Tue

01

Feb

2011

Maging Responsable Ka

ni Kaye Anne Enriquez

 

            “Peram ballpen. Pengeng papel.  May lapis ka pa? Pa-share ng baon.  May extra calcu ka, yung maganda? Sinong may book? May assignment ka? Pakopya!”

 

            Marahil ay naiinis, nabibingi na o di kaya’y nagbibingi-bingihan na lamang ang iyong mga kaklase sa paulit-ulit mong pagbigkas ng mga katagang iyan araw-araw. Sino nga ba ang hindi maaasar kung pumapasok kang mayroong bagong supply ng papel o ballpen at wala pang isang araw ay mauubos at mawawla na ang mga ito? Pagkalabas pa lamang nito mula sa ilalim ng iyong desk ay makikita mo na napapalibutan ka na ng mga kamay. Sino ang makatitiis na makita ang iyong takdang aralin na pinagpuyatan mong magdamag ay pinagpapasa-pasahan? Sino ang hindi magagambala kung tuwing tahimik kang sumasagot sa pagsusulit ay binabatuhan ka ng mga papel  sa iyong likod o kung may sumisipa sa iyong upuan at humihingi ng mga sagot sa mga tanong na iyong pinag-aralan at pinag-isipang mabuti.

            Iyan, Iyan ang tawag sa mga estudyanteng iresponsable; mga estudyanteng imbes na mag-aral sa gabi ay naglalaro, nagffacebook, nagtetext at gumigimik lamang kasama ang mga barkada at sa susunod na araw ay umaasa na lamang sa iba upang bigyan siya ng mga maisasagot sa mga pagsusulit at mga aktibidades na ibinibigay ng mga guro; mga mag-aaral na sa halip na pagtuunan ng pansin ang kanilang pag-aaral ay mas pinahahalagahan pa ang kanilang mga social life at imahe sa ibang tao; mga estudyanteng imbes na makinig sa leksyon ay mas pinili pang matulog na lamang sa klase o di kaya’y mga estudyanteng pati ba naman sa maliliit na mga bagay tulad ng pagdadala lamang ng libro at materyales na kakailanganin ay hindi pa magawa.

 

            Hindi habang buhay ay maaari mong sandalan ang iyong mga kaklase. Mali ang umasa ka na lamang sa kanila sa lahat ng oras. Hindi nila responsibilidad ang bigyan ka ng sagot o bolpen o papel araw-araw. Sa paglipas ng panahon, mawawala at mawawala rin sila sa iyong tabi at kung mangyayari na iyon, papaano mo haharapin ang buhay kung sanay kang nariyan sila? Papaano ka aasenso? Hahayaan mo bang ang pagiging iresponsable mo ang makasisira sa iyo? Kailangan mong matutong tumayo sa sarili mong mga paa; maging responsable ka.

 

Write a comment

Comments: 79

  • #1

    Karlo Rodriguez (Wednesday, 02 February 2011 04:08)

    Tama nga ang mga iyong sinabi. Laging ganyan sa loob na aming silid-aralan. Halos lahat ng mga kaklase ko ay humihingi ng papel o kung ano-ano. Sumasang-ayon ako sa mga sinabi mo dahil kailangan talaga natin maging responsable dahil kapag lagi na lang tayo hingi ng hingi. Paano na lang pala tayo kapag nagtratrabaho na tayo? Nakakahiya naman kapag hihingi ka sa mga kasama mo ng kung ano-ano. Dapat maging responsable tayo at laging handa para maganda ang ating kinabukasan.:)

  • #2

    Brandon (Wednesday, 02 February 2011 04:12)

    Tama. Meron talagang mga tao na hindi nag-aaral, ngunit naglalaro lamang habang tayong mga responsable ay sumusubok na intindihin ang mga tala ng mga guro natin.

    Dapat talaga tayong maging responsable, hindi lamang sa eskwelahan ngunit sa lahat ng mga bagay rin. Inaamin ko na maskin ako rin, humihingi ng papel mula sa mga kaklase, pero alam ko na mali yun.

    Dapat ngayon, tayo ay hindi na maging iresponsable, ngunit dapat maging mga responsableng tao tayo!

  • #3

    rhomelyn (Wednesday, 02 February 2011 04:42)

    Tumpak...dapat pinaghihirapan na ngayon ang lahat ng bagay para sa ikabubuti ng iyong kinabukasan. Responsibilidad ng isang estudyante na mag-aral ng mabuti para makamit niya ang lahat ng gusto niyang mangyari sa kanyang buhay.

  • #4

    Sheikha Ismael (Wednesday, 02 February 2011 04:54)

    Sang-ayon ako sa artikulong ito. Di na nga marahil maalis ang mga katagang ito sa bawat araw ng isang estudyante. Ang mga katagang: "Peram ballpen. Pengeng papel. May lapis ka pa? Pa-share ng baon. May extra calcu ka, yung maganda? Sinong may book?", Halos lahat ng mga kagamitang ito ay mayroon ang isang estudyante ngunit tinatamad nga lang talaga ang mga estudyante.At ang katagang "Sinong may book? May assignment ka? Pakopya!", ating pag-isipan mabuti na ang pagkokopya ay di talaga makakatulong sa atin. Ang mga taong kinokopyahan ang siyang mga nagtiyatiyagang matuto at tanging ang mga nangongopya naman ang nagpapahintulot sa kanilang sarili na di matuto.

  • #5

    Matt (Wednesday, 02 February 2011 04:55)

    OUCH.

    Yun lang.

  • #6

    Baei (Wednesday, 02 February 2011)

    Sang-ayon ako sa mga sinabi mo. Ito ang sakit ng karamihan na napapansin ko na dati pa. At ngayon, tingin ko'y mas lumalala lalo ang sitwasyon.

    Sa aking opinyon, upang maiwasan ng mga kabataan ang pagiging iresponsable, ay dapat maging gabay nila ang kanilang mga magulang. Sa bawat edad ng tao ay may katumbas na mga responsibilidad. Mas ikabubuti para sa isang bata na tinuturuan na siya ng kanyang mga magulang kung paano maging responsable kahit sa mga maliit na bagay upang siya ay masanay.Ito ay kabilang sa proseso ng pagtanda.Ang pagtuturo ng mga magulang sa kanilang mga anak kung paano maging responsable, ay isang malaking bagay na dahil dadalhin na nila ito hanggang sa pagtanda.

    Si kaei anne!

  • #7

    Juliet (Wednesday, 02 February 2011 05:11)

    Tama! Kaya nga di na rin ako nagdadala ng papel e. Ang daming nanghihingi, kaya minsan trip ko ring manghingi. Pagod at pawis ng mga magulang ko ang pinambili ng mga gamit ko, kaya ayokong masayang iyon. Kaso minsan nagiguilty ako, kasi dapat daw maging mapagbigay, yan tuloy minsan ako ung umuuwing kulang kulang sa mga gamit, sinong sesermonan? Edi ako! Ako yung pinagbubuntungan ng galit ng nanay ko, bakit daw mga gamit ko bago pa lang, wala na! Responsibilidad ng mga mag-aaral ang mag-aral, tama yan. Pero di ba dapat para di masyadong stress, kailangan nagsasaya rin? Kaya nga nandyan ang online games, cell phone, at facebook di ba? Pero pag itoý inabuso, sadyang pagsisisihan natin ito sa huli. Nagiguilty ulit ako, kasi karamihan sa mga nasabing kamalian at iresponsableng bagay ang aking nagagawa. Pero ganun daw ang hayskul e, punong puno sa kalokohan, basta wag lang lampasan ang mga limitasyoon at mga bawal. May natutuhan akong leksyon sa artikulong ito, nag magmula ngayon sisikapin ko nang mag-aral ng mabuti at maging isang responsableng estudyante para sa aking magandang kinabukasan, wag na lamang asahan na ang mga kaklase ay may papel na dala, lapis naipapahiram, at takdang-aralin na pwedeng ipagpasa-pasahan.

  • #8

    Gee (Wednesday, 02 February 2011 05:23)

    Kinakailangang maging responsable tayo sapagkat ito ang susi sa pagkamit ng tagumpay. Kung palagi na lamang tayo aasa sa iba walang mangyayari sa atin. Kung sa hayskul pa lamang ay irresponsable na tayo paano na lang sa pagdating ng panahon. Nararapat lamang na maging responsable tayo NGAYON, hindi bukas at hindi sa susunod na mga araw sapagkat kapag nasanay na tayo ay mahirap na itong tanggalin sa ating sistema.

  • #9

    Eslin Hanael U. Cabato (Wednesday, 02 February 2011 05:30)

    Tama ka diyan! Araw-araw nga siguro itong nagaganap sa aming silid aralan. Marami ay nangongopya at humihingi lamang ng mga sagot. Natatawa nga ako minsan na nagkakaroon ang mga iba ng kasunduan na "Mamaya ha!! Magtulungan tayo sa test."
    Mas madalas kong marinig ang "Huyy!! Bigyan mo 'ko ng papel mamaya!! Ipapahiram ko rin sa iyo 'tong coloring materials ko."..Kahit sino naman siguro sa paaralan ay nakakarinig ng mga ganito. Dapat ay matuto na tayong lahat na gawin ang mga takdang aralin at mga proyekto gamit ang ating sariling kakayahan. Dapat ay matututo na tayong maging responsable upang maging handa na tayo sa hinaharap. Lahat ng ating ginagawa ngayon ay nakaka-apekto sa ating mga gagawin sa hinaharap.

  • #10

    Jasper (Wednesday, 02 February 2011 05:54)

    Dapat lahat ng tao at estudyante mabasa ang artikulo na ito para mabatid nila na malaking kasalanan ang pagiging iresponsable. :)

  • #11

    Ricx (Wednesday, 02 February 2011 05:56)

    masipag ako gumawa ng requirements at mag-aral kapag may pagsusulit. pero aaminin ko. minsan ganito ako, minsan lamang. batugan, tamad at irresponsable. nango-ngopya ako sa kaklase ko kung bibigyan nila ako ng sagot pero sinsigurado ka na bago mag exam ay re-reviewhin ko muna ang mga notes ko kahit ang iba nito ay di ko na maalala tuwing exam.

    aminin niyo, kahit isang beses sa talambuhay niyo, naging tamad din kayo, sinubukan niyo ring mangodigo, kumopya, humiram ng calculator at humingi ng papel. siguro sa dalawang huli kong mga sinabi ay di lang isang beses mo ito ginawa.

    oo, nakakainis ang magkaroon ng mga kaklaseng makukulit tuwing may exams ,assignments at hihiram ng gamit. di na natin maiiwasan yan, kaya nga may kasabihan,
    "If you can't beat them, Join them."

    Parte na ng buhay estudyante yan. kung wala sila, at lahat tayo magiging masipag hindi ba't parang wala ng 'thrill' ang araw araw na pag-pasok mo sa eskwela? konting pasensiya nalang siguro muna. :)

  • #12

    Geli (Wednesday, 02 February 2011 05:58)

    Ako po ay natawa habang binabasa ko ang artikulong ito sapagkat ito ang araw-araw kong gawain sa eskwelahan. Minsan nga, sa bawat papel na hinihingi ko sa aking mga kaklase, nakikita ko sa kanilang mga mata na gustong-gusto na nila akong katayin. hahaha :)) Pero ano ba ang magagawa ko kung wala naman akong pambili ng papel at bolpen? ha? Kung sa tuwing kami ay binibigyan ng takdang-aralin ng aming guro ay talagang busy ako?

    Pero joke lang! :) sang-ayon ako sa 'yo! tama yan! maging responsable na tayong lahat upang tayo'y magkaroon ng isang magandang kinabukasan! HAHAHAHA

  • #13

    Mr. M (Wednesday, 02 February 2011 06:07)

    I really agree with this article. Students should start being responsible at a young age because this molds their character. There is an old saying that goes like this: "Your attitude establishes and determines your altitude."

    Parents too should be concerned about this. While their children is still under their guard, they are accountable and responsible.

    Good habits begin at a young age. And the right time is always now.

  • #14

    Choooeeey (Wednesday, 02 February 2011 06:09)

    Habang binabasa ko ang artikulong ito, naalala ko tuloy mga kaibigan ko. :)) Ganito din kasi kame noon. Hahaha. Okay lang naman humingi ka ng papel, humiram ng ballpen, calcu.. Basta wag lang din umabuso.

    Dapat matuto rin tayo maging responsable, kasi hindi dapat tayo masanay sa gawaing ito. 'Di naman parati nandyan mga ka-klase natin para magpacopya, magpahiram..

  • #15

    Sawako Kuronuma (Wednesday, 02 February 2011 06:18)

    Sang-ayon ako sa mga sinabi mo. Ang mga iresponsableng mga taong ito ay ang mga tinatawag na mga "parasite". Mga taong nakasandal lang sa kanilang mga kaklase upang pumasa, mga taong walang responsibilidad at binabalewala ang kanilang pag-aaral. Sa tingin ba nila na nakakabuti ito sa kanilang hinaharap? Ngayon pa lang sana'y matutunan na nila ang pagiging responsable at dapat nilang bigyan ng halaga ang kanilang pag-aaral. Para naman lang ito sa kanilang kabutihan di ba? Sa hinaharap, dapat nilang matutunan ang tumayo sa kanilang sariling paa upang magtagumpay sa buhay.

  • #16

    Edward (Wednesday, 02 February 2011 07:21)

    Lahat ng sinabi mo dito ay tama. Habang binabasa ko ang entry na 'to, naalala ko na lang si Ma'am Marita P. Reyes, palagi niyang sinasabi saamin dati, "Don't feed the parasites." Huwag tulungan ang mga mag-aaral na iresponsable, para hindi sila masanay sa ganoong gawain. Dapat sikapin rin nilang gawin ang kanilang mga tungkulin bilang isang estudyante at huwag umasa sa tulong ng iba. Dahil paano nila maunawaan ang mga itinuturo sa kanila kung natututlog lang sila? Paano nila malalaman ang kanilang potensyal kung ideya’t sagot naman ng ibang mag-aaral ang ginagamit nila?

    Aaminin ko, isa ako sa mga mag-aaral na nanghihinge ng papel at nanghihiram ng bolpen dati, ngunit ngayon, hindi na. Nakikita ko pa rin ang ganoong mga tao ngayon kahit ako'y nasa kolehiyo na, mga nangongopya ng takdang aralin, nanghihiram ng bolpen, at naghihintay lamang ng grasya galing sa ibang mag-aaral. Huwag niyong tularan ang mga taong ganoon. Mga taong nagsasabi ng ganito "Doy, pakopya daw, sigi ya. Para pwede ya ta huga Dota". Nakakainis ang mga ganoon, tama? Dapat rin nilang sikapang gawin ang mga kinakailangan sa iskwelahan, dahil nakasalalay dito ang kanilang kinabukasan.

    Maganda ang iyong entry at nakaayos ng mabuti ang mga ideya :D

  • #17

    지야 말제리싸 (Wednesday, 02 February 2011 08:41)

    Nung nasa high school pa kami ay marami na akong nasaksihan na mga studyanteng ganon. inaamin ko rin na ako ay isa sa kanila. hanggang ngayon ay ganon pa rin ako, pero nabawasan na kahit papano ang pagiging iresponsable ko. dati, hanggat kaya ay sasagutin ko ang mga pagsusulit, pero pag hindi ko n kaya, pag wala nang lumalabas sa utak ko, nangongopya na lang ako sa mga kaklase ko na willing mgpakopya. pero ngayon, pag hindi ko na kayang sagutin ang mga tanong, hanggat maari ay iniiwasan kong mangopya sa iba. imbes na kumopya, ay nagpapaturo ako kung papano sagutin ang mga pagsusulit. pag naintindihan ko na kung papano, ay sinasagot ko na ang mga tanong gamit ang aking nalaman sa pagtuturo sakin ng aking kakalase.

    karamihan sa atin ay nagpapakopya dahil sa takot na baka isipin nilang hindi tayo tunay na kaibigan. hindi nila naisip na ang mga sagot natin ay pinaghirapan natin. naisip ko na rin na pinaghirapan nila yung sagot nila, kaya iniiwasan ko nang mangopya at kahit mang hiram ng mga gamit nila. sana ang lahat ng mga mag-aaral na iresponsable ay matututo na at simulan na ang pagbabago. dahil hindi habang buhay ay pwede silang umasa sa iba, darating din ang araw na kailangan nilang mabuhay at tumayo sa sarili nilang paa. :)

  • #18

    The real 지야 말제리싸 (Wednesday, 02 February 2011 08:50)

    yang nagcomment jan sa itaas^, poser yan! :))

  • #19

    LadyJ (Wednesday, 02 February 2011 09:29)

    Para sa akin, ay ayos lang umasa sa kaklase paminsan-minsan, wag lang nating sanayin ang ating mga kaibigan upang di tayo abusuhin. Di natin sila masisisi kung naging ganun sila, dahil sinanay natin sila na maging dependent. Somehow may pananagutan din tayo kung bakit sila nagkaganun. Ang maaari nating gawin ay tulungan silang magbago by being independent. It may sound na parang mababaw, but actually pag nasanay silang ganun baka hanggang sa pag tanda nila eh madala nila ng hindi nila namamalayan. Let us make them realize na mas masarap sa pakiramdam na pinaghihirapan ang isang bagay na nakamit at lahat ng bagay ay pinaghihirapan. Kung tunay kayong kaibigan ay pagpapasensyahan nyo sila dahil ang pagbabago ay hindi nagagawa overnight. It is a process.

  • #20

    Angie C. (Wednesday, 02 February 2011 19:32)

    Tama nga naman. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay may katabi ka na makatutulong sayo. Dapat ay maging independent ka na rin. Lalo na ngayon kasi gagraduate na.
    Magaling. :)

  • #21

    Russell Diolata (Wednesday, 02 February 2011 19:38)

    Sumasang-ayon ako sa artikulong ito. Marami ng estudyante ang ganito sa kasalukuyan. Nakayayamot man, ngunit minsa'y hindi mo maiwasang bigyan na lamang ng papel, pahiramin ng ganito't ganyan. Sana nman sa mga estudyanteng ganyan, mapagtanto niyo rin na kahit papaano ay dapat maging responsable sapagkat hindi habang buhay na may mga taong matitra para lang pagtuunan ang iyong mga pangangailangan.

  • #22

    Cee (Wednesday, 02 February 2011 19:56)

    I remember my high school days. My friends & I would do the exact same thing, asking for papers, borrowing calcus, etc. But with this kind of practice, there is always a consequence. The students become dependent on one person & forget about their own studies. They take it for granted.

    Students nowadays should learn how to be responsible, not only through words but also in action.

  • #23

    Angelique Miranda (Wednesday, 02 February 2011 20:03)

    Tama nga naman! Maging ikaw o kaya'y ako ay nakaranas na ng ganyan. Kahit minsan ay tayo rin naman ang humihingi o nagiging iresponsable. [Haha] Hindi naman lagi ay aasa na lamang tayo sa ating mga kaklase o kaya katabi na makakatulong at makakabigay sa'tin ng ating kakailanganin. Ang mahalagang matutunan nating mga estudyante ngayon ay ang pagiging responsable. Ang pagiging responsable ang isa sa mga importanteng matutunan nating lahat sapagkat ito ang magdadala sa atin sa isang tama at "maayos" na buhay.

  • #24

    Rhyle Gonzaga (Wednesday, 02 February 2011 20:07)

    Tama2x.. agree ako. dapat nga maging responsable. :)

  • #25

    Patrick (Wednesday, 02 February 2011 20:11)

    Wow! Abla pa, madami na ngayong mga estudyanteng iresponsable. HAHA! Kailangan ng mga estudyante na mag sikap at hindi lamang kopya ng kopya, kasi pag dating ng oras na lilipad tayo patungong college. eh san pa tayo kokopya?
    Eh nasa ibang school na ang pinagkokopyahan natin, dapat matuto na tayo at sila na mag aral. :D

  • #26

    Tara (Wednesday, 02 February 2011 20:20)

    Nakakatuwa dahil kahit tagalog ang entry sa blog na ito ay hindi ito oa at korni pakinggan. Napakagaling ng pagkasulat at malinaw na malinaw ang mensahe na nais mo'ng iparating.

    Kung mababasa lang ito ng mga iresponsableng tao sigurado ako na mahihiya sila sa kanilang mga sarili :))At dapat malaman din ng "mababait na mag-aaral" kung kailan dapat itigil na ang pagbibigay, pagpapahiram, pagpapakopya, etc., lalo na kung masyado ng nagiging palaasa ang kanilang mga kakaklase. Sabi nga ng idol ko na si JK Rowling through Albus Dumbledore, "it takes a great deal of bravery to stand up to your enemies, but a great deal more to stand up to your friends."

    Sana marami ang makabasa ng blog entry na ito dahil sobrang enlightening sya :))

  • #27

    Ian (Wednesday, 02 February 2011 20:33)

    Madami akong nakikitang mga estudyante na irresponsable. Hindi nila alam na nakakairita na ito sa mga ibang tao. Matututo lang naman sila pag dating ng college at sana lahat ng mga irresponsableng tao ay makabasa ng artikulo mo :)) Btw, nice article :D

  • #28

    Jessah Daymiel (Thursday, 03 February 2011 01:41)

    Tama nga naman na hindi tayo dapat umasa sa ating mga kaklase sa lahat ng ating pangangailangan. Ang dapat gawin ay gawin ang mga bagay sa ating sariling sikap. Sikap na masasabi nating atin at maipagmamalaki. :P

  • #29

    Misty (Thursday, 03 February 2011 01:59)

    Tama! dapat lng maging responsable tayong mga mag-aaral. Hindi dapat umasa lagi sa mag-aaral dahil hindi lahat ng oras ay lagi silang nandyan. Matuto rin tayong tuayo sa sarili nating mga paa :)

  • #30

    Tin-Tin (Thursday, 03 February 2011 02:00)

    Ang maaasahan mo lang rin naman sa LAHAT ng oras ay ang iyong sarili. Hindi nga naman ang mga kaklase mo ang responsable sa sarili mong marka. :)

    A must-read article! This could really awaken those who are dependent on others when it comes to everything, even their grades. :))

  • #31

    Rafi (Thursday, 03 February 2011 02:10)

    Sang ayon ako rito. Dapat na matuto tayong maging responsable sa lahat ng bagay. Dahil, mahihirapan tayo na himingi ng tulong at tumayo sa ating sariling mga paa pag tayo ay naging matanda na at may sariling buhay at trabaho. XD

  • #32

    JJ Ong (Thursday, 03 February 2011 02:13)

    Tama, cguru nga'y parte na ito ng buhay ng isang mag-aaral lalung-lalo na sa Hayskul. Sino ba naman ang hindi nakaranas ng ganitong pangyayari. Nakatutuwa man baliktanawin ang ganitong mga eksena sa eskwela subalit ito rin ay isang malaking parte ng paghubog ng ating pag-uugali para sa hinaharap. Ang pagiging responsable sa iyong gawain ay isang katangian na dapat pahalagahan at isakatuparan sa pang araw-araw kahit sa maliliit na bagay.

  • #33

    yehey !! (Thursday, 03 February 2011 02:53)

    . tama !! Dapat talaga tayong maging responsable !! :))

  • #34

    tukutsi (Thursday, 03 February 2011 03:37)

    ang haba naman

  • #35

    Fad Fadd Fahad (Thursday, 03 February 2011 04:44)

    kahit ako man ay hindi naging responsable dati sa aking pag-aaral. ngunit, kailangan natin bumangon sa pagkakabagsak. hindi ko na hahayaang maging iresponsable ang aking sarili dahil alam kong pagsisisihan ko iyon.

  • #36

    Akabu :) (Thursday, 03 February 2011 07:32)

    no comment

  • #37

    Andrew :] (Thursday, 03 February 2011 07:34)

    hmmm guilty ako haha!! xD
    pero ako naman ako aako lahat ng pag durusa sa pagka irresponsable ko :D

  • #38

    Jean Ebias (Thursday, 03 February 2011 07:37)

    Sang-ayon ako. Base sa naranasan ko, naging tamad ako sa pag-aaral, sa pagawa ng mga assignments at iba pang activities. Dapat masanay na sa pagiging responsable habang nasa high school pa lamang dahil pagtungtong ninyo sa College. Wala nang tutulong. Dapat nang matuto na magtrabaho o mag-aral na mag-isa. Sa huli naman ay ikaw lang ang lalabas na kawawa.

  • #39

    Darwin (Thursday, 03 February 2011 07:41)

    Sang ayon ako sa sinabi mo. Ngunit ako'y may tanong,lahat ba ng iyon ay galing sa iyong sariling karanasan o base sa mga nakikita mo?

  • #40

    denisse nicole galo (Thursday, 03 February 2011 07:46)

    ako ay sumasangayon sa iyo. sa panahon ngayon marami- rami na ring mga estudyante ang nagiging iresponsable. nagiging tamad sila araw-araw dahil umaasa na lang sila sa mga kaklase nila. siguro ay nakasanayan na nila ito ngunit mali pa rin ang paraan nila ng pag hinggi ng tulong. parang inaabuso na nila ang kabutihang loob ng kanilang kaklase. kaya, habang maaga ay matuto na tayong maging responsable para pagdating ng panahon ay aasenso ang ating buhay.

  • #41

    Kaye Anne Enriquez (Thursday, 03 February 2011 07:46)

    Maraming Salamat po sa pamamahagi ninyo ng inyong mga pananaw at opinyon ukol sa aking artikulo. :)

    Darwin, Ang lahat ng aking sinabi ay base sa lahat ng aking nararanasan at aking nakikita. Sa katunayan nga, natamaan ako sa sarili kong gawa ngunit naniniwala rin ako na kaya kong mag-bago. :)

  • #42

    James (Thursday, 03 February 2011 07:55)

    hehehe, guilty po ako sa mga binanggit mo. :-D ganyan talaga ang mga kabataan ngayon, sobrang iresponsable.

  • #43

    Kaye Anne Enriquez (Thursday, 03 February 2011 07:58)

    James, Hindi naman sa iresponsable ang mga kabataan, naaabuso lamang nila ang kung anong meron sila. yung kalayaan nilang mag-isip at gumawa ng sariling mga desisyon. Salamat sa pag-comment! :)

  • #44

    kathleen tan (Thursday, 03 February 2011 07:58)

    wow. talagang magaling ka sa pagtatagalog. haha pero tama ka, dapat maging responsable tayo para uunlad ang ating bansa. =)

  • #45

    borgia' chris (Thursday, 03 February 2011 08:09)

    Ouch!!! Tumpak talaga!! guilty na talaga ako dun ah :)))
    dapat maging responsible na talaga ako ngayon :)))

  • #46

    Panalism (Thursday, 03 February 2011 08:39)

    Nakakapanggigil nga na may mga taong hangad lamang na pagsasamatalahan ang kahinaan at kabaitan ng iba pero dapat rin nating suriin kung paano nagmula at ano ang naging papel natin upang mabuo ang kulturang ito sa silid aralan. Minsan ang hangarin nating tumulong sa halip ay nakatutulong, itoy nakapagdudulot ng hinde kanais-nais na epekto.
    Nararapat lamang na ang kulturang namumuo sa silid aralan ay kulturang matuwid at hinde katulad ng kulturang nabubuo sa labas. Ang paaralan ay isang institusyon upang hubugin ang kamalayan sa tama. Hinde lamang ang mga guro ang siyang nagbibgay ng aral at leksiyon kundi bawat isa. Ikaw, paano ka naging instrumento ng pagbabago sa kaklase mo?

  • #47

    Christian Egos (Thursday, 03 February 2011 09:46)

    Dahil hindi ko natapos basahin ang iyong artikulo, ang masasabi ko na lamang ay, huwag umasa, dahil ang pag-asa ay walang nabibigay na buti sa iyo. Hindi naman parati ay nariyan iyong mga hinihingian mo ng mga kinakailangan mo dahil mayroon din silang sariling buhay na hindi dapat gambalain. Para sa akin ay okay lang namang magbigay ng paminsan-minsan subalit ang lubos sa akin ay walang makukuha dahil ito ay nagpapahiwatig sa kanyang katauhan at dapat din natin silang turuan ng leksyon at sila na mismo ang gagawa sa kanilang mga sari-sarili biling isang responsableng mga nilikha ng Diyos.

  • #48

    justin santuyo (Thursday, 03 February 2011 10:06)

    guilty ako sa binanggit mo. nakakatulog ako lagi pag boring ang subject. hehehe. :)

  • #49

    Salina Teo (Thursday, 03 February 2011 10:11)

    Totoo nga naman,kasi ako kung minsan ay ganito rin.Hah! :)) pero,kailangan na magbago dahil masamang kasanayan ito.Kapag hnde to napigilan ay lalaki tyo niyan ng masama.

  • #50

    ian (Thursday, 03 February 2011 10:18)

    Tama nga naman. sang ayon ako sa mga sinabi mo. Kaya sa mga iresponsable, kung sa tingin niyo sanay na kayo sa pagiging iresponsable nung highschool. mahirap na yan tanggalin pagdating niyo sa colehiyo, higit pa doon, kung may trabaho ka na.

  • #51

    MMT (Thursday, 03 February 2011 10:19)

    Sang ayon ako dito. Ako rin lagi ang hinihingian ng mga kaklase ko ng papel at hinihiraman ng bolpen. lol :)

  • #52

    Ruby L. (Thursday, 03 February 2011 11:05)

    Paminsan-minsan hindi natin maiwasan ang mga bagay na ganyan pag dating sa loob ng silid-aralan. Pero kailangan nga na may hangganan ito, hindi dapat nang-aabuso ang mga estudyante sa mga kapwa estudyante nila. At para sa mga naaabuso sa ganitong pangyayari, kailangan din nila'ng matuto na humindi sa kaklase nila'ng walang tigil na nanghihingi o nanghihiram ng mga gamit, dahil sa ganito lang rin nila matututunan ang pagiging responsable. Dito nila ma-rerealize na hindi dapat sila umasa sa iba at ng dapat matuto sila na tumayo sa sarili nilang mga paa para harapin ang kinabukasan. Kaya ako'y sumasang-ayon sa artikulo mo, Kaye. Maliwanag ang mensahe mo. Magaling :)

  • #53

    Ganni (Thursday, 03 February 2011 16:39)

    nagustukan ko ang konsepto na ang mga maliliit na bagay lang tulad ng ugali natin sa silid aralan ay makakapag dulot ng malaking epekto sa atin habang tumatanda tayo.
    sang ayon ako sa artikulo mo Kaye Anne, wala naman masama magmalasakit sa kapwa, un nga lang, ay dapat hindi abusuhin ang mga tao ang mabuting loob sa atin ng ibang tao at dapat maging responsable tayo hindi lamang tuwing may malaking kaganapan sa ating mga buhay pero pati na rin sa mga maliliit na bagay sa ating buhay. nagustuhan ko ang artikulo na 'to :)

  • #54

    Sir Marcial (Saturday, 05 February 2011 10:09)

    Checked 02/06/2011

  • #55

    swastika (Sunday, 06 February 2011 07:59)

    Sumasangayon ako sa artikulong ito. Malaking problema ang katamaran ng karamihan sa mga estudyante sa kasalukuyan. Nawa'y masolusyonan na ang problemang ito.

  • #56

    Sir Marcial (Monday, 14 February 2011 20:24)

    38 comments validated 02/15/2011

  • #57

    Sir M (Thursday, 10 March 2011 06:32)

    27 comments validates

  • #58

    Cheap Nike Air Max (Wednesday, 10 August 2011 03:38)

    Do you frequently discover oneself studying up in the most up-to-date style tendencies? What about style help, do you want to provide it to individuals that you know? When you do, were you aware you may perhaps have the ability to create a dwelling like a vogue consultant? You possibly can and when you would like significantly more information on the way you can go about executing so, you will want to proceed studying on. Previously you immediately resolve that you just would love to become a trend advisor, you may want to make an effort to take a look at specifically what just one is and what one does. In case you consider to further homework producing income as a style guide, you might want to know that a fashion guide can be typically referred to as a picture advisor and visa versa.

  • #59

    Radecek (Friday, 21 October 2011 20:08)

    Ive been following your weblog for the month or so and also have picked up a ton of info and cherished the process you have set up your web site. I will be looking to work my own really personalized blog site however. I do believe their way too basic i should give attention to quite a lot of smaller topics. Staying as much as possible to all men and women just isn't all that their chipped up to be.

  • #60

    Jozo (Sunday, 23 October 2011 18:55)

    Fine post dude

  • #61

    Takis (Tuesday, 25 October 2011 16:41)

    Fine 1 publish. General drawback is actually G. change their own spirit too repeatedly.

  • #62

    Suntorn (Tuesday, 25 October 2011 16:56)

    Can I post your post to my wordpress blog? I’ll add a one-way link to your forum. That’s one actually nice post.

  • #63

    Andrei (Tuesday, 25 October 2011 17:57)

    Hm, I’m just comfortable with this but still not entirely convinced, hence i’m going to research a touch more.

  • #64

    slaufek (Wednesday, 26 October 2011 20:04)

    Hm, I’m just comfortable with this but still not entirely convinced, hence i’m going to research a touch more.

  • #65

    Milhaus (Thursday, 27 October 2011 15:14)

    Happy to find out until this site is effective on my small iphone 3gs , almost everything I want to accomplish is practical. Thank you for preserving it to date using the latest.

  • #66

    Ivanek (Saturday, 29 October 2011 07:59)

    I do think additional internet site entrepreneurs ought to take this web site being an model extremely clean and fantastic styling, let alone this article. You’re an expert of this type!

  • #67

    Martin (Tuesday, 08 November 2011 18:51)

    Can I post your post to my wordpress blog? I’ll add a one-way link to your forum. That’s one actually nice post.

  • #68

    Jezkon (Friday, 25 November 2011 01:55)

    {-String.Split-|-Auto Link Building directly from Twitter to your WordPress blog Auto Tweet Wordpress plugin

  • #69

    True Religion Outlet Jeans (Friday, 03 February 2012 03:21)

    This is all very new to me and this article really opened my eyes.Thanks for sharing with us your wisdom.

  • #70

    půjčky (Sunday, 01 April 2012 21:11)

    will come back shortly

  • #71

    Vrkoč (Tuesday, 03 April 2012 18:14)

    Nice one info, thx

  • #72

    Purvish (Thursday, 31 May 2012 02:09)

    is shortly

  • #73

    Kurisutof? (Thursday, 31 May 2012 14:24)

    Nice article bro

  • #74

    kerwin (Monday, 16 July 2012 07:35)

    tama tama dapat lamang na matutuhan ang mga bagay ng mag isa dahil kapag nawala na sila sayo paano mo nga naman mgagawa
    ang bukas kung aasa na lamang tayo sa iba ok?

  • #75

    ganda pham (Tuesday, 06 November 2012 07:33)

    uso yan lalo nha pag high school indi ka estudyante pag d mo naranasan yan ... pero ang mali wag nmang masyadong abusado dahil ndi nman cla ang nghirap nun .. right

  • #76

    Nehru jacket (Tuesday, 29 January 2013 22:22)

    I think the things you covered through the post are quite impressive, good job and great efforts.

  • #77

    Centrifugal Juicer (Thursday, 11 April 2013 03:29)

    This is a great blog post! Thank you for sharing with us!

  • #78

    Rizel (Thursday, 26 September 2013 08:57)

    Tama tlga ung mga sinasabi nito!!It's so convincing at magagamit ko toh sa book report ko!! =D thank u sa kung cnu mang gumawa neto!!

  • #79

    klyde (Wednesday, 27 November 2013 07:23)

    tama! magandang pambungad ito sa mga estudyanteng tamad.. sanay matuto na sila .. nakakapagod kasing pagsabihan ang mga kaklase mong huwag gawin ang ganyan at ganito.. kahit naman minsay dumaraan tayo sa mga ganitong kagipitan pero sana namay huwag lubuslubusin ang mga ganitong aksyon ... magsumikap at matutong tumayo sa sariling mga paa :))

  • loading