Mon

31

Jan

2011

Mga inaasam sa hayskul

Ni Mac Edsel Florendo

photo credit: tumblr.com
photo credit: tumblr.com

Hayskul, isang kritikal na hakbang ng kabataan sa pagkakatuto at karunungan sa mundo. Dito ay nagkakaroon ng maraming pagbabago sa buhay ng isang estudyante. Dito ay nalalantad ang mga estudyante sa iba’t ibang mga salik na makakapagakit sa kanila ng impluwensiya, maaring ito ay makabubuti o makasasama.


Dito sila nabubunyag sa iba’t ibang pagbabago. Sinasabing nagiging independent ang isang estudyante kapag nasa hayskul ngunit hindi ako sumasang ayon sa palagay na ito. Sa tingin ko, dito sa hayskul ay nagigingconscious lamang ang isang bata dahil sa iba’t ibang salik at pagbabago sa kanyang kapaligiran.


Ngunit, ang hayskul ang isa sa mga pinakamasaya at hindi malilimot na pangyayari ng isang tao.


Mga pagbabagong nabibilang dito ay ang pagkakaroon ng bagong barkada, tropa, ang pagkakaroon ng crushat iba pa. Madali silang maimfluwensiyahan dahil sa kanilang murang isip, kung saan naiimfluwensiyahan silang gawin ang mga bagay na ito, at mga bagay na iyon. Ngunit, nasa isip pa rin ng tao kung siya ay magpapaapekto para gawin ang tama o hindi.

 

Ang pinakainaasam ng bawat estudyante ay ang mga masasayang pangyayari sa loob at labas ng sild-aralan kasama ang hindi nila makakalimutang mga kaklase at guro.


Unang araw ng klase. Excited pumasok. Ito ang unang pagkakataong magkakilala ang klase. Narito ang mga kwela at mga nakakahiyang mga get-to-know-you activities. Dito rin nangyayari ang botohan kung sino ang mga magiging opisyales ng klase. Naaalala ko na kapag dumating na sa botohan ng muse at escort, dito lang naghihiyawan at nagiingay ang klase. Naalala ko laging nananalo ang maganda para sa muse, pero pagdating sa escort, okay lang naman.


Sa loob ng isang silid may iba’t ibang klaseng mga tao tulad nito;


Abserul - mga bulakbol, mga tinatamad pumasok, gumagawa pa ng excuse letter pamatong. Nerds – Sila yung mga top ng klase, libro lang ang kaibigan. Kopyarul. Sila yung mga tinatamad magaral, sa katabi lang umaasa. Isa sa mga may malinaw na paningin sa klase. Crush-ng-bayan –Mga gwapo at magaganda na palakaibigan na may position sa isang samahan kung saan sila magaling. Student government, atleta, singer, dancer o kung ano pa. Lovebirds – sila yung araw-araw magkasama lalo na pagbreak time at uwian. Laging binubuhat ni boy ang gamit ni girl pag uwian tapos nagbibigayan pa ng regalo pag monthsary. Joker – Hindi na nagsisikap para magbiro, buhay na nila yun. KSP – mga naghahanap ng atensyon sa klase. Vain (babae) – laging nakafoundation. Super ayos ng buhok at mabango. Laging hawak ang selfon na de kamera para kunan ang mga sarili kung wala ang guro. Vain (lalaki) – Galawin niyo na ang lahat sa kanila, huwag lang ang kanilang buhok. Lagi ring may dalang selfon de kamera at hair wax. Beki – Mga lalaki na mahilig sa kapwa.


Bonding moments. Ito ang oras kung saan ang klase ay nagtitipon sa kanilang paboriting tambayan at nagkuwekuwentuhan tungkol sa mga bagay bagay, mga problema at sa mga nangyayari sa buhay nila. Ito rin ang oras kung saan nagiging kumpleto ang klase lalo na kung may picture taking.


JS Promenade. Isa sa mga sosyal na palatuntunan ng paaralan. Dito nabibigyan ng pagkakataong makipagsalamuha ang ikatlong taon na magaaral sa ikaapat na taon at gayon din para sa ikaapat na taon. Ito rin ang pagkakataon na makakasuot ka ng maganda at pormal na kasuotan. Ito rin ang oras na makakasayaw mo crush mo.


Graduation Day. Magkahalong lungkot at saya ang araw na ito. Masaya dahil sa wakas magtatapos na rin at malungkot dahil mahihiwalay na ang mga tunay mong mga kaibigan, barkada, tropa at mga kaklase.


Ang hayskul ay hindi pangkailanman. May punto na ito ay hihinto at kailanganan na nating magmove-on at simulan ang bagong hakbang ng buhay pagkatapos hayskul, kolehiyo.

 

Write a comment

Comments: 63

  • #1

    Kristin Gail. (Tuesday, 01 February 2011 03:41)

    Maganda ang pagkasulat. Nakarelate ako sa iyong artikulo dahil ito ay tungkol buhay hayskul. :)

  • #2

    Kharnelle Eyrand Sade K. Lim (Tuesday, 01 February 2011 03:49)

    ayun ooh!AHHA. karelate tlga ako :) *clap2x. wala akong masabi, anga galing! :)

  • #3

    Fmac (Tuesday, 01 February 2011 03:59)

    Sources:

    http://www.filipinowriter.com/hays-skul-layp
    http://www.education.com/reference/article/bullying-in-middle-and-high-school/
    http://en.wikipedia.org/wiki/Prom
    www.moymoypalboy.com./modules.php?
    http://www.cfra.org/blog/2010/05/17/high-school-graduation-bittersweet-what-ifsname=News&file=article&sid9
    http://blaggista.blogspot.com/2010/01/pagkakaiba-ng-college-life-sa-high.html

  • #4

    charles (Tuesday, 01 February 2011 04:07)

    ayos to ah... :) nakakarelate talaga ako..

  • #5

    Fmac (Tuesday, 01 February 2011 04:07)

    Salamat sa inyong mga komento!

  • #6

    ferdudz (Tuesday, 01 February 2011 04:09)

    wow :)

  • #7

    Jessah Daymiel (Tuesday, 01 February 2011 04:19)

    Sang-ayon ako sa mga sinabi mo sa iyong artikulo, talaga nga nmang sa hayskul madaming kakaibang mga karanasan ang iyong mararanasan na talaga namang tatatak sa iyong isipan at puso na hindi mo maeexperience sa gradeschool at college. :P

  • #8

    Mae (Tuesday, 01 February 2011 04:35)

    Magaling ang iyong artikulo. Natuwa ako sa mga iba't ibang klaseng estudyante sa loob ng silid. Lahat ng iyong nabanggit ay mayroon sa aming klase. Hindi ko nga lang alam kung saan ako nabibilang. XD

  • #9

    Debra Ann (Tuesday, 01 February 2011 04:53)

    Tama. Hindi na natin maibabalik ang apat na taon ng pagsasaya, paghihirap, at paggawa ng mga kalokohan. Kaya kinakailangang magpakasaya tayo habang nariyan na ang pagkakataon. Pero higit pa man sa mga ito, kinakailangan parin nating ipagpatuloy ang pagsisikap natin sa ating pag-aaral sapagkat parte parin ito ng ating buhay bilang isang mag-aaral sa hayskul. Kung kaya't walang pangamba kong masasabi na tama ang mga inilalahad ng artikulong ito. :)

  • #10

    RICA (Tuesday, 01 February 2011 07:36)

    masasabi ko na sa high school life dapat pumili tayo ng kaibigang makakaimfluwensya saatin sa magandang paaran.

  • #11

    Alodie Mankin (Tuesday, 01 February 2011 07:41)

    Sang-ayon ako sa iyo. Kakaiba nga tlga ang mga pangyayari't karanasan natin sa hayskul kung ikukumpara natin sa iba pang mga level ng edukasyon. Lalo na sa college, dahil alam kong mahihirapan na tayo at hnd na natin masyadong magagawa ang mga pinaggagawa natin ngayon sa hayskul. Masaya sa hayskul, ngunit hindi tayo magtatagal dito. Kaya dapat ay sulitin na natin ang bawat oras mayroon tayo.

  • #12

    Eff :)) (Tuesday, 01 February 2011 07:46)

    masasabi ko rin na hindi ito permanente ngunit dito natin makukuha ang mga aral na dadalhin natin sa ating kinabukasang nakahintay.

  • #13

    Vanessa Jane Vicete (Tuesday, 01 February 2011 07:46)

    Kahit ako ay nasa first year pa lamang, nadarama ko na, na tama nga talaga ang sinasabi ng karamihan, ang haskyl nga talaga ang pinakamagandang parte ng ating buhay. Maraming kalokohan kasama ang mga kaibigan, at mga okasyong napakaganda at sama0-sama nating ipinagdiriwang.

  • #14

    Fmac (Tuesday, 01 February 2011 07:54)

    Maraming salamat ulit sa pagiging mapagbigay niyo sa inyong oras at mga komento!

  • #15

    Christopher Tagnipez (Tuesday, 01 February 2011 08:14)

    Sang ayon ako sa mga sinulat mo. Totoo nga na madaming pagbabago ang nangyayari sa isang estudyante lalo na kung hayskul na siya. At madami rin ang umaakit sa isipan ng isang estudyante kapag hayskul na siya...

  • #16

    Camilla Reyes (Tuesday, 01 February 2011 08:30)

    Sang ayon po ako sa sinabi mo. Lalo na yun eksayted pumasok sa skwela kung unang araw ng klase. Halos lahat naman ata ganun, kasi namimiss na natin ang mga kaklase at mga kalokohan ng ating barkada :)

  • #17

    Mr. Leeds (Tuesday, 01 February 2011 08:43)

    Astig.

  • #18

    Alvin Anitan (Tuesday, 01 February 2011 08:44)

    Dito sa buhay hayskul, lahat na yata ay ating natutunan...natutunan, tulad ng pagmamahal sa isang tao! nagsimula ang lahat ng ito dito sa buhay hayskul......Kaya wag nating sayangin ang oras natin hanggang tayo'y naririto pa sa buhay hayskul. dahil sa lahat na level ng education, dito mo lang mararanasan ang tunay na pagiging isang matatag at mapakumbabang tao.

  • #19

    Karlo Rodriguez (Tuesday, 01 February 2011 08:49)

    Tama ang mga iyong sinabi. Once in a lifetime lang natin mararanasan ang haskul. Dapat wag natin ito lampasin.

  • #20

    Katherine Torres (Tuesday, 01 February 2011 08:49)

    Tama. Hindi pang-habangbuhay ang hayskul. Minsan lang ito dumarating sa mga buhay natin. Dapat gawin natin ang lahat para magamit ang experience na ito para sa ikabubuti ng lahat.

  • #21

    Kurt Recinto (Tuesday, 01 February 2011 09:03)

    Talagang ang buhay sa hayskul ay hinde mapagkakaila na masasabing isa sa pinakamasayang oras sa ating buhay. Habang ang iba ay nagsisimula pa lamang, dapat alam nilang simulan ito nang maayos at maganda upang ang kanilang madadala hanggang sa paglaki ay saya at hinde puro hinanakit. Tulad na lamang ng mga sinabi ng aking mga kakilalang kolehiyo na at nag-aaral na malayo sa kanilang tirahan, yung mga away-away na nagaganap ngayon, dapat daw ay tapusin na ito dahil sa huli, tayo rin ang magsisisi. Dahil sa iyong paglaki, ito'y mga alaala na lamang na hinde mo na maibabalik. :)

  • #22

    Rafi Saluan (Tuesday, 01 February 2011 09:33)

    Tama, hinding-hindi ko makakalimutan ang aking mga karanasan sa hayskul. Dito rin natin nahahanap ang mga ating nakatagong katangian XD

  • #23

    Krissy (Tuesday, 01 February 2011 09:36)

    Wow naman! Ang ganda ng pagkasulat :)

  • #24

    Roan (Tuesday, 01 February 2011 09:36)

    Sang-ayon ako sa mga sinulat mo. Marami talagang pagbabago na nangyayari sa isang estudyante kapag dumadaan siya sa hayskul. Tama ka din na ang hayskul ay isa sa mga pinakamasaya at hindi malilimot na taon sa buhay ng isang tao ngunit hindi ito magtatagal kaya dapat hindi natin aksayahin ang ating oras dahil kapag tayo'y tumanda ay hindi na natin ito maibabalik kahit gustuhin natin. :)

  • #25

    Kristian Trasporto (Tuesday, 01 February 2011 10:09)

    Talagang Buhay Kolehiyo ang pinaka magandang baytang na maraming mararanasan. Di lng iyon dito rin mapapansin ang pagiging pagbibinata at pagiging dalaga at akoy nagagalak na maging parte nitong iyong gawain.

  • #26

    Katharina Nicole Tingkahan (Tuesday, 01 February 2011 10:18)

    Sang-ayon ako sa mga sinabi mo. Ang hayskul nga talaga ang pinakamasayang parte ng buhay natin. Sa hayskul din talaga natin mararanasan ang mga ganitong bagay bagay tulad ng JS promenade sa hayskul lang talaga natin ito mararanasan kasi walang ganito sa college. Kaya huwag natin hayaan ang oras natin, lubusin na natin ang pakikipagsaya pati ng ating mga kaibigan kasi 4 na taon lang ang binigay sa atin para magawa ito :D

  • #27

    diane (Wednesday, 02 February 2011 06:21)

    sang-ayon ako na isa sa mga pinakamasaya at hindi malilimot na karanasan sa buhay. sa totoo lang, sa panahong ito rin ako naging independent.

  • #28

    nikka (Wednesday, 02 February 2011 06:23)

    wala na akong masabi :) sang ayon ako sa lahat ng iyong mga sinabi :') kumbaga.. ang salitang hayskul ang nagbibigay kahulugan sa salitang "estudyante".. lahat ng lungkot, saya, pagseserioso at kalokohan ay nandito na :')

  • #29

    Paula Estive (Wednesday, 02 February 2011 06:41)

    Ang hayskul nga naman ay puno ng katuwaan, at paminsan-minsan rin ay kalungkutan. Maganda ang lahat ng nasabi dito, sumasang-ayon ako. Sa hayskul rin natin makikilala ang tunay na tayo.

  • #30

    Ella Galea (Wednesday, 02 February 2011 08:36)

    Minsan naiisip natin na sana "High School Never Ends" na lang nga talaga. Ngunit hindi naman pwedeng ganito na lamang ang buhay natin araw-araw. Darating rin ang araw na kailangan nating magpaalam sa buhay-hayskul ngunit hindi naman ito nangangahulugang kakalimutan natin ito. Alam naman natin na sa hayskul natin natututunan ang mga leksyong tutulong sa atin sa buhay.

  • #31

    Amielle Barre (Wednesday, 02 February 2011 21:16)

    Cool! Nice po ung topic. Newbie ako, kaya nung first day of school, medyo excited na nahihiya. Pero sa pagdaan-daan ng panahon marami rin akong nakilalang mga bagong kaibigan :D

  • #32

    J Mile (Wednesday, 02 February 2011 23:38)

    Natuwa ako sa mga nabasa ko. Sang-ayon akong may kanya-kanyang grupo sa silid aralan. Masaya sa hyskul, lahat na nga raw ng kalokohan nandyan e. Pero sa kasamaang palad, apat na taon lang yun, di pang-habang buhay. First year pa alng ako, di ko pa alam kung saan ako nabibilang sa mga grupong naibanggit sa artikulong ito. Nagustuhan ko sya, kasi parang naging mas exciting ang hyskul para sa kin. :> *ang galing mo kuya Mac. :)

  • #33

    Salina Teo (Thursday, 03 February 2011 00:46)

    Maayos na pagkasabi :)

  • #34

    Bryle Matthew Bacatan (Thursday, 03 February 2011 00:51)

    Mas Napapaclose ako sa mga classmATEs ko sa highschool at syempre natutuwa ako na mas marami ako nalalaman sa ugali, katangian nila at pamisan ito ay nagsisilbing inspiration upang ipagpatuloy ang hayskul sa ADZU...
    like ko to ah

  • #35

    Fmac (Thursday, 03 February 2011 01:00)

    Maraming salamat muli sa lahat ng iyong mga komento at sa inyong pagiging mapagbigay sa oras. :)

  • #36

    Myra Espinosa (Thursday, 03 February 2011 01:31)

    totoo lhat ng mga cnbi mo. ako'y tinamaan. tunay ngang maraming mga kaganapan ang hinding hindi makakalimutan sa hayskul. para sa akin ito ang hayskul ang may pinakamasayang pangyayari sa buhay ng isang estudyante :))

  • #37

    Raphael Galvan (Thursday, 03 February 2011 02:12)

    maganda ang pagkagawa at sang-ayon ako sa mga sinulat mo... nice article... thumbs up :D

  • #38

    Faye Cirilo (Thursday, 03 February 2011 05:16)

    Maganda ang naisulat mo :) Tlagang unforgettable ang highschool life para sa'tin kasi dito ntin nafi-feel ang sense of belongingnesss. Dito rin tayo natututo ng mas maraming bagay. Syempre kahit gaano pa kahirap mga lesson na diniscuss, basta anjan mga kaklase ayos lang. Diba? Kasi nariyan ang salitang TEAMWORK especially pag assignments na ang pinag-uusapan. Habang tayo'y highschool pa lamang, dapat ay i-enjoy natin ang pagkakataong ito kasi we only get to be a high school student once. We can express ourselves freely and we can act like immature persons. And syempre, we should enjoy every moment of being a high school student kasi it is way too far from being a college student. And know that when we're in college, it requires so much maturity. :)

  • #39

    Sotero S. (Thursday, 03 February 2011 19:22)

    Ayos to ah. Basta ako, habang buhay ako sa Hayskul! char ;)

  • #40

    Ninia Knüttel (Thursday, 03 February 2011)

    Tama ito, dahil sa hayskul natin nararanasan ang maraming bagay tulad na lamang ng mga crush. Dpat natin alamin ang ating mga limitasyon kapag tayo ay nasa hayskul dahil dito medyo nakoconfuse ang ating mga isipan. Para sakin, dito natin nakikilala ang tunay na tayo. Hindi naman pang habang buhay ang hayskul, kaya dapat natin ito icherish punuin natin ng mga magagandang alaala. :)

  • #41

    Chummy Wong (Friday, 04 February 2011 09:23)

    ang galing!
    speechless ako.
    para sakin halus lahat ay tama ayon rin saaking kalagayan.

  • #42

    Sir Marcial (Saturday, 05 February 2011 11:54)

    Checked 02/06/2011

  • #43

    Mikko Arquiza (Thursday, 24 February 2011 04:44)

    Maganda! Maaalala mo talaga ang pinagdaanan mo sa hayskul! :D

  • #44

    Sir M (Thursday, 10 March 2011 06:56)

    18 comments validated

  • #45

    cheap sunglasses (Thursday, 21 July 2011 03:57)

    Thanks for taking the time to discuss this, I really feel strongly about it and love learning more on this topic. If doable, when you gain experience, would you mind updating your blog with more information? It is very helpful for me.

  • #46

    Maurizio (Wednesday, 19 October 2011 22:03)

    Fine one posting. Common trouble is G. change their spirit too repeatedly.

  • #47

    Globo (Thursday, 20 October 2011 09:03)

    Hi there are utilizing WordPress to your web site system? Iam new to the blog world however. Iam hoping to get started out my very own. Furthermore, i discovered Drupal is ok. Will see my own choice.... Educational publish, thank you.

  • #48

    Terenc (Monday, 24 October 2011)

    Delighted to view that this site is effective in this little iPhone , anything I wish to accomplish is practical. Thanks for retaining it up currently with the latest.

  • #49

    Stanly (Tuesday, 25 October 2011 03:14)

    Happy to determine until this site is useful on my iphone 4 , almost everything I would like to carry out is actually useful. Thanks for retaining up to date using the most up-to-date.

  • #50

    Takis (Thursday, 27 October 2011 13:31)

    Delighted to see this site successful in this little iPhone , anything I must carry out can be useful. Many thanks for keeping it up to now using the latest.

  • #51

    Vasek (Thursday, 27 October 2011 14:24)

    Can I post your post to my wordpress blog? I’ll add a one-way link to your forum. That’s one actually nice post.

  • #52

    Pavian (Saturday, 29 October 2011 19:12)

    Can I post your post to my wordpress blog? I’ll add a one-way link to your forum. That’s one actually nice post.

  • #53

    Themis (Wednesday, 09 November 2011 05:05)

    Can I post your post to my wordpress blog? I’ll add a one-way link to your forum. That’s one actually nice post.

  • #54

    Jose (Thursday, 24 November 2011 21:28)

    FREE Automated WordPress to twitter plugin Publish the post to Twitter, completely from Wordpress admin area

  • #55

    výměna odkazů (Monday, 23 January 2012 17:49)

    nice post

  • #56

    Prda (Tuesday, 03 April 2012 12:13)

    Many thanks for info

  • #57

    Christopher (Wednesday, 30 May 2012 08:41)

    Nice one info, thx

  • #58

    anjiie (Wednesday, 18 July 2012 10:41)

    tamah lahat ng iyong sinabe nakarelate ako sa iyong artikulo . .buhay hayskul ay sadyang napakasaya

  • #59

    jayne (Sunday, 16 September 2012 06:48)

    ang galing!

  • #60

    Juicer Review (Wednesday, 10 April 2013 15:34)

    This post was exactly what I had been searching for!

  • #61

    josephine santos (Wednesday, 12 June 2013 02:50)

    Relate much :)

  • #62

    angelyn (Monday, 18 November 2013 20:47)

    tama:" . .

  • #63

    jasse (Thursday, 05 June 2014 04:57)

    ang galimg mo naman bata

  • loading