Tue

01

Feb

2011

Libro vs. Handouts

ni Danielle Angela O. Carnacete

 

Minsan ka na bang pumila sa napakahabang linya sa may Photocopying machine dala ang ‘sangkaterbang papel na ipapa-xerox? Minsan ka na bang nainis na tila gusto mo nang pumatay ng tao, kapag nauubusan ng tinta angPhotocopier at hindi na umabot sayo? Minsan ka na bang napikon sa pangongolekta ng class treasurer  niyo, na daig pa ang bumbay, para ipambayad sa mga papel na ipapa-xerox? Minsan na bang gumuho ang mundo mo nang mawala ang Handouts mo? Ito ay iilan lamang bahagi ng buhay estudyante—Handouts.

 

Ngunit, bago tayo dumako sa usapang Handouts, pagusapan muna natin ang ‘libro’. Alam naman nating lahat na ang libro ay isa sa mga pangunahing pangangailangan, hindi lamang ng mga estudyante, kungdi ng buong eskwelahan. May nakatakdang libro para sa bawat asignatura sa bawat taon. Ang libro ay isang napakahalagang instrumento lalo na sa proseso ng pagaaral o sa aspeto ng karunungan. Sa madaling salita, ang libro ay katumbas ng buhay mo, kaya pahalagahan mo ito (sayang din ang mga puno na ginamit ‘noh).

 

 Sa kasalukuyan, hindi na masyadong nabibigyang pansin at halaga ang libro sapagkat may nalalaman na tayong pa-xerox-xerox. Aminin man natin o hindi, mas madali ang buhay kapag may Handouts. Pati ang mga guro ay nakikiuso na rin, gumagamit na rin sila ng Handouts sa pagtuturo. Dahil may bago ng kaibigan ang mga estudyante, si Handouts, nakakalimutan na nila ang dati nilang kaibigan na si Libro. Mas mabait kasi si Handouts, bakit? Kasi...

 

  • Mas madaling magaral sa Handouts dahil nakabalangkas na ang mga importanteng bagay
  • Mas madaling bitbitin kumpara sa makakapal na libro
  • Mas madaling intindihin
  • Mas accurate
  • Mas mura
  • “Tamad-friendly”
  • Hindi na kailangan gumamit ng malalaking bags, folder portfolio lang, ayos na

 

Marami pang rason kung bakit mas mainam gumamit ng Handouts. Ngunit, meron ding hindi magandang naidudulot ang Handouts. Tulad ng…

 

  • KATAMARAN (ehem)
  • Kawalan ng silbi ang mga libro
  • Madaling mawala
  • Madaling maitapon ng hindi sinasadya (baka napagkamalang basura o bagsak na test paper at biglang ihagis sa basurahan)

 

Dahil sa Handouts, nasasayang ang pera ng mga magulang natin sa pagbili ng libro at malalaking bag upang magkasya ang mga librong ibinili. Ngunit dapat din nating isaalang-alang na karamihan ng nakasulat sa Handouts ay galing sa libro. Kaya huwag nating dededmahin ang mga libro.

 

Mga kaibigan, ang totoo’y nasa estudyante lang naman nakasalalay kung paano siya papasa sa mga asignaturang kinukuha niya. Hindi sapat na basehan ang Handouts o Libro dahil mawawalan nang silbi ang mga ito kung hindi naman gagamitin ng estudyante. Kaya sa mga kapwa kong estudyante, magisip-isip na kayo at ayus-ayusin niyo na ang buhay niyo.

 

Write a comment

Comments: 26
  • #1

    G Francis Rodolfo M Marcial Jr (Guro) (Tuesday, 01 February 2011 23:17)

    Checked! 2/2/2011

  • #2

    Jamie (Wednesday, 02 February 2011 22:48)

    sumasang-ayon ako sa article na 'to. dapat hndi natin ipagpaliban ang ating mga libro, importante dn sla sa napakaraming instances. :)

  • #3

    JB (Thursday, 03 February 2011 08:55)

    Magiging ipokrita ako kapag sinabi kong mas pipiliin ko ang libro kesa sa handouts. Duh, handouts yan. Summary ng mga nasa libro and all. Saka.. mas maikli eh. Hahaha! Yun kasi ang tingin ng karamihan sa mag-aaral sa henerasyon natin. They prefer handouts. Pero in my opinion, yeh.. it`s not bad to used handouts. Pero hindi natin dapat ipagwalang bahala ang use ng mga libro. Kasi.. libro yun eh. Mas makapal, yes. Pero mas maraming datos na nilalaman. Kesa sa handouts.

  • #4

    Christian Egos (Thursday, 03 February 2011 09:30)

    Kahit na gumamit ng mga hand-outs ay hindi ibig sabihin na makakalimutan na ang mga libro, minsan sa hand-outs ay mayroong mga pagkakamali kaya naman ihahambing natin ito sa mga libro. Gumagamit ako ng mga handouts pagkatapos ko na nabasa ang nilalaman sa libro kung saan ay naintindihan ko na ang nilalaman at ang kailangan ko na lamang ay isang hand-out upang i-review ang aking mga natutunan.

  • #5

    Sir Marcial (Monday, 14 February 2011 20:20)

    2 comments validated 02/15/2011

  • #6

    Maurizio (Wednesday, 26 October 2011 11:47)

    Happy to view until this website is useful in this little iphone 4 , everything I wish to perform is well-designed. Thanks for keeping up up to now using the latest.

  • #7

    Ugur (Wednesday, 26 October 2011 18:16)

    Nice post bro

  • #8

    stihly (Saturday, 29 October 2011 22:58)

    Nice one post. Standard difficulty is actually G. change their mind very often.

  • #9

    Vojtisek (Saturday, 12 November 2011 12:53)

    Great 1 post. General drawback is usually G. transform their own spirit very repeatedly.

  • #10

    Jose (Thursday, 24 November 2011 19:11)

    Auto Twitter WP plugin. Absolutely no registration application on Twitter. Plugin is the maximum advantage of simplicity

  • #11

    rychlá půjčka (Sunday, 01 April 2012 15:36)

    will return soon

  • #12

    Vitaliy (Tuesday, 03 April 2012 11:46)

    Nice article bro

  • #13

    Nehru jacket (Tuesday, 29 January 2013 22:23)

    I think the things you covered through the post are quite impressive, good job and great efforts.

  • #14

    Juicer Reviews (Sunday, 21 April 2013 02:07)

    I shared this upon Facebook! My pals will really want it!

  • #15

    tarot readers (Monday, 14 November 2016 03:48)

    invents

  • #16

    seks pogaduszki (Monday, 14 November 2016 09:20)

    nakombinowawszy

  • #17

    sex linia (Monday, 14 November 2016 13:23)

    lap

  • #18

    Liebekummer Hilfe (Tuesday, 15 November 2016)

    overwrote

  • #19

    tutaj (Wednesday, 16 November 2016 07:36)

    Hipoliciny

  • #20

    czary miłosne (Thursday, 17 November 2016 06:59)

    izraelicki

  • #21

    sex bez zobowiazań (Thursday, 17 November 2016 10:55)

    Izabelin

  • #22

    live sex calls (Monday, 21 November 2016 06:27)

    collusion

  • #23

    portale ezoteryczne (Thursday, 24 November 2016 23:09)

    Paramount

  • #24

    bzykaczpl (Friday, 25 November 2016 10:11)

    frankomania

  • #25

    sex telefon ostry (Tuesday, 29 November 2016 15:30)

    dzieciobójca

  • #26

    love charm (Wednesday, 30 November 2016 18:49)

    niezrujnowanie