 2011 08:56)

    "Kung may natutunan man ako sa pagkatanggap ko ng mga pulang marka, ito ay ang tapang at lakas na bumangon muli"

    ang ganda po nito. :)

  • #16

    Alyssa Indanan (Tuesday, 01 February 2011 08:59)

    Totoo ang iyong mga sinabi, Paula. Maraming dahilan kung bakit bumabagsak ang mga mag-aaral. Sana naman ay maintindihan ito ng mga magulang minsan.

  • #17

    Nicolo Ling (Tuesday, 01 February 2011 09:02)

    Sang ayon ako sa lahat ng nakasaad sa iyong blog. Mahusay ang pagkakagawa. :D

  • #18

    Sacha Hamid (Tuesday, 01 February 2011 09:04)

    tama. minsan ang paraan ng pagtuturo ang isang dahilan bakit bumabagsak ang iilang estudyante. pero ang iba ay bumabagsak dahil sakanilang katamaran. :)

  • #19

    Kryztal Acuna (Tuesday, 01 February 2011 09:11)

    Ate Pau, you made me realize that I'm not the only one who keeps on failing, others do to. Bawat awaw ko sa hayskul ay may kabiguan, at palagi nalang akong sumusuot nang malungkot na mukha, pero kailangan kong tandaan na normal lang ang pagkabigo dahil ito ay parte ng ating buhay.
    "Today's failure is tomorrow's success."

  • #20

    Kylie Gacho (Tuesday, 01 February 2011 09:16)

    Tama. Kailangan nating tanggapin ang mga kahihinatnan ng ating mga desisyon sa buhay; maging sa pag-aaral.Siguro naman, hindi na natin kailangang hintayin ang araw na babagsak tayo. Kailangan ng bawat mag-aaral ngayon na pagtuunan ng pansin ang mga nabanggit na dahilan ng pagkuha ng mga pulang grado. Magsikap tayo!

    woo. labanan ang katamaran.:D hahahA
    nice one paula:)

  • #21

    Fahad Indanan (Tuesday, 01 February 2011 09:33)

    tama ang sinulat mo ate paula. ako din minsan naiinis sa teacher namin kac natatamad magturo. lalo na pag math. haaay...

  • #22

    average (Tuesday, 01 February 2011 09:33)

    Noong nasa hayskul ako ay naranasan ko rin ang magkaroon ng mabababang marka ngunit sa mga pagsusulit lamang at hindi sa mismong report card. Mabuti na lang at kahit na hindi pula ang grado sa report card, basta pasado. Karamihan ang sinasabing dahilan ay ang mga guro dahil ang kanilang pagtuturo ay hindi agad naipapasok sa utak ng mga estudyante at iyon naman ay hindi kasalanan ng mga estudyante, tama ba ako? Pero nasa sa atin parin ang desisyon kung mag-aaral ba o hindi at tayo ang magpapatakbo ng buhay natin hindi ang ibang tao. Malamang karamihan ng mga estudyante ay may mga tutor pa at mismong mga magulang ang nagtuturo, pero hindi parin iyon sapat kung hindi mo rin tutulungan ang sarili mo. Kaya ang maipapayo ko sa mga estudyante ay, mag-aral ng mabuti dahil ito ang magdadala sa inyo sa tagumpay na inyong hinhangad, kung sa hayskul mahirap ano na lang sa kolehiyo na kung anong kinalalagyan ko ay mas mahirap pa. Ika nga, ang kabataaan ang pag-asa ng bayan, mag-aral tayo mga kapatid! :)

    Okay na to Pau :D HAHA! Wag mo na lang sabihin kung sino ako. :)))))

  • #23

    Keesha Silay (Tuesday, 01 February 2011 09:37)

    Sumasabgayon ako saiyong sinabi, Pau. Kahit ako'y nagiging tamad sa pag-aaral. Sa hayskul kasi natin natututo ang pakikipag-barkada o pakikipag-saya kasama ang barkada, kung paminsan ay nakaklimutan na natin ang ating mga grado. At, paminsan tama din na ang guro ang may kasalanan kung bakit di naiintindihan ng mga estudyante ang mga lessons. :))

    pasensya sa sira-sirang tagalog. :)))

  • #24

    Raelyn B. Sarzosa (Tuesday, 01 February 2011 09:46)

    Sabi nila, maganda talaga ang buhay hayskul dahil doon mo makikita ang mga tunay mong kaibigan at marami kang mararanasan na pwede mong baunin pang habangbhay. Siguro dahil sa sobrang focus ng mga students sa kanilang kasiyahan ay napapabayaan na nila ang kanilang pag-aaral ,at nakakalimutan na nila na ang dapat nila gawin sa eskwelahan ay ang mag-aral at hindi puro enjoy enjoy lang.

  • #25

    Kurt Recinto (Tuesday, 01 February 2011 09:50)

    Ako'y sumasang ayon sa LAHAT ng iyong sinabi, ate Paula. Kahanga-hanga ang pagsulat ng article at talagang pwede itong masabi na salamin sa katotohanan. Masasabi nating talagang kasalanan ng mga estudyante kung bakit sila bumabagsak. Siguro nga ay parte nito ay kasalanan ng mga guro, ngunit responsibilidad pa rin ng mga estudyante na mag-aral at dapat alamin nila ang kanilang mga dapat gawin. :)

  • #26

    Kathryn Mercado (Tuesday, 01 February 2011 10:01)

    Tama! sa high school talaga natin nararanasan ang unang mga pagbagsak. tila ito ang resulta sa ating tamaran. aminin man o hindi lahat tayo ay tamad. at paminsan na-aapekto na rin and ating pag-aaral.

  • #27

    razmine famor (Tuesday, 01 February 2011 10:02)

    tama nga ang lahat ng iyong nasulat, napapangiti ako dahil nakasulat ang isa sa mga rason kung bakit minsan ako'y nababagsak sa klase..

  • #28

    Gio Saavedra Alforte (Tuesday, 01 February 2011 10:04)

    I really admire how you look at things philosophically. Different from the rest. Nice journal/blog. Masistemang ang pagkagawa. :)

  • #29

    Kristian Trasporto (Tuesday, 01 February 2011 10:05)

    Sumasangayon ako,cguro nga dahilan nitong pulang marka na to dahil sa mga estudyanteng nasanay na gumamet at masira ang ulo sa pagagamit ng teknolohiya ngayun. tulad nalamang ng cellphone, computer at anu-ano pa. lahat ay nakasalalay sa estudyante.

  • #30

    Adriel Earl Toribio (Tuesday, 01 February 2011 10:13)

    Hi Pau. Lahat ng sinabi mo sa taas ay totoong nangyayari, di nga lang sa lahat ng pagkakataon. Ito yung mga komento ko sa bawat kadahilanan na iprinisenta mo.
    1. Pwedeng maging rason ng isang tao ang kakulangan sa preparasyon ngunit hindi kailanman dapat hinahayaang maging dahilan sa pagbagsak. Dapat ang isang estudyante ay LAGING handa. Di sapat na rason ang kakulangan sa preparasyon ng estudyante dahil minsan di lang talaga alam ng mga estudyante kung ano ang dapat paghandaan kasi walang naituro ang guro na may saysay o walang kalinawan ang mga paglalahad ng bagay-bagay.
    2. Di kailanman dapat maging tamad ang mga estudyante. Nagbayad tayo to be educated not to extend our sleeping hours in school as if it a hotel. DAPAT matutong maging responsable ang mga tao mula sa Hayskul palang o kung maari sa Elementarya kasi mahirap ang maging batugan, walang patutunguhan.


    Sa tanong na kung ano nga ba ang nagdudulot ng pulang marka o pagbagsak, may dalawa akong kasagutan. Una, bumabagsak ang tayo dahil sa katamaran at kawalan ng disiplina. Pag-uwi ng bahay tutok sa kompyuter at naglogin sa FB at twitter, tapos nakaligtaan na gawin ang takdang-aralin at mga bagay na kailangang isumite kinabukasa. Kawalan ng disiplina sa sarili at wlang sense of urgency and time management ang dahil ng mga FAILING MARKS. naranasan ko yan sa college. sa Hayskul, piling-pili ang mga pagkakataon. Kaya dapat maging responsable sa mga tungkulin bilang mag-aaral at focus sa mga priorities at hindi sa mga parties. :D
    At pangalawa, dahil hindi tayo natututong mag-isip 'out of the box', masyado tayong confined sa tinuturo ng mga guro na minsan o kadalasan ay lumilihis sa mga dapat tinututukan. Bumabagsak tayo dahil kahit mali na ang tinuturo para tayong kalabaw na oo ng oo. Parang walang guts magsalita na "ma'am mali po kayo, di po ba't ganito yung idea nun?". simpleng tanong na magbibigay ng linaw. OR wag makuntento sa binibigay ng guro AT HIGIT SA LAHAT wag makunteto sa pagrereklamo na si ma'am ay ganito, si sir ay ganun. dapat Love the subject if you can't love the teacher. I t should never always be contingent to the teacher whether you will learn or not. Wag lang basta magreklamo, mag-aral sa labas ng libro ng guro at mag-isip ng diretso para di ka magka pulang grado. :D


    Yan lang masasabi ko, sana naging makabuluhan kahit papaano. antok na ako. :D

  • #31

    Ricx Alwyn John (Tuesday, 01 February 2011 10:27)

    Nagiging tamad ang isang estudyante dahil marami siyang gustong ibang gawin at matutuhan at ito ayon sa kanyang kagustuhan mabuti man o masama. Pero sino ba ang hindi tatamarin sa eskwela kung ang asignatura mo ay Calculus, Trigonometry, at Advanced Physics and Chemistry? Hindi naman lahat ng itong mga binagit kong asignatura ay magagamit mo sa iyong trabaho o sa pang-araw-araw na buhay kahit sabihin mo na magagamit mo ito sa kung paano ka mag-a-approach sa isang problema mo sa buhay. Pero hinde eh. Di naman gumamit ang Pangulo ng mga Bansa ng higher math para solusyonan ang problema ng kani-kanilang bansa. tungkol naman sa physics at chemistry, eh maari pang itong magamit pero bakit kailangan pang takayin ang mga komplikadong bagay na 'di mo na kelangan matutunan. Pwede na ang 'BASICS LANG'.

    Basics lang kung hindi mo naman ito kailangan sa kurso mo sa kolehiyo.

    Hindi lang sa Hayskul nag sisimulang maging tamad an isang estudyante, dito lamang nagiging talamak ang pagiging tamad dahil sa mga asignaturang mag papa-bagsak lamang sa iyo dahil di mo maintindihan at di mo kailangan.

    Maaaring mali ako. Pero itanong mo muna sa magulang mo kung nagamit ba niya ang calculus at iba pang higher math subjects sa kanilang 'Field of Expertise'.

    Kung ikaw man ay bumagsak, lagi mo lamang tatandaan ang mga kataga ni Bob Ong;
    “nalaman kong hindi final exam ang passing rate ng buhay. hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration or fill-in-the-blanks na sinasagutan kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga isinulat o wala. Allowed ang erasures.”

  • #32

    Kharnelle Eyrand Sade K. Lim (Wednesday, 02 February 2011 04:42)

    Sumasang-ayon ako sayo Ate Paula :) ang galing ng pagkasulat. Dapat tlga ay mag-aral tayo at huwag pairalin ang katamaran, sapagkat tayo rin naman ang makikinabang kung tayo ay mag-aaral. Di lamang tayo makakakuha ng mataas na marka sa mga pagsusulit, maipapakita pa natin na tayo ay mga responsableng mag-aaral na hindi lamang umaasa sa pagtuturo ng mga guro.

  • #33

    Fad Fadd Fahad (Wednesday, 02 February 2011 06:34)

    Talagang mahirap bumawi mula sa pagkakakuha ng Pulang marka. para kang naiipit sa malalim na quicksand. ngunit, nasa tao na lamang yan kung magsisikap siya o hindi. hindi naman natin mapipilit ang taong tamad na maging masipag na mag-aaral. wala siyang ibang sisihin kung hindi ang kanyang sarili. marami akong natutuhan sa blog mo Paula. maraming salamat.

  • #34

    Mae R. (Wednesday, 02 February 2011 07:36)

    Sa bawat pulang marka na iyong matatanggap, dapat matuto lamang tayong tanggapin ito dahil tayo rin ang may pakana nito at dapat din tayong mag move-on pagkatapos nito.

  • #35

    Salina Teo (Wednesday, 02 February 2011)

    Oo,tama nga naman.Kaso,minsan dahil din ito sa mga guro.Minsan ay hindi maayos ang pagkaturo ng leksyon sa atin kaya tayo nagkakaroon ng pulang marka.pero,dapat pa rin tayo magpatuloy mag-aral at itry na makinig talaga at pakinggan ang guro. :)

  • #36

    Marlo Panong (Wednesday, 02 February 2011 08:40)

    Depende na yan sa bata kung determinado syang pumasa.. :D kung tamad edi bagsak kung masipag, papasa

  • #37

    Nikko Ignacio (Wednesday, 02 February 2011 08:43)

    kung dterminado kakayanin, kung ind, good luck XD

  • #38

    Miguel Castro (Wednesday, 02 February 2011 08:44)

    Eh bakit anung gwing aral q sa math... bumabagsak parin aq? T.T

  • #39

    Jackie Pioquinto (Wednesday, 02 February 2011 19:50)

    Sumasang-ayon po ako sa inyong artikulo. :)

  • #40

    Angie C. (Wednesday, 02 February 2011 20:06)

    Kahit anong ginagawa ko, hindi ko pa rin minsan naiintindihan ang Math kasi hindi maayos ang pagtuturo ng guro namin. Tapos pagdating sa exam hindi naman mga examples niya ang lumalabas. Minsan mahirap sobra. Kaya hindi ko naiiwasang sisihin ang mga guro. Sila kasi yan ang problema. Di ang mga estudyante.

  • #41

    Marion Tan (Wednesday, 02 February 2011 20:07)

    Sang-ayon ako sayo, Ate Pau. Maging ako mismo, sanay na sanay nang makakuha ng pulang marka.

  • #42

    Paula Estive (Wednesday, 02 February 2011 20:07)

    Sumasang-ayon ako sayo ate Paula. Dapat hindi natin isisi sa iba kung tayo'y nagkakaroon ng pulang marka. Dahil, kung tayo naman ay determinadong pumasa ay gagawin natin ang lahat para intindihin ang hindi natin naiintindihan.

  • #43

    Karlo Rodriguez (Wednesday, 02 February 2011 20:09)

    Haha. Sang-ayon ako sa mga sinabi mo. Ganyan naman talaga lagi sa buhay ng mga estudyante eh. Ang katamaran ay ang laging asungot sa pag-aaral ng mga estudyante kaya bumabagsak na lang sila.

  • #44

    Joseph Rotgam :) (Wednesday, 02 February 2011 20:20)

    Sumasang-ayon ako sa lahat na nabanggit sa artikulong ito. ako ri'y nakaranas ng samut saring mga "first time" sa pagtapak ko ng hayskul. Dito ko unang naranasan ang hindi pag gawa ng mga assignment, pagbagsak sa mga pagsusulit at pagkakaroon ng "line of 7" sa mga pagsusulit. noong una'y hindi ko ito matanggap, ngunit nang lumipas ang mga buwan ay "nasanay" na ako. Naniniwala akong hindi maiiwasan ng mga estudyanteng bumagsak sa mga pagsusulit. Marahil ito'y dahil sa hindi malinaw na pagpapaliwanag ng mga guro, katamaran, kakulangan ng oras sa discussion at kung anu-ano pa. Kung ano man ang dahilan nito, naniniwala akong ang pagsuko ay hindi solusyon. Ang pagkakasanay na magkaroon ng mababang marka ay hindi sapat na dahilan upang sumuko tayo. gaya ng sabi mo, kinakailangan nating magsikap upang makamit ang tagumpay. Ajeje :))

  • #45

    A-Student (Wednesday, 02 February 2011 21:14)

    Totoo nga. Dahil nga nakatanggap ako ng pulang marka sa isang subject sa klase, ginusto kong ipakita sa aking guro na hindi un ung tunay kong kakayahan. At hanggang ngayon ginagawa ko pa rin un.

  • #46

    Abam (Wednesday, 02 February 2011 22:28)

    Tama ka Ate Pau,tumpak ang mga sinabi mo sa articulo na ito. Paminsan ay nagiging tamad ang mga estudyante na mag-aral dahil:
    *Isa sa mga rason ay ang sarili nilang guro ay tinamad na ring magturo sa kanila. Halimbawa ay 'Ayaw ng balikan ang leksyon na tinuruan sa kanila at laging madalian ang pagtuturo kahit hindi pa nauunawaan ng kanyang estudyante'.
    *Pangalawa ay kapag gusto ng isang estudyante na bumawi sa isang pagsusulit upang ipataas ang marka sa isang asignatura pero bagsak rin ang kanyang nakuha at lalo pang ito nagpapababa ng kanyang marka, parang ang nararamdaman niya ay susuko na siya at ayaw ng mag-aral pang muli. Ito ang nararanasan ko dito sa Canada :)
    Depende na rin sa estudyante kung paano nila gagamitin ang utak nila sa pag-aaral. Depende na rin sa kanila kung gusto pa ba nilang mapalawak ang natutunan nila.
    Ang masasabi ko lang ay kapag lumagpak ka sa anong bagay, ay dapat muling bumangon at gawin ang anong makakaya mo. Huwag maging tamad.

  • #47

    Chrystal Peña (Thursday, 03 February 2011 08:07)

    insted na mawalan tayo ng pagasa dahil sa pulang marka na yan dapat maging strong tayo kase wala tayong future kung hinde tayo magkaroon ng self-confidence.
    magaling at naisulat mo ang iyong mga saloobin ate pau. kahanga-hanga kang studyante.

  • #48

    Christian Egos (Thursday, 03 February 2011 10:44)

    Katamaran, iyan lang ang salitang masasabi ko sa mga taong may bagsak na grado. Tayong lahat ay ginawa ng Diyos na may pag-iisip, hindi natin dapat sisihin ang mga guro sa ating mga grado kundi ang ating mga sarili.

  • #49

    Cindy Camarines (Thursday, 03 February 2011 23:39)

    Kahit ngayon ay tinatamad pa rin ako. Minsan sinisisi ko ang teacher namin. Pero katulad ng sinabi u, tayo lang makakatulong sa sarili natin. Salamat at sinabi mo iyan at magaling ang pagkasulat.

  • #50

    Hennie (Saturday, 05 February 2011 02:27)

    Tama.Ito'y dahil sa ating katamaran sa pag-aaral.

  • #51

    Ella Falcasantos (Saturday, 05 February 2011 02:30)

    Hello ate Paula, Sumasang-ayon ako sa lahat na nabanggit niyo. Ganyan talaga ang buhay ng isang estudyante, hindi natin maiwasan ang pulang marka. nakuku natin ang pulang marka dahil sa ating katamaran. para maiwasan natin ang pagkuha ng pulang marka dpat tayong magaral at makinig sa guro.

  • #52

    nicca abiera (Saturday, 05 February 2011 02:33)

    sumasang-ayon ako sa iyong sinabi na ang mga dahilan kung bakit bumabagsak ang mga estudyante ay dahil sa kakulangan sa preparasyon, kawalan ng gana at katamaran. Hindi naman natin dapat sisihin parati ang ating guro, dahil tayo mismo ang dapat maghanap ng paraan. kasi kung gusto nating pumasa, kahit hindi gaanong kagaling ang guro natin ay makakahanap parin tayo ng paraan.

  • #53

    Min (Saturday, 05 February 2011 02:47)

    Tama nga na ang katamaran ay walang naitutulong sa pagtatapos ng pag-aaral. May mga nagtatamad-tamaran na mga estudyante, pero kung iyong susuriin ay magaling naman. Sadyang nagtatamad-tamaran dahil sa mahihirap na asignatura. Pero kahit na nahihirapan ka, dapat lang na mas husayan mo pa. Dahil ito rin ay isang hamon sa mga mag-aaral na lalong magsikap.

  • #54

    Kristin Gail. (Saturday, 05 February 2011 02:48)

    Sa ngayong henerasyon, padami ng padami ang mga kabataan ay nagkakaroon ng pulang marka tuwing nagkakaroon man ng takdang aralin o pagsusulit. Madami rin kasing rason kung bakit ito nangyayari. Para sa akin isang dahilan diyan ay ang "peer pressure" kung hindi mag-aaral ang iba mong kaklase ay hindi ka na rin mag-aaral dahil halos lahat sila ay walang paki at kahit mali ito, gusto mo rin sumali para lang sa iyong mga kaibigan.

  • #55

    Fatima Juaini (Saturday, 05 February 2011 02:48)

    Tama talaga ito, Ate Paula. Ito's isang pangyayaring makikita sa halos lahat ng eskwelahan at estudyante. Good Work! :)

  • #56

    Debra Ann (Saturday, 05 February 2011 03:00)

    Tama. Kung bumabagsak tayo sa mga pagsusulit o nakakakuha tayo ng ng mababang marka, hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa. Kinakailangang aminin natin sa ating sarili na tayo ay nagkulang at paminsan, ay naging pabaya. Ngunit hindi naman ibigsabihin na dahil sa mga kabiuang ito, mawawalan ka na ng pag-asang makakuha ng mas mataas ng grado. Ang mga ito'y pawang mga hadlang lamang na kinakailangan nating lampasan bago natin makamit ang ating mga minimithi. Sa kabuuan, ako po'y lubos na sumasang-ayon sa iyong mga punto.

  • #57

    Jenn Lim (Saturday, 05 February 2011 03:00)

    Sumasang-ayon ako, P.
    Mga mag-aaral nga naman sa panahong ito, tila uso na ang mga pulang marka. Kung baga ito'y pwede ng ipagmalaki sa buong mundo, para maging "in" sa henerasyong ito. At iyang mga dahilan ng mga pulang marka, inaamin ko, may mga panahong ako'y tinatamad ng mag-aral. Kung minsan nga'y sinisisi ko pa ang mga guro dahil sa kanilang walang katapusang pagbibigay ng kung anu-ano. Sinasabi kong hindi ko pa naranasan ang makakuha ng pulang marka, ngunit, mga grado ko naman'y bumababa at ito'y dulot ng KATAMARAN. Maharil lahat tayo ay inaatake nito. Diba? At kung minsan'y naiisip nating hayaan nalang, at sabihing "Bahala na".
    Nasa atin ang simula. Nasa atin ang pagbabago. Nasa atin ang sariling kapalaran. At masasabi kong hindi pa huli ang lahat, kaya't simulan na natin ngayon.

  • #58

    Misoy Guiroy (Saturday, 05 February 2011 03:12)

    bilang estudyante, hindi ka makakakuha ng pulang marka kung ikaw mismo may disiplina sa sarili mo.. bakit nanaisin mo pa ang ganung klaseng grado kung pupwede ka naman makakuha ng mataas na marka,hindi ba? kung sa tingin mo ay hindi sapat ang pagtuturo ng guro mo eh, mas mainam na magself study na lang,at kung may mga bagay ka na hindi maintindihan, kumunsulta sa iyong guro para maliwanagan ka .nakakatulong din ang pagbabalik-aral gabi-gabi para laging kang handa kung me biglaang pagsusulit man sa sunod na araw,. Hindi naman kailangan na maging matalino ang isang tao upang makakuha ng matataas na marka, sipag at tiyaga ang magiging puhunan mo, para marating mo ang tugatog ng tagumpay sa iyong pag aaral..

    *bow!:)

  • #59

    Sir Marcial (Saturday, 05 February 2011 10:47)

    Checked 02/06/2011

  • #60

    Sir M (Thursday, 10 March 2011 06:37)

    34 comments validated

  • #61

    Md. (Thursday, 20 October 2011 05:17)

    Hello there are choosing WordPress for the website system? Iam new to blog planet but. Iam trying to find began and hang up my very own. Also i found out about Drupal is ok. Sees my choice.... Useful post, many thanks.

  • #62

    Szilvasi (Saturday, 22 October 2011 08:03)

    Hm, I’m just comfortable with this but still not entirely convinced, hence i’m going to research a touch more.

  • #63

    Nita (Saturday, 22 October 2011 22:33)

    There are recently been following on from the blog site for a month approximately and have picked up a bunch of information as well as liked the strategy youve organised your web site. I'm looking to manage my quite private blog site nonetheless. I think its way too basic and I have to give attention to lots of smaller matters. Getting things to all individuals is just not all of that it's chipped as much as become.

  • #64

    Zuzla (Sunday, 23 October 2011 07:02)

    Great a publish. Typical difficulty can be G. modify their thoughts very frequently.

  • #65

    Jachym (Sunday, 23 October 2011 14:37)

    {-String.Spintax-|-{I think|I believe|I do believe|I do think} {other|additional|some other|various other} {web site|site|internet site|web page} {owners|proprietors|entrepreneurs|masters} {should|ought to|need to|must} {take|consider|get|acquire} {this web site|this website|this site} {as an|being an|as a possible|just as one} {model|design|product|style}

  • #66

    Sokol (Thursday, 27 October 2011 23:19)

    Happy to find out this website is effective on my iPhone , almost everything I wish to carry out is well-designed. Thank you for maintaining up currently using the newest.

  • #67

    Don (Saturday, 29 October 2011 16:39)

    Hm, I’m just comfortable with this but still not entirely convinced, hence i’m going to research a touch more.

  • #68

    Rodney (Friday, 11 November 2011 12:38)

    Fine 1 article. Standard downside is actually G. change their own spirit too repeatedly.

  • #69

    juvy bustamante (Wednesday, 16 November 2011 17:35)

    Bilang mag-aaral, mag-aral nang mabuti, para rin naman sa atin ito. Hindi ito mananakaw ng kahit sino.

  • #70

    Mara (Thursday, 24 November 2011 14:58)

    No registration app on Twitter. Plugin will be the optimum good thing about ease. FREE Automated WordPress to twitter plugin

  • #71

    analýza webu (Monday, 23 January 2012 21:00)

    nice post

  • #72

    Boysintoys (Wednesday, 26 September 2012 15:21)

    THX for info

  • #73

    Best Juicer (Tuesday, 16 April 2013 20:04)

    This is an excellent write-up! Thank you for sharing with us!

  • loading