Tue

01

Feb

2011

Ang Handaan

ni Van Cleef Ramos

 

Sa isang salu-salo, may iba’t-ibang lasa ang mga pagkain: may matatamis, may maanghang, may maasim at maalat at minsan, may mapait. Mayroon ding mga putaheng akala mo’y matamis at yun pala, ay mapait. Minsan nama’y kung ano ang masarap para sa isang bisita ay maaring hindi masarap para sa iba. Ang hayskul ay tulad ng isang salu-salo. Ang mga mag-aaral ay nakakatikim ng iba’t-ibang mga “lasa” sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay. May matatamis na pagtatagumpay, mga maaanghang na pagtutunggali, maaasim na biruan at mapait na pagkakabigo.

 

Ang hayskul ay ang panahon kung kalian marami tayong naaalalang mga karanasan sa ating buhay. Kabilang na dito ang iba’t-ibang trip niyong magkakabarkada, ang sandamakmak na takdang-araling ibinibigay ng ating mga mapagmahal na guro, ang pagpupuyat para lamang makaaral ng matematika at ang matamis na pag-usbong ng pag-ibig sa buhay nating mga mag-aaral. Ang mga ito’y hindi lamang nagsisilbing ala-ala lamang; ang mga karanasan ay nagsisilbing aral para sa atin upang magawa natin ang nararapat. Tayo’y hindi lamang natututo sa paaralan ng mga matematika, ang iba’t-ibang larangan ng siyensiya at sining;  tayo’y natututo rin ng mga mahahalagang aral na kailanma’y hindi natin matututunan mula sa mga aklat at leksyon ng ating mga guro. Kailangan nating makaranas ng iba’t-ibang mga bagay upang matutunan natin ang iba’t-ibang disiplinang kakailanganin natin sa ating buhay kaya tayo binibigyan ng mga pagkakataong lumahok sa mga programang outreach, pamamahala ng student government at iba pang mga organisasyon sa paaralan. Nais ng ating mga guro na tayo’y matuto sa pamamagitan ng paggamit ng ating mga kaalaman sa tamang paraan.  Sa hayskul din nararanasan ng mga mag-aaral ang inter-aksyon ng iba’t-ibang mga katauhang umaaligid at nakikihalubilo sa kanila. Dito nila mararanasan kung paano nakaaapekto ang mga gawain nila sa isa’t-isa.

 

Huwag kang matakot na tumikim ng mga inihahanda sa atin para sa hayskul. Wala tayong mapapala kung tayo’y magkukulong lamang sa ating mga tahanan at umasa na lang sa mga araling  ibinibigay ng mga aklat upang matuto.  Hindi natin mararanasan ang mabuhay bilang mag-aaral kung hindi tayo mahihirapan paminsan-minsan at kung wala tayong mararanasang kaligayahan sa ating buhay sa hayskul. Para tayong kumakain ng pagkaing walang lasa kung tayo’y hindi makakaranas ng paghihirap at ginhawa sa ating pag-aaral sa hayskul.  Gaano man kapait, kaasim, katamis at kaalat ng ating mga karanasan, may positibo itong epekto sa atin - kaalaman. Tayo’y binibigyan ng ating paaralan ng isang patikim kung ano ang ating mga matitikman sa isang mas malaking handaan: ang tunay na mundo.

 

Write a comment

Comments: 28
  • #1

    Danielle Mae Pangilinan (Tuesday, 01 February 2011 07:37)

    Natuwa ako sa first stanza mo. Ganda. Haha. Pwede kuninin yung one line dun? Haha

  • #2

    Trizhia Matutinao (Tuesday, 01 February 2011 08:02)

    Ang libro ay hindi ang tunay na basehan kung ang isang tao ay talaga ngang mayroong natutunan. Sabi nga nila, ang buhay ng pagiging isang mag-aaral ng hayskul ang isa sa mga ala-alang hinding hindi mo makalilimutan. Madalas, dito mo unang nararanasan ang mga bagay-bagay tulad ng paguwi ng madaling araw. Subalit, ang hayskul ay hindi lamang napupuno ng ngiti. Kung dito mo man maranasan ang mga pinakamasasayang araw ng iyong buhay ay maaari ring dito mo maranasan ang pinakamapapait na karanasan na kung minsan ay naiisipan mong wala nang saysay ang iyong buhay. PEro isa lamang itong pagsubok na naghahanda sa atin sa"tunay na mundo" tulad ng sabi ni Kuya Van. Hindi man ito maging madali, siguradong dito mo mapapanalunan ang pinakmahahalagang leksyong ni kailanma'y hindi mo sana malimutan.

  • #3

    Mr. Leeds (Tuesday, 01 February 2011 08:05)

    Astig talaga Van.

  • #4

    Alfonso Dio Miranda (Tuesday, 01 February 2011 08:15)

    Hanga ako sa iyong naisulat. Malinis at Malinaw ang Bawat detalyeng Nais mong iparating saaming magbabasa.
    Para rin saakin, Makakaimfluwensya ka sa mga ibang tao na Ipagpabuti pa ang kanilang pag aaral at magsikap upang maging matagumpay sa hinaharap.
    Lahat ng mga karanasan na ating nararanasan ay nangyayari dahil ito ay makakatulong saatin upang pabutihin ang ating sarili at ipaghanda tayo na makita ang totong kulay ng Tunay na mundo.

    uhmm un lang? hahahaha malabo ata ako ngaun ah pasensya :)))

    :D

  • #5

    Shaira Peniza (Tuesday, 01 February 2011 08:30)

    Idol tlga Van! :)) Keep Up the good work. :>

  • #6

    mekuh (Tuesday, 01 February 2011 08:40)

    tama nga nmn.. hehe..
    pero may mga bagay tlga na di natututunan sa mga libro lng.. wahehe,, ^_^

  • #7

    Eliezer (Tuesday, 01 February 2011 08:47)

    magandang pagkagawa. tama ang isinabi mo na mas malaking handaan ang tunay na mundo. sasalitang ito alam ko na marami ang nakakarlate at marami ang may ganitong pananaw sa buhay. lahat ng ginagawa natin sa shighscool ay isang handaan lamang para sa tunay na mundo.

  • #8

    Regine Cabato (Tuesday, 01 February 2011 08:48)

    Haha analogy reminds me of the "Ang Hapunan" chapter sa Noli Me Tangere. Keep up the good work. :)

  • #9

    Mitzi Marquez (Tuesday, 01 February 2011 08:50)

    Lahat ng sinabi rito sa artikulo ay sadyang totoo.Bilang isang mag-aaral sa hayskul,napapatunayan kong ang iba't-ibang karanasan ay ang pinakaepektibong guro dahil napupukaw tayo sa ating mga pagkakamali at nalalaman natin kung ano ang dapat nating ipagpatuloy na gawin o baguhin. Dito sa hayskul makikita ang kakaibang tamis at pait na hinding-hindi mo makakalimuatan. Kaya't huwag tayong matakot na harapin ang kung anong nakalaan sa atin sa hayskul dahil doon tayo makakakuha ng kaalaman na magpapabuti sa ating katauhan.

    Ganda ng pagkakaayos kuya :)

  • #10

    Gio Nortiga (Wednesday, 02 February 2011 06:12)

    Ang ganda ng leksiyon ng iyong ginawa. :)

  • #11

    Alvin Anitan (Wednesday, 02 February 2011 06:15)

    Simula ng ako'y pumasok sa level na ito(hayskul) ako'y parang nasa lansangang hinding-hindi ko maipaliwanag kung gaano ako kasaya...
    dito lang kc ako nakaranas ng mga iba't-ibang pangyayari na hindi ko nagugustuhan...ngunit sa lahat ng iyon..masaya parin ako dahil sa hayskul ako unang matutung magmahal ng tapat..

  • #12

    Paula Estive (Wednesday, 02 February 2011 06:27)

    Magandang idea ang paghahantulad ng iba't-ibang lasa ng mga handa sa buhay sa hayskul. Sabi nga ng mga nakakatanda ang hayskul raw ang pinaka makulay na parte sa buhay estudyante.

  • #13

    Ella Galea (Wednesday, 02 February 2011 06:28)

    Totoo ang lahat ng iyong mga nabanggit. Sa hayskul mo nga nalalaman ang mga bagay-bagay na nakatutulong sa haharapin mo sa buhay. Dito tayo nakararanas ng unang pagmamahal o pagtatagumpay--ngunit dito rin nararanasan ang unang pagkabigo.

  • #14

    Jejemon King (Wednesday, 02 February 2011 06:30)

    Bakit nga ba ito ang napili mong topic? Pero, ang galing ah.

  • #15

    VcR Gwapo (Wednesday, 02 February 2011 06:37)

    Maniwala ka man o hinde, napili ko ito dahil ako'y nagugutom nung ako'y nagsusulat ng blog na ito. Naisip kong ihalintulad ang buhay hayskul sa pagkain.

  • #16

    John Serag (Wednesday, 02 February 2011 07:55)

    Kahanga-hanga talaga ang iyong mga punto at makabuluhan ang iyong analohiya ng hayskul sa isang hapunan. Tama ka! Iba ang buhay-hasykul. Puno ito ng mga bagay na hindi mo inaasahan, mga bagay na hindi mo pa nararanasan, at mga bagay na dpat mong matutunan. Sa likod ng mga ngiti't luha idinulot,idinudulot,at idudulot ng hyskul, dapat natin langhapin at matanto ang mga aral na nais nitong ibahagi sa ating lahat.

  • #17

    Ruby L. (Wednesday, 02 February 2011 10:44)

    Ang galing mo, Van! tama nga naman eh.. Ippabasa ko din ito sa mga pilipino ko'ng kaklase dito sa Brunei, magandang leksiyon kasi ito para sa mga mag-aaral dahil makakaimfluwensya ka sa kanila na ipagpabuti pa ang kanilang pag aaral at magsikap upang maging matagumpay sa hinaharap. Keep it up, Van! :)

  • #18

    Christian Egos (Friday, 04 February 2011 02:50)

    Bawat pagsubok na pinapatikim sa ating buhay katumbas ng sandamakmak na kaalaman kung saan hindi ito itinuturo upang matutunan mo kundi ito'y isang pangyayari kung saan ay ikaw mismo ang matututo at huhusga sa iyong mga gawain.

  • #19

    Sir Marcial (Saturday, 05 February 2011 10:59)

    Checked 02/06/2011

  • #20

    Sir M (Thursday, 10 March 2011 06:45)

    12 comments validated

  • #21

    Otmar (Tuesday, 25 October 2011 19:59)

    Fine post dude

  • #22

    Arantir (Thursday, 27 October 2011 18:49)

    Fine 1 article. Common drawback is usually G. modify ones own mind very repeatedly.

  • #23

    Vojtech (Saturday, 29 October 2011 06:22)

    Can I post your post to my wordpress blog? I’ll add a one-way link to your forum. That’s one actually nice post.

  • #24

    Nikolas (Tuesday, 08 November 2011 22:46)

    Great 1 article. Common drawback can be G. modify their spirit very often.

  • #25

    Sachin (Saturday, 26 November 2011 06:27)

    Auto Tweet Wordpress plugin

  • #26

    Adam (Wednesday, 04 April 2012 19:08)

    Fine info bro

  • #27

    Juicer Reviews (Thursday, 11 April 2013 18:54)

    This post was exactly what I had been in search of!

  • #28

    liebeskummer (Tuesday, 29 November 2016 06:09)

    zwei