Tue

01

Feb

2011

Edukasyon: Grado lamang ba ang basehan?

photo credit: google.com
photo credit: google.com

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

ni Jillian P. Zabala

 

Nag-aaral ka 24/7. Halos lahat na ng ideya ay nasa loob na ng iyong utak. Ginagawa mo ang lahat ng pinapagawa ng guro. Sa huli, makikita mo ang bunga ng iyong pagsusumikap. Nakuha mo ang gradong inaasam-asam. Subalit, ito lamang ba ang pakay natin kaya tayo pumapasok sa paaralan?

 

Madalas pumapasok tayo sa paaralan upang makamit natin ang gradong pinapangarap. Nagsusumikap tayo para maabot ang pinakamataas na katayuan sa klase. Nakakalungkot isipin na ito na ang nagiging paniniwala ng maraming mag-aaral. Matapos mapag-aralan ang isang paksa at makakuha ng grado, kinakalimutan na lamang ng mga mag-aaral ang kanilang natutunan. Hindi na sinasaisip ang kahalagahan ng kaalaman at ang mga umaambag dito.

 

Isang masamang epekto ng pagiging masyadong pokus sa pagkakaroon ng mataas na grado ay pagkakabisado. May mga panahon na kinakabisado na lamang natin ang paksa sa pag-aaral sa halip na intindihin ito. Dahil nakikita natin na mabisa itong paraan upang makakuha ng mataas na grado, ito na rin ang madalas nating ginagawa. At pagkatapos ng pagtatasa ay kinakalimutan na nating ang ating napag-aralan. Pagdating sa malaking litrato ng buhay, nakakalimutan na rin natin ang siyang dapat nating gawin.

 

Marahil din ay masyado tayong nagiging makasarili. Hindi na natin napapansin na may natatapakan na tayong mga tao. Sa sobrang paloob natin sa ating sariling kapakanan, nakakalimutan na natin ang pagiging makatao.

 

Ano nga ba ang batayan ng isang mabuting mag-aaral at ideal na paaralan? Totoo naman na ang pagkakaroon ng mataas na grado ay masayang makamtan. Ito ay gawa ng pagsisikap at tiyaga ng mag-aaral. Lahat ng mga propesor ay sumang-ayon gayunpaman, na ang grado ay nagbibigay ng impormasyon sa kung gaano kahusay ang mga mag-aaral ay pag-aaral (Erickson at Strommer, 1991). Subalit kailangan nating malaman na may mas mahalaga pa kaysa sa pangakademikong pamantasan.

 

Isang pananaliksik ang ginawa ukol sa pananaw ng mga magulang sa isang ideal na paaralan. Ayon dito, mabuting disiplina, regular na komunikasyon sa mga magulang at isang masistemang silid-aklatan ay higit na mahalaga kaysa sa pangakademikong pamantayan.

 

Halos lahat ng mga magulang ang nagpahayag na mabuting asal at pag-uugali ang mga mahahalagang aral na dapat ituro ng mga paaralan. Kung hahambingin, 63% lamang ng mga magulang ang nagsabi na ang resulta ng magandang pangkalahatang akademiko ang pinakabatayan upang tukuyin ang isang mabisang paaralan. Natagpuan na karamihan sa mga magulang ang gustong maging dalubhasa ang kanilang mga anak kaakibat ng mga batang may malawak ng kakayahan, kultura, at karanasan. (Hill, 2009)

 

Ang pagkakaroon rin ng makabuluhan relasyon ay mahalagang pagtutunan. Ang mga taong nakikilala natin ay may potensyal na maging panghambangbuhay na kaibigan natin. Ito rin ay nakakatulong magkaroon ng iba’t ibang sagi ng koneksyon. Itong koneksyon ay makakatulong sa ating maghanap ng trabaho para sa hinaharap. (Jimenez, 2009)

 

Ilan lamang ito sa malaking ideya at tanong ng lipunan.  Siyempre, ang pagkakaroon ng mataas na grado, mabuting pag-uugali at maraming kaibigan ay siya pa ring ideal na mag-aaral. Gayunman, alam rin naman natin na kaunti at malayo ang pagkakaroon ng ganitong ugali. Hindi lamang grado ang basehan ang katalinuhan ng tao. Nandyan rin ang kanyang kakayahang humarap sa anumang pagsubok na kanyang ikahaharap.

 

Kailangan nating alalahanin na sa tunay na mundo, ang pagkakaroon ng malinis na puso at hangaring tumulong sa kapwa ang siya batayan ng pagiging tao. Ang pinakamahalagang matututunan natin sa paaralan ay ang mga mabuting asal at tamang pag-uugali. Ang paaralan ay isa lamang instrumento upang hubugin tayong maging mabuti at tapat na tao. Higit pa sa grado, ito ang mga pinakakailangan natin para sa hinaharap at sa buhay natin. Sumisilbi itong mga gabay at daan upang malampasan pa ang anumang pagsubok. Ngunit, huwag rin tayo makalimot na buksan ang ating mga aklat kahit paminsan-minsan lamang. 

 

____________

Sanggunian:

Jimenez, Ammie, "Students Should Focus On More Than Good Grades." (Feb 24, 2009), http://star.txstate.edu/node/133

"Do students learn less when they focus on getting good grades?," http://answers.yahoo.com/question/index?qid=20101024120848AA6jOj7

Hill, Amelie, "Manners matter more than grades, say parents," http://www.guardian.co.uk/education/2009/mar/22/schools-pupil-behaviour-prospect

 

 

Write a comment

Comments: 58
  • #1

    Kristin Gail. (Wednesday, 02 February 2011 06:44)

    Sang ayon ako sa blog mo, Jillian. :)

  • #2

    jill (Wednesday, 02 February 2011 06:57)

    Sang ayon ako sa iyong blog, hindi sapat na magmemorize ang isang estudyante upang tumaas ang kanyang mga grado. Dapat mag-aral siya nang mabuti.

  • #3

    Jessah Daymiel (Wednesday, 02 February 2011 07:09)

    Tama nga nman na kahit importante ang pag-aaral sa atin, kailangan din namang alalahanin ang ating kalusugan bago ang pag-aaral. :P

  • #4

    Dax (Wednesday, 02 February 2011 07:16)

    Tama, suma sang ayon ako. Kailangan din ng mga mag-aaral ng oras para sa sarili hindi puro lamang sa pag-aaral..

  • #5

    Jograd (Wednesday, 02 February 2011 07:29)

    Dapat paminsanminsan ay kailangan nating mag relax at mag enjoy, may tamang oras sa pag aaral at may tamang oras rin sa pag enjoy :P

  • #6

    Louie (Wednesday, 02 February 2011 07:38)

    suma sang ayon ako sa blog mo. :)

  • #7

    Earl kent (Wednesday, 02 February 2011 07:38)

    I agree :)
    the question here is what is the real or main purpose of going to school? to learn? or to have high grades. although i personally think that this two come hand in hand. i agree that we should put into our minds that we go to school to learn. but isn't it our grades is the result of applying of what we had learned? there are a lot of assumptions of why we go to school one of this which i think is a misleading assumption is that the purpose of going to school is to prepare the students for the workforce. This assumption posits an economic motive for education. We often hear that schools need to ready the next generation to compete in the global marketplace. Does this mean that the mark of successful schooling is students who are productive wage earners? If so, testing needs to focus on skills having to do with economic values, such as competition, efficiency and speed.


    I'm not that good with Filipino, so correct me if I'm wrong that we students instead of understanding the lessons, we just simply memorize it. well i put the blame to how the teachers test their students, it is inevitable that we memorize our lessons especially if its more on "terminologies". so why blame students for memorizing their lessons? i think there should be some adjustments on how teachers test students.

    i totally agree that grades does not define the intellectual ability of a person.

  • #8

    Keesha XD (Wednesday, 02 February 2011 07:55)

    Sumasangayon ako dito, Jillian. Kailangan natin ng oras para saating sarili, kailangan din natin, mag-aaral, na magkaroon ng oras ng pagpapahinga, para may lakas ng loob pang mag-aral ng mabuti, at makakuha ng matataas na grado. :)))))

  • #9

    Amielle Barre (Wednesday, 02 February 2011)

    Masarap makakuha ng High Grades pero mas masaya kung naintindihan ko. :D

  • #10

    Ella (Wednesday, 02 February 2011 09:11)

    Tama ang iyong mga nasabi. Hindi naman tama na puro mga matataas na grado ang inaatupag natin dahil hindi ito ang basehan ng ating mga pagkatao.

  • #11

    Jaz Genito (Wednesday, 02 February 2011 09:33)

    Tama ang iyong blog, dahil sa aking tingin sa aking tingin khit mag puyat ka na mag puyat minsa'y hindi parin nakukuha ang mga naasam na grado, naka base sa tao kung gusto nyang magkaroon ng mataas na grado o hindi

  • #12

    bryan (Wednesday, 02 February 2011 23:15)

    suma sang ayun ako sa blog mo...

  • #13

    Eslin Hanael U. Cabato (Wednesday, 02 February 2011 23:18)

    Tama ka diyan. Masarap nga yung pakiramdam na nakakauha tayo ng matataas na marka, ngunit minsan ay nakakalimutan na natin ang ibang mga mas importante. Nagiging makasarili rin tayo minsan. Dahil alam nating nakuha natin ang ating mga kagustuhan ay nalilimutan na natin yung mga iba, yung mga wala. Imbes na tulungan natin yung mga mas naghihirap ay mas nag-aabala pa tayo sa ating mga sarili kahit alam nating mas nangangailangan sila ng tulong.

    Hindi natin dapat kalimutan na hindi lamang tayo ang mga tao sa mundo. Marami pang iba ang nangangailangan ng suporta at ng tulong. Kailangan nating tandaan na hindi lamang ang ating mga grado ang importante, mahalaga rin na tayo ay may mga magagandang asal at mabubuting kalooban.
    :)

  • #14

    Kharnelle Eyrand Sade K. Lim (Wednesday, 02 February 2011 23:23)

    Sang-ayon ako sa blog mo Ate Jillian :) magaling ang pagkakasulat.

  • #15

    Debra Ann (Wednesday, 02 February 2011 23:34)

    Tama. Ang mga natututunan natin ay hindi lamang dapat na isaulo kundi kinakailangan ding gawin sa totoong buhay. Kinakailangan ay ayusin natin ang ating pag-aaral sapagkat tayo'y masuwerte na nabigyan tayo ng pagkakataon upang matuto.

  • #16

    julius mark alido (Thursday, 03 February 2011 05:20)

    tama,grado ang basehan

  • #17

    Angelique Miranda (Thursday, 03 February 2011 06:52)

    Tama. Ang edukasyon ay hindi naman sa grado lamang ang basehan. Ito rin ay nababase sa mga natutunan natin na makakatulong sa ating pamumuhay. Ang edukasyon ay magbibigay sa atin ng pagkakataon na ipamalas ang ating mga natutunan sa totoong buhay.

  • #18

    Pabius (Thursday, 03 February 2011 08:11)

    Hindi dapat grado lng dapat din ang ugali ng isang tao, para mabigyan xa ng pagkakaktaon upang mabigyan ng pansin,

  • #19

    Jillian (Thursday, 03 February 2011 08:25)

    @Jill: Tama, kailangan natin maintindihan ang ating inaaral. Hindi sapat na kinakabisado lamang.

  • #20

    Jillian (Thursday, 03 February 2011 08:31)

    @Jessah: Kaya nga. Maraming mga bagay ang kailangang isaalang-alang.

  • #21

    MMT (Thursday, 03 February 2011 08:38)

    Sumasang ayon ako sa iyo, Jill. Sa eskwelahan, dapat tayo ay natututo. Dapat natin intindihin ang mga lesson. Pero sa mga nangyayari ngayon, memorize ng memorize na lang halos lahat. Ang iba nga, walang pakealam kung mataas o mababa ang grado basta pasado. Ang purpose na kung bakit tayo pumapasok sa eskwelahan ay para tayo'y mag-improve at para tayo'y mayroon ding matutunan. Pero huwag rin parati aral na lang ang nasaisip. Iniisip rin dapat ang magkaroon ng oras para magrelax at enjoy.

  • #22

    nicca abiera (Thursday, 03 February 2011 08:39)

    sumasangayon ako dito. hindi dapat puro pagmememorize lg, dapat intindihin ito nang mabuti. at habang sinusubukan nain na makamit ang mataas na grado, kinakailangan din natin ispin ang ating kalusugan at sarili,

  • #23

    Wild (Thursday, 03 February 2011 08:42)

    Para saakin, hinde grado lamang ang basehan, kung hnde ang kasamahan. Mas madami akong natuto sa kanilang buhay at ito ay magagamit ko rin sa aking buhay. Sa makatuwid edukasyon nga ang dahilan kung bakit ako pumapasok sa paaralan at hinde grado ang basehan.

  • #24

    Christian Egos (Thursday, 03 February 2011 10:30)

    Sa pag-aaral, memorize ang kadalasang ginagawa ng mga estudyante at pagkatapos ng lahat, wala na. Parang abo lamang ang mga leksyon na sinaulo, at pagkatapos ng ilang araw, ay basta-basta na lang itong mawawala sa iyong isipin. Kaya nga mayroon tayong mga guro na siyang magpapaliwanag sa atin sa mga leksyon ng bawat asignatura kung saan sa takdang panahon ay maggagamit mo ito kapag ikaw ay mayroon nang trabaho.

  • #25

    angie (Friday, 04 February 2011 05:13)

    hindi naman importante ang makakuha ng pinkamataas na grado sa klase. ang mahalaga ay naiintindihan mo ang mga aralin at ginagampanan mo ang iyong responsibilidad bilang isang estudyante. sang-ayon ako sa mga sinabi mo

  • #26

    jaymie alcoran (Friday, 04 February 2011 05:15)

    sumasang-ayon ako, dahil ang edukasyon ay ang susi ng ating kinabukasan. :)

  • #27

    raaz famz (Friday, 04 February 2011 05:43)

    tama talaga to. minsan sa sobrang pokus sa pag kuha ng mataas na grado ay nakakalimutan natin ang ating napag aralan, kinabukasan. sa tingin ko ganito rin ako :)

  • #28

    Russell Diolata (Friday, 04 February 2011 05:46)

    Sang-ayon ako. Nag-aaral tayo upang matuto at humanda para sa naghihintay na kinabukasan. Kaya sa halip na isipin ang pagsisikap sa napakataas na grado at ibukod ang sariling kaligayahan dahil sa sobrang pag-aaral, bakit hindi mag-aral upang balang-araw ay magagamit mo ito. Halimbawa: sa pagtatrabaho, hindi araw araw dala mo ang mga tropeyo, medalya at kard na nakuha mo nung nag-aaral ka pa, kundi ang lahat ng natutunan mo sa pag-aaral ang dapat na laging mong bitbit.

  • #29

    Kathryn Mercado (Friday, 04 February 2011 05:59)

    Dapat kahit paminsan bigyan din ng oras ang mga estudyante para sa kanilang sarili..hindi lamang palagi mag-gawin pang-aralan..

  • #30

    zorina aud (Friday, 04 February 2011 06:06)

    tama ang iyong mga nilahad tungkol sa edukasyon.marami na rin ako nakita mga ganyan na magaaral at isa na nga ako dun, dahil sa sobrang pagaaral,marami ng nakakalimutan at minsan kinakabisado lang nila ung aralin hindi nila ito iniintindi.

  • #31

    joanne (Friday, 04 February 2011 06:07)

    sang ayon ako. ang pag-aaral ay hindi lamang pagmememorize ng mga definitions at formulas. Dapat ay naiintindihan mo kung ano ang binabasa mo.

  • #32

    keannu (Friday, 04 February 2011 08:42)

    Ang ganda ng Blog :) I agree with it :>

  • #33

    Sir Marcial (Saturday, 05 February 2011 10:33)

    Checked 02/06/2011

  • #34

    Sir M (Thursday, 10 March 2011 06:34)

    12 comments validated

  • #35

    Cheap Air Force Ones (Monday, 22 August 2011 04:30)

    The worst bankrupt in the world is the man who has lost enthusiasm. Let him lose everything but enthusiasm and he will come through again to success.

  • #36

    Cheap UGG Boots (Wednesday, 14 September 2011 03:36)

    Certificates can serve as stepping stones to a degree.

  • #37

    Anurag (Sunday, 23 October 2011 08:35)

    Several of these replies on this post are garbage, You should delete them.

  • #38

    Mohd (Tuesday, 25 October 2011 01:42)

    Several of these replies on this post are garbage, You should delete them.

  • #39

    Fishero (Wednesday, 26 October 2011 12:04)

    {-String.Spintax-|-{I think|I believe|I do believe|I do think} {other|additional|some other|various other} {web site|site|internet site|web page} {owners|proprietors|entrepreneurs|masters} {should|ought to|need to|must} {take|consider|get|acquire} {this web site|this website|this site} {as an|being an|as a possible|just as one} {model|design|product|style}

  • #40

    Paja (Friday, 28 October 2011 03:04)

    Can I post your post to my wordpress blog? I’ll add a one-way link to your forum. That’s one actually nice post.

  • #41

    Petar (Friday, 28 October 2011 03:06)

    Fine post dude

  • #42

    M-c (Friday, 28 October 2011 22:52)

    Hi there are using WordPress for the web site program? Iam new to the blog globe but. Iam hoping to get began my very own. Furthermore, i heard about Drupal is ok. Might find my own choice.... Useful article, thank you.

  • #43

    Standly (Friday, 11 November 2011 12:28)

    Hi there are utilizing WordPress for the site program? Iam a new comer to blog world but. Iam looking to get started out and hang up my personal. Also i found out about Drupal is fine. Sees my option.... Useful publish, thank you.

  • #44

    Mashek (Friday, 25 November 2011)

    {-String.Split-|-Auto FREE Building links directly from Twitter to your WordPress blog Auto Tweet Wordpress plugin

  • #45

    **********12 (Wednesday, 01 February 2012 06:06)

    yes that's true u need to understand it than to memorize cause if u learned it, u can carry the knowledge you've learned until u grown up.good job jillian very well said!!
    I'm ur new fan hehe..

  • #46

    dražba nemovitosti (Monday, 02 April 2012 05:19)

    Appreciate your data

  • #47

    mj (Friday, 20 July 2012 02:55)

    i agree

  • #48

    designer sarees indian (Wednesday, 21 November 2012 00:12)

    Really your post is really very good and I appreciate it. It’s hard to sort the good from the bad sometimes, but I think you’ve nailed it. You write very well which is amazing. I really impressed by your post.

  • #49

    Buy modern furniture online (Wednesday, 20 February 2013 06:12)

    It was worth to me, thanks author for taking out some of your precious time and sharing your thoughts on this topic.

  • #50

    hotel furniture india (Tuesday, 12 March 2013 01:26)

    Hi there are using WordPress for the web site program? Iam new to the blog globe but. Iam hoping to get began my very own. Furthermore, i heard about Drupal is ok. Might find my own choice.... Useful article, thank you.

  • #51

    Centrifugal Juicer (Thursday, 25 April 2013 21:27)

    This is a great article! Thank you for sharing with us!

  • #52

    summer drama school (Thursday, 06 June 2013 04:31)

    Nice blog! I think there should be more webpage display items and information, this blog is important, if not this small article, I can not do my work. I really appreciate the author!

  • #53

    salwar kameez online (Wednesday, 26 June 2013 05:33)

    delete a row form the html table using jquery I was suggested this website by my cousin. I’m not sure whether this post is written by him as nobody else know such detailed about my trouble. You are amazing! Thanks! your article about delete a row form the html table using jqueryBest Regards Cassetta

  • #54

    web design vadodara (Wednesday, 11 September 2013 02:19)

    In my opinion it's absolutely fantastic,best blog,best article,I'd be coming back for the blog for further soon.

  • #55

    2net (Thursday, 23 January 2014 20:08)

    kaya nga tayo pumasok para makakuha ng mataas na grado...

  • #56

    montano (Tuesday, 29 September 2015 12:10)

    Tama nde numero ang bilangan kundi ang natututunan ☺

  • #57

    quality wordpress themes (Saturday, 16 July 2016 07:08)

    Your articles and contents are inspirational.

  • #58

    zdejmowanie byt�w (Thursday, 01 December 2016 04:28)

    tapicerowa�