Mon

31

Jan

2011

Pangongopya sa Hayskul: Ensayo sa Pagiging Kurakot

photo credit: google.com
photo credit: google.com

ni Sarah Reem D.L. Hesham Mohamed Hagag

 

Hindi natin maitatanggi na laganap ang pandaraya at pangongopya sa mga estudyante ng ika-dalawampu’t isang siglo. Mas madali nang mangopya ngayong panahon dahil wala nang konsensya ang mga mag-aaral ukol dito (Hayden, 2008). Iniisip nating maliit na kasalanan lamang ito at hindi dapat pagkaabalahan. Sa una ay nakatatakot itong gawin, ngunit kapag nasanay na ay tila wala na lang. Kung hindi tayo mahuhuli, hindi tayo malalagot at patuloy natin itong ginagawa. Hindi naman ito gaanong masama eh. Hindi natin napagtatanto na may malaki itong epekto sa buhay natin sa hinaharap. 


Ang hindi natin nakikita ay unti-unti tayong hindi na tinatablan ng pagsisisi, konsenya at kulpabilidad (Hayden, 2008). Mas malimit nating ginagawa itong pangongopya ay mas lalo tayong nasasanay. Magsisimula ito sa pangongopya ng mga asignatura. Iniisip nating asignatura lamang ito at maliit na porsyento lamang ng grado. Hindi naman ito masama, diba? Para naman ito sa grado ko.Pagkatapos nito ay matututo na rin tayong mangopya sa mga maiiksing pagsusulit. Isang beses lang naman. Hindi na mauulit. Ngunit uulitin natin ito hanggang gagawin na rin natin sa mahahabang pagsusulit. Hindi magtatagal ay pati sa Quarter Exams ay mangongopya na rin tayo. Palagi tayong maghahanap ng dahilan para bigyang hustisya ang kasamaang ating ginagawa. Matututo tayo ng iba’t ibang istratehiya sa pangongopya tulad ng kodigo, mga signal, at iba pa. 


Kabataan, habang ginagawa natin ito, nagiging bahagi na siya ng ating pagkatao at dadalhin natin ito sa ating paglaki. Ito na ang maglalarawan sa atin. Dahil sanay na tayo, hanggang sa Board Exams, hanggang sa ating pagtratrabaho ay mandaraya tayo. Hindi lamang siya pangongopya—pandaraya rin siya. Hindi natin maiiwasang maging kurakot kapag tayo ay naging opisyal sa gobyerno o kapag tayo ay nagkaroon ng mataas na posisyon sa ating trabaho. Dadayain na rin natin ang ibang tao. At hindi natin mababatid na masama ito dahil nabigyan na natin ito ng hustisya sa pamamagitan ng ating mga dahilan. Isang beses lang naman. Hindi na mauulit. Para naman ito sa pamilya ko. Wala namang masasaktan. Wala na, sanay na tayo. 


Ngayon pa lang, itigil na natin itong pagsasanay sa ating sarili. Habang hindi pa huli ang lahat, habang hinuhubog pa lang natin ang ating katauhan. Hindi natin malalaman ang tunay nating kakayahan kung tayo ay mandaraya lamang. Ang hayskul ay ensayo pa lamang. Gusto ba nating maging pangit ang kalabasan sa totoong buhay?

 

Write a comment

Comments: 91
  • #1

    Mikko Arquiza (Monday, 31 January 2011 06:15)

    Tama nga naman talaga, sa una ay parang wala lang ang pangongopya ng mga takdang aralin. Ngunit maari ito maging bunga ng mas malalang pangongopya, at makakasira nga talaga ito sa ating buhay dahil madadala natin ito hanggang sa paglaki. Tsk tsk.

  • #2

    Sarah Hesham (Monday, 31 January 2011)

    Mikko, tama ka. Talagang sinasanay natin ang ating sarili kung hindi natin pigilan ito dahil sa hayskul natin hinuhubog ang ating pagkatao. Salamat sa kumento mo. :)

  • #3

    Dax Filoteo (Monday, 31 January 2011 06:29)

    Tama nga na mga estudyante ay mahilig mangopya sa iba at may idudulot ito sa hinaharapan ng mga estudyante. Matanong ko lang mapipigilan ba natin ito ng madali?

  • #4

    Kristin Gail. (Monday, 31 January 2011 06:33)

    may punto ito. dapat iwasan ng mga estudyante ngayon ang pagiging "kopyarul" dahil hanggang paglaki ay nasa kaugalian na yan ng isang tao na kumopya.

  • #5

    Alodie Mankin (Monday, 31 January 2011 06:50)

    Tama. Dapat nating iwasan ang pangongopya as soon as possible upang hindi natin madala ang kaugaliang ito sa ating paglaki.

  • #6

    Gia Somblingo (Monday, 31 January 2011 06:54)

    tama ang mga puntong ibinigay nito. makakasama ito sa mga kabataan dahil unti-unti silang nasasanay sa mangongopya at maari itong maging daan upang gumawa pa sila ng iba pang mga kasalanan dahil hindi na sila tinatablahan ng kanilang mga konsensya.

  • #7

    Ninia Knüttel (Monday, 31 January 2011 07:01)

    Sumasangayon ako dahil kapag hindi natin ito mapigilan, magiging parte ito ng ating mga ugali at madadala sa daayan.

  • #8

    Margaux de la Paz (Monday, 31 January 2011 07:04)

    Sumasang-ayon ako sa inyong mga sinasabi. Masama talaga ang pangongopya. Ang pangongopya ay parang isang virus. Sabihin natin na ikaw ay isang masigasig na estudyante na nag-aaral ng mabuti para sumikap sa iyong grado tapos mayroon kang kaklase na mangongopya at siya ay parating kumokopya sa iyo maging takdang-aralin, maikling pagsusulit, mahabang pagsusulit, proyekto o anuman. Nagiging "unfair" ito para sa iyo dahil ikaw, na nag-aaral talaga ng mabuti at gumagawa talaga ng mga takdang-aralin, ay patuloy na nagbibigay ng pursigido para sa iyong grado ngunit ang mangongopya mong kaklase ay wala naman ginagawa kundi mangopya lang ng mangopya sayo. Kung ito naman ang ginagawa niya ikaw rin ay mag-isip na gumawa rin nito kasi ang dali-dali naman gawin eh. Ang panongopya rin ay isang sanhi ng katamaran sa kabataan.

  • #9

    Mae Realiza (Monday, 31 January 2011 07:05)

    Sumasangayon ako sa inyo. Ang simpleng pangongopya ay maari pang lumala hanggang umabot ito sa punto na pati tayo ay nasasaktan.

  • #10

    Sha Isnani (Monday, 31 January 2011 07:18)

    Ako'y sumasang-ayon sa inyong mga punto tungkol sa pangongopya. Ito ay dapat iwasan, dahil ito'y makakasira sa ating reputasyon at lalong lalo na sa ating mga gawain o ugali.

  • #11

    Migs Villena (Monday, 31 January 2011 07:22)

    tama naman din na dapat nating iwasan ang pagkokopya dahil nakakatamad to. :D

  • #12

    Madel Matute (Monday, 31 January 2011 07:27)

    Ako ay sumasangayon sa mga punto mo ate Sarah. Halos lahat ng mga estudyante sa kasalukuyan ay nandadaya sa paraan ng pangongopya ng mga takdang-aralin sa ibat-ibang mga asignatura. Hindi nila naiisip na ito ay may matinding epekto sa kanilang hinaharap. Hindi lamang sila magiging tamad, magiging palaasa rin sila sa iba. Ito ay sumasalamin sa kanilang katauhan at sila ay magiging isang masamang halimbawa sa kanila ring mga anak na maging rason ng pagpapatuloy ng pandaraya sa ating bansa. Ang simpleng pangongopya ay may masamang dulot hindi lamang sa isang tao kundi sa kanyang inang-bayan din.

  • #13

    Debra Ann (Monday, 31 January 2011 07:27)

    Tama. Paminsan, mas pinapahalagahan pa natin ang sarili nating kapakanan. Maaari mang hindi tayo pansamantalang mapapagalitan ng mga guro sapagkat hindi nila agad na napapansin itong ating maling gawain ngunit hindi ibigsabihin na ligtas na tayo sa anumang maidudulot nito. Kinakailangan ay matuto tayong ipalaganap sa ating buhay ang ating mga natututunan sa paaralan at isa na rito ay ang pagiging tapat. Kung hindi tayo magsisimulang magbago, tayo ang magiging may sala sa pagsira ng buhay ng bagong henerasyon sapagkat nabababalot na sila sa isang sinungaling at madayang mundo.

  • #14

    Mark Christopher C. Gemzon (Monday, 31 January 2011 07:35)

    ako ay sumasang-ayon kase psg kumopya ka wala kang makukuha sa pinag-aralan mo. At pag matanda ka na magsismula ka nang magsisisi.

  • #15

    Gio Nortiga (Monday, 31 January 2011 07:39)

    Dapat lang talaga na wag tayo mangopya. Kailangan na nating magbagong-buhay. :)

  • #16

    Kryztal Acuna (Monday, 31 January 2011 07:42)

    True, true. You lie 100 times, and soon, all will see it as the truth. Remember cheating makes one a top notch hypocrite. It may "not be a big deal" to cheat once, but that line will go on and on in one's heads until it turns into an ipod on loop, and it will permanently stay with us until we grow older. It is also true the cheating hides the real us. That's why we can never acknowledge the light in us.

  • #17

    Anton Go (Monday, 31 January 2011 07:48)

    Tama nga naman eh. Katamaran ay isang sanhi kung bakit tayo ay nangongopya. Kaya dapat tigilan natin ito at huwag natin 'tong dalhin sa ating pag-laki. Hindi natin alam, baka patuloy tayong maging mandaraya sa ating paglaki.

  • #18

    Ella G. (Monday, 31 January 2011 07:51)

    Sumasang-ayon ako sa iyong mga nabanggit. Hindi tama ang pangongopya at masakit man isipin, ngunit nakasanayan na ng halos lahat ng mag-aaral na "okay lang" ang simpleng pangongopya ng assignment. Dapat ay huwag na natin itong ituloy pa at 'pag nangako tayo sa ating mga sarili na hindi na natin ito uulitin, ay sundin naman natin dahil kung hindi, wala na tayong ibang niloloko kundi ang ating mga sarili.

  • #19

    Sarah Hesham (Monday, 31 January 2011 07:59)

    Dax, ayon nga sa kasabihang "prevention is better than the cure" mas madali itong pigilan kung sabihan na ang mga bata sa murang edad. Mas mainam ito kaysa sa pagalitan sila kung ginagawa na nila. At tama ka sa iyong sinabi.

    Kristin, tama ka talaga. Dadalhin natin ang mga nakaugalian na natin ngayon sa hinaharap.

    Alodie, tama ka rin, Masaya ako at nakuha mo ang mensahe na ipinapahayag ko. :)

  • #20

    Sarah Hesham (Monday, 31 January 2011 08:01)

    Gia at Ninia, tama kayong dalawa. Kapag hindi natin ito pipigilan, masasanay lamang tayo. Dadalhin natin ito sa ating pagtanda at maapektuhan ang ibang tao. Masaya ako at ipinahiwatig ninyo ang inyong damdamin ukol dito. :)

  • #21

    Misty (Monday, 31 January 2011 08:02)

    Tama, dpat ngayon pa lang ay umiwas na tayo sa pangongopya dahil hindi natin iniisip na kaya pala natin iyon nang hindi umaasa o nangongopya sa iba.

  • #22

    Sarah Hesham (Monday, 31 January 2011 08:04)

    Margaux, tamang-tama ang iyong paghahalintulad ng pangongopya sa virus! Talagang nakakaapekto ito ng ibang tao dahil maiimfluwensyahan sila kung nakikita nilang maari nilang makuha ang grado o anumang nais nilang makamit sa madaling paraan tulad ng ginagawa ng iba. Sana makaapekto sa ibang tao ang iyong magandang kumento at mapaisip sila. :)

  • #23

    Sarah Hesham (Monday, 31 January 2011 08:09)

    Feliche Mae, ngayon ay tila wala pa tayong nasasaktan ngunit pag dating sa hinaharap ay matututo na tayong saktan ang iba dahil sanay na tayo. Tama ka. :)

    Sha, nakasisira nga ito ng reputasyon. Hindi lamang iyon, maari tayong makasira ng buhay ng ibang tao sa hinaharap.

    Kuya Migs, tama rin po kayo! Nagiging tamad tayo dahil kapag nangongopya tayo, mas dumadali ang ating mga gawain. Ngunit hindi naman ito maganda dahil ang iba naman po ay naghihirap. :)

    Salamat sa inyong mga tugon. :)

  • #24

    Sarah Hesham (Monday, 31 January 2011 08:12)

    Madel, tama ka sa sinabi mong hindi lang tayo at ang mga tao sa kapaligiran natin ang maapektuhan. Pati ang mga sususnod na henerasyon at ang ating bansa! Masaya ako at naimungkahi mo itong magandang punto. :)

  • #25

    Sarah Hesham (Monday, 31 January 2011 08:16)

    Debra, isa itong ibang pagtingin sa artikulong ito. Tama ka talaga. Isa itong mapagsariling gawain, ang pangongopya. Hindi natin alam ano ang maaari nitong maidulot. At kung nababalutan ng kasamaan at walang katapatan sa mundo ng susunod na henerasyon, malamang magiging ganoon rin sila! Saan na mapupunta ang bansa natin kung ganoon man? Isa itong matalinong tugon dahil mas lalo tayong mapapaisip. Maraming salamat.

  • #26

    Sarah Hesham (Monday, 31 January 2011 08:20)

    Mark, sumasang-ayon ako sa iyo. wala tayong matututunan kung hindi tayo magaaral at mangongopya rin tayo! Walang kwenta ang ating pagpasok sa paaralan kung ganoon man!

    Gio, magbagong buhay na nga tayo! Ikaw, nakapagbagong buhay ka na ba? :)

  • #27

    Sarah Hesham (Monday, 31 January 2011 08:26)

    Kryztal, sumasangayon ako. Uulit-ulitin natin ito hanggang nakatatak na siya sa ating katauhan. Mahirap na ito alisin sa ating pagtanda. Salamat sa iyong tugon. :)

    Anton, oo nga naman. Katamaran talaga ang dahilan. Kaya kapag pinagpatuloy natin ito, hindi lang mga kurakot ang mamamahala sa ating bansa, mga tamad rin!

    Ella, tama ka rin. Niloloko lang natin ang ating mga sarili sa pangongopya. Iniisip natin na hindi ito masama at hindi natin naabot ang tunay nating mga kakayahan. :)

  • #28

    Nicolas Cage (Monday, 31 January 2011 12:31)

    Kung walang magpapa-kopya walang mangongopya. Sabi nga nila it takes 2 to Tango. so pareho dapat na iwasan ang magpa-kopya at mangopya.

  • #29

    Paula Estive (Tuesday, 01 February 2011 06:14)

    Tama nga, dapat ngayon pa lang ay baguhin na ng mga kabataan ang kaugalian na pangongopya upang hindi tayo tularan ng iba at makonsensya naman sana ang komokompya at nagpapakopya.

  • #30

    Sarah Hesham (Tuesday, 01 February 2011 06:46)

    Misty, sumasang-ayon ako sa iyo. Sana ay makaimfluwensya tayo sa ibang tao upang tayong lahat ay magbago na.

    Nicolas, tama nga naman talaga. Kailangang magbago ng kumokopya at nagpapakopya dahil dalawa silang nandaraya. Maaring dalhin nila ito sa kanilang pagtanda.

    Paula, mabuti at ipinahiwatig mo ang iyong damdamin ukol rito. Masaya ako at sumasang-ayon ka sa aking blog entri. Kailangan nating makonsensya tuwing tayo ay nangongopya upang hindi natin ulitin ito.

  • #31

    Trizhia Matutinao (Tuesday, 01 February 2011 07:10)

    Tama nga talaga. Dapat ngayon pa lang ay baguhin na natin ang ugaling ito dahil sa maaari nga talaga itong madala hanggang sa paglaki. Dito nagsisimula ang mga pandarayang maaaring makaapekto sa maraming tao. Hindi ibig sabihin na sanay na tayo o kaya'y ginagawa ng marami ay nagiging tama na ito. Dapat nating isipin na wala tayong mapapala sa pandaraya sapagkat hindi natin matututunan ang ating kakayana't kahinaan kung patuloy lamang nating itatago ang mga ito sa pamamagitan ng pangongopya.

  • #32

    Sarah Hesham (Tuesday, 01 February 2011 07:24)

    Trizhia, tama ka. hindi dahil sanay na tayo ay tama ito. Hindi nagbibigay hustisya sa kasamaang ito ang pagkasanay ng lahat ng tao. Kaya nama't dapat tayong magbago sa ating sarili at mangimfluwensya ng kapwa upang maging tapat ang lipunan natin. :)

  • #33

    Vanessa Jane Vicete (Tuesday, 01 February 2011 07:43)

    Suamsangayon naman ako rito. Hindi naman talaga nating maitatanggi na karamihan sa mga estudyante ay nangongopya sa iba't ibang paraan. Nangongopya sa assignments, quizzes, long quizzes, at meron din sa mga exams. Mahirap mang aminin ngunit ito nga ay isang ensayo sa pagiing kurakot. Kaya habang maaga pa, dapat tigilan na itong masamang gawain dahil ito rin ang magpapahamak sa ating bansa balang araw.

  • #34

    Sarah Hesham (Tuesday, 01 February 2011 08:24)

    Vanny, buti naman at sumasang-ayon kayo. Mahirap nga aminin, ngunit kung iisipin mo nang maigi, talagang ensayo ito sa pagiging kurakot. Ayaw nating mapunta sa kamay ng mga tamad at kurakot ang kinabukasan ng ating inang bayan.

  • #35

    Kurt Recinto (Tuesday, 01 February 2011 08:46)

    Lahat ng iyong sinabi rito ay talagang hinde natin mapagkakaila na ito ay sadyang nangyayari sa ating kasalukuyang panahon. Mga bagay na nagsisimulang simple hanggang ito'y lumala na at umaabot na sa puntong nakasasama na para sa bayan. Hangga't alam nating lahat na hinde pa huli para magbago, simulan na natin hinde lamang sa ating mga sarili, kundi pati na rin sa panghihikayat sa ating mga kaibigan na gawin ang tama. Sa ganitong paraan ay alam nating malaki pa ang pag-asa ng ating bayan at malaki pa ang posibilidad para sa maganda, kaaya-aya at maayos na kinabukasan.

  • #36

    Christine Valmonte (Tuesday, 01 February 2011 08:49)

    Tama nga naman. Sinasabing tayo nga ang pag-asa ng bayan ngunit dahil sa ipinapakitang pandaraya ng maraming estudyante sa eskwela na pangongopya ay tila marami ang napapaisip kung totoo nga ba itong kasabihan.

  • #37

    Sarah Hesham (Tuesday, 01 February 2011 08:54)

    Kurt, tama ka! Tulad nga ng sabi sa kanta, ang aliit na butas ay lumalaki. Kaya lalo itong lalala kung hindi natin pigilan. Kaya't tayo'y magtrabaho upang maging tapat ang ating lipunan. :)

    Vielle, tayo nga talaga ang pag-asa ng bayan. sumasang-ayon ako. Kaya's dapat ilagay natin sa mabuting kamay ang kinabukasan ng Pilipinas at tayo na ay magbago. :)

  • #38

    Katharina Nicole M. Tingkahan (Tuesday, 01 February 2011 09:10)

    Sumasang-ayon ako sa artikulong ito. Nasasabi ko na tama ito kasi iyon ang nakikita ko sa ating kapaligiran. Hindi ko ba alam kung bakit tayo natuto mangopya, hindi naman tayo tinuruan ng ganito sa eskwelahan at sa bahay ha? Ewan ko ba ano na ang nangyayari sa atin. Basta ang alam ko madami ako nakikitang tao na nangongopya ngayon at hindi talaga sila nakokonsensya sa mga ginagawa nila, palibhasa mga sarili lang nila iniisip nila. Hindi nila naiisip na parang dinadaya din nila ang kanilang mga sari-sarili. At kapag mangongopya lang talaga ang gawin natin wala talaga tayong matutunan sa ating buhay at sigurado akong hindi tayo uunlad kasi lagi na lang tayong nangdadaya. Kaya hintuin na natin ang mga hinding magandang gawain na ito. Kaya dapat ngayon pa lang simulaan na natin magbago wag lang natin sabihin dapat gawin din natin at panindigan natin ang pagbabagong ating gawin. Ang pagbabago ay nagsisimula sa ating sari-sarili kaya simulan na natin ito at palawakin natin ang hustisya sa ating bansa para hindi na tayo mahihirapan at para gumanda naman kahit papaano ang ating henerasyon.

  • #39

    Mitzi Marquez (Tuesday, 01 February 2011 09:11)

    Ako'y sumasang-ayon sa sinabi mo ate Sarah. Hindi natin mapagkakailang tayo'y kumokopya sa kahit na anong gawain sa skwela kagaya lamang ng maiksing pagsususlit. Sa aking palagay isa lamang sa lima ang hindi kumokopya kaya dapat nating matanto na hindi maganda ang maiidudulot nito kung tayo ay masanay. Sa hayskul nahuhubog ang ating katauhan kaya't ang bagay na nakasanayan nating gawin ay maaari nating dalhin sa ating pagtanda. Nararapat lamang na ating baguhin ang gawing ito para naman mabigyan ng pag-asa ang pagbabago ng kabataan para sa kabutihan. :D

  • #40

    Kenno Basa (Tuesday, 01 February 2011 09:25)

    Bigyan natin ng hustisya ang nakararami at ang ating mga sarili. Dapat nating alalahanin na anumang bagay na ating gagawin ay may katumbas sa huli. Simulan na nating magising sa katotohanan na ang pangongopya ay walang magandang maidudulot sa atin. Dapat tayong matutong maging tapat sa lahat ng ating gawain.

  • #41

    Cont. (Tuesday, 01 February 2011 09:31)

    Tama ka. Dapat na natin tong pigiling lumaganap sapagkat hindi maganda ang pangongopya.

  • #42

    AC Estive (Wednesday, 02 February 2011 07:36)

    tama ka Sarah. ito'y labag nga sa utos ng Panginoon kaya't ito'y mali. naging ensayo nga rin ito siya sa pagiging kurakot kasi nasasanay ang isang mag-aaral na patigasin ang kanyang konsensya at sanayin ang kanyang sarili upang di mahuli sa pagdadaya. kaya't kailangan mo iparating sa mga kabataan ngayon kung ano ang TAMA at mga MALI.

  • #43

    Glicerio Egos (Wednesday, 02 February 2011 07:44)

    Kung masama ang mangopya, mas masama ang magpa-kopya. Yan ang dapat itigil. yun nga lang, kung hindi ka magpakopya, ikaw naman ang mapapasama sa iyong mga kaklase. meh.

  • #44

    Sarah Hesham (Wednesday, 02 February 2011 23:30)

    Napapansin mo rin pala na laganap na talaga ang pangongopya sa panahon natin. Siguro nagsimula ito dahil tinatamad na ang mga estudyanteng mag-aral at nakahanap sila ng mas madaling paraan upang makakuha ng matatas na grado. At tama ka, ang pagbabago ay nagsisimula sa ating sarili. Kaya't dapat, hindi na tayo mangopya. Kung ganoon man, ang mga makukuha natin ay karapatdapat lamang at hindi natin dinadaya ang ating mga sarili. Ang iyong tugon ay punung-puno ng magagandang ideya at salamisim at natutuwa ako't ipinahayag mo ito rito. Tayo ay magsimula nang magbago. :) Salamat, Nicole.

  • #45

    Sarah Hesham (Wednesday, 02 February 2011 23:37)

    Mitzi, nako, tama ka. Parang isa nga sa imang mag-aaral ang nangongopya na ngayon. Kahit sa asignatura lamang o sa maikling pagsusulit, mayroon talagang nangongopya. Tayong lahat ay nangongopya dahil iniisip nating wala lamang ito. Ngunit lalala to. Gusto ko nang magbago at gusto kong maimfluwensyahan ang karamihan dito na magbago na rin. Salamat sa iyong tugon. Sana'y ikaw ay maging isa sa mga daan upang tayo ay maging tapat na lipunan. :)

  • #46

    Sarah Hesham (Wednesday, 02 February 2011 23:39)

    Kenno, sumasangayon ako sa iyo. May katumbas nga talaga ang lahat ng ating ginagawa sa huli. Pagsisisihan natin ito at hindi lang tayo, ngunit ang ating mga anak at ang mga susunod na henerasyon na rin. :) Salamat sa iyong tugon.

  • #47

    Russell Diolata (Wednesday, 02 February 2011 23:43)

    Tama, sa maliit na bagay nagsisimula ang lahat. Sa panahon ngayon, minamaliit na lamang ang mga bagay tulad ng pangongopya kaya habang tumatagal, minamaliit na rin ang mga epekto nito, tulad ng pandaraya at pangurakot.

  • #48

    Sarah Hesham (Wednesday, 02 February 2011 23:43)

    Kuya Agcel, sumasang-ayon po talaga ako sa inyo. Hindi na natin nakikita kung ano ang tama at mali dahil binibigyan natin ng hustisya ang mali upang ito ay maging tama. Niloloko lang natin ang ating mga sarili. Kaya't kung tayo ay natutuksong mangopya ay magdasal lamang tayo sa Panginoon. Salamat sa inyong tugon. :)

  • #49

    Jessah Daymiel (Wednesday, 02 February 2011 23:57)

    Sumasang-ayon ako sa lahat ng iyong mga sinabi. Sa katamran ng mga mag-aaral ay nagdudulot ng pangogopya nila. At dahil din sa simpleng praan na ito, dito nagsisimula ang kurakot pra sa lahat. :P

  • #50

    Sarah Hesham (Thursday, 03 February 2011 00:03)

    Kuya Glicerio, tama po kayo. Mali rin talaga ang magpa-kopya. At napapasama nga tayo kugnhindi tayo magpakopya. Kaya nga po isang malaking tukso ang pandaraya. Ang mga nagpapakopya ay nandaraya rin. Kaya't kailangan nating maging malakas a kailangan natin ng konsesya upang hindi tayo madaling bumigay sa mga tukso sa paligid.

  • #51

    Sarah Hesham (Thursday, 03 February 2011 00:07)

    Russel, tama ka. Sa maliit na bagay nagsisimula lahat. Kaya't ngayon pa lamang, habang maliit pa lamang ito, ay itigil na natin ang pandaraya upang hindi lumala sa hinaharap. Salamat sa iyong tugon. :)

  • #52

    Sarah Hesham (Thursday, 03 February 2011 00:11)

    Jessah, masaya ako at sumasang-ayon ka rin. Sana'y ito ang maging simula sa ating lahat. Sana tayo ay naimfluensya at tayo ay mangimfluwensya ng iba. :)

  • #53

    Bryle Matthew Bacatan (Thursday, 03 February 2011 00:55)

    totoong totoo po ang mga nakasaad sa blog mo
    hindi tayo mahuhuli, hindi tayo nalalagot at patuloy natin itong ginagawa. pero sana ay wag na tayong mangopya kahit sabihin makukuha natin sa assignment, exams ay mababa itigil na dapat ng mga kabataan to dahil ito ay isang pagnanakaw ng originality ng isang tao, parang sa mga brand may immitaion ang mga nangongopya, papano natin ipakita ang ating talino kung patuloy natin tong ginagawa.

    LIKE =)))

  • #54

    Sarah Hesham (Thursday, 03 February 2011 01:00)

    Bryle, tamang tama ka. Dahil hindi tayo nahuhuli, patuloy natin itong ginagawa. Dapat ay mag-aral tayo upang makakuha ng mataas at hindi na natin kailangang mangopya. At masaya ako at sinabi mo iyang pangongopya samga branded na gamit. Kajit dito, ipinapakita natin ang ating pandaraya. Kaya ngayon pa lang, itigil na natin upang maipakita natin ang tunay nating talino. XD Salamat sa iyong tugon. Masaya ako at nagustuhan mo blog entri ko. :)

  • #55

    Kharnelle Eyrand Sade K. Lim (Thursday, 03 February 2011 02:45)

    Sang-ayon ako sayo Ate Sar. Ang pangongopya ay hindi nakabubuti sa atin, pag tayo ay masasanay sa pangongopya ay madadala natin ito paglaki hanggang tayo ay magkatrabaho at tumanda. Pag natuto na tayong mangopya, maiisip tlga nating wala lng yan dahil sa ikakabuti naman natin o di kaya't sa mga kaibigan natin dba? Ngunit, ang ganung panananaw ay hindi tama. Dapat nating isipin na ang pangongopya ang instrumento upang tayo ay mandaya sa paglaki at kahit na nandaya tayo ay balewala nalang sa atin iyon, dahil sana'y na nga diba? Kaya dapat na nating tiggilan ang pangongopya simula pa lamang ngayon sa hayskul. Sapagkat ang hayskul ang huhulma sa ating pagkatao hanggang sa paglaki, kung nakasanayan sa hayskul ng pangongopya, siguradong makakasanayan na rin natin itong gawin sa paglaki.

  • #56

    Sarah Hesham (Thursday, 03 February 2011 10:25)

    Kharn, salamat sa iyong tugon. Masaya ako at sumasang-ayon ka. Tama ka talaga kapag sinabi mong iniisip nating okay lang ang mangopya dahil ikabubuti natin o ng ating mga kaibigan. minsan, ganoon tayo magisip. Binibigyan natin ng hustisya ang mali. Tama nga naman, ma dadali ang buhay kapag ganoon at maari nating isiping mabuti iyon, pero iyang klaseng pag-iisip ay makitid dahil iniisip lang natin ang ngayon. Kapag inisip natin ang bukas, makikita natin na mas maraming masamang idudulot ang pangongopya kaysa sa mabuti. sana ay naimfluwensyahan kita at sana ika'y mangimfluwensya rin ng ibang tao upang maging tapat. :)

  • #57

    Raisette Hann (Friday, 04 February 2011 10:35)

    Tama. Pero naisip nyo ba na kaya nangongopya ang isang istudyante dahil hindi nya naintindihan yung lesson na tinuro ng guro..Okay,sabihin na naten tamad yung istudyante kya hindi sya natututo..Pero magagawa lang ng istudyante n mangopya kung maluwag sa kanila yung guro nila..Hindi nila magagawang mangopya kung binabantayan sila ng maayos ng guro.. Alam ko na responsibilidad ng istudyante na hindi mangopya,pero dapat,isang mahusay at dedicated yung guro sa kanilang pagtuturo.. Hindi ko nilalahat yung mga guro,pero me ilan n hindi seryoso sa kanilang pagtuturo..

  • #58

    Sarah Hesham (Friday, 04 February 2011 10:40)

    Ate Hann, tama po kayo kung sabihin niyon isa sa dahilan ng mag-aaral sa pangongopya ay hindi niya maintindihan ang mga paksang itinuturo sa kanila. Ngunit tama ba itong rason upang mangopya ang kabataan? Itigil na natin ang pabibintang sa iba, dahil hindi naman sa lahat ng panahon ay nariyan ang ating mga guro. Hindi nila kayang bantayan ang bawat mag-aaral. Kaya't dapat ipagsarili na natin ang responsibilidad na huwag mangopya upang tayo ay magbago. Maghihintay pa ba tayo ng ibang tao upang disiplinahin tayo. hindi ba't pwede naman tayong magbago mag-isa?

  • #59

    Sir Marcial (Saturday, 05 February 2011 12:02)

    Checked 02/06/2011

  • #60

    Sir M (Thursday, 10 March 2011 06:57)

    49 comments validated

  • #61

    Muzaffer (Wednesday, 19 October 2011 22:02)

    Several of these replies on this post are garbage, You should delete them.

  • #62

    Ladislav (Sunday, 23 October 2011 00:21)

    Great one article. Standard trouble is G. transform their thoughts far too often.

  • #63

    Lukas (Tuesday, 25 October 2011 23:11)

    Hi there are using WordPress on your site system? Iam a new comer to the blog world however. Iam hoping to get began and hang up my own, personal. I also found out about Drupal is ok. Sees my choice.... Helpful post, thanks.

  • #64

    Pat (Wednesday, 26 October 2011 02:19)

    Glad to see that this website works well on my small iphone 3gs , anything I want to do will be functional. Appreciate your preserving it to date using the latest.

  • #65

    Fernety (Thursday, 27 October 2011 22:50)

    {-String.Spintax-|-{I think|I believe|I do believe|I do think} {other|additional|some other|various other} {web site|site|internet site|web page} {owners|proprietors|entrepreneurs|masters} {should|ought to|need to|must} {take|consider|get|acquire} {this web site|this website|this site} {as an|being an|as a possible|just as one} {model|design|product|style}

  • #66

    Antonin (Friday, 28 October 2011 09:00)

    Nice a article. Basic difficulty is usually G. modify ones own spirit very often.

  • #67

    Adinorhisham (Friday, 28 October 2011 10:16)

    {-String.Spintax-|-{I think|I believe|I do believe|I do think} {other|additional|some other|various other} {web site|site|internet site|web page} {owners|proprietors|entrepreneurs|masters} {should|ought to|need to|must} {take|consider|get|acquire} {this web site|this website|this site} {as an|being an|as a possible|just as one} {model|design|product|style}

  • #68

    Pathik (Tuesday, 08 November 2011 22:33)

    Glad to find out until this internet site is useful on my i phone , every thing I want to perform is actually practical. Many thanks for maintaining it currently while using most up-to-date.

  • #69

    Otas (Tuesday, 22 November 2011 21:20)

    Auto Tweet plugin for WordPress

  • #70

    optimalizace (Monday, 23 January 2012 08:47)

    Appreciate your info

  • #71

    ginalyn (Friday, 10 February 2012 08:50)

    NICE :)at last . i found an idea on my thesis about reason why students can't avoid cheating in school :p

    YES! i agree on your indicated statement about that. We all know hat we can't avoid cheating . esp. when we have an exam. We can't avoid to look on our seatmate to get an answer :P

  • #72

    Zoltan (Thursday, 05 April 2012 22:42)

    Nice article dude

  • #73

    Polo Outlet (Monday, 21 May 2012 21:33)

    I Really enjoyed your blog. I will bookmarked it.I will hard work, and learning from failure.Thank you!I really like your blog,It's good for me!Find that your blog is very happy, thank you published it.

  • #74

    Tiffany and Co Outlet (Monday, 21 May 2012 21:37)

    The most fun thing is to see your blog and saw your post, big impact on me, I really like what you wrote, I will introduce my friends point of view, the usefulness big.Thank you very much!

  • #75

    Tamir (Tuesday, 17 July 2012 22:37)

    Many thanks for information

  • #76

    Ray Ban Sunglasses Sale (Tuesday, 28 August 2012 19:58)

    What a unique blog , very good article.This can be shared to some interesting fun, it is refreshing.Great weblog right here! Additionally your website rather a lot up very fast.

  • #77

    Coach Outlet Store (Tuesday, 28 August 2012 20:01)

    I like your writing style, appreciate it for putting up. Your writing taste has been surprised me.thank you for your effort,I will inform this to my friends.

  • #78

    designer sarees indian (Wednesday, 21 November 2012 00:00)

    Now I think I've got to learn something like this in the future. Thanks For all the help.

  • #79

    Buy modern furniture online (Wednesday, 20 February 2013 05:46)

    Very nice post. I just stumbled upon your blog and wanted to say that I have really enjoyed browsing your blog posts.

  • #80

    hotel furniture india (Tuesday, 12 March 2013 01:58)

    Do you frequently discover oneself studying up in the most up-to-date style tendencies? What about style help, do you want to provide it to individuals that you know? When you do, were you aware you may perhaps have the ability to create a dwelling like a vogue consultant? You possibly can and when you would like significantly more information on the way you can go about executing so, you will want to proceed studying on. Previously you immediately resolve that you just would love to become a trend advisor, you may want to make an effort to take a look at specifically what just one is and what one does. In case you consider to further homework producing income as a style guide, you might want to know that a fashion guide can be typically referred to as a picture advisor and visa versa.

  • #81

    Jordans for cheap (Wednesday, 10 April 2013 04:31)

    Liao In a way, it is jordans sale and help cheap jordan shoes basketball shoes peak.Jordans for cheap series in sales volume and market demand is far ahead of other products, Air Jordan Shoes for the entire industry, design, innovation and performance settings one after osneaker.net another a higher office.

  • #82

    summer drama school (Thursday, 06 June 2013 03:41)

    Good article! I visited many sites, only the clear expression in addition to the author's experience. Read your article, I learned a lot of knowledge

  • #83

    salwar kameez online (Wednesday, 26 June 2013 05:08)

    Hey there! Quick question that’s entirely off topic. Do you know how to make your site mobile friendly? My weblog looks weird when browsing from my iphone. I’m trying to find a theme or plugin that might be able to resolve this problem. If you have any recommendations, please share. With thanks!

  • #84

    printed sarees (Friday, 26 July 2013 21:27)

    Favorite post having such an fantastic and useful informative content.

  • #85

    Lorie (Thursday, 09 July 2015 00:50)

    Thanks for this wonderful article, may I use this for one of my references in my thesis?

  • #86

    quality wordpress themes (Friday, 24 June 2016 07:13)

    Your articles don’t beat around the bushes exact t to the point.

  • #87

    mark samartino samonte (Saturday, 09 July 2016 09:13)

    May punto uto....
    Pero mas madali,mabilis at epektibo parin ang pangdaraya sa eskwelahan

  • #88

    quality wordpress themes (Saturday, 16 July 2016 07:08)

    I see the greatest contents on your blog and I absolutely love reading them.

  • #89

    dexirene (Saturday, 08 October 2016 06:10)

    tama nga naman.,,

  • #90

    liebeszauber (Tuesday, 29 November 2016 08:11)

    riechen

  • #91

    zdejmowanie byt�w (Wednesday, 30 November 2016 18:14)

    talerzowa�