Tue

01

Feb

2011

Bawat Patak ng Segundo ay Mahalaga

ni Ellis Mika Triño

 

Huwag mong sabihing hindi ka pa naleleyt sa tanang buhay mo.

 

                Marahil nga ay mayroon namang mga taong naging responsable sa buong pagiging estudyante nila, at may balak pa silang ituloy ang kanilang record magpakailanman. Ni minsan ay hindi pa sila nakamintis ng mga morning assembly, first period ng klase sa umaga, ang period pagkatapos ng recess, at ang period pagkatapos ng tanghalian. Pagkatapos naman ng klase ay naroon na kaagad sila sa may paradahan ng dyip, tila laging may hinahabol sa pag-uwi, at wala na silang oras na puwedeng aksayahin sa paglalakad-lakad, pagbaba sa cafeteria upang kumain, o pakikipagtsismisan sa mga kaklase. Lahat na ata ng bagay ay tila planado na nila; sa sobrang aga nila kung gumawa at magplano ng mga bagay-bagay sa eskuwela. Anong oras kaya sila gumigising upang pumasok sa paaralan nang napakaaga? Papaano kaya nila napapanatili ang ganitong sistema? Bakit kahit anong gawin nila ay hindi sila ginagahol sa oras, kahit kailan? Samantalang ang iba naman, ay naku po, huwag niyo nang itanong. Noong nakaraang Biyernes nga, aba’y akalain ninyo! Late ako?

 

“Late nanaman ako,” ang una kong sinabi sa aking kaklaseng hindi na rin baguhan sa pagiging huli sa klase. Sa tuwing magigising ako ng tanghali, walang pag-aatubili kong kukunin ang aking telepono upang siya ay padalhan ng mensahe. “Ah! Late nanaman ako nagising! Ta*!! Late ka rin ba?? Please rep..” Tila naghahanap pa ng karamay. Ganoon naman talaga, kapag late ka, gusto mo ng kasama.

 

Ang tardiness o pagkahuli sa klase ay isa sa mga karaniwan na nakagawian na ng ilan sa mga estudyante sa iba’t ibang paaralan. Ito marahil ay isa sa mga anggulong hindi dapat pinapawalang-bahala sapagkat ito ay may malaking kakayahang umapekto sa pag-aaral ng bawat mag-aaral. Sa kabila ng mga pagkakataong tayo ay nahuhuli sa klase, naitanong na ba natin sa ating mga sarili ang dahilan kung bakit nga ba tayo nahuhuli? Upang mas maibigyan tayo ng karampatang mga kasagutan sa ating pag-aagam-agam, narito ang ilan sa mga dahilan, o sabihin na lang nating, lahat ng mga karaniwang nirarason sa guro kung bakit tayo nahuhuli sa klase:

 

Tinanghali ka nang paggising, napasarap yata ang tulog mo- ito na marahil ang pangunahing dahilan kung bakit nga ba nahuhuli ang isang mag-aaral. Sa sobrang pag-inom mo ng Nido ay napasarap at napahaba pa ang iyong oras ng pagtulog. O ‘di kaya sa sobrang ganda ng iyong panaginip ay hindi mo na gugustuhing magising pa at maputol ang eksenang hahalikan ka na sana ng crush mo. Kahit nakahanda na ang lahat ng iyong kakailanganin: ang bag, gamit, sapatos, uniporme, baon, proyekto, sipilyo, kutsara at medyas, kapag gumising ka nang late, wala ka nang magagawa. Edi late ka na talaga.

 

Hindi umaandar na alarm clock at kalendaryong pang-nakaraang taon pa- Kung nakabili ka ba naman sa tabi-tabi ng mga bateryang pansaksak sa likod ng iyong alarm clock, o hindi kaya’y kung pinalitan mo na ang iyong kalendayong hindi na tugma sa mga araw ng bagong taon, edi sana ay nakatulong pa ang mga ito upang makagising ka nang maaga. Kung alam mong Lunes bukas at iaanunsiyo ang iyong pangalan sa harap dahil nanalo ka sa reading contest, mas makukumbinsi ka pa sanang gumising nang maaga. Kung naririndi ka sa paulit-ulit na pangit na tunog ng iyong alarm clock, edi sana ay bumangon ka nang maaga upang patayin kaagad iyon. At kahit gaano pa man kaganda ng katawan ni Cristine Reyes sa iyong cover ng kalendaryo ay kailangan mo na yang palitan, kung ang mga araw na iyan ay pang-nakaraang taon pa.

 

Wala kang uniporme- oo nga, nagising ka nang maaga at lahat-lahat, naihanda na ng iyong ina ang iyong agahan, naihanda na ng iyong ama ang iyong sapatos, ngunit paginom mo ng iyong Milo ay bigla itong natapon sa iyong dibdib. Ang masaklap pa rito, wala ka nang nakareserba na uniporme dahil tatalo lang sila, nilabhan pa ang ginamit mo kahapon, at hiniram pa ng pinsan mo ang isa para sa kanilang costume party. Hindi ka naman pupwedeng magsibilyan o magsando lamang, dahil ayaw mong magmukhang “others” sa class picture. Pupwede mo naming suutin ang iyong sando at salawal, maghanda ka lang ng excuse letter na nagsasabing hindi nalabhan ang iyong uniporme. Ayaw mo noon? Mas madali kang mapupuna ng marami. Sabi nga ni Paris Hilton, Life is too short to blend in.”

 

May tao pa sa banyo- dahil late ka kahapon, naisip mong gumising nang napakaaga ngayon. Hinandaan ka pa ng iyong ina ng mainit na tubig pampaligo dahil malamig pa ‘pag alas singko. Ngunit daratnan mo ang banyo na may tao. Kakatok ka, sasabihin niyang, “Mag-antay ka dyan, ako ang nauna.” Mag-aantay ka, magbabasa ng libro saglit, at babalik nanaman sa pinto sabay katok. Sisigawan ka pa nang, “Oo sandali, malapit na!” Bumalik ka sa iyong kama upang kumain ng oras, at pagbalik mo ay hindi pa rin tapos gumamit ang iyong kapatid. Umalis ka at hindi na sinubukang kumatok muli. Pagbalik mo maya-maya pa ay natapos na rin siya sa wakas, ngunit may nakapila nang iba, ang iyong bunsong kapatid. Pagkatapos niya ay may Reserved Letter pang nakadikit sa pinto ng banyo. Ang sunod na gagamit ay si Tatay, pagkatapos ay si Nanay. Malapit nang magtime nag balikan mo ang banyo. Sa wakas wala nang tao. Ngunit pagkapasok mo pa lang, “Yak, anong amoy ito?!” Lalabas ka ulit upang hayaang sumingaw muna ang amoy. Pagpasok mo upang maligo, sakto, time na ninyo.

 

Umuulan- masama ang panahon. Hindi mo kakayanin na sumulong sa labas gamit lamang ang payong. Kailangan mo ng shield mula sa napakalakas na ihip ng hangin. Maaari ring ayaw mong magpaulan at mabasa. Para sa mga nag-aabang ng tricycle na masasakyan, sumasabay sa panahon ang ugali ng mga drayber; namimili lamang ng mga pasahero. Kaya ang gagawin mo ay maghihintay ka na lamang hanggang sa tumila ang ulan. Anong gagawin mo kung saka-sakaling hindi na tumila? Edi absent.


May masakit sa iyong katawan- dahil sa kinain mong isaw kahapon ay sumama ang iyong tiyan. Sumakit ang iyong ulo dahil ikaw ay naligo sa ulan. Nahawa ka sa ubo at sipon ni Yaya. Sa iyong pagbabanat ng buto ay waring na-stuck up at hindi ka na nakagalaw pa dahil sumakit ang iyong likod at mga binti mula sa Jazz Dance ng iyong PE kahapon. Lahat ng ito ay nangyayari talaga sa tuwing tayo ay gigising at may mararamdaman na sakit sa katawan. Masama na pala ang ating pakiramdam. Ngunit dahil gusto nating pumasok, pakikiramdaman natin ang ating mga sarili kung bubuti ba ang ating pakiramdam maya-maya lamang. Mas gugustuhin pa nating ma-late kaysa umabsent.

 

May nangyari sa daan- Trapiko, may parade, nasiraan ang kotse, nawalan ng gasolina, na-flatan ng gulong, sarado ang daan, lubak-lubak na daan, inaayos ang daan, daang ubod ng dami sa humps, hindi na nakayanan ng tricycle ang bigat ninyo, at kung anu-ano pang natural na nangyayari sa daan. Normal lamang ang mga ito, kung kaya kailangan ng ating pasensya. Responsibilidad din nating maglaan ng iilang minuto sa pagpunta sa paaralan upang mapaghandaan ang mga ganitong mga sitwasyon.

 

May naiwan ka sa bahay- may dalawampung minutong nalalabi ka pa nang ihatid ka ni Tatay sa paaralan. Masaya ka dahil may oras pa papuntang iskul. Ngunit habang paalis na kayo ay dama mo ang kaba sa iyong dibdib. Tila nararamdaman mong may kulang. Parang may puwersang humihila sa iyo pabalik ng bahay. Parang may bumubulong nga talagang may naiwan ka. Sayang, alam mong may naiwan ka ngunit maalala mo lang ito pagbaba mo ng kotse. Naiwan mo ang proyekto ng iyong grupo. Nakasalalay sa iyong mga kamay ang grado ng bawat miyembro. Babalik ka ba upang kunin ito, ‘di bale nang late? Aba siyempre! Sino ba namang gustong masisi dahil dinamay mo ang iyong kagrupo, diba?

 

Nadamay ka lang. – Ang tagal sa banyo ni Ate. Ang kupad-kupad kumilos ni Kuya sa salamin. Ang tindi ng kabagalan ni Junior. Samantalang ikaw ay nakaupo habang naghihintay sa kanila. Nasusubukan ang iyong pasensiya. Gusto mong mag-commute na lamang mag-isa ngunit tila walang tricycle na gustong pumansin sa iyo. Dahil mahal mo ang iyong mga kapatid, maghihintay ka sa kanila.

 

Immune ka na. –Tomorrow is just like any other day..” Sanay ka na. Pati ang mga kaklase mo ay sanay na rin sa iyong pagmumukha sa listahan ng mga late. Kaya, what’s new?

 

At ang panghuli, Type mo lang maging late. - Sadyang tinatamad ka lang. Hindi na ito kailangan ng paliwanag.

 

Ang mga bagay na ito ay ang mga pangunahing nagiging dahilan ng ating pagkahuli sa klase. Marahil ay ang lahat ng ito, kung hindi ay iilan sa kanila ay napagdaanan na ninyo. Sa katulad kong hindi na bago sa mga bagay na ito, talagang hindi ko naiwasan ang mapaisip at matamaan. Ag lahat ng ito ay may masama na epekto sa atin, dahil sila ay ang nagiging dahilan kung bakit nga ba tayo nahuhuli sa ating pagpasok sa klase. Ngunit hindi natin dapat isisi sa mga kadahilanang ito ang ating pagka-late. Dapat ay malaman natin sa ating mga sarili na tayo an gumagawa ng ating mga buhay. Bawat gawain ay base sa ating mga tinatayang mga desisyon, at naiimpluwensyahan ang ating mga sarili dahil sa mga ito. Kung kaya’t sa tuwing pagpapasyahan nating gumising nang tanghali at mahuli sa klase, tayo ay nasasanay at nahihikayat gawing muli ito. Dahil iniisip nating kung nakalusot tayo sa unang pagkakataon, tiyak na malulusutan din natin ang pataw na parusa sa mga susunod pang pagkakataon.

 

Nang sinubukan kong manaliksik kung ang tardiness ay isang sakit nga ba, ako ay nabigo. Walang tiyak na impormasyong nakapagpapatunay na ang pagiging huli sa klase ay isang sakit, at maaaring namamana mula pa sa ating kanuno-nunuan. Dahil ang pagiging late ay hindi isang sakit, kundi isang kasanayan. Kung nakagawian na natin sa ating buhay ang maging late, tiyak na madadala natin ito hanggang sa ating paglaki. Ito ay makaaapekto sa ating pagtatrabaho sa hinaharap dahil maaari tayong mapatalsik ng ating mga pinagtatrabahuan kung patuloy tayong mahuhuli at magpapahuli sa pagpasok. Kung kaya marapat lamang na ngayon pa lamang ay subukan na nating magbago. Kahit hindi man agaran at tuluyang pagbabago, ngunit paunti-unti naman.

 

Naniniwala ako na hindi pa naman huli ang lahat. May panahon pa upang magbago. At upang mangyari itong pagbabagong nais natin matamo, kinakailangan munang manggaling ang pag-uudyok sa ating mga sarili. Kailangan nating malaman at maunawaan ang ating responsibilidad at kailangang magkaroon ng disiplina at sistema sa pamumuhay. Kailangan nating maisip na sa bawat pagiging late natin ay nasasayang ang oras na dapat nating pinapahalagaan. At sa bawat oras na ating inaaksaya, maraming tao ang naghihintay sa atin at naaapektuhan sa ating mga ginagawa. Ang pagiging late ay isang katamaran. Nasasabi ko ang lahat ng ito base sa aking mga napagdaanan. Ako man ay nahihiyang magsulat ukol sa usaping ito sapagkat alam kong hindi ako karapatdapat dahil ako mismo ay hindi pa nagbabago. Kinakailangan ko munang mapagtanto sa aking sarili ang pagbabagong nais kong maganap. At sa pagbabagong inaasahan, samahan ninyo ako sa mas pinaaga at mas pinasaya pang buhay ng pagiging maaga.

 

Hanggang sa susunod na araw, tardiness! Paalam!

 

Sanggunian: http://jrocas.com.ph/archives/reasons-youre-late-for-school/

Write a comment

Comments: 95
  • #1

    Rhyle (Wednesday, 02 February 2011 04:13)

    nice. mganda pagkagawa. :)

  • #2

    Ayeem Igasan (Wednesday, 02 February 2011 04:59)

    Tamang-tama. Imposible nga naman na may estudyante pa na hindi na-late kahit paminsan. Ang mga rason ay totoo nga. XD

  • #3

    Wild (Wednesday, 02 February 2011 06:05)

    Mahalaga talaga ang bawat oras sa buhay natin, lalo na sa paaralan. Problema ko talaga ang may tao pa sa banyo, marahil ito ay nangyayari saakin.

  • #4

    Kristin Gail. (Wednesday, 02 February 2011 06:07)

    Sang ayon ako sa blog mo, Ellis. :)

  • #5

    Joseph Alvarez (Wednesday, 02 February 2011 06:25)

    tama. mahalaga tlga ang bawat segundo. di natin dapat itong sayangin. :))

  • #6

    Joseph Alvarez (Wednesday, 02 February 2011 06:26)

    tama. mahalaga tlga ang bawat segundo. di natin dapat itong sayangin. :))

  • #7

    Aya (Wednesday, 02 February 2011 07:38)

    tama. magaling!

  • #8

    Kryz Acuna (Wednesday, 02 February 2011 07:41)

    Tama ang mga rason kung bakit palagi late ang mag estudyante, ate Mik.
    I also admit na palagi ako late para sa assembly. Pero naman, dahil it sa van ko, at ang traffic pa, additional factor. Kaya we planned something up para hindi na kaming ma-lalate. Another factor is the fixing of the dilapidated roads. I don't know why the government called for the repair during school days, they should have done it during summertime. That's why all the vehicles fill the roads of Tumaga while they could use Lunzuran's. D:

  • #9

    Aizel (Wednesday, 02 February 2011 08:06)

    Ang paraan ng iyong pagpapaliwanag ay talagang mahusay at nakakapagkumbinsi sa marami na idisiplina ang kanilang sarili para hindi namuli mahuli sa klase. :)

  • #10

    Christian Egos (Wednesday, 02 February 2011 10:31)

    Maiba sa usapang naleleyt sa paaralan. Ang bawat segundo ay mahalaga dahil hindi natin alam kung saan tayo nanggaling at kung saan tayo patungo sa madaling salita, hindi natin alam kung hanggang kailan tayo sa mundong ito dahil ang mundo ay puno ng misteryo at tayo ay nabibigyan ng pagkakaton upang ito ay tuklasin kung saan ang lahat ng bagay ay ginawa sa mundo para sa isang dahilan at iyon ay nananatiling kaisipan sa mga taong katulad natin.

  • #11

    Xtel (Wednesday, 02 February 2011 22:26)

    Tama po. Ako'y sumasang-ayon

  • #12

    Jermone Muarip (Wednesday, 02 February 2011 22:29)

    Totoo, lahat tayo ay na late na. Kahit gaan ka pa ka disiplinado may panahon na nalalate tayo. Parte na ata ito ng ating buhay.

  • #13

    Gia Tulang (Wednesday, 02 February 2011 22:29)

    maraming beses na ako naleleyt. kasi gusto ko mauna sila sa akin.

  • #14

    Jackie (Wednesday, 02 February 2011 22:29)

    Sumasang-ayon ako sa inyong artikulo. :)

  • #15

    Jamie (Wednesday, 02 February 2011 22:30)

    Ako'y sumasang-ayon. Tama ang mga rason. At talagang mahalaga ang bawat segundo.

  • #16

    Kathryn Mercado (Wednesday, 02 February 2011 22:37)

    Tama nga ang mga rason. Iyan ang palagi sinasabi ng mg estudyante.

  • #17

    jessa aquino C: (Wednesday, 02 February 2011 22:42)

    sangayon ako sa mga nakasaad sa artikulo mo. XD

  • #18

    Eslin Hanael U. Cabato (Wednesday, 02 February 2011 22:50)

    Well said!
    Tama ka nga! Lahat tayo ay parating nagrarason kung tayo'y nale-late. Hindi na natin naiisip na nakasasama na ang ating ginagawa. Dapat ay sanayin ang ating mga sarili na mag-effort na gumising ng maaga. Ang pagsisisi nga naman ay nasa huli. Habang maaga pa ay magsanay na tayo. Tayo rin naman ang makaka-benefit sa ating mga ginagawa. Kung ngayon pa lang ay alam na nating maging magaling sa pag manage ng time ay masasanay na tayo hanggang di na natin namamalayan na ganito na pala ang ating ginagawa.

    Magaling ang pagkakasulat. :)

  • #19

    Ruby L. (Wednesday, 02 February 2011 23:13)

    Tama ang mga rason kung bakit palagi late ang mga estudyante. Sang ayon ako sa iyong artikulo :)

  • #20

    Kharnelle Eyrand Sade K. Lim (Wednesday, 02 February 2011 23:38)

    Sang-ayon ako sayo Ate :)Ang mga rason na iyong nailahad sa iyong blog patungkol sa kung bakit tayo nalalate,karamihan ay tama. Mahalaga tlga ang bawat segundo, kaya dapat hindi natin ito sayangin. At imposible ring wala pang estudyanteng nalalate kahit paminsan. Magaling ang pagkakasulat *clap2x. :D

  • #21

    sheina mae ramos (Thursday, 03 February 2011 01:14)

    Bakit hanngang ngayon may nalalate pa rin?paano natin ito maiiwasan at sa anong paraan?

  • #22

    The Shirt (Thursday, 03 February 2011 01:19)

    bakit siya tagalog?

  • #23

    Howard Oh (Thursday, 03 February 2011 01:26)

    Napakagaling ang iyong paglalahad sa mga iba't-ibang katwiran patungkol sa paghuhuli ng mga mag-aaral sa tamang oras. Ako'y namangha at natutuwa sa magaling na pagdetalye sa iyong mga ehemplo.

  • #24

    Sameyha Imlan (Thursday, 03 February 2011)

    Natawa ako sa mga rason. Ako, isa akong estyudante na ayaw talagang malate pero kung may kasama ako, okay nalang ito sakin kasi may kasama ako sa paglakad papunta sa linya ng mga klase o sa pagtaas ng silid-aralan. *Claps =)))

  • #25

    Mary Elizabeth V. Francisco (Thursday, 03 February 2011 01:49)

    Ang galing ah. Writer ka pala Mik. Cool! :D

  • #26

    Angelique Miranda (Thursday, 03 February 2011 02:13)

    Ako ang isang estudyante na hindi makatiis at iiyak talaga 'pag na-late. Ano nga ba ang dapat na gawin 'pag ayaw ko/ninyo ang ganito? Simple lang, maging alisto sa iyong galaw at isipin na mahalaga ang oras sa ating buhay. Maaaring masanay na laging tinitingnan ang oras para hindi naman ikaw ang magiging kawawa sa huli. Lahat ng mga ginagawa mo ay dapat nakaoras para ito ay maging maayos at 'organized'. TIME IS GOLD!

  • #27

    Rafi (Thursday, 03 February 2011 02:19)

    Tama. Kailangan lang nating disiplinahin ang ating mga sarili para hindi masayang ang bawat oras na kakailanganin nain sa pag-aaral. XD

  • #28

    Paul Denzil (Thursday, 03 February 2011 02:34)

    Ang haba nga naman, pero ang ganda din! Tama din lahat men! keep it up. XD

  • #29

    Inna Kindica (Thursday, 03 February 2011 03:03)

    Mahusay ang pagkalahad ng mga rason. Tama nga naman, dapat nating disiplinahin ang ating mga sarili. Magaling! :)

  • #30

    Roan (Thursday, 03 February 2011 03:09)

    Sumasang-ayon ako. Hindi talaga maiwasan na tayo ay malate kahit paminsan minsan. Kailangan lang talaga ng disiplina.

  • #31

    Mae (Thursday, 03 February 2011 03:15)

    Hindi natin maiwasan ang pagiging late. Natuwa ako sa mga rason na iyong nabanggit. Ang unang rason na iyong nabanggit ang rason na lagi kong ginagamit X]

  • #32

    J. Go (Thursday, 03 February 2011 03:27)

    Nice article. :) Maraming makaka-relate, im sure. At isa ako doon.

  • #33

    Feya T. (Thursday, 03 February 2011 03:39)

    nice :) tama po kayo!

  • #34

    Issa (Thursday, 03 February 2011 03:49)

    Napakaganda ng leksyon na itinuro ng bolg na ito.

  • #35

    Alyssa S. (Thursday, 03 February 2011 04:04)

    napakainteresante ng iyong mga isinulat dito. tingin ko nga ay lahat sa atin ang nakaranas na sa isa man sa iyong mga nabanggit. kung mayroon mang hindi pa, tiyak na ako'y magugulat. Para sa akin, isa rin namang karanasan ang pagkahuli na dapat nating maranasan sapagkat marami tayong matututunan dito :)

  • #36

    Lorence (Thursday, 03 February 2011 04:05)

    Talagang mahalaga ang bawat oras. Tamang may oras pa para magbago at ito ay pwedeng simulan ngayon. Nice blog :)

  • #37

    Fad Fadd Fahad (Thursday, 03 February 2011 04:22)

    tama ka mik. naniniwala akong dapat wag sayangin ang bawat oras na darating. sa pag-aaral man o kahit sa anong bagay. dapat isagawa natin ang mga dapat gawin bago maging huli pa ang lahat.

  • #38

    Ian (Thursday, 03 February 2011 04:25)

    Nice article, at sumasang-ayon ako sa mga ito. :D

  • #39

    Kristian Trasporto (Thursday, 03 February 2011 04:33)

    Una sa lahat sangayon ako sa iyong topic. .dahil ang totoo bawat patak ng segundo ay mahalaga. tulad nalamang pag punta sa assembly ay kinakailangan bantayan ang orasan para di tayo mahuli o ma late.

  • #40

    Katharina Nicole Tingkahan (Thursday, 03 February 2011 04:45)

    Ganda ng article. Tamang-tama nga ang iyong sinabi :D

  • #41

    Conie Himor (Thursday, 03 February 2011 04:54)

    NICE ONE!!! I agree sa lhat jan!

  • #42

    mikaela perez (Thursday, 03 February 2011 04:57)

    sang-ayon po ako kahit hindi ko pa naranasan na malate :D

  • #43

    Nestor Kim C. Triño (Thursday, 03 February 2011 04:58)

    nicely done. mabigat ang laman.

  • #44

    Keesha : (Thursday, 03 February 2011 05:35)

    Tama nga po ang iyong sinabi.. Nakaka-relate po talaga ako. Sabi nga nila, Time is gold. Kaya dapat lagyang importansya ang oras.

  • #45

    andrea (Thursday, 03 February 2011 05:44)

    tama. ang hirap sa atin ngayon ay nalululong na tau sa mga social sites kaya leyt na tayo nakakatulog at dahil dito leyt na rin tayo nakakagsing at naleleyt na tau sa klase.

  • #46

    jan M. (Thursday, 03 February 2011 06:10)

    totoo nga ito tama :D

  • #47

    ----- (Thursday, 03 February 2011 06:24)

    kaya kailangan matutuhang maging disiplinadong tao.

  • #48

    Trizhia Matutinao (Thursday, 03 February 2011 06:29)

    Kung gusto, may paraan. Kung ayaw, maraming dahilan. Sang-ayon ako sa mga nakasaad dito. Hindi man ako nahuhuli sa klase ay lagi naman akong nahuhuli sa mga lakad kasama ang aking mga kaklase. Alam kong hindi ito mabuti sapagkat pinaghihintay ko ang aking mga kasama at sinasayang ko ang kanilang oras. Pero naniniwala ako na kung ang isang tao'y magiging responsable lamang, siguradong hindi siya magsasayng ng oras ng kanyang mga kaibigan at mas magagamit pa niya ang oras niya sa isang makabuluhang gawain.

  • #49

    Sxarina (Thursday, 03 February 2011 06:47)

    Sangayon ako

  • #50

    Sheika (Thursday, 03 February 2011 07:02)

    sang-ayon ako sa artikulong ito. halos inilahad na dito ang lahat ng mga posibleng dahilan at iba pang impormasyon kung bakit naleleyt ang isang tao :)

  • #51

    Margaux (Thursday, 03 February 2011 07:57)

    Tama ang iyong sinasabi! Time management. It's something that not a lot of people can do but it is very much important in life. Learn to know how to manage your time and also know what to do with it. Time is like grains of sand in the palm of your hand. It easily slips away and it's very precious. Know what to do with your time. "Bawat segundo ay mahalaga". :)

  • #52

    Levin Angelo Lobren (Thursday, 03 February 2011 08:03)

    A very good topic to write about. d^.^b
    Nakatira ako mahigit kumulang isang kilometro lamang mula sa campus, ngunit na-late na ako ng sampung beses (?). Minsan, 'di maitatangging naiisip ang katagang, "Mmm... wala naman siguro akong mami-miss 'pag mahuhuli ako sa klase, 'tsaka tinatamad naman ako eh... kung pwede nga mag-absent na lang." Kung minsan nga sadyang nagpapa-late nang sobrang-sobra upang hindi na mag-farmville o makuha ang pagsusulit. Ewan. Basta, hindi na nga talaga maiiwasan sa mga Pilipino ang salitang "late."

  • #53

    Roxanne Bartolome (Thursday, 03 February 2011 08:05)

    Tama. Walang karapatan ang bawat nilalang na isisi ang kanyang sariling katamaran sa kahit anong bagay, tao o pngyayari, dahil tayo ang may hawak ng sarili nating orasan. Ang panahon ay isang napakahalagang bagay na hindi kailanman maibabalik kapag ito ay lumipas na. Hanggang maari hindi tayo dapat nagaaksaya ng segundo. Alam niyo bang maraming tao ang nagkakandarapa humihiling at nananalangin na madugtungan ng kahit konting minuto ang kanilang pananalagi sa mundo? Kaya habang may panahon, habang kaya pa nating kumilos at gumalaw, habang hindi pa huli ang lahat, habang may ikabubuti pa tayong magagawa, dapat ng simulan. Hindi natin hawak ang panahon. Walang time machine. Walang rewind button. Matuto tayong magpahalaga sa oras dahil hindi lahat ng tao ay may karampatang oras para mabuhay, para gawin ang gusto nilang gawin. Sana ito ay isang bagay na matutunan nating lahat--ang sulitin ang bawat oras na mayroon tayo. Balewala ang alarm clock kung hindi tayo makikinig. Ikaw pa rin ang may hawak ng sarili mong panahon. :D

  • #54

    Mike De Leon (Thursday, 03 February 2011 08:09)

    Ang time management ay mahalaga. Kaya hindi aksaya ng oras at gawin kung ano ang kinakailangan.

  • #55

    Antonette (Thursday, 03 February 2011 08:18)

    tama nga! :)

  • #56

    Al-Rasheer L. Damsik (Thursday, 03 February 2011 08:19)

    kailangan pa ba imemorize yan? :-)

  • #57

    Christopher Tagnipez (Thursday, 03 February 2011 08:53)

    Tama ang mga nakasulat dito. Halos eto nga talaga ang mga dahilan ng mga estudyante ngayon kaya sila nalalate sa klase. Magaling Ate Mika... :)

  • #58

    Akabu (Thursday, 03 February 2011 08:55)

    okae na man wala na kailangan palitan

  • #59

    MMT (Thursday, 03 February 2011 09:23)

    Tama. Paminsan sadya lang talaga na tamad ang tao kaya nalalate. Paminsan, natsambahan lang talaga ng panahon. :)

  • #60

    GeNe (Thursday, 03 February 2011 10:01)

    Tama.Dapat talaga natin yamanin ang bawat segundo ng ating buhay dahil hindi natin alam kung ano ang hinaharap nito.

  • #61

    JTB (Thursday, 03 February 2011 18:49)

    Funny pero totoo. Xb

  • #62

    rafie baird (Thursday, 03 February 2011 19:09)

    agree:)
    time is gold nga:))))

  • #63

    Jam Camille Quintanes (Thursday, 03 February 2011 23:05)

    Isa na siguro ako sa mga taong deadly conscious about time.
    I agree with all your points. We need to value time because it's one of those things that you just can't bring back. Cherish whatever you have now. It's all you really have. :))

  • #64

    Jessah Daymiel (Friday, 04 February 2011 00:23)

    Sang-ayon ako sa iyo. Mahalaga ang bawat oras ng ating buhay kaya't kung ano pa man ang hindi natin nagagawa ay dapat gawin na natin sapagkat maaaring wala na tayong sapat na oras upang gawin ito. Sa huli ang pagsisisi. :P

  • #65

    Precious Osorio (Friday, 04 February 2011 06:20)

    Ano ba ang maaring gawin ng isang tao, lalong-lalo na ang isang estudyante para hindi sila mahuli sa klase?

  • #66

    Vivenzel Carl (Friday, 04 February 2011 08:14)

    My goodness! Dami ko nang late sa klase:O

  • #67

    Mae R. (Friday, 04 February 2011 10:42)

    Siguro sa simula ay pinagtatawanan lang natin kapag tayo ay nahuhuli sa klase ngunit tama ang iyong sinabi na kung ngayon ay parang wala lang pero pagtanda natin ay madadala natin ito. Kaya malaki ang posibilidad na kung palagi kang huli sa klase mo sa hayskul ay magiging huli ka rin sa iyong trabaho.

  • #68

    Totoh Ascaño (Friday, 04 February 2011 21:26)

    Ok na. tama ang iyong sinabi!

  • #69

    A.L. Luna (Saturday, 05 February 2011 01:37)

    Maganda yung composition, tama yung mga words na ginamit.

    Score: 4.5/5
    -para sa akin.

  • #70

    .gia. (Saturday, 05 February 2011 06:24)

    sbi nga ng maraming tao, maraming pwedeng mangyari sa isang oras lamang. mahalaga ang bawat segundo dahil hindi na natin ito mababago kung ito ay tapos na. dapat gawin natin ang lahat ng ating makakaya sa lahat ng oras upang hindi tayo magsisi sa huli.

  • #71

    Sir Marcial (Saturday, 05 February 2011 09:46)

    Checked 02/05/2011

  • #72

    Jose Lorenz Barrios (Monday, 07 February 2011 05:29)

    Oo nman totoo yan nakikita nman at nararamdaman nman iyan.

  • #73

    Sir Marcial (Monday, 14 February 2011 20:19)

    21 comments validated 02/15/2011

  • #74

    Cheap Sunglasses 2011 (Friday, 22 July 2011 02:52)

    The old adage rings true in that 'quitters never win, and winners never quit'. Nothing worth having, doing, or accomplishing comes pre-packaged with foolproof steps that guarantee success.

  • #75

    Nike SB Dunks (Monday, 08 August 2011 02:35)

    Nike Skateboarding sneakers were introduced in the year 2002. This sport gained momentum during this time and Nike SB Dunks again took this as a challenge and specially designed shoes for skateboarding sportsmen and lovers of skateboarding.
    Nike extended its footwear line along with clothes to cater to this newly founded community of skateboarders. Advertising strategies were adopted by Nike when it came to introducing this new brand and Nike had stiff competition from other big giants who had a strong market presence when it came to sports goods and sports accessories.
    There were advertisements given out in magazines like the Thrasher magazine and Transworld Skateboarding magazine. Pamphlets and catalogs were extended to people who went to watch skateboard at these skateboarding events all over the globe. This was a very strong and smart marketing strategy which Nike adopted. They roped in stores selling hardcore skate apparatus etc so as to attract more public attention.

  • #76

    burberry bags (Thursday, 18 August 2011 02:39)

    This is all very new to me and this article really opened my eyes.Thanks for sharing with us your wisdom!

  • #77

    Rysdesigns (Tuesday, 25 October 2011 11:16)

    {-String.Spintax-|-{I think|I believe|I do believe|I do think} {other|additional|some other|various other} {web site|site|internet site|web page} {owners|proprietors|entrepreneurs|masters} {should|ought to|need to|must} {take|consider|get|acquire} {this web site|this website|this site} {as an|being an|as a possible|just as one} {model|design|product|style}

  • #78

    Kubin (Wednesday, 26 October 2011 23:08)

    Great a post. Typical downside is usually G. change their own thoughts very often.

  • #79

    Rysdesigns (Thursday, 27 October 2011 17:47)

    Great one article. General difficulty can be G. transform their own spirit too frequently.

  • #80

    Jan (Friday, 28 October 2011 08:55)

    {-String.Spintax-|-{I think|I believe|I do believe|I do think} {other|additional|some other|various other} {web site|site|internet site|web page} {owners|proprietors|entrepreneurs|masters} {should|ought to|need to|must} {take|consider|get|acquire} {this web site|this website|this site} {as an|being an|as a possible|just as one} {model|design|product|style}

  • #81

    Nikolas (Saturday, 29 October 2011 01:59)

    Hm, I’m just comfortable with this but still not entirely convinced, hence i’m going to research a touch more.

  • #82

    Marten (Saturday, 29 October 2011 22:15)

    Hey are using WordPress on your web site system? Iam new at all to the blog globe nevertheless. Iam trying to find started out and hang up my own, personal. Also i found out about Drupal is fine. Sees my personal choice.... Useful article, cheers.

  • #83

    Stan (Wednesday, 09 November 2011 15:34)

    Hi there are using WordPress for the site system? Iam new at all to the blog entire world yet. Iam trying to find started my personal. I also found out about Drupal is ok. Sees my own choice.... Educational article, thanks.

  • #84

    Gerd (Friday, 25 November 2011 11:30)

    FREE Automated WordPress to twitter plugin. Absolutely no registration application on Twitter. Wordpress plugin will be the optimum benefit of ease

  • #85

    cheap supra shoes (Thursday, 08 December 2011 21:35)

    I like the valuable information you provide in your articles. I am quite sure I will learn many new stuff right here! Best of luck for the

    next! I will bookmark your weblog and check again here frequently.
    This theme is so beautiful design! Thanks for share.

  • #86

    True Religion Outlet Jeans (Friday, 03 February 2012 03:03)

    This is all very new to me and this article really opened my eyes.Thanks for sharing with us your wisdom.

  • #87

    Šperha (Thursday, 05 April 2012 17:17)

    Many thanks for details

  • #88

    optimalizace webu pro vyhledávače (Tuesday, 24 April 2012 15:10)

    will be restored shortly

  • #89

    Coach Purses Outlet (Friday, 16 November 2012 00:18)

    Ltd have opened a new branch, at No Wood Street, E.G under the management of Mr. H. B. Squire.

  • #90

    Nehru jacket (Tuesday, 29 January 2013 22:19)

    I think the things you covered through the post are quite impressive, good job and great efforts.

  • #91

    johnken ramos (Thursday, 31 January 2013 05:58)

    ulul.. tama nga naman :)

  • #92

    Centrifugal Juicer (Tuesday, 16 April 2013 10:17)

    This is a great article! Thanks for sharing!

  • #93

    mattteo (Thursday, 28 January 2016 04:45)

    pwede ba yan gamitin sa baby thesis?

  • #94

    roel (Thursday, 11 February 2016 19:10)

    hindi pa ako nalelate sa buong araw na pumasok ako. college na po ako ..

  • #95

    oczyszczanie energetyczne (Wednesday, 30 November 2016 17:29)

    talaso-