Tue

01

Feb

2011

Mga Bagay-Bagay sa Hayskul

source: Colombiere Bears' album
source: Colombiere Bears' album

ni Frederick John G. Catadman

 

Hayskul. Nandyan na yan lahat eh. Parang iyang isang putahe na kumpleto sa mga rekado. Parang iyang isang malaking kahon ng krayola na ang mga pangala'y ni hindi mo pa naririnig sa buong buhay mo. Para kang pumasok niyan sa isang department store na nagbebenta ng kahit ano mula sa tsinelas, telebisyon, lapis, yosi, diaper ng sanggol, diaper ng matanda, DVD ng paborito mong teleserye at kung anu-ano pang anik-anik. Ganyan ko ilarawan ang buhay sa hayskul, isang napakulay at napakasayang mundo.

Magbibigay ako ng ilang hinding-hindi mo maiiwasan sa hayskul (ang iba lang naman) :

  • mga freshmen na tila hindi na fresh pag sapit ng alas kwatro dahil ambabaho at andudungis mula sa mga laro, mapapaisip ka tuloy kung nasa hayskul ka nga ba o nasa elementarya
  • mga nagdadala ng gitara araw-araw. tila araw-araw din silang may konsyerto
  • klasmeyt mo na grabe sa pagbirit tuwing walang klase. yung tipong kakanta pa ng papikit para lang maabot ang mga nota
  • andyan siyempre yung mga guro na walang patawad sa pagbigay ng mga takdang aralin at mga gawain ngunit di naman kinaklaro ang kani-kanilang mga tuntunin
  • yung klasmeyt mong tulog nang tulog na parang mas mahaba pa ang oras sa pagtulog kaysa pakikinig sa guro
  • yung guro mong hanep magbiro sa klase, sa sobrang deep ng mga biro ay hindi kayo matatawa
  • yung mag-aaral sa kabilang silid na sigaw nang sigaw
  • bagol gam sa ilalim ng mesa
  • bagol gam sa ilalim ng upuan
  • bagol gam sa door knob
  • bagol gam sa may gripo
  • mahilig ata sa bagol gam ang buong paaralan
  • yung pagkain sa cafeteria na tila adik na adik ang lahat, may sikretong dasal sigurong kasama dun
  • klasmeyt mong hingi nang hingi ng papel (wanfort, wanhul, wanhaf)
  • klasmeyt mong sagana sa papel
  • klasmeyt mong text nang text
  • mga outsider na labas masok sa paaralan (saan na ang mga binabayad sasecurity measures?)
  • mga takdang araling wala naman talagang kabuluhan sa buhay. parang wala lang, binigay lang
  • mga bayarin na nakakabutas ng bulsa
  • yung proyekto sa Technical and Livelihood Education na ayaw paniwalaan ng mga klasmeyt mong ikaw ang gumawa
  • mga bolpen na pakalat-kalat
  • mga bolpen na tila mas mahal pa sa tuition mo
  • yung locker mong walang laman pero punung-puno pagdating ng isang araw bago ang exams
  • mga parents' consent sa bag mong nabubulok na
  • kaibigan mong lagi mong iniiyakan
  • kaibigan mong lagi mong inaasar
  • kaibigan mong lagi kang inaasar
  • kaibigan mong kung tumawa ay wala nang bukas, todo sa halakhak
  • mga hairstyle na pauso
  • mga pumipilit gayahin ang usong hairstyle. bahala nang magmukhangyagit
  • klasmeyt mong nagbebenta ng kahit ano
  • guro mong hayop kung magbigay ng pagsusulit. tipong right minus wrong minus everything
  • suntukan
  • sabunutan
  • sapakan
  • sampalan
  • saksakan (biro lang)
  • klasmeyt mong dami nang utang, lahat na inutangan.
  • mga birong umaabot sa suntukan na umaabot sa guidance
  • mga pausong ekspresyon tulad ng char!, ta*, imba, inae, "sana walang klase", huhu, atbp.
  • iyakan sa mga recollection

Lahat ng ito ay ilan lamang sa mga bagay na nagpapadagdag ng kakulitan sa hayskul. Ito yung mga bagay na akala mo wala lang ngunit paglabas mo, paggraduate mo, ay hahanap-hanapin mo. Ang mga bagay na ito ay hinding hindi natin dapat kalimutan. Mga simpleng bagay man ngunit ito yung mga bagay na tumutulong na humulma sa ating katauhan sa hayskul. Ikaw? Anu-anong bagay ang hindi mo kayang kalimutan sa buhay hayskul mo?

 

Write a comment

Comments: 48

  • #1

    Aizel (Tuesday, 01 February 2011 08:38)

    Nakatutuwa ang mga nakasaad. Karamihan ay tunay na nararanasan sa hayskul. Totoo nga namang ang hayskul ay punong-puno ng kulay.

  • #2

    Karlo Rodriguez (Tuesday, 01 February 2011 08:47)

    Tama nga ang iyong sinabi. Madami nga ang pwedeng mangyari sa hayskul natin. Dapat wag natin lampasin ang pagiging hayskul syudent.

  • #3

    secret (Tuesday, 01 February 2011 08:49)

    Like! magaling. Natamaan ako sa iba :)) Nakakarelate. hahaha.

  • #4

    Cindy Camarines (Tuesday, 01 February 2011 08:52)

    (Hindi ko po yan tunay na pangalan. Kaysa naman anonymous ilalagay ko)

    Ang bagay na hindi ko makakalimutan sa buhay hayskul ko? IKAW.

  • #5

    daiyne (Tuesday, 01 February 2011 08:59)

    Isa sa mga hindi ko makakalimutan na nangyari sa aking hayskul, ay iyong mga araw na inaasar at inaaway ko yung classmate ko na si Mm. ngunit nung kami'y naging magkalapit na sa isa't-isa, duon ko narealize na sana mabalik ko yung mga oras na inaasar at inaaway ko siya at sana naging mabait nalang ako sa kanya. hahahah :)

  • #6

    jepoy (Tuesday, 01 February 2011 09:03)

    .sabagay,tama nga nman fred..hahaha..ganyan ka rin kc nun freshman ka..haiii..mamimiz ko highskul lyf ko..hahaha..

  • #7

    M__M (Tuesday, 01 February 2011 09:10)

    GALING MO!!IDOL!!:))

  • #8

    meekee (Tuesday, 01 February 2011 09:20)

    Mukhang may nakaligtaan kang bagay na hindi mawawala sa mga lalaking studyante ng hayskul.
    Pero naiintindihan ko na maaari kang masita o maparusahan o mapaslang pag iyo itong isinali sa listahan kaya huwag mo nalang isali at atin-atin nalang yon.

    Base naman sa mga obserbasyon mo sa iyong mga kaklase at mga nakakasalamuha mo sa iyong paaralan, ako ay natuwa at biglang napabalik-tanaw sa aking buhay hayskul. Halos lahat rito ay akin ding nakita at napagdaanan noon.....pwera nalang siguro ang iyakan sa recollection.

  • #9

    Rafi XD (Tuesday, 01 February 2011 09:21)

    Hahaha! Tama! tiyak na hindi ko makakalimutan ang mga karanasan ko sa hayskul mula nung ako ay first year pa lamang hanggang sa ako'y isang senior student na.

  • #10

    top :) (Tuesday, 01 February 2011 09:27)

    nice. tama :)

  • #11

    Lew-wee (Tuesday, 01 February 2011 09:32)

    Hayskul life puno ng alaala na di malilimutan. Araw-araw may home work ka, pero okay lang basta may inspiration ka. May bagsak may pasado may naka chamba at yung iba? Aba ewan ko. May nag aaral kaya matalino yung iba naman? Pwede narin kasi MATALINAW. :> May mag-barkada may mag-kaaway. May maganda may panget. May tawanan may iyakan. May asaran may pikunan. Basta hayskul life lahat lahat na yan anjan. Kaya di ko malilimutan ang hayskul life dahil dito nagsimula ang pagiging totoo ko sa sarili ko. :) Echos!

  • #12

    Gem (Tuesday, 01 February 2011 09:39)

    Natamaan ako sa mga iilang nakasaad. HAHA. :)) Makikita nga naman talaga sa hayskul ang iyong mga nabanggit. Masasabi kong ang mga karanasang ito sa hayskul ay 'di natin makakalimutan dahil sa saya at pagbabago na naidulot nito sa ating buhay.

  • #13

    narwhales (Tuesday, 01 February 2011 09:41)

    Maganda ang pagcompare ng mga bagay bagay sa buhay hayskul. Totoong nangyayari sa mga hayskul students and inilahad sa blog na ito. Natatawa ako sa ibang mga halimbawa dahil may ganoong talagang pangyayari sa buhay hayskul ko. Ang hayskul ang pinakamagandang mga taon sa buhay mo, ngunit may halo rin itong mga dramatic moments. dahil dito, mas nagiging spesyal ang mga karanasan sa hayskul.

  • #14

    Adriel Earl Toribio (Tuesday, 01 February 2011 09:45)

    Ang Hayskul ang pinakamakabuluhang bahagi ng buhay ko. Ang di ko makakalimutan sa buong hayskul ko ay ang klase ko -Ogilve/OGOYS- at ang mga naging moderators ko. Ngunit di ko sinasabi na kinalimutan ko ang iba kong guro. Ang OGOYS at mga moderators ko kasi ang nagbigay kulay at buhay sa hayskul ko. Tawanan, iyakan, awayan, tentahan at gimikan, sila ang kasama ko at wala ng iba pa. Kung wala ang OGOYS wala ang "hayskul" ko. Mga trip to Abong-Abong 14th Station, Abong-Abong River, Ravas, Mano-Mano, "emergency" overnights, surprise parties at marami pang iba. hinding-hindi ko makakalimutan ang HS pero higit salahat di ko makakalimutan ang klase ko at mga kaklase ko. Kaya isa lang masasabi ko, sulitin ang bawat segundo, minuto, oras, araw na natitira sa inyo bilang isang klase, dahil kasing hirap ng paghahanap ng karayom sa disyerto ang pangaraping mabuo muli ang klase pagkatapos ng graduation. Hayskul ay sulitin, dahil isip at puso ito ay masarap uli't-ulitin. :D

  • #15

    Raelyn Sarzosa (Tuesday, 01 February 2011 09:51)

    Kaya habang nasa hayskul ka pa cherish every moment na, dahil pagdating mo sa college, bihira nalang mararanasan mga ganyan. Kaya nasasabi natin na ang saya sa hayskul:))

  • #16

    mac (Tuesday, 01 February 2011 09:56)

    benta to.

  • #17

    jeck camins (Tuesday, 01 February 2011 10:44)

    "mga bolpen na tila mas mahal pa sa tuition mo"
    i like creative language, hanggang college nadadala. I think most of these traits teach us a value despite how cliche they were back then.

  • #18

    Mark Quitoy (Tuesday, 01 February 2011 11:22)

    Kakaunti lamang ang iyong mga nabanggit kung masusing itatala ang kumpletong listahan ng mga maaring mangyari sa iyo sa apat na taon sa hayskul. Sa katunayan, hindi sapat ang apat na taon upang lubos mong matikman at mapagsawaan ang tamis ng buhay hayskul. Tumungtong ka man ng kolehiyo, hindi mawawala ang mga alaala ng pinakamasayang apat na taon sa buong buhay mo. Nararapat lamang na sulitin ang bawat sandali sa hayskul. Hindi na ito maaring ibalik. Walang oportunidad ang dapat na sinasayang. Mahirap ang nagsisisi sa huli. Siguraduhing ang bawat sandali ay puno ng mga bagay na maari mong baunin pagdating sa kolehiyo. Masaya, masakit, malungkot, nakakapagod, maaksyon, nakakapabago ng buhay; anuman ang gamitin mong deskripsiyon, isa lang ang pagkakatulad nila: lahat sila ay naging malaki at mahalagang parte ng ating mga buhay.

  • #19

    Kharnelle Eyrand Sade K. Lim (Wednesday, 02 February 2011 04:18)

    *clap2x! galing! karelate tlga ako, natatawa ako habang binabasa ko yung mga hindi makakalimutan sa hayskul dahil karamihan ay totoo :) At lalong sumasang-ayon ako dito oh "mga freshmen na tila hindi na fresh pag sapit ng alas kwatro dahil ambabaho at andudungis mula sa mga laro, mapapaisip ka tuloy kung nasa hayskul ka nga ba o nasa elementarya" (ang ibang freshmen lang :D) at ito "klasmeyt mong text nang text" .HAHA. Wala na akong masabi, ang galing tlga! Sulit ang oras sa pagbabasa nito :)

  • #20

    kiss kiss kisss (Wednesday, 02 February 2011 06:54)

    ang pogi mo fred!

  • #21

    Trizhia Matutinao (Wednesday, 02 February 2011 07:25)

    Pagkatapos ng pagtawa habang inaalala ang masasayang araw sa hayskul ay siguradong hindi mo maitatanggi malulungkot ka sapagkat anuman ang gawin mo ay hindi mo na itong pwedeng balikan. Kulang pa ang isang araw upang ilista at alalahanin ang lahat ng masasayang gawain mo sa hayskul. Kung minsan nga ay hindi mo mapapansin kung gaano kabilis ang takbo ng oras lalo na kung mayroong mga takdang aralin. Maikli lamang ang apat na taon at isang beses lamang natin ito mapagdadaanan. Kaya hindi dapat nating sayangin ang oras. Bawat sandali ay punuin ng saya. Ayusin ang mga problema, gaano man ito kasakit sapagkat minsan lamang tayo maging hayskul.

  • #22

    Hayskul. (Wednesday, 02 February 2011 07:25)

    "kakaunti lamang ang iyong mga nabanggit kung masusing itatala ang kumpletong listahan ng mga maaring mangyari sa iyo sa apat na taon sa hayskul. Sa katunayan, hindi sapat ang apat na taon upang lubos mong matikman at mapagsawaan ang tamis ng buhay hayskul. Tumungtong ka man ng kolehiyo, hindi mawawala ang mga alaala ng pinakamasayang apat na taon sa buong buhay mo. Nararapat lamang na sulitin ang bawat sandali sa hayskul. Hindi na ito maaring ibalik. Walang oportunidad ang dapat na sinasayang."

    Sa hayskul mo mahahanap ang ibig sabihin ng tunay na kaligayahan. Miss ko na ang hayskul :(

  • #23

    Ella (Wednesday, 02 February 2011 09:26)

    Sobrang nakaka-relate ako sa iyong mga nabanggit. Talaga namang ganoon talaga ang buhay sa hayskul at kahit na sabihin natin ngayon na ayaw natin sa buhay na ito, ay hahanap-hanapin pa rin natin ito pagdating ng kolehiyo.

  • #24

    Mae R. (Thursday, 03 February 2011 07:58)

    Kahit na hindi pa ako gra-graduate ay nagsisimula ko nang ma-miss ang high school. Talaga ngang hindi natin dapat palampasin ito.

  • #25

    Christian Egos (Thursday, 03 February 2011 10:39)

    Ang hayskul na nga kaya ang pinaka hindi malilimutang pagkakataon sa atiing buhay kung baga, isang pagkain na nailunok mo na at hindi na mawawala pa. Sa bawat halimbawa ng mga bagay-bagay na iyong mga sinabi ay natawa ako.

  • #26

    Eslin Hanael U. Cabato (Thursday, 03 February 2011 19:53)

    Tama! Ito nga talaga ang iilan sa mga napakaliit na bagay na nangyayari sa loob man ng klasrum o sa labas. Kahit napaka simple ng mga ito ay napakalaki pa rin ang bahaging nilalaro nito sa buhay natin sa hayskul. Habang tayo'y magkakasama pa ay yakapin na natin ang mga masasayang oras na magkasama tayong lahat. Paglabas natin ay magkakahiwa-hiwalay tayo kaya naman ay gawin nating masama ang bawat segundo na magkasama tayo. :D

  • #27

    Rojean (Thursday, 03 February 2011 19:59)

    nicceeeee!! (:

  • #28

    Eslin Hanael U. Cabato (Thursday, 03 February 2011 20:04)

    May pagkakamali ako sa huling pangungusap.
    Eto yung dapat. Sorry ulit.
    ************************************************************
    Paglabas natin ay magkakahiwa-hiwalay tayo kaya naman ay gawin nating masaya ang bawat segundo na magkasama tayo. :D

  • #29

    Sotero S. (Thursday, 03 February 2011 20:06)

    Hindi ko mamimiss ang hayskul kasi dito naman talaga ako habang buhay eh.

    Mamimiss ko lang yung mga taong nakilala ko, yung mga oras na nagkasama kami, yung mga away namin, mga birubiruan...haiii :'>

    Ngayong papalapit na ang Marso, magtatapos na naman ang isang bilang ng mga estudyante. Sana hindi nila makakalimutan ang isa't isa at dapat sulitin na nila ang bawat oras bago ang graduation.

    :)

  • #30

    Marion Bais Guerrero (Thursday, 03 February 2011 20:07)

    Halos lahat naman ata ng ating mga karanasan sa hayskul ay sadyang makulay.Nagunita ko tuloy ang sarili kong karanasan sa hayskul. Ika nga ng marami, ang panahon ng iyong pamamalagi sa hayskul ay isang bahagi ng iyong buhay na hinding-hindo mo malilimutan. Kaya nga lagi kong pinapaalalahanan ang ating mga mag-aaral na sulitin ang kanilang oras sa hayskul sa mga makabuluhang gawain datapwat ito'y maikling panahon lamang. Anuman ang ating gawi o asal sa hayskul ay tiyak na huhubog sa ating katauhan sa hinaharap.

  • #31

    Sir Marcial (Saturday, 05 February 2011 10:41)

    Checked 02/06/2011

  • #32

    Sir M (Thursday, 10 March 2011 06:35)

    11 comments validated

  • #33

    Cheap Sunglasses 2011 (Friday, 22 July 2011 02:52)

    The old adage rings true in that 'quitters never win, and winners never quit'. Nothing worth having, doing, or accomplishing comes pre-packaged with foolproof steps that guarantee success.

  • #34

    Nike Air Jordan Shoes 2011 (Monday, 08 August 2011 22:37)

    Are you keen on attending a style show? If you should run an organization based in fashion like a trend retail outlet or simply a style enterprise consultancy, it is actually probable that vogue demonstrates are a wonderful resource instrument. The fashion demonstrates will also be superb for many who prefer to know a great deal more concerning the newest developments in vogue or maybe people just looking to have a superb time. For that reason, if you would like to go to a trend clearly show, that you're encouraged to go out and do it. Even if trend reveals are enjoyment to show up at, must find 1 to attend. Sad to say, there are numerous customers in existence who decide in opposition to attending a vogue display, mainly because I believe it would be especially hard to obtain just one.

  • #35

    Sam (Saturday, 22 October 2011 10:48)

    There are recently been following your website for any month or so and also have acquired a huge amount of data and loved the method youve organised your internet site. I will be attempting to manage my personal quite individual website nevertheless. I do believe it's way too common and I must give attention to a lot of more compact matters. Getting things to all or any folks isn't everything that its chipped around end up being.

  • #36

    M (Saturday, 22 October 2011 11:15)

    Hm, I’m just comfortable with this but still not entirely convinced, hence i’m going to research a touch more.

  • #37

    Paja (Tuesday, 25 October 2011 03:05)

    {-String.Spintax-|-{I think|I believe|I do believe|I do think} {other|additional|some other|various other} {web site|site|internet site|web page} {owners|proprietors|entrepreneurs|masters} {should|ought to|need to|must} {take|consider|get|acquire} {this web site|this website|this site} {as an|being an|as a possible|just as one} {model|design|product|style}

  • #38

    Bogio (Saturday, 29 October 2011 02:23)

    Hello there are using WordPress on your web site platform? Iam new to the blog world however. Iam trying to find started out and set up my personal. Furthermore, i learned about Drupal is ok. Might find my own alternative.... Helpful publish, cheers.

  • #39

    Jakub (Saturday, 29 October 2011 02:38)

    Can I post your post to my wordpress blog? I’ll add a one-way link to your forum. That’s one actually nice post.

  • #40

    Radecek (Tuesday, 08 November 2011 23:30)

    Great one article. General problem is usually G. change their own spirit very often.

  • #41

    Vencaa (Friday, 25 November 2011 17:10)

    {-String.Split-|-Automated Link Building from Twitter to your WordPress blog FREE Automated WordPress to twitter plugin

  • #42

    True Religion Outlet Jeans (Wednesday, 01 February 2012 02:21)

    Amazing stuff Air Jordan 1 Retro Thanks so much for Juicy Couture Outlet is very useful post for me True Religion Outlet Jeans will absolutely going to help me in my projects.

  • #43

    půjčky online (Saturday, 31 March 2012 15:58)

    THX for info

  • #44

    Ladislav (Wednesday, 04 April 2012 15:22)

    THX for info

  • #45

    Launch X431 (Sunday, 21 October 2012 21:34)

    Cables especailly for old Citroen Cars,Connector between Citroen Cars and Diagnostic tool PP2000 csh

  • #46

    ccarloramos@yahoo.com (Friday, 01 March 2013 01:22)

    i agree

  • #47

    Juicer Review (Wednesday, 10 April 2013 22:48)

    I just shared this on Myspace! My buddies will really want it!

  • #48

    Dental Spot Welder (Monday, 23 December 2013 20:43)

    AMALGAMATEUR dentaire digital HL-AH approuvé par CE.feng

  • loading