Mon

31

Jan

2011

Tama na ang Pang-aabuso

photo credit:qwickstep.com
photo credit:qwickstep.com

ni Vanessa Lou E. Oga

 

Hindi na nga talaga mawawala sa isang klase ang magkaroon ng mga estudyanteng pasaway. Sila iyong mga tipo na gagawin lang ang gusto nila na umaabot sa puntong hindi na narirespeto ang kanilang mga guro. Mas lalo pa silang nagaganahan na hindi sumunod sa mga palatuntunin ng paaralan kapag alam nilang magagwa nila ito ng walang parusang nag-aantay para sa kanila. Karaniwang nagaganap ang ganitong pang-aabuso sa mga gurong hindi silang harapharapan na pagalitan, bago pa lamang sa pagtuturo, at sa mga nagsasanay pa lang sa kanilang napiling kurso o mas kilala natin sa tawag nastudent teacher.

 

            Sa haba na ng panahong lumipas, madami na ring naimbentong mga paraan ng pang-aabuso ang mga estudyante. Karamihan dito ay nagamit na ng paulit-paulit at hanggang sa ngayon ay ginagawa pa rin n gating henerasyon. Ang dalawa sa pinakasikat ay ang pagtulog at pakikipag-usap sa katabi sa gitna ng isang diskusyon sa klase. Natutukso talaga tayong gawin ito dahil una, hindi kaaya-aya pinag-uusapan at napakaboring ng inyong paksa. Ang pangalawa ay sino ba namang makikinig sa klaseng matematika kung wala ka namang maintindihan kahit isa-isahin pa ng iyong guro ang bawat hakbang upang makuha ang tamang sagot sa tanong at panghuli, hindi ka nakatulog ng maayos kagabi dahil magdamagan kang nakipagchat sa iyong mga kaibigan. Ang dami daming puwedeng rason para abusuhin natin ang ating mga guro. Minsan pa nga naiisip natin na wala na man talagang malaking pinsala ang naidudulot ng pag-abusong ito sa kadahilanang walang nasasaktan kapag ginawa ito. Ngunit kahit baliktarin mo pa ang mundo ay mali pa rin ang matulog at makipag-usap sa klase habang mayroong nagtuturo sa harapan. Wala tayong karapatan na hindi respetuhin ang ating mga guro. Ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya upang turuan tayo kaya nararapat lang na gawin din natin ang ating parte at iyon ang mag-aral ng mabuti. Nandidito tayo sa paaralan at tinatawag natin ang mga sarili natin na mag-aaral sapagkat tungkulin natin na pagbutihin ang ating pag-aaral. Hindi tayo pumupunta araw-araw sa paaralan upang makipagkita lamang sa mga kaibigan natin. Dapat pagtuunan natin ng pansin ang pag-aaral dahil para rin naman ito sa ating kinabukasan. Tayong mga estudyante ang makikinabang sa ating pag-aaral. Hindi pa natin nararamdaman iyon ngayon ngunit dapat ay sa ngayon pa lang marunong na tayong disiplinahin ang ating sarili upang maging handa tayo sa buhay sa labas ng eskwelahan.

 

Kung ililista natin ang lahat ng pang-aabuso ng mga estudyante ay marahil aabutin tayo ng siyam-siyam. Lahat na yata ng pang-aabuso ay nakita ko na at masasabi kong wala talaga itong mabuting maidudulot sa atin. Napagdaanan na natin ito at sana naman matuto na tayo sa mga pagkakamaling ating nagawa. Panahon na upang baguhin na natin ang ating buhay para sa kabutihan. Ayaw naman nating pagdating ng araw ay ang ating mga anak na ang mag-aabuso, di ba?

 

Write a comment

Comments: 55
  • #1

    Jazmin Grace Genito (Wednesday, 02 February 2011 03:48)

    tama, minsa'y kinakainisan ko ang nga pasaway, pti Guro dindamay na nila

  • #2

    Nurizza M. Amsali (Wednesday, 02 February 2011 05:22)

    Ako ay sumasang-ayon sa iyo. Dapat lamang turuan ng mga leksyon ang mga pasaway.

  • #3

    Jessah Daymiel (Wednesday, 02 February 2011 07:12)

    Sang-ayon ako sa iyo, dahil sa katamaran ng mga estudyante napapabayaan ang edukasyon, dapat din nmang magfokus. :P

  • #4

    John Serag (Wednesday, 02 February 2011 07:22)

    'Di nga naman mabuti ang umabuso sa ating kapwa lalong lalo na sa ating mga guro. Ang ating mga guro ay ang ating mga pangalawang magulang kung kaya't dapat natin silang bigyan ng respeto. Kapag ayaw niyo sa klase niya, huwag sana itong lantaran na ipakita. Mas mabuti pa kaya'y kausapin ang inyong guro kapag hindi ninyo naiintindihan ang leksyon o may problema kayo sa kanyang pagtuturo.

  • #5

    Maelet Magtibay (Wednesday, 02 February 2011 07:55)

    Ako ay sumasang-ayon sa iyo. Maraming estudyante ang nang-aabuso sa kanilang mga guro. Hindi sila marunong tumanaw ng respeto bilang ikalawa nilang mga magulang.

  • #6

    Conie Himor (Thursday, 03 February 2011 06:49)

    Sumasang ayon ako! Nakakainis nga ang mga estudyante na inaabuso ang kabaitan ng isang guro.

  • #7

    Vanessa Oga (Saturday, 05 February 2011 08:07)

    Jazmin, hindi nga talaga makatamang idamay ang guro sa mga kabalastugan ng mga bata. Sa puno't dulo naman ay hindi nila dapat inaabuso ang kung sino man.

  • #8

    Vanessa Oga (Saturday, 05 February 2011 08:08)

    Nurizza, hindi man mapaparusahan ang mga pasaway ngayon, sana naman ay matuto sila sa kanilang mga ginagawa.

  • #9

    Vanessa Oga (Saturday, 05 February 2011 08:09)

    Jessah, dapat talaga may prayoridad tayo sa buhay at dahil sa mga mag-aaral pa lamang tayo ang dapat nating pagtuunan ng pansin ay ang ating pag-aaral.

  • #10

    Vanessa Oga (Saturday, 05 February 2011 08:11)

    John, sumasang-ayon ako sa iyong komento. Dapat ay respetuhin natin ang ating mga guro dahil sila ay ginawa ang kanilang makakaya upang magkaroon tayo ng isang magandang edukasyon.

  • #11

    Vanessa Oga (Saturday, 05 February 2011 08:12)

    Maelet, tama ka sa iyong naging pahayag sapagkat ang ating mga guro nga ang nagsisilbing gabay natin sa buhay maliban sa ating mga magulang.

  • #12

    Vanessa Oga (Saturday, 05 February 2011 08:12)

    Conie, talaga nga namang nakakainis ang mga pang-aabuso kaya sana mawala na ito ng tuluyan.

  • #13

    lara alyssa (Saturday, 05 February 2011 08:28)

    van..you're really really right..maka pungot jud kau mga tawong inyana..dapat turoan sila ng leksyon!

  • #14

    Sir Marcial (Saturday, 05 February 2011 11:31)

    Checked 02/06/2011

  • #15

    re' (Sunday, 06 February 2011 08:12)

    tama!

  • #16

    manson (Sunday, 06 February 2011 08:34)

    tanan pasaway bitayon..

  • #17

    jude (Sunday, 06 February 2011 08:38)

    8s not ur duties nman cguro nah mag sabing turuan nang liksyun. .8s their will, but let God do the judging. . he knows best. .and ung mga students na yan, will soon get what they deserve. .promise, magsisisi din mga yan. .

  • #18

    re' (Sunday, 06 February 2011 08:41)

    jude: tama!!!!sila din naman yung kawawa pag hindi nila nirerespeto teacher nila..sila din yung kawawa pag exam na...

  • #19

    manson (Sunday, 06 February 2011 08:41)

    dapat bigyan ng leksyon ang mga taong pasaway...

  • #20

    hulyo (Sunday, 06 February 2011 08:49)

    parang pangalawang magulang na natin ang mga guro kaya respetohin natin sila tulad ng pagrerespeto natin sa ating mga tunay na magulang...

  • #21

    lorie glenn (Sunday, 06 February 2011 09:14)

    tama jud keu ni xa...bilang isang guro in the future...make respect to the teacher who teach very well to the students even if masama sila sa klase...hmmmmmmmp!!!!!

  • #22

    sweet mary joy dy (Sunday, 06 February 2011 10:52)

    In fairness to both sides,wala naman sigurong matinong estudyante o guro na ayaw makatanggap ng respeto mula sa kapwa nila...pero karapatdapat lang talaga na respetuhin ang mga guro kasi kung wala sila pano tayo matotoo at magkaroon ng mga edukadong tao sa mundo, di ba?...kaso yang mga ganyang klaseng estudyanteng PASAWAY,I think kaya sila nagkaganyan ay dahil na rin siguro sa kung ano yong kinalakhan nila :)...

  • #23

    minoe (Sunday, 06 February 2011 11:26)

    sa panahon ngayon, parang abnormal na sa klase kpag walang pasaway, yun nga gaya ng sabi ni Sweet: gawa ng kulang sa tamang pagtaguyod ng mga magulang o guardians at isa pa ay dahil sa implwensya ng mga kaibigan at ng media...Pero dahil nasa loob na ng klase, responsibilidad na ng guro ang pagturo at pagdisiplina sa mga estudyante nito;dapat ipakita nya na hindi sya kaedad o kaibigan ng mga estudyante nya. ang mga pasaway ay mga bastos kapag alam nilang ang mga guro nila ay mga tipong iyakin at hinahayaan lng ginagawa ng mga estudyante nya na di kanaisnais :P

  • #24

    jo anne balsamo (Sunday, 06 February 2011 11:54)

    my comment regarding this,we all know that this kind of behavior is not new for us because we knows that nobody's perfect and mostly now a days lots of new technology that catch their attention where starts not to do their duties being students but it depends also to the teacher how she/he will teach their students about values..good educator will depend to the teacher..they need action how to stop this behavior,save the future of our hopes in our country..(kabataan ang pag asa ng bayan)..

  • #25

    xiang (Sunday, 06 February 2011 20:10)

    it depends also to the teacher how she/he will teach their students about values..good educator will depend to the teacher..they need action how to stop this behavior,save the future of our hopes in our country..(kabataan ang pag asa ng bayan)..

  • #26

    ann (Sunday, 06 February 2011 22:29)

    yong mga taong abusado wala yang magandang kinabukasan. . kaya sa huli sila parin ang talo, kaya dapat hindi sila tularan. . .

  • #27

    Stella Marie (Sunday, 06 February 2011 23:30)

    Isa sa mga pinakaseryosong problema sa loob ng paaralan. Sana nga matapos na ang mga ganitong gawain ng ibang mga mag-aaral. Sumusobra na eh.

  • #28

    Lizette (Tuesday, 08 February 2011 01:17)

    Students should respect their teachers. After all, it's not easy to be a teacher--teaching fool students. hahaha.. kau kaya magturo! try ninyo.. lalim bah!

  • #29

    beyooch (Tuesday, 08 February 2011 04:18)

    dapat lang na bigyan ng leksyon ang mga estudyanteng pasaway para magtanda sila. Kung ayaw talaga aba'y kasalanan na nila basta ang importante ngawa na ng mga guro ang kanilang tungkulin..

  • #30

    Vanessa Oga (Sunday, 27 February 2011 08:08)

    Lara Alyssa, oo nga naman. Wala talaga silang karapatan na mang-abuso ng kung sino man at dapat ay may ukol na parusa sa kanilang mga maling ginagawa.

  • #31

    Vanessa Oga (Sunday, 27 February 2011 08:10)

    Jude, alam mo may punto ka sa iyong pahayag. Kahit hindi man natin sila bigyan ng parusa ngayon, dadating din ang araw na pagsisisihan nila ang kanilang mga ginawa.

  • #32

    Vanessa Oga (Sunday, 27 February 2011 08:11)

    Hulyo, talaga namang lahat tayo ay dapat respetuhin kasama na doon ang mga guro natin na nagsisilbing pangalawang magulang na natin.

  • #33

    Vanessa Oga (Sunday, 27 February 2011 08:13)

    Lorie Glenn, talaga namang nakakasimpatya ka sa mga guro. Magiging guro ka na pala. Sana ay magkaroon ka ng mabubuting estudyante at kung mayroon mang mga pasaway ay maitutuwid mo ang kanilang landas.

  • #34

    Vanessa Oga (Sunday, 27 February 2011 08:15)

    Sweet Mary Joy, lahat nga ng bagay ay may pinanghuhugutan. May mga dahilan kung bakit nagkakaganito ang mga estudante. Sana lang ay natutunan nila ang tamang asal at magbagong buhay.

  • #35

    Vanessa Oga (Sunday, 27 February 2011 08:17)

    Minoe, isa nga naman sa mga dahilan kung bakit nagkakaganito ay ang pagdidisiplina ng guro. Seguro nga may pagkukulang din sa bahagi ng guro. Sana ay maayos na ang problemang ito at magkaroon ng maayos na edukayon ang mga estudyante.

  • #36

    Vanessa Oga (Sunday, 27 February 2011 08:19)

    Jo Anne, sang-ayon ako na ang mga kabataan ang pag-asa ng bayan dahil sila ang magiging mga pinuno sa bagong henerasyong dadating at sana magkaroon sila ng magandang edukasyon at madisiplina ng mabuti.

  • #37

    Vanessa Oga (Sunday, 27 February 2011 08:21)

    Ann, hindi ng talaga dapat silang tularan. Dapat ay magsilbi itong leksyon para sa mga kabataa na magbagong buhay para sa ikakabuti ng kanilang mga sarili.

  • #38

    Vanessa Oga (Sunday, 27 February 2011 08:22)

    Stella, tila nga sumusobra ang pang-aabusong ito. Matagal ng nangyayari at hanggang ngayon ay nandirito pa rin. Simulan na natin ang pagbabago. Dapat ay masolusyunan na ito.

  • #39

    Vanessa Oga (Sunday, 27 February 2011 08:23)

    Lizette, kahit hindi ko pa naranasang magturo ay nararamdaman ko na ang hirap na maging guro. Ikaw lang mag-isa kalaban ng halos apatnapung mga estudyante. Mahirap talaga at dapat maturuan mo silang lahat ng mabuting asal.

  • #40

    Sir M (Thursday, 10 March 2011 06:52)

    18 comments validated

  • #41

    Petr (Sunday, 23 October 2011 16:18)

    Can I post your post to my wordpress blog? I’ll add a one-way link to your forum. That’s one actually nice post.

  • #42

    Michal (Wednesday, 26 October 2011 08:04)

    Hi there are utilizing WordPress for your site platform? Iam new at all to the blog globe but. Iam trying to get began my own. I also found out about Drupal is okay. Sees my personal selection.... Helpful post, cheers.

  • #43

    Kevinek (Wednesday, 26 October 2011 08:41)

    Delighted to find out that site successful on my small i phone , almost everything I want to perform is actually useful. Appreciate your retaining it up to now while using most up-to-date.

  • #44

    Kvasnicka (Friday, 28 October 2011 04:19)

    {-String.Spintax-|-{I think|I believe|I do believe|I do think} {other|additional|some other|various other} {web site|site|internet site|web page} {owners|proprietors|entrepreneurs|masters} {should|ought to|need to|must} {take|consider|get|acquire} {this web site|this website|this site} {as an|being an|as a possible|just as one} {model|design|product|style}

  • #45

    Martin (Saturday, 29 October 2011 00:22)

    Hm, I’m just comfortable with this but still not entirely convinced, hence i’m going to research a touch more.

  • #46

    Elousek (Thursday, 10 November 2011 18:06)

    Nice 1 posting. Typical downside is actually G. change ones own mind very repeatedly.

  • #47

    Pentax (Friday, 25 November 2011 00:26)

    Absolutely no registration app on Twitter. Extension is the highest advantage of simplicity. Auto Tweet plugin for WordPress

  • #48

    seo optimalizace cena (Tuesday, 24 January 2012 01:13)

    Fine info bro

  • #49

    Rafa (Wednesday, 04 April 2012 13:52)

    is before long

  • #50

    Slavik (Thursday, 19 July 2012 12:56)

    Good info dude

  • #51

    Oriflame (Sunday, 30 September 2012 01:03)

    Pretty good post. I found your website perfect for my needs. Thx for sharing the great ideas.

  • #52

    Zap88 (Tuesday, 08 January 2013 00:59)

    absolutely true.. nice to know na there are still students na alam pa ang word na RESPECT. 3 years palang ako nagtuturo, i started teaching when i was 19 right after college and yes, students now are so terrible(not all but mostly)!! especially sa lower sections.. sobra talaga kasi kahit ung mga senior teachers di na din nila pinatawad.. i remembered nung kami pa ung students sa school na pinagtuturuan ko ngayon sobrang takot kami sa teacher namin(na co-teacher ko nadin ngaun). yung tipong di ka na halos gumalaw sa upuan mo and kahit gusto mo sumagot tatahimik ka nalang dahil sa takot pero ngayon, sobra, kala mo kabarkada lang nila kung kausapin yung mga teacher, ni hindi na nga nagugudmorning. ang worst pa d'yan, kung sino pa yung wala talagang alam sa klase sila pa yung sobrang magpasaway, kaya ang nangyayari bumabagsak sila sa subject but in the end, sabi nga, "they will get what they deserve", pag failed sila, sila rin yung halos lumuhod na naghahabol sa mga teacher na di nila nirespeto para lang bigyan ng second chance.

  • #53

    aljon (Tuesday, 05 March 2013 07:13)

    salamat sa into kasi nakakuha ako ng mga idea sa thesis ko hehehe

  • #54

    geldzauber (Tuesday, 29 November 2016 08:03)

    elf

  • #55

    zdejmowanie byt�w (Thursday, 01 December 2016 01:15)

    tarcie wewn�trzne