Tue

01

Feb

2011

Hanggang Saan nga ba ang Pagkakaibigan?

Ni John Xyrious Q. Dela Cruz

 

          Ang buhay sa loob ng silid-aralan ay sadyang nakalulungkot kapag wala kang mga kaibigan. Ang mga kaibigang ito ay maaring maging iyong kaklase o kapwa mag-aaral sa kabilang silid-aralan. Ang pagkakaroon ng mga kaibigan ang siyang nagdadala sa iyo ng saya, ngiti at walang humpay na halakhak. Maituturing mong katuwang sa iyong mga problema at kapighatian ang iyong mga kaibigan.

 

          Ang isang tunay na kaibigan nga raw ay inaasahang nagbibigay o di kaya’y nag-aalok ng tulong kung ikaw ay may mga pangangailangan. May mga oras na nakukulangan ka ng pera pambili mo ng iyong baon, nawawalan ng lapis o di naman kaya ay bolpen, ngunit nariyan ang iyong mga kaibigan upang pahiramin ko o tulungan kang humanap ng paraan para malutas mo kung ano mang problema ang kinakaharap mo. Ang tanong ko sa inyo, lalung lalo na sa mga mag-aaral na kung saan malaki ang tiwalang ibinibigay sa mga kaibigan, hanggang saan nga ba ang inyong pagkakaibigan?

 

          Hindi natin makakaila na laganap sa loob o sa labas man ng silid-aralan ang kultura ng pangongopya o cheating. Alam naman nating lahat na ang pangongopya ay isang uri ng tinatawag na academic dishonesty, at ang mahuhuling gumagawa nito ay masususpindi sa kanyang pag-aaral o di naman kaya’y tuluyan nang mapatalsik sa paaralang kanyang pinapasukan. Hindi na bago sa ating mga kabataan ngayon ang pagkakaroon ng ganitong uri ng kultura. Hindi man natin aminin ay sadyang hindi natin maiiwasan na mangopya o magpakopya ng ating mga sagot sa mga pagsusulit, mga takdang-aralin at mga proyekto lalung lalo na kapag ang isang kaibigan o matalik na kaibigan ang kasangkot ditto.

 

          Dapat nating tandaan, na ang tunay na pagkakaibigan ay kalian man hindi nakikibahagi sa mga maling kultura at mga gawain, sa loob o sa labas man ng silid-aralan. Ang isang tunay na kaibigan ay handing mag-alok ng tulong ngunit alam din kung hanggang saan ang kanyang hangganan o limitasyon sa paghahandog ng tulong. Hindi natin dapat masamain o ikagalit kung hindi man tayo pinakopya ng isang kaibigan, mas dapat pa tayong matuwa dahil una sa lahat, tayo ay hinhandugan ng leksyon kung saan kailangan nating magsumikap sa ating pag-aaral at panghuli, alam natin na ang taong iyon ay isang tunay na kaibigan.

 

Huwag nating ipasok ang kultura ng pangongopya sa ating pagkakaibigan, sapagkat alam natin na ito ay likas na masama. Hayaan natin na ang ating pagkakaibigan ang mag-udyok sa atin upang maging mas responsible at masikap na mag-aaral. Alam kong ang bagay na ito ay napakadaling sabihin ngunit mahirap gawin. Hindi ako nagmamalinis, sapagkat inaamin kong, ako man ay nakagawa na ng ganitong bagay. Ang nais ko lamang ipaabot sa inyo, mga kapwa ko mag-aaral ay ang matuto at malaman kung hanggang saan lang dapat lumugar ang pagkakaibigan. Isang bagay na mukhang napakahirap gawin, ngunit hindi ninyo malalaman hangga’t hindi ninyo nasusubukan.

 

Sanggunian:

 

Write a comment

Comments: 35
  • #1

    Karlo Rodriguez (Wednesday, 02 February 2011 04:36)

    Haha. Sang-ayon ako sayo Jox. Dapat lang na hindi natin iabuso ang ating mga kaibigan sa pagkokopya. Pero desisyon din nila kung magpapakopya sila o hindi. Sigurado naman din na kahit tanggian mo ang kaibigan mo, okay lang iyan sa kanya kapag tunay mo nga siyang kaibigan.

  • #2

    perplexed pinky (Wednesday, 02 February 2011 18:57)

    saan nga ba tunay na mapapatunayan ang tunay na pagkakaibigan. tama ka. hindi dapat abusuhin ang pagkakaibigan. May limitasyon ito at hindi dapat maging basehan ang pagpapakopya sa tunay na "friendship"

  • #3

    Ruby L. (Thursday, 03 February 2011 00:15)

    Dapat nga na may limitasyon ang pag kakaibigan, hindi porke't kaibigan mo kailanganin mo na'ng ipakita ang sagot mo sa kanya o dahil kaibigan mo siya, kailangan pakokopyahin kanya. Hindi naka-base ang pagkakaibigan sa kopyahan. Kaya tama ang artikulo mo, sumasang-ayon ako lalo na sa iyong huling dalawang mga pangungusap.

  • #4

    Amielle Barre (Thursday, 03 February 2011 02:10)

    Baguhan ako kaya dati pinapakopya ko ang mga kaklase ko dahil natatakot ako na baka magagalit sila sa akin. Ngayon na nabasa ko na ito, susubukan kong sanayin na ang sarili :D

  • #5

    Rafi (Thursday, 03 February 2011 02:24)

    Wag nating abusuhin ang ating pagkakaibigan para lamang sa pangongopya XD

  • #6

    daryl (Thursday, 03 February 2011 02:26)

    Dapat hindi inaabuso ang pag-kaibigan ngunit ok lang ipakopya ang mga kaibigan natin basta hindi palagi at dapat kahit nangongopya siya dapat alam niya din ang ano kinokopya niya.

  • #7

    Kharnelle Eyrand Sade K. Lim (Thursday, 03 February 2011 03:15)

    Tama ka Kuya Joxy. Ang pagkakaibigan ay may limitasyon, at kung isa kang tunay na kaibigan ay hindi mo hahayaang gumawa ng mali ang iyong kaibigan o tulungan siyang gumawa ng masama. Hindi kailanman dapat abusuhin ang ating mabubuting kaibigan. Ang pagkakaibigan ay dapat na magturo sa ating gumawa ng tama at hindi gawin ang masama.

  • #8

    Carmina Ilustrisimo (Thursday, 03 February 2011 04:01)

    Tama. Alam nating lahat na ganito na talaga ang mga magkakaibigan ngayon. Akala nila tama lang ito, yun pala hindi. Sinasabi nilang dahil magkaibigan ay dapat mag tulungan. Ngunit, hindi iyan ang totoong kahulugan ng 'kaibigan'. Ngunit, may mga panahon din na hindi ito maiiwasan dahil ang iba ay takot sa pagkawala ng mga kaibigan.

  • #9

    Eslin Hanael U. Cabato (Thursday, 03 February 2011 04:40)

    Ito nga ay talagang isang bagay na usong-uso na ngayon sa loob at labas ng silid-aralan. Araw-araw ay may nakikita akong pangyayaring ganito. Hindi nga dapat ngunit talagang hindi ito naiiwasan ng mga iba. Dapat rin naman ay maawa sila sa talagang gumawa at nag-research para lang sa assignment. Hindi ka ba maiinis kung ika'y natapos ng 1:00 a.m. para lang matapos ang iyong ginawa at bigla na lang itong pinasa-pasa sa loob ng klasrum?

    Ito'y isang napaka masamang habit na hindi natin natutunang tanggalin kailanman. Dapat ay masanay tayong gumawa sa pamamagitan ng ating sariling talino at galing. Kung ngayon pa lang ay masasanay na tayong iwasan ito, ay mas madali na para sa atin na hindi 'to gawin sa hinaharap. Ang pagsisisi nga naman ay nasa huli.

  • #10

    Christian Egos (Thursday, 03 February 2011 10:48)

    Isang bagay na natutunan ko sa direktor ng "Padre de Familia", ay wag mag cheat. Kailangan natin itong itigil dahil kung ipagpapatuloy natin ito, hindi na rin natin ito maiiwasan kapag tayo ay magtrabaho kung saan ang mga taong mahilig mag cheat ay nangungurakot na lang at saglit ay mayroon nang limpag limpak na kayamanan ng walang kapaguran.

  • #11

    Sir Marcial (Saturday, 05 February 2011 10:57)

    Checked 02/06/2011

  • #12

    Leanna Belcina (Friday, 25 February 2011 06:49)

    Galing galing mo nga naman kung makasulat partner. tama nga naman, alam ko naman wala kang experince dyan e. hindi na kailangan, talino mo e. :)

  • #13

    Margaux (Friday, 25 February 2011 06:56)

    We all know how wrong cheating is but then when it comes to friendship, will it still be wrong? Sometimes, because you're friends and all, you can't help but let them cheat off you. But sometimes, this act has to stop. One good and safe way (to prevent destroying the friendship) to avoid your friends cheating off you is to help them. Setting a study date is one safe and fun way to avoid friends who cheat off you. You benefit by reviewing, they benefit by also reviewing and no one's doing anything morally wrong. :D

  • #14

    Vivenzel Carl Potot (Friday, 25 February 2011 06:59)

    Tama!!! Ang tunay na kaibigan ay nagbibigay ng mga mabuting halimbawa at hindi yun mga masama.

  • #15

    Abby (Friday, 25 February 2011 07:01)

    sang ayon ako sa iyong artikulo, Joxy! Dapat lang na hindi abusuhin ang pag kakaibigan. :)

  • #16

    Beng S. (Friday, 25 February 2011 07:03)

    Maganda ang pag kkasulat ng artikulong ito! Sang ayon ako sa mga nkasulat sa artikulong ito.. Magaling!

  • #17

    Ricoh Orcia (Friday, 25 February 2011 08:01)

    Sang ayon ako sa artikulo mo Jox. huwag naman natin iabuso ang pagiging mabait ng ating mga kaibigan. at kailangan din irespeto ang kanilang desisyon, kung ayaw nila magpakopya maging okay ka dun hindi ka dapat magalit.

  • #18

    Sir M (Thursday, 10 March 2011 06:41)

    8 comments validated

  • #19

    Ugur (Sunday, 23 October 2011 05:49)

    {-String.Spintax-|-{I think|I believe|I do believe|I do think} {other|additional|some other|various other} {web site|site|internet site|web page} {owners|proprietors|entrepreneurs|masters} {should|ought to|need to|must} {take|consider|get|acquire} {this web site|this website|this site} {as an|being an|as a possible|just as one} {model|design|product|style}

  • #20

    Jaromir (Sunday, 23 October 2011 19:37)

    Delighted to view that internet site is effective in my iPhone , almost everything I want to carry out is actually well-designed. Many thanks for preserving it currently with all the most up-to-date.

  • #21

    Vojtech (Sunday, 23 October 2011 22:57)

    Several of these replies on this post are garbage, You should delete them.

  • #22

    Mohd (Wednesday, 26 October 2011 12:23)

    Hm, I’m just comfortable with this but still not entirely convinced, hence i’m going to research a touch more.

  • #23

    Otmar (Thursday, 24 November 2011 21:06)

    Auto Tweet Wordpress plugin

  • #24

    půjčky (Sunday, 01 April 2012 20:33)

    Many thanks for information

  • #25

    Yantekk (Wednesday, 04 April 2012 12:34)

    good post

  • #26

    Baris (Thursday, 05 April 2012 20:49)

    will come back soon

  • #27

    Dacan (Saturday, 14 July 2012 21:46)

    Nice info dude

  • #28

    designer sarees indian (Wednesday, 21 November 2012 00:06)

    There are some attention-grabbing points in time on this article but I don?t know if I see all of them heart to heart. There may be some validity however I will take maintain opinion until I look into it further. Good article , thanks and we want more! Added to FeedBurner as properly.

  • #29

    Buy modern furniture online (Wednesday, 20 February 2013 05:52)

    Took me time to read all the comments, but I really enjoyed the article. It proved to be very useful to me and I am sure to all the commenters here! It's always nice when you.

  • #30

    hotel furniture india (Tuesday, 12 March 2013 01:41)

    i do pretty much the exact same thing, local vhosts and all. taking nightly backups of /home is easy with rsync, so when anything goes awry, i just pull down the folder from my vps. since the cronjob itself is in the folder, even my backup script gets backed up. what ide do you use?

  • #31

    summer drama school (Thursday, 06 June 2013 03:53)

    Point in the article is really unique . I really like your article . We look forward to your next article .

  • #32

    salwar kameez online (Wednesday, 26 June 2013 05:13)

    Hm, I’m just comfortable with this but still not entirely convinced, hence i’m going to research a touch more.

  • #33

    Georgette Sarees (Friday, 26 July 2013 21:29)

    Can I post your post to my wordpress blog? I’ll add a one-way link to your forum. That’s one actually nice post.

  • #34

    web design vadodara (Wednesday, 11 September 2013 02:28)

    Very helpful article. I used to be looking for these particulars very very long time but you'll find limited assets. Thank you for site here.excellent.

  • #35

    oczyszczanie aury (Thursday, 01 December 2016 01:10)

    tandeta