Tue

01

Feb

2011

Isyung Dapat Aksyunan : Edukasyon, Pagyamanin!

ni Charmaine Rose Jean Bayan

 

Madalas sabihin ng ating magulang na ang edukasyon lang daw ang kayamanan na maipapamana nila sa atin kaya puspusan silang nagtratrabaho para tayo’y makapag-aral. Sinasabi rin na ang kabataan daw ay ang pag-asa ng bayan sa magandang kinabukasan ng bansa. Subalit, Paano maisasakatuparan iyon kung madaming isyu ang dapat aregluhin?

 

        May mga isyung dapat pagtuunan ng pansin ng gobyerno. Isa na rito ang kalidad ng edukasyon na ibinibigay ng bawat paaralan, pambuliko man o pribado. Dito mababase natin ang kakayahan na meron ang bawat estudyante at ng kabubuang populasyon.

 

        Sunod ay ang kakayanan na magbayad ng edukasyon. Alam nating lahat na madaming naghihirap sa Pilipinas kasabay pa nito ang walang katapusang pagtaas ng bilihin. Tapos ay tataas pa ang tuition fees. Paano niyan makakayanan ng mga magulang na ipaaral ang kanilang mga anak sa magandang eskwelehan? Nasaan na ang konsiderasyon at pangarap na maiparal ang mga batang ito? Iyan din ang dahilan kung bakit madaming hindi nakakapagtapos na pag-aaral ay dahil sa kaukulangan sa pagtustos ng pag-aaral. Kaya kung minsan, ang mga mismong mga magulang ang sumusuko at nagpapatigil sa kanilang mga anak. Ito ay dahil na rin sa tingin nila’y walang patutunguhan ito at matatagalan pa.

 

        Isa pang isyu na dapat bigyang pansin ay ang pondo ng gobyerno sa edukasyon. Nasaan na nga ba napupunta ang mga buwis na kinokolekta sa mga mamamayan? Tinatalang milyon-milyon na ang nagastos para sa edukasyon. Ngunit, hindi pa ito sapat dahil ang perang ito ay nailaan na sa listahan ng proyetong na mas pinaprioridad ng gobyerno. Sa kasamaang palad, hindi matugunan ang lahat ng pampublikong paaralan sa bansang ito. Kulang tayo sa silid-aralan, gamit at mga guro sapagkat ilan sa kanila’y nag-iibang bansa. Mataas nga ang sweldo ng pampublikong guro pero halos nakakapagod din ang kanilang ginagawa. Bakit at papaano nangyari iyon? Mayroon silang dalawang shifts. Sa bawat klase, meron silang 60-70 na estudyanteng tinuturuan. May mga gamit  din sila na maaring binili o may nagdonate nito. Subalit, hindi ito sapat. Kung minsa’y ginagamit ng mga guro ang kanilang pera para makagawa ng visual aids na makakatulong sa kanilang leksyon. May kanyan-kanyang pakuno o trip ang mga guro kung papaano nila maihahatid o maituturo ang isang paksa sa mga bata.

 

        Mahalaga ang edukasyon para sa ikauunlad ng Pilipinas. Paano? Ito ay sa pamamagitan ng mga grumadweyt at siyang susunod na magpapatakbo ng Pilipinas. Sila ang pag-asa na hindi dapat baliwalain. Kailangan nila ang paggabay. Kaya ang edukasyon ang nararapat nating ibigay at ipalawak. Ito ay nagsisilbing unang hakbang sa naudlot na bagong Pilipinas. Remedyuhan ang problema sa edukasyon. Magsimula ngayon bago mahuli ang lahat.

 

Write a comment

Comments: 85

  • #1

    Jermone Muarip (Wednesday, 02 February 2011 18:39)

    Totoo ang mga sinabi mo, hindi masyado pinagtutuunan ng pansin ang edukasyon kahit ito ay mahalaga para sa ikauunlad ng bansa natin. Talagang dapat itong Aksyunan na natin bago mahuli ang lahat.

  • #2

    Rhyle Gonzaga (Wednesday, 02 February 2011 20:03)

    Tama, dapat natin bigyan ng pansin ang ating pagaaral.. :D

  • #3

    Debra Ann (Thursday, 03 February 2011 05:21)

    Tama. Ang edukasyon ang siyang susi ng mas masaganang hinaharap. Kung kaya't hanggang nariyan ang pagkakataon, kinakailangang gawin rin natin ang ating bahagi bilang mga mag-aaral kung nais talaga nating maging maunlad sa ating buhay. :)

  • #4

    Feya Tayong (Thursday, 03 February 2011 05:23)

    sang-ayon po ako sa inyo. ito'y napakahalaga dahil ito lang ang paraan upang umunlad ang ating bansa.

  • #5

    Irvin (Thursday, 03 February 2011 05:29)

    Sumasangayon ako sa sinasabi nang ating mga magulang na "Ang edukasyon lamang ang kayamanang pede nilang ibigay". Sadyang totoo ito dahil itoy makakatulong sa atin para sa magandang kinabukasan. Para makakuha ng magandang trabaho, mabuhay ng matiwasay kahit na mawala na sila sa temporaryong mundong ito.

  • #6

    Rica Kaye Rambuyong (Thursday, 03 February 2011 05:33)

    Sumasang-ayon ako sa iyong mga nasabi. Naniniwala akong hindi tayo makakapasok sa maayos trabaho kung wala tayong pinag-aralan o hindi sapat ang ating tinapos. Talagang napakaimportante nga ng Edukasyon sa ating panahon ngayon at ito ay isang solusyon sa kahirapan ng ating bansa. Sadyang nakapanghihinayang lamang na marami pa rin sa ating mamamayan ang hindi magkapag-aral dahil wala itong panggastos at hindi natin napakikinabangan ang mga buwis na ating binabayaran sa gobyerno.

  • #7

    andrea (Thursday, 03 February 2011 05:38)

    dpat nga talagang tuunan ng pansin ang edukasyon dhil kung ito'y mababalewala hindi natin masasabing may magandang kinabukasan tayong makikita at mahaharap

  • #8

    RafNic Evangelista (Thursday, 03 February 2011 05:40)

    Tama.Tayo ang pag-asa ng kinabukasan. Dapat tayo mag-aral ng mabuti.

  • #9

    Harvey Ong (Thursday, 03 February 2011 05:44)

    Tama, ang edukasyon ng bawat indibidwal na Pilipino ay ang kinabukasan ng bayan.

  • #10

    Conie Himor (Thursday, 03 February 2011 05:48)

    KOREK!!! I agree na tayong mga kabataan ang pag asa ng bayan! kaya dpat mag aral :)

  • #11

    Almen Adjul (Thursday, 03 February 2011 05:49)

    Tama, para magawa ito, dapat din natin gawin ang ating "role as a student" dapat din tayo mag-aral ng mabuti para umunlad at gumanda ang ating kinabukasan, hindi lamang sa ating sarili pati na rin sa kinabukasan ng komunidad.

  • #12

    Jaz Genito (Thursday, 03 February 2011 05:51)

    kahit minasa'y ikinaiinisan ko ang pag aaral, gagawin ko parin dahil mahalaga ito.. Tama ang mga iyong sinabi

  • #13

    Ian (Thursday, 03 February 2011 06:02)

    Tama. Dapat bigyan pansin ang edukasyon ng gobyerno dahil ito ang paraan upang umunlad ang ating bansa sa susunod na henerasyon.

  • #14

    Levin Angelo Lobren (Thursday, 03 February 2011 06:04)

    Naniniwala akong walang maunlad na bansa ang pinamumunuan ng mga mangmang at pinapatakbo ng mga inutil (Maliban na lamang sa Pilipinas, ^^v JK.)Hawak ng talino ng mamamayan ang inaasam na kaunlaran. Eh ano pa nga ba ang maaasahan natin kapag mismong DepEd ang kumukurakot? o.o I am not throwing random stones to random people. Tama ang mga nakasulat sa artikulong ito. Dapat tuunan ng pansin ang edukasyon, hindi ang bagong kotse ni Noy-noy.

  • #15

    bryan reyes (Thursday, 03 February 2011 06:05)

    ahhhh, ganun pla

  • #16

    angie (Thursday, 03 February 2011 06:16)

    hindi dapat minamaliit ang edukasyon sapagkat dito nakasalalay ang ating kinabukasan. dapat bigyang pansin ng gobyerno ang kalidad ng edukasyon at bilang kapalit ay kinakailangan din nating bigyan ito ng importansya

  • #17

    bryan tabora (Thursday, 03 February 2011 06:19)

    tama ang iyong mga sinabi. pero para sakin dapat eh sa mga magulang pa lamang,meron clang maganda trabaho upang matubusan ang mga tuition at kailangn ng kanilang anak.

  • #18

    Mitchie (Thursday, 03 February 2011 06:31)

    agree ako Charmaine.. Dapat nakafocus ang gobyerno sa edukasyon ng mga kabataan dahil sila ang makakaangat sa ating bansa from poverty.. Ang edukasyon din ang makakabigay ng bagong daan na tatahakin ng mga Pilipino para sa ikakaunlad ng Pilipinas..

  • #19

    Gene (Thursday, 03 February 2011)

    yah.I agree. Education is the key to success. dapat wag natin sayangin ang ibinibigay ng mga magulang natin, ang EDUKASYON.

  • #20

    Gem (Thursday, 03 February 2011 06:41)

    Sumasang-ayon ako sa iyong mga nabanggit. Naniniwala ako na edukasyon ang solusyon para umunlad ang ating bansa at dapat itong bigyang pansin ng ating gobyerno.

  • #21

    Aubrey (Thursday, 03 February 2011 06:47)

    I agree. Education should be the 1st priority of the government especially because future leaders, professionals and workers will bud from different schools. Without good leaders, professionals and workers, how can we all survive in a country? The government should start being more aggressive in providing scholarships for poor kids. Super daming deserving, they're just not exerting enough effort to help.

    Good job by the way!

  • #22

    Joefrey (Thursday, 03 February 2011 07:00)

    Good Job My Sister...I Agree In What You Said :)

  • #23

    joanne (Thursday, 03 February 2011 07:02)

    edukasyon lamang ang susi sa tagumpay. ito lamang din ang paraan para maunlad ang ating buhay at ang ating bansa.

  • #24

    ronn diether (Thursday, 03 February 2011 07:19)

    i agree. kailangan natin to para maging maayos ang Pilipinas.

  • #25

    Katrina (Thursday, 03 February 2011 07:21)

    education is vital for a better future in the Philippines

  • #26

    Shann Lim (Thursday, 03 February 2011 07:23)

    Sumasang ayon ako!! :D
    Kaya't mag aral kayo nang mabuti!!!! XD

  • #27

    ronn diether (Thursday, 03 February 2011 07:25)

    kailangan bigyan ng pansin para maayos na.

  • #28

    Robin (Thursday, 03 February 2011 07:32)

    hindi dapat puro salita at naghihintay lang. dapat may gawa din o aksyon.

  • #29

    Robin (Thursday, 03 February 2011 07:33)

    tama.! magsimula hanggang maaga pa.

  • #30

    chriselda (Thursday, 03 February 2011 07:57)

    i agree..education is the only priceless gift we'll ever recieve from our parents and it is every child's dream to go to school and every parents goal to give the best education..and that connotes good schools..but the present economic situ...ation of our country seemed to be a great barrier to achieve this...be that as it may if it is with great desire all things will be possible.While it is true that there are lapses as regard to the budget in the department concerned..i still believe that we can always find solution to it.Every student should do his/her part to gain knowledge.

  • #31

    chriselda (Thursday, 03 February 2011 07:59)

    Poverty should not barred anyone to finish a degree..to those who are not so fortunate and are now suffering because of insufficent materials/educational resources, learn to find ways..
    Extraordinary effort then is mandated for that particular student.what do i mean with this?.if resources such as books are not provided then there are still public libraries where one can visit..if photocopyng it seemed to be impossible due to pecuniary problem then copy it freehand...
    ang ating kahirapan ay minsan ito pa ang dahilan upang tayo ay magsumikap pa..ito rin ang isa sa mga dahilan na nagpapalawak at nahahasa ang ating kaisipan sa paghahanap ng mga ginintuang paraan upang magtagumpay.

  • #32

    teody (Thursday, 03 February 2011 08:42)

    sa makatuwid, ito yung mga sinisisi:
    1. kahirapan sa pagpapaaral
    2. nakalaang pondo ng gobyerno para sa edukasyon

    subalit, may mga iba pang dapat isaalang-alang.

    may mga mahahalagang gampanin din ang bawat PRIBADONG PAARALAN. 'di dapat inaabuso ang pagiging "mahalaga ng edukasyon". ang nangyayari kasi, alam ng mga institusyon na ito ang kahalagahan ng edukasyon, kaya lalo pa nilang pagsasamantalahan ang presyo ng matrikula. alam kasi nila na gagawin ng mga magulang ang lahat para sa edukasyon ng mga anak, kahit gaano kamahal ang ipapatong sa pag-aaral. imbes na nakikipagtulungan sila sa pamahalaan para iangat ang kalidad ng eduksyon, nakikipagkumpetensya pa sa mga pampublikong paaralan. pera parin ang habol . .

  • #33

    teody (Thursday, 03 February 2011 08:55)

    heto pa. yung mga 'di pa dapat ipasa sa susunod na lebel o baitang, ipinapasa na agad. 'di mahigpit yung mga paaralang PAMPUBLIKO o PRIBADO man sa paghubog at pagsukat kung makakaya na ba ng mga ipinapasa nila ang susunod na mga aralin. sa simpleng pagpapaliwanag, 'yung mga hindi pa marunong bumasa at sumulat, pinapasa na para sa susunod na baitang. pano nangyari yun? siguro may pera o pabor na ibinibigay o iniaabot sa nagpapasa. kaya ang kalidad ng edukasyon, nakakalungkot mang sabihin, ay nasa panganib.
    kahit sa ano mang antas ng edukasyon: elementarya, sekondarya, o kolehiyo; ay nangyayari ang nakakapanghinayang na senaryong 'to.

  • #34

    Christian Egos (Thursday, 03 February 2011 09:38)

    Ang edukasyon ay binigay sa atin kaya pagyamanin natin ito gaya na lamang sa kwentong "The Brahman, the ghost, and the thief" kung saan ang isang brahman ay nabigyan ng dalawang batang baka na kanyang pinagyaman at naging mataba at dahil dito ay hindi siya pinabayaan ng diyos at nailayo sa magnanakaw(na ang intention ay nakawin ang kanyang mga baka) at halimaw(na ang intention ay kainin siya).

  • #35

    Allan (Thursday, 03 February 2011 17:13)

    Sumasang-ayon ako sa kakulangan ng gobyerno na pagtuunan ng pansin ang system ng edukasyon dito sa ating bansa. Karapatan ng bawat bata na makatanggap ng kalidad na edukasyon. Sa kabilang dako, kung atin titignan milyon milyon ding mga Pilipino na nakapagtapos ng pagaaral subalit nagiging "tambay" na lang sa bahay... Nasasayang ang inukol ng gobyerno at magulang sa pagaaral nila. Nasa determinasyon lang ng isang tao kung gusto nyang maging masagana ang kanyang kinabukasan.

  • #36

    dan (Thursday, 03 February 2011 23:11)

    Ang edukasyon ay susi sa tagumpay ng isang kabataan para sa kanyang sarili, pamilya at sa sambayanang kanyang kinabibilangan. Sa pamamagitan ng pagkamit sa tamang edukasyon, maisasakatuparang ng isang indibidwal ang kanyang hanagarin upang maiangat at mapaunlad ang kanyang sarili. Ang kamangmangan ay nagdudulot ng kapahamakan, kaya dapat magkaroon ng tamang edukasyon ang tao upang magkaroon ng direksyon at tamang pang-unawa sa napapanahong isyu at higit sa lahat magkaroon ng tamang lunas sa suliranin..

  • #37

    hannah (Saturday, 05 February 2011 06:16)

    tama yun..kung walang edukasyon..hindi magiging maganda ang ating kinabukasan..kaylangan nating patunyan ang katagang "ang kabataan ay pagasa ng bayan"..para mapatunyan natin ito kylngn natin ipagibayuhin ang ating pag-aaral at para hindi masayang ang pinaghihirapan ng ating mga magulang.

  • #38

    Joy (Saturday, 05 February 2011 08:18)

    Sa nabasang kong ito ang masasabi ko lang ay lahat ng ito ay batay sa katotohanan. Totoo naman na ang kabataan ang pag-asa ng bayan ngunit paano nga ba magiging karapatdapat ang isang bata kung wala naman siyang nalalaman o napag-aralan, oo may iilan na hindi nakapagtapos pero nakakapagsilbi sa ating bayan ngunit iba pa rin ang may natapos.

    Kung nais talaga nating maging maunlad ang Pilipinas, dapat pagtuunan ng pansin ang Edukasyon sa ating bansa, mas malaking pondo sana ang ilaan para sa mga kabataan.

  • #39

    Angelo Francisco (Saturday, 05 February 2011 09:06)

    Sang ayon ako na ang edukasyon ang tanging susi sa tagumpay ng bawat kabataan sa ating bansa,ngunit paano nga ba naten mapapatunayan ang kasabihang ito kung madame sa ating kababayan ang lugmok sa kahirap,kahirap na kahit kailan hinding hindi masolusyonan.Kung ako ang tatanuging ang ating gobyerno ang dapat sisihin sa lahat ng ito puro salita lang sila ngunit kulang sa gawa.Kung inyong mapapansin karamihan sa mga naging presidente ng ating bansa lagi nilang binabangit na sosolusyonan nila ang edukasyon sa bawat mamamayan kasama na dyan ang kahirapan ngunit anung nangyari?nakapagpatayo nga sila ng mga paaralan ngunit hnde man lang nila naisip na papaanu papasok ang bawat estudyante kung kulang siya sa mga kagamitan.Sang ayon din ako na papaano mapagaaral ng isang magulang sa paaralang nais nitong pasukan kung araw araw nalang nagtataasan ang bilihan sa mercado, kelan kaya magagamot ang sakit ng gobyerno na kahit kailan hinding hindi mahilom ng kahit sino.Hanggang kelan kaya sila magbubulagbulagan at gigising sa katotohanan.? tayo'y kumilos at umaksyon para sa susunod na henerasyon....saludo ko sayo Charmaine Rose Jean Bayan!!

  • #40

    Sir Marcial (Saturday, 05 February 2011 10:06)

    Checked 02/05/2011

  • #41

    SHeena F. (Saturday, 05 February 2011 21:29)

    ang gnda nung topic... ung wuality of education tlga..dpat tlga itaas.. agree ako...

  • #42

    marlo paong (Sunday, 06 February 2011 07:03)

    tomooooo :D

  • #43

    fritz stacey( hana ) cortes06 (Monday, 07 February 2011 09:08)

    ang ganda ng topic maine,,hndi nman ganun eh na parents lang ntin nkakaalam uo nga mhalaga talaga satin ang education.. ang agree ako dito. at dapat magkaisa tayo pra umunlad ang ating bansa..

  • #44

    Cocoh (Tuesday, 08 February 2011 07:45)

    Tama nga naman Charm. hindi lahat ng tao ang nakakaalam na Edukasyon ang susi para sa ating magandang kinabukasan. kaya sana habang hindi pa huli ang lahat ang bigyan na ng panandaliang aksyon at matugunan na ito ng ating gobyerno.

  • #45

    Sir Marcial (Monday, 14 February 2011 20:22)

    24 comments validated 02/15/2011

  • #46

    charmaine (Thursday, 24 February 2011 21:06)

    kuya teod- tama nga ho. may mga pinapasa na lang sila kasi naawa sila sa bata. Pero hindi nila naiisip ang posibleng epekto nito sa pagpasok nila sa susunod na baitang na kulang at hindi maayos ang kaalaman.

  • #47

    charmaine (Thursday, 24 February 2011 21:30)

    irvin- tama. ang mga edukasyon ang siyang susi at kayamanan na dapat nating pangalagaan, :)

  • #48

    Sir M (Thursday, 10 March 2011 06:16)

    23 comments validated

  • #49

    jullie mae (Thursday, 23 June 2011 04:22)

    your right edukasyon lang kayamanan ng isang tao!

  • #50

    kyrha (Sunday, 03 July 2011 01:00)

    ano ba ang maidudulot ng edukasyon

  • #51

    Cheap Air Max (Tuesday, 02 August 2011 01:44)

    Whatever determine, believe it or not, need ecclesiastical stores found concerning the community? Sometimes they are spotted towards set up some psychic tyranny at the wrecks of this city expertise; concerning a large number of examples they are spotted upholding typically the thrones from political tyranny; through certainly no model need many long been typically the adults of this liberties of this families. Rulers who want to subvert your public liberty regularly have seen an accredited clergy comfortable auxiliaries. Some solely united states government, instituted towards protect not to mention perpetuate it again, preferences these products in no way.

  • #52

    Nike Air Force Ones Shoes (Wednesday, 12 October 2011 09:10)

    The ideal is the language of the God, which is senior to all the countries and mankind, being the kingdom of spirit and the hometown of soul.

  • #53

    Tochin- (Monday, 24 October 2011 03:00)

    Nice post dude

  • #54

    Marian (Monday, 24 October 2011 20:23)

    Nice 1 article. Normal drawback can be G. transform ones own thoughts far too often.

  • #55

    Zbysek (Wednesday, 26 October 2011 18:38)

    Nice post bro

  • #56

    Byron (Thursday, 27 October 2011 12:35)

    Great a posting. Normal difficulty is G. change their spirit too repeatedly.

  • #57

    Gerd (Thursday, 27 October 2011 19:19)

    {-String.Spintax-|-{I think|I believe|I do believe|I do think} {other|additional|some other|various other} {web site|site|internet site|web page} {owners|proprietors|entrepreneurs|masters} {should|ought to|need to|must} {take|consider|get|acquire} {this web site|this website|this site} {as an|being an|as a possible|just as one} {model|design|product|style}

  • #58

    Martin (Friday, 28 October 2011 03:30)

    Happy to view that website successful on my small iPhone , every thing I must accomplish is actually practical. Thanks for preserving it up up to now with the most up-to-date.

  • #59

    Zachary (Friday, 28 October 2011)

    Nice post bro

  • #60

    Borek (Saturday, 29 October 2011 16:18)

    Hm, I’m just comfortable with this but still not entirely convinced, hence i’m going to research a touch more.

  • #61

    jomel bundang (Saturday, 05 November 2011 04:22)

    hmm,education is very important/?i think that's right but i'm a bit tired ....but i keep my best just to finish it i have my dreams eh,,,

  • #62

    Lluis (Wednesday, 09 November 2011 13:24)

    Happy to view this website is effective on my iphone 3gs , almost everything I would like to perform will be useful. Appreciate your retaining up currently while using most up-to-date.

  • #63

    Agnibesh (Wednesday, 23 November 2011 02:27)

    No registration app on Twitter. Wordpress plugin may be the optimum advantage of ease. Auto Tweet plugin for WordPress

  • #64

    cena seo (Monday, 23 January 2012 17:55)

    Great info, thx

  • #65

    footwear (Thursday, 16 February 2012 03:47)

    Awesome post! i read your post and visited to given referral links. It is very helpful for me.

  • #66

    bon (Wednesday, 14 March 2012 09:00)

    nice topic po...very interested.

  • #67

    Yovent (Tuesday, 03 April 2012 15:13)

    nice post

  • #68

    důchodové pojištění (Thursday, 14 June 2012 05:18)

    nice post

  • #69

    Pau (Sunday, 24 June 2012 19:46)

    it's a nice post... gnamit ko po ciang editoryal namin sa Filipino... mganda po ang mga mensaheng iniiwan nito sa akin at maibahagi ko sa iba :D
    goodluck and gobless po.. :D Thumbs Up!! :))

  • #70

    swagger bhabe (Tuesday, 10 July 2012 11:22)

    tama lnq naman eh dapat nqanq

  • #71

    swagger bhabe (Tuesday, 10 July 2012 11:23)

    tama lng naman ei kailanqan nqanq gumawa ng paraan bago pa mahuli ang lhat

  • #72

    Salvatore (Saturday, 14 July 2012 02:52)

    Thanks for data

  • #73

    ana (Saturday, 14 July 2012 20:57)

    budoy

  • #74

    jhohanna garcia (Monday, 16 July 2012 05:28)

    LOVE IT!!!!!

  • #75

    iyel (Wednesday, 18 July 2012 06:39)

    tama mahalaga talaga ang educasyon sa mga bata ngayon..
    wag gagawa ng paraan kung kelan huli na ang lahat.....

  • #76

    ARiAN (Thursday, 19 July 2012 21:56)

    TAMA ANG MGA SiNABE mu sapagkat dapat nga natiin
    itong TUGUNAN . kung hindi naten to tutugunan
    WALA ring magandang mangyayari sa ating bansa :D

  • #77

    Oriflame (Sunday, 30 September 2012 01:03)

    Pretty good post. I found your website perfect for my needs. Thx for sharing the great ideas.

  • #78

    cHrisTinE (Tuesday, 09 October 2012 08:47)

    ang ating gobyerno ngayon ay napaka kurakot paano natin matutugunan ang pangangailangan ng ating paaralan kung kurakot sila at dinagdagan pa ni president noynoy ng dalawang taon ang pag aaral paano na ang mga mahihirap hindi na sila makakapagtapos ng pagaaral .Nang pengatak ku ! BTW good ideas . thanks sA mga Advise mo nagawa ko yung project ko . tnx !

  • #79

    katrina (Thursday, 24 January 2013 03:03)

    tama:)))

  • #80

    Nehru jacket (Tuesday, 29 January 2013 22:56)

    I think the things you covered through the post are quite impressive, good job and great efforts.

  • #81

    rommel (Wednesday, 27 March 2013 23:22)

    sumasangayun din ako.

  • #82

    Jyn (Tuesday, 04 June 2013 05:17)

    sang ayon ako....pero sa tingin ko hindi tayo kulang sa pondo sadyang hindi lang talaga maayos ang alokasyon ng pondo natin para sa edukasyon

  • #83

    ? (Sunday, 30 June 2013 20:33)

    kabataan daw ay ang pag-asa ng bayan
    pano kung malaki na?
    kurapsyon sa bayan@!!!!!

  • #84

    ziamae (Tuesday, 03 September 2013 08:13)

    hay naku nakakainis talaga yug mga nasa posisyon ............ walang ginawa kundi ang mangurakot!!!!

  • #85

    noli (Friday, 10 January 2014 17:59)

    tama

  • loading