Tue

01

Feb

2011

Gabay sa Mabisang Pag-aaral

photo credit: google.com
photo credit: google.com

ni Nicole San Luis

 

Sa araw bago ang iyong markahang pagsusulit ay naranasan mo na bang mamorblema kung anong paksa ang una mong pag-aralan? Naranasan mo na bang mag-aral nang higit sa dalawang oras ngunit pakiramdam mo’y wala pa ring pumapasok sa utak mo? 


Sa mga panahon na ito ay kadalasang naiisip ng isang mag-aaral na wala na siyang pag-asa kaya’t napipili niyang balewalain ang pag-aaral at sundin ang paboritong gawain ng kabataan ngayon- ang “cramming.” Oo nga, may mga panahon na nagiging epektibo ang paraang ito ngunit ang primerong problema ay ang mabilis na pagkawala ng mga impormasyong pinag-aralan. Posible ring mangyari ang ma-mental block lalo na sa mga aralin na nangangailangan ng pagsasaulo. Walang natutunan ang studyante rito.


Ang tanong ng nakararami ay kung paano sila makakaaral nang mabuti upang makamit nila ang disenteng marka at hindi madaling mawala ang mga paksang pinag-aralan. Madali lang ang sagot dito at masaya ako na maipamahagi ko ang limang gabay sa mabisang pag-aaral. Angkop ito sa lahat ng mga mag-aaral sa anumang baitang o taon.


Una ay pagplanuhan kung anung leksyon ang nais mong unahin at huwag na itong palitan. May mga pagkakataon kung saan nakapili ka na ngunit sa punto kung saan ay nararamadaman mo na nahihirapan ka na ay naiisip mong lumipat muna sa iba. Kailangan dito ang pokus at determinasyon upang mas epektibo ang iyong pag-aaral.


Ikalawa ay maghanap ng angkop na lugar kung saan nais mong simulan ang pagaaral (Richman, 2010). Kung nangangailangan ka ng mga tiyak na sangkap sa iyong kapaligiran upang makatulong sa iyong pag-aaral ay gawin ito isang prayoridad. Maaari kang gumamit ng isang sulok ng bahay na malayo sa ingay, malinaw na ilaw, musika at iba pa kung saan ka mas nakokomportable. Kung napansin mo na gumagana ito at mas madaling pumapasok ang mga leksyon ay huwag magdalawang-isip na gamitin ang stratehiyang ito.


Ikatlo ay gumawa ng isang talakdaan ng mga oras at mga paksa na nais mong bigyan ng atensyon sa mga oras na iyon (Richman, 2010). Tandaan na ang oras ay isa sa mga matindi mong kalaban sa prosesong ito kaya’t importante ang maging mapagbantay na hindi ka nag-aaksaya nito. Bago magsimula sa pag-aaral at pagbabasa ay siguraduhing pinagplanuhan mo na kung gaano ka katagal sa isang paksa. Mas nakakabuti na bigyan mo nang higit na maraming panahon ang aralin kung saan nararamdaman mo na hindi mo gaanong naiintindihan upang mas lalo mong makabisado.


Ikaapat ay gumamit ng iba pang kagamitang pang-edukasyon tulad ng diksiyonaryo at mga libro na maaaring magbigay ng mga karagdagang impormasyon upang mas lalong maintindihan ang paksa. Hindi tama ang umasa lamang sa pagtatanong sa ibang tao tungkol sa leksyon; importante rin ang sariling sikap. Mas madali mong maaalala ang iyong nabasa kung ikaw mismo ang nakahanap sa impormasyon. 

 

Huli sa lahat ay gumawa ng mga katanungan upang masubok ang iyong sarili. Mas lalo kang makompyansa na naintindihan mo ang iyong nabasa kung nasasagot mo ang mga katanungang kasunod nito. Subukang sagutin ang mga aktibidades na mahahanap mo sa huling pahina ng bawat kabanata. Dito mo rin malalaman kung totoong may natutunan ka at kung handa ka para sa pagsusulit.


Sa opinyon ko, ang mga gabay na ito ay ang iilan sa mga praktikal na paraan upang makakuha nang disenteng marka sa anumang pagsusulit. Alam ko na nakakatulong ito sapagkat ako mismo ay nakasubok na nito. Dahil ako ay magtatapos na ng aking pag-aaral sa high school ay nais kong ipaabot ang mga gabay na ito upang ang mga studyanteng tulad ninyo ay hindi mahirapan sa mga pagsusulit na ipinagsabay pa sa nakararaming takdang-aralin sa iba’t-ibang asignatura. Sa paraang ito ay maiiwasan na rin natin ang mga di-kanaisnais na gawain tulad ng cramming at lalo na ang pangongopya. Maganda ang isipin na nakamit natin ang mataas na marka sa wastong paraan kumpara sa pandaraya. Huwag nating kalimutan na ang pag-aaral ay isang proseso. (Rockler-Gladen, 2008). Kung may iilan man sa aking nabanggit na hindi naging epektibo, maaari itong baguhin para mapabuti ito. Ang impotante ay ang disiplina at kasanayan sa pag-aaral na hinahasa sa prosesong ito. Higit sa lahat, ang kaugalian na ito ay madadala natin kahit saan pa tayo mapunta, sa kolehiyo man o sa ating pagtratrabaho. Dapat ay maging tapat at masipag sa lahat ng gawain sapagkat tayo rin ang makikinabang balang araw. 

Write a comment

Comments: 96

  • #1

    MK :) (Tuesday, 01 February 2011 06:42)

    ako ay sumasang-ayon sa mga gabay, nicole. nakakatulong nga ito para atin mga studyante.

  • #2

    Debra Ann (Tuesday, 01 February 2011 06:53)

    Maraming salamat dahil ang mga gabay na isinaad dito, ay maaaring magamit kung sakaling tayo ay naghahanda para sa ating mga pagsusulit. Kinakailangang bigyan nating pansin ang mga gabay na ito, dahil marahil ito narin ang solusyon sa mga problema natin hinggil sa ating mga marka. :)

  • #3

    Bantz (Tuesday, 01 February 2011 06:58)

    Makakatulong talaga ang ginawa mong gabay para sa mga mag-aaral :)

  • #4

    Keannu (Tuesday, 01 February 2011 06:59)

    Nakakatulong talaga ang gabay na ginawa niyo. para sa mga kabataan. :)

  • #5

    daiyne (Tuesday, 01 February 2011 06:59)

    Ang mga impormasyon na ibinigay sa article na ito ay gabay sa mabisang pag-aaral. Ito ay siguradong makakatulong sa ibang studyante kung paano makamit ang disenteng marka. Nice work :)

  • #6

    Arlette (Tuesday, 01 February 2011 07:03)

    khit ako na ay nakapagtapos ng aking pagaaral ay masasabi kong tama ang mga gabay na ito dahil nagamit ko rin iyon noong ako ay studyante pa. =)

  • #7

    Pierre (Tuesday, 01 February 2011 07:04)

    Salamat dahil ako ngayo'y nagkaroon ng ideya upang mas mapgbuti ang pag aaral. Tunay na ang mga nabanggit na gabay ay maaaring makatulong sa mga estudyante. Ngunit nasa kaugalian parin ng tao kung saan siya nito dadalhin, gaya nga nang iyong nasabi.

  • #8

    jolas diansuy (Tuesday, 01 February 2011 07:06)

    nicole, katanungan lamang: importante bang magaral? dahil sa sulatin na yon, nagkaroon ako ng ideya kung gaano ito kahalag sa ating buhay, :)

  • #9

    Migs (Tuesday, 01 February 2011 07:07)

    sumasang-ayon ako sa gabay na ibinigay mo.:)

  • #10

    Enn (Tuesday, 01 February 2011)

    Malaking tulong ang mga gabay! Magaling.

  • #11

    Justin (Tuesday, 01 February 2011 07:11)

    Studyante rin ako ngayon at nasubukan ko na rin ang mgcram ngunit alam ko na hindi ito nagdudulot ng kabutihan sa atin kaya magaling ang mga gabay na ito kasi natutulungan nito ang mga mag-aaral sa wastong paraan ng pag-aaral...

  • #12

    jhaypert (Tuesday, 01 February 2011 07:13)

    Dapat naman talaga sa panahon ng pagsusulit sa paaralan dapat pag tuunan ng oras at pansin ang mga aralin pra mapaghandaan ang lahat ng pagsusulit..kahit mahirap at nakakabagot ang mga aralin dapat parin sikapin na ito ay mapag aralan.

  • #13

    Margaux (Tuesday, 01 February 2011 07:13)

    Nakakatulong ang iyong mga sinasabi rito. Dapat magkaroon ng mabuting study habits. Huwag mag-asa sa cramming at procrastinating dahil ito ay hindi talaga nakakatulong. Study days before an exam, copy lectures from your teachers and your classmates but never copy answers from your seat mates or your classmates. Want a cool tip? Study while eating chocolate. Chocolate is said to trigger a hormone in your brain to help you remember things better. (My geometry teacher hinted this tip and I've been doing so, eating chocolates while studying, ever since). :) Study well and aim high :)

  • #14

    Irvin (Tuesday, 01 February 2011 07:16)

    Sumasangayon po ako sa sinabi nyong, ang paboritong gawain ng mga estudyante, lalo na sa panahong ito, ay ang "Cramming". Sadyang totoo ito dahil wala akong maisip na estudyanteng hindi pa naranasang gawin ang ganitong gawain, halos ang lahat ng mga mag-aaral ay nakaranas na nito, kahit ako.

  • #15

    eff (Tuesday, 01 February 2011 07:23)

    Favorite habit ng mga estudyante ang "cramming". Sa mga estudyanteng makababasa nito, isang malaking tulong ito upang mabawasan ang mga pulang marka dahil sa pag-cramming. Isang malaking tulong ang mga gabay na nakalista dito. :))

  • #16

    Patrick (Tuesday, 01 February 2011 07:29)

    Tama ang inyong mga sinabi :)

  • #17

    Marc (Tuesday, 01 February 2011 07:29)

    Sang-ayon ako dito ;)

  • #18

    .gia. (Tuesday, 01 February 2011 07:43)

    salamat sa mga gabay na ibinigay mo ate nicole. Susubukan ko ang mga ito upang maiwasan ko ang pagpapabukas sa mga proyekto at takdang-aralin ko.

  • #19

    JB (Tuesday, 01 February 2011 08:22)

    Napaka-helpful nito especially to students in our generation. Kasi we are aware naman na tamad ang kabataan ngayon. Parang they love to procrastinate and all kahit na they get low grades from doing that. Anyway, good article Nic ;)

  • #20

    Ken-Ken (Wednesday, 02 February 2011 04:57)

    Talagang makakatulong ang mga gabay na ito sa mga mag-aaral, lalo na sa kolehiyo kung saan ang daming mga dapat pag-aralan upang makapasa o makaabot lng man sa kota ng kurso namin. Dahil base sa aking personal na karanasan, talagang "kayod-tuko" kame pagdating sa mga subjects namin, major man o minor

  • #21

    Neah (Wednesday, 02 February 2011 05:50)

    ako ay sang-ayon sa mga paraan na iyong ipinamahagi upang maging gabay sa mabisang pag-aaral. sana'y maihayag mo ito sa iba pang mga estudyanteng nagkakaproblema sa pag-aaral. sigurado, makakatulong! :)

  • #22

    Gee (Wednesday, 02 February 2011 05:52)

    Nakatutulong ang mga istratehiyang nabanggit upang maipasa ang ating pagsusulit. Mas mabisang sundin ang mga gabay na ito kaysa umasa sa "cramming".

  • #23

    diane (Wednesday, 02 February 2011 05:52)

    isa ang akong certified crammer
    pagkatapos kong basahin ang blog na ito ay mas nakakatulong ito sa akin.

  • #24

    Kurt Recinto (Wednesday, 02 February 2011 05:54)

    Sigurado akong epektibo ang mga gabay na ito at talagang makatutulong ito sa aking mas maayos na pag-aaral. Sana ay mas marami pang studyante na makabasa nito at mas lalong matulungan silang magkaroon ng maayos at matataas na grado. :)

  • #25

    Kristin Gail. (Wednesday, 02 February 2011 05:54)

    Sang ayon ako sa iyong blog mo, Nic. :)

  • #26

    Wild (Wednesday, 02 February 2011 05:55)

    Tama, mahilig nga tayo ngayon sa cramming. Naalala ko nung second year ako, habang gumagawa ng proyekto, dun akong nagsimula mag cram. Lahat ng gabay ay tama naman at ito ay nakakatulong sa mga taong nakababasa nito.

  • #27

    Issa (Wednesday, 02 February 2011 05:56)

    Ipinakita ang mga positivo at negativong epekto ng "cramming". Sa pamagat pa lamang ng blog may impak na. Nakapulot ako ng magagandang aral nang nabasa ko ito.

  • #28

    Kristin Gail. (Wednesday, 02 February 2011 06:01)

    *sa blog mo.

  • #29

    Jill (Wednesday, 02 February 2011 06:06)

    Lubos na makakatulong ang ginawa mong gabay. Maraming salamat at binigyan niyo po ako ng ideya kung papaanong makapagaral ng mabuti nang sa ganoon ay hinde ako mag cramming. :)

  • #30

    Paula (Wednesday, 02 February 2011)

    Makakatulong ng malaki sa akin ito hindi lang sa akin kundi sa ibang mga estudyante rin lalo na sa panahong ito na ang daming requirements at mga pagsusulit na pinagsasabay-sabay.

  • #31

    Yvanna (Wednesday, 02 February 2011 08:27)

    Madalas ako ay nagcacram. Hindi ko maiwasan ang maging tamad at maging kompyansa sa kakayahan sa paggawa ng mga requirements. Kaya sang-ayon ako dito. Makakatulong ito sa akin dahil hindi magandang habit ang magcram.

  • #32

    Wilfrid (Thursday, 03 February 2011 01:15)

    Subukan ko na sundin ang mga gabay na nabigay mo dahil lubos ito makakatulong

  • #33

    Jessah Daymiel (Thursday, 03 February 2011 01:21)

    Sang-ayon ako sa lahat ng mga nailahad mo, sapagkat nasubukan ko na din ang mga nasabi mo at napatunayan kong mabisa nga ito. :P

  • #34

    kim (Thursday, 03 February 2011 01:22)

    hahaha...sa totoo lng ako mismo ay mahilig sa "cramming" na yan...kaya nga nahihirapan ako, ngunit sigurado ka bang epektibo ang iyong mga gabay???kc gusto kong subukan eh..haha!

  • #35

    John Paul San Luis (Thursday, 03 February 2011 01:27)

    Nakakatulong ang mga ganitong klaseng gabay sapagkat magagamit ng mga studyante ito tuwing may mga pagsusulit. Sumasang-ayon talaga ako.

  • #36

    Sameyha Imlan (Thursday, 03 February 2011 01:29)

    Ginagawa ko ang iba sa mga gabay na naibigay niyo Ate, kaso minsan, napupunta parin ako sa pagcacramming. =))

  • #37

    Inna (Thursday, 03 February 2011 01:31)

    Kung Ingles sana 'tong lahat, iphotocopy ko na 'to at ilagay ko yun sa aking kwarto. Haha, pero tama talaga lahat ng punto na sinabi mo dto. There are things that you said that I already do, but some things that you mentioned that I should work on, like yung time issue na dapat icommit ng tao para sa pag-aaral. Nice work. :)

  • #38

    Howard Oh (Thursday, 03 February 2011 01:33)

    Alam mo ba Nic, sumusuporta talaga ako sa iyong palagay tungkol sa "cramming". Dapat ay hindi natin yan gawin. Naging karanasan ng bawat tao ang cramming at talagang hindi maganda ang resulta dulot nito.

  • #39

    Aika (Thursday, 03 February 2011 01:41)

    Tama ang mga gabay dahil nakakatulong ito sa amin mga mag-aaral. Kahit ako ay nasa college na ngayon ay magagamit pa dn. Great job Nickz...! hehe :]]

  • #40

    Amielle Barre (Thursday, 03 February 2011 01:52)

    Thank you sa mga paraan! lagi kasi akong nahihirapang mag-hanap ng lugar kung saan pwedeng mag-aral, lagi akong natutukso na ipagpaliban muna. makakatulong talaga ito. :D

  • #41

    bianca knuttel (Thursday, 03 February 2011 01:55)

    tama ang mga paraan na iyan. ito ay makaka tulong sa pag-aaral at tama ang sinabi mo ate nicole magandand isipin na nakakuha ka ng mataas na grado sa anu mang pagsusulit. :)
    dapat gamitin ang mga paraan na iyan upang iwasan ang pangongopya. dapat lahat tayo ay mag aral ng mabuti. :)

  • #42

    Christian Egos (Friday, 04 February 2011 03:03)

    Salamat po sa iyong gabay. Lahat ng ito ay ginagawa ko at naggagawa ko ito habang nanonood ng telebisyon o sa mga maiingay na lugar, iyon ang mas epektibo para sa akin upang maintindihan ko ang aking mga dapat intindihan.. baliktad diba?

  • #43

    Sir Marcial (Saturday, 05 February 2011 11:19)

    Checked 02/06/2011

  • #44

    Nicole (Friday, 18 February 2011 16:59)

    Tama Debra, madalas ay hindi natin napapansin ang proseso ng ating pag-aaral kaya kahit ilang oras na tayo nag-aral ay tila hindi pa rin ito epektibo. Mabuti na rin at pakiramdam mo'y nakatulong ang blog ko.

  • #45

    Nicole (Friday, 18 February 2011 17:02)

    Tama Debra, madalas ay hindi natin napapansin ang proseso ng ating pag-aaral kaya kahit ilang oras na tayo nag-aral ay tila hindi pa rin ito epektibo. Mabuti na rin at pakiramdam mo'y nakatulong ang blog ko.

  • #46

    Nicole (Friday, 18 February 2011 17:04)

    Salamat, Daiyne. Iyon ang una kong naging prioridad- na makatulong ito sa kabataan upang makamit ang disenteng marka.

  • #47

    Nicole (Friday, 18 February 2011 17:05)

    Tama ka Pierre. Sa ugali rin talaga ng tao ang kanyang kapalaran. Hindi ito magiging epektibo kung ang tao mismo ay kulang sa determinasyon.

  • #48

    Nicole (Friday, 18 February 2011 17:07)

    Talagang importante ang mag-aral, Jolas. Ito ay ang paraan nating mga kabataan na maghanda para sa ating magandang kinabukasan. Masaya ako at napahalagaan mo ang pag-aaral dahil sa aking blog.

  • #49

    Nicole (Friday, 18 February 2011 17:09)

    Justin, lahat naman tayo ay nasubukan na magcram ngunit tama ka na hindi nga ito wasto. Bakit pa natin pahirapan ang ating sarili kung puwede naman tayo mag-aral ng maayos diba? Sa paraan din ng pag-aaral ay tunay na may natutunan ka.

  • #50

    Nicole (Friday, 18 February 2011 17:11)

    Oo nga, Jhaypert. Madalas na iniisip ng mga studyante na nakakatamad ang mag-aral ngunit kailangan din natin isipin ang ating kinabukasan. Mag-aral muna tayo ng maayos ngayon at sadyang aanihin natin ito balang araw.

  • #51

    Nicole (Friday, 18 February 2011 17:13)

    Salamat, Margaux! Sadyang natuwa ako sa iyong dinagdag na gabay. Puwede ito gawin ng mga studyante upanghindi naman maging nakakatamad ang pag-aaral. Ang higit na mabuti ay nakakatulong na rin ito kasi tulad ng sinabi ng teacher nyo ay may epekto ito sa ating pag-iisip.

  • #52

    Nicole (Friday, 18 February 2011 17:15)

    Oo, Irvin. Kahit ako ay naranas ko na rin ang cramming ngunit kung isipin natin ay hindi ito wasto sapagkat wala tayo natutunan at pinapahirapan natin ang ating mga sarili. Mas mabuti pa rin ang mag-aral tayo ng maayos.

  • #53

    Nicole (Friday, 18 February 2011 17:16)

    Tama ka, Eff. Tigilin na natin ang pag-cram. Huwag din natin gawing opsyon ang pagkuha ng pulang marka. Gamitin natin ang mga gabay at mag-aral tayo ng maayos. Walang imposible kung tayo ay magsikap.

  • #54

    Nicole (Friday, 18 February 2011 17:18)

    Oo nga, JB. Hindi ko rin sinasabi na masama ang mga kabataan dahil doon pero kailangan natin isipin na mali talaga ang pag-cram. Sa halip na wala kang natutunan ay hindi ka nakakasigurado kung mataas ba na marka ang iyong makuha. Mag-aral na lang tayo ng maayos.

  • #55

    Nicole (Friday, 18 February 2011 17:24)

    Nakakatakot naman ang kolehiyo, Ken-Ken. Sa hayskul pa lang ay nahihirapan na kami. Pero salamat at sumasang-ayon ka na mahalaga ng blog ko. Ang mataas na marka ay hindi imposibleng makamit kung mag-aral tayo ng maayos.

  • #56

    Nicole (Friday, 18 February 2011 17:25)

    Salamat, Neah! Sana nga ay mabasa ng lahat ng studyante ang blog ko upang malaman nila at magabayan sila sa wastong paraan ng pag-aaral.

  • #57

    Nicole (Friday, 18 February 2011 17:26)

    Salamat, Kurt! Sana nga ay mabasa ito ng iba. Puwede mo rin to ipabasa sa ibang kakilala mo upang sila rin ay maggabayan.

  • #58

    Nicole (Friday, 18 February 2011 17:28)

    Tama ka, Wild. Nagsimula rin ako magcram nung ako ay nasa ikalawang taon. Dahil siguro ito sa pinag-samang Algebra at Biology na wala na tayo panahon para sa ibang mga asignatura kaya ang cramming ang ginagawa nating solusyon na hindi naman wasto.

  • #59

    Nicole (Friday, 18 February 2011 17:30)

    Oo nga, Paula. Tuwing palapit na ang exams ay doom bumabaha ang mga requirements kaya kailangan talaga natin na bigyan pansin ang ating pag-aaral upang makaya natin ito.

  • #60

    Nicole (Friday, 18 February 2011 17:31)

    Tama, Yvanna. May mga panahon na ang daming requirements kaya natatamad na lang tayo hanggang sa wala na tayo pakialam. Ngunit hindi ito tama. Kailangan ay mag-aral pa rin tayo ng maayos.

  • #61

    Nicole (Friday, 18 February 2011 17:32)

    Oo, Kim. Epektibo yan at ako mismo ay nasubukan ko iilan sa mga iyon. Hehe. Tigilin na kasi natin ang pag-cracram at mag-aral na lang tayo ng maayos.

  • #62

    Nicole (Friday, 18 February 2011 17:34)

    Ganyan talaga yan, Sam. May mga pagkakataon na gusto na lang natin bumalik sa pagcram ngunit kailangan nating isipin na wala itong naidudulot na kabutihan. Mag-aral tayo lahat ng mabuti upang makamit ang mataas na marka.

  • #63

    Nicole (Friday, 18 February 2011 17:35)

    Salamat, Inna at labis mong nagustuhan ang aking ginawa. Sana nga ay sundin ito ng mga kabataan sapagkat maganda ang aking intensyon dito. Gusto ko na lahat ng mga mag-aaral ay mag-eexcel sa kanilang pag-aaral upang makamit ang magandang kinabukasan.

  • #64

    Nicole (Friday, 18 February 2011 17:36)

    Hindi nga talaga nakakadulot ng mabuti ang cramming, Vince. Salamat at sumasang-ayon ka sa akin.

  • #65

    Nicole (Friday, 18 February 2011 17:37)

    Oo, Amielle. Importante yan na maayos ang lugar upang mas madali makapasok ang impormasyon at hindi ka madaling mawalan ng pokus. Salamat at binigyan pansin mo ang aking blog.

  • #66

    Nicole (Friday, 18 February 2011 17:38)

    Tama, Bianca. Walang imposible sa mundo. Lahat ng studyante ay maaring makakamit ng mataas na marka kung magsikap lamang sa pag-aaral. Nakakatulong nga ang mga gabay ko upang maiwasan din ang pangongopya dahil tulad ng cramming ay mali rin ito.

  • #67

    Nicole (Friday, 18 February 2011 17:40)

    Natutuwa ako sa iyo, Christian. Siguro naman ay lahat tayo ay may kanya-kanyang estilo sa pag-aaral. Piliin na lang natin ang nararamdaman natin na mas epektibo. Pero sigurado ka ba na nakakaaral ka ng maayos habang sa harap ka ng telebisyon? Haha

  • #68

    Sir M (Thursday, 10 March 2011 06:50)

    19 comments validated

  • #69

    jason (Monday, 04 July 2011)

    ss
    d

  • #70

    johnmark delara (Wednesday, 06 July 2011 09:04)

    hi mga scout kau san kau galing ako camarin high school s kalookan,metro manila

  • #71

    nhoy (Tuesday, 18 October 2011 06:19)

    it helps.. thnx a lot

  • #72

    Riccardo (Thursday, 20 October 2011 08:31)

    Several of these replies on this post are garbage, You should delete them.

  • #73

    Cfko (Saturday, 22 October 2011 14:53)

    Ive recently been following a weblog for the thirty days or so and possess acquired a bunch of details and liked the method you've organized your web site. We are attempting to manage my own quite personal blog site however. I think their as well general and i also have to consentrate on a great deal of more compact topics. Being as much as possible to all or any folks just isn't all that its broke around become.

  • #74

    Lukas (Saturday, 22 October 2011 16:25)

    Several of these replies on this post are garbage, You should delete them.

  • #75

    Douglas (Tuesday, 25 October 2011 11:38)

    Nice a post. Standard difficulty is G. change ones own mind too frequently.

  • #76

    Fany (Tuesday, 25 October 2011 13:23)

    Glad to see that this internet site is useful in this little iphone 3gs , almost everything I must carry out can be useful. Appreciate your retaining it down up to now using the newest.

  • #77

    Romario (Thursday, 27 October 2011 14:05)

    Can I post your post to my wordpress blog? I’ll add a one-way link to your forum. That’s one actually nice post.

  • #78

    Taxi (Monday, 07 November 2011 21:06)

    Hi there are utilizing WordPress for your web site program? Iam new at all to blog globe but. Iam looking to get began my own. Also i heard about Drupal is ok. Will see my personal choice.... Helpful publish, many thanks.

  • #79

    Arne (Thursday, 24 November 2011 19:55)

    {-String.Split-|-Auto FREE Linking directly from Twitter to your WordPress blog Auto Tweet plugin for WordPress

  • #80

    optimalizace webu pro vyhledávače (Tuesday, 24 January 2012 00:41)

    will come back quickly

  • #81

    Ven (Monday, 30 January 2012 03:15)

    Thank you! Sa mga gabay sa pag aaral na ipinamahagi niyo sa mga mag-aaral upang kami'y makakuha ng mataas na marka. Thank you po!

  • #82

    ellie (Saturday, 04 February 2012 05:40)

    maraming salamat sa mga gabay na ito,,, sa pamamagitan ng mga gabay na ito, ito'y makatutulong sa aming pagaaral. maraming salamat po.

  • #83

    Hanz (Tuesday, 03 April 2012 16:25)

    will come back shortly

  • #84

    nike shox feather (Tuesday, 22 May 2012)

    chaussure,nike air max,nike pas cher,tn requin footlocker,nike air max 90,nike air max pas cher,polo lacoste

  • #85

    roma 16:16 (Sunday, 27 May 2012 22:53)

    akoy lubos na natu2wa dahil sa aking nabasa dto maraming mag aaral ang makapag aaral ng maayos at lubos na tataas ang marka.=]

  • #86

    erwin (Tuesday, 24 July 2012 08:03)

    maraming salamat sa gabay sa pag aaral na !!! susubukan ko ito !!at baka makatulong ito sa aking pag aaral , tiyak may pagbabago sa marka ko !!!1

  • #87

    lolo (Monday, 05 November 2012 19:12)

    napakahalaga sa apo ko ang paraan ng pag aaral

  • #88

    christian rabe (Friday, 08 February 2013 03:27)

    thank you pui kasi makatutulong ito sa pag aaral ng maraming Pilipino at pati na rin aku.....

  • #89

    leapoblete (Sunday, 10 February 2013 00:51)

    thank you for this source. this helped me for our thesis. =)))

  • #90

    liouiu (Thursday, 13 June 2013 02:40)

    i like it

  • #91

    John Christian P. Sabalza (Tuesday, 06 August 2013 21:42)

    Susundin ko po lhat yan. ksi po ako ay hindi katalinuhan

  • #92

    rica (Monday, 14 October 2013 06:09)

    ahh ngayon, di na ko magiging bobo haha di ko muna iisipin si crush..tsaka na yan ,pag aaral muna...hehe susundin ko to promise

  • #93

    aziza (Friday, 18 October 2013 10:49)

    cge subokan ko kung 22o ba talaga,,,,, but i think 22o un jejeje....... ill try and thank u sa gabay na ito.....

  • #94

    hfy (Thursday, 11 September 2014 04:57)

    thanks for your remember. 20%

  • #95

    cyrel (Wednesday, 03 December 2014 06:20)

    Tama nga kau aral muna para makapag-tapos ng pag-aaral upang makahanap ng magandang trabaho at maiahon ang pamilya balang araw


    GOD BLESS US

  • #96

    reiner (Wednesday, 17 December 2014 17:03)

    salamat dito dahl nakakuha akoh na magagandang marka sa mga asignaturang mahina ak0h dati.

  • loading