Mon

31

Jan

2011

Masama bang mag-Facebook?

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

photo credit: google.com

ni Alyssa Faye A. Santamaria

 

Naranasan mo na bang mainis sa sarili mo dahil hindi mo na nagagawang tapusin ang iyong mga takdang-aralin at mag-aral para sa mga pagsusulit, sapagkat hindi mo maiwasan ang mga tukso na bisitahin ang iyong Facebook account at tingnan ang mga pinakahuling notifications? May mga pagkakataon ba kung saan sinisisi mo ang Facebook sa iyong mga mababang marka sa paaralan dahil ito'y nagiging sagabal na sa iyong pag-aaral tuwing gabi? Ang mga ito ay iilang katanungang makatutulong sa mga estudyante na matanto ang mga masasamang epekto ng Facebook sa kanilang pag-aaral.

 

Ang Facebook ay isa sa mga kilalang Social Networking Sites sa kasalukuyang henerasyon na malawakang ginagamit ng mga tao sa buong mundo. Kahit saan man tayo pumunta, lahat ng taong nakakasalamuha at nakikilala natin ay may kanya-kanyang account sa mga Social Networking Sites na ito. Kung kaya’t pati na ang mga mag-aaral mula sa elementarya, hayskul, at kolehiyo ay naiimpluwensiyang magkaroon ng sariling account at makibagay sa uso. Ngunit nakaaapekto ba ang mga Social Networking Sites sa edukasyon o pag-aaral ng mga estudyante? May mga naidudulot ba itong masasamang epekto sa kanila?

 

Ang mga Social Networking Sites na ito ay nagiging libangan na ng mga mag-aaral at minsan ay nagiging parte na ng kanilang pamumuhay. Hindi nila nakakalimutang buksan ang kanilang account bago pumunta sa paaralan, pagdating sa bahay galing eskwelahan, habang kumakain, habang nag-aaral, habang gumagawa ng takdang-aralin, at bago matulog. Paulit-ulit nila itong ginagawa at hindi pa rin sila nagsasawa. Habang tumatagal, mas madalas na ang pagbukas nila ng kanilang account. Sa gawaing ito, hindi maiiwasan ang mga epekto ng Social Networking Sites sa kanilang pag-aaral. Ngunit hindi naman lahat ng mga epekto nito ay masasama. Parehong may magaganda at masasamang dulot ang mga Social Networking Sites sa pag-aaral ng mga estudyante. Nagagawa nilang magtanong sa kanilang kaklase tungkol sa mga takdang-aralin. Maaari silang humingi ng tulong sa isa’t isa sa paggawa ng takdang-aralin sa pamamagitan ng tinatawag na “chat”.  Nakakakuha rin sila ng kopya ng mga lektyur ng kanilang mga kaklase at guro. Nasasabihan din sila ng mga mahahalagang anunsyo mula sa kanilang guro at kaklase na hindi nasasabi sa loob ng klase. Ito ang mga mabubuting dulot ng Social Networking Sites sa pag-aaral ng mga estudyante. Sa kabila ng mga ito, mayroon ding masasamang epekto ang Social Networking Sites. Hindi sila makatuon ng mabuti habang sila ay nag-aaral at gumagawa ng takdang-aralin dahil sa antala na dulot ng Social Networking Sites. Sa halip na gumagawa ng takdang-aralin at nag-aaral, mas inaatupag nila ang paglalaro sa mga tinatawag na “applications” at iba't ibang mga laro sa mga Social Networking Sites, pag-chat, at pagdaan sa tinatawag na mga profile ng kanilang mga kaibigan. Kapag hindi nila mapigilan ang kanilang sarili sa kakabisita sa mga Social Networking Sites, at tumatagal na sa harap ng kompyuter, nawawalan na sila ng oras para mag-aral at gumawa ng takdang-aralin. Bilang epekto nito, sila ay umaakit sa tinatawag na “cramming” na makakasama para sa kanilang pagganap sa paaralan dahil sa halip na makinig sa guro, ginagawa nila ang kanilang takdang-aralin sa loob ng klase, at nag-aaral para sa ibang asignatura. Kung kaya't maaari silang makatanggap ng mga mababang marka sa mga pagsusulit at gawain sa eskwela.

 

Mula sa aking mga nabanggit na mabubuting dulot ng tinatawag nating Social Networking Sites, mabuti naman ito para sa pag-aaral ng mga estudyante ngunit kapag nasobrahan na ang paglipas nila ng kanilang oras sa mga Social Networking Sites, pumapasok na ang mga masasamang epekto ng mga ito. Sabi nga nila, “Take everything moderately.” Sa pamamagitan nito at ng paggamit nga mga Social Networking Sites sa tamang layunin, paraan, at oras ay maiiwasan ang masasamang epekto ng mga ito sa pag-aaral ng mga estudyante.

 

Write a comment

Comments: 82
  • #1

    Fatima Sherraine (Monday, 31 January 2011 04:43)

    Nice po. :D

  • #2

    Cheska Folgo (Monday, 31 January 2011 04:54)

    galing!

  • #3

    Debra Ann (Monday, 31 January 2011 04:54)

    Ang galing. :)

  • #4

    Kharnelle Eyrand Sade K. Lim (Monday, 31 January 2011 04:55)

    Tama nga naman. Sa panahon kasi ngayon napapabayaan na ng mga kabataan ang kanilang pag-aaral dahil sa mga social networking sites at mas pinipiling magbabad sa harapan ng computer kaysa magaral. Magaling! *clap2x :)

  • #5

    Salina Teo (Monday, 31 January 2011 05:01)

    Maayos na pagkasabi :)

  • #6

    Marlo Keannu Alegata (Monday, 31 January 2011 05:05)

    Tama :) Di kaya masama mag Facebook. Mas nakakatulong kaya sa mga kabataan. :)

  • #7

    Kristin Gail. (Monday, 31 January 2011 06:37)

    Hindi masama gumamit ng Facebook pero dapat may disiplina tayo habang gumagamit nito.

  • #8

    Mikko Arquiza (Monday, 31 January 2011 06:54)

    Tama talaga. Makabubuti ito, dahil tulad na lang ninyo, at ng aking kasalukuyang klase, mayroon namang mga grupo grupo kung saan pwede ipagdiskusyon ang mga proyekto at takdang aralin. Ngunit wag naman sobra na bawat sandali ay nasa Facebook ka na lamang.

  • #9

    Issa V. (Wednesday, 02 February 2011 06:41)

    Napakagandang mensahe ang hatid nitong blog. kung minsa'y ang facebook ay sagabal nasa tao o estudyante na lamang na disiplinahin ang sarili, para balanse niya ang kanyang oras para sa pag-aaral.

  • #10

    Fad Fadd Fahad (Wednesday, 02 February 2011 06:56)

    Maraming masama at mabuti ang maidudulot ng facebook. isang itong malaking innovation ng teknolohiya ngayon. ngunit, kailangan natin maging moderate sa paggamit nito.

  • #11

    Camylle Lim (Wednesday, 02 February 2011 06:58)

    Itong blog ay makadudulot ng mabuting mensahe sa mga Estudyante. Mahusay po ang paggawa! :)

  • #12

    Jessah Daymiel (Wednesday, 02 February 2011 07:13)

    Agree ako lyss, mabuti naman ang pagkakaroon ng networking sites sapagkat angiging paraan ito ng komunikasyon. :P

  • #13

    Shirisa Alawi (Wednesday, 02 February 2011 07:17)

    walang masama sa pag ffb ngunit sa mga batang nag-aaral ginagawa na nila itong pang araw araw na gawain. kaya ang iba saknila ay hnd na nag aaral. Imbes na matulog ng maaga, sinasanay nila ang knilang mata sa kakababad sa pc ng ilang oras. dapat huwag sanayin ang sarili na nakatutok lang sa mga nangyayari sa fb. dapt may limitasyon at mrunong tyong mag organize ng time sa pag aaral at par sosocial networking.

  • #14

    Amielle Jasmine (Wednesday, 02 February 2011 07:33)

    Cool. Tapos pagnahuli ng parents, switch tab agad para kunwari research :D

  • #15

    Aya (Wednesday, 02 February 2011 07:36)

    Tamaaa. Magaling!

  • #16

    John Serag (Wednesday, 02 February 2011 07:44)

    Ang Facebook ay isa sa mga patunay sa pag-unlad ng ating teknolohiya. Tama ka sa sinabi mo na nakasanayan na ng mga tao ang paggamit ng Facebook at ito ay isa na sa ating mga libangan na mahirap kalimutan. Hindi naman masama ang pagFacebook dahil tulad na lamang nito, nakakatulong ito sa ating mga proyekto at mga takdang-aralin. Ngunit lagi natin pakatatandaan na dapat ay matuto tayong bumalanse at gamitin ang ating oras sa tama at makabuluhang mga gawain.

  • #17

    AC Estive (Wednesday, 02 February 2011 07:49)

    Para sa akin, ang paggagamit ng facebook ay hindi masama una: paano niyo ba to ikinalat sa publiko? diba dahil sa facebook? pangalawa: ito'y nagsisilbing komunikasyon. pangatlo: para maging updated tayo sa mga balita - showbiz, sa lugar natin at iba pa. pero kung alam natin kung ano ang priority natin, malamang magagawan natin ito ng solusyon. basta't alamin lang natin ang limitasyon natin ukol dito,

  • #18

    Harvey Ong (Wednesday, 02 February 2011 07:56)

    Marami po tayong mabuting bunga sa Facebook. Pwede po natin malaman mga takdang-aralin sa atin mga kaklase, pwede rin natin tatanong mga guro pag nahihirapan tayo sa ating mga subject para maunawaan natin ang ating mga di-naunawaan. Ang Facebook rin ay magamit bilang komunikasyon pag may kailangan natin sabihin ang ating mga kaklase. Pag tingnan natin in a realistic sense, ang Facebook ay may masama at mabuting dulot, kailangan lang natin maunawaan ang tama sa mali.

  • #19

    Marc Giuseppe Marcos (Wednesday, 02 February 2011 07:59)

    Magaling agree ako :)

  • #20

    Colleen Zacarias (Wednesday, 02 February 2011 08:00)

    Tama! :3

  • #21

    Angelique Miranda (Wednesday, 02 February 2011 08:31)

    Sa aking opinyon, hindi naman masamang mag-Facebook sapagkat ito rin naman ay nagbibigay ng "advantages" sa ating komunikasyon; sa ating sarili at maging sa ating kapwa. Nahahasa rin dito ang ating pagiging palakaibigan at ang ating pagiging sensitibo sa ating mga kilos at pananalita.

  • #22

    Mari Mar (Wednesday, 02 February 2011 17:20)

    Tama po ang iyong mga nabanggit lalo na sa huling talata. :)

  • #23

    Paula Estive (Wednesday, 02 February 2011 18:59)

    Tama nga po ang nakasaad dito. Hindi naman masama mag facebook kung hindi napapabayaan ng mga mag-aaral ang kanilang pag-aaral. Madami naman ring tulong ang Facebook tulad nlng ng komunikasyon sa iba't-ibang classmates at mga kaibigan natin.

  • #24

    Czantana Marguerie Wong (Thursday, 03 February 2011 02:00)

    ang galing.
    maayos ang pagkasabi.
    hinahanga kita

  • #25

    Yvanna Go (Thursday, 03 February 2011 04:00)

    Karamihan sa mga kabataan ngayon ay napabaya sa pag-aaral dahil sa Facebook. Dahil sa sobrang pag-gamit ng social network, ay hindi na nakakapag-aral ang estudyante. Ngunit hindi naman masama, dapat lang may limitasyon ang paggamit ng internet.

  • #26

    Sirach John Lacson (Thursday, 03 February 2011 04:14)

    Tama! Libangan lang! :))

  • #27

    Jill (Thursday, 03 February 2011 04:52)

    Hindi naman po masama ang mag facebook, basta nagagawa natin ang priorities natin bilang estudyante :)

  • #28

    mikaela perez (Thursday, 03 February 2011 04:52)

    tama po.
    maranasan ko na po yan :D

  • #29

    Prince Mallari (Thursday, 03 February 2011 04:53)

    Question lang: Kung ang title mo "Masama ba mag-Facebook", bakit mas parang focused ung article mo sa "Social-Networking sites" in general imbes na sa Facebook mismo magfocus?


    Sorry kung masama comment ko

  • #30

    Alodie Mankin (Thursday, 03 February 2011 06:17)

    Hindi masamang mag Facebook. Nakakatulong din naman ito sa ating pag-aaral, dahil minsan kung wala tayong notes, pinopost nmn ng ating mga classmates ang notes na meron sila. Ngunit minsan, masyado tayong naeentertain kaya nakakalimutan na natin tumigil. Dapat tlgng imanage ang time sa paggamit ng Facebook.

  • #31

    Angel (Thursday, 03 February 2011 06:27)

    Hindi naman masamang mag Facebook, dahil may mga pagkakataon na nakakatulong din ito sa ating pag-aaral. Dapat lang ay may disiplina tayo sa paggamit nito.

  • #32

    Alyssa Santamaria (Thursday, 03 February 2011 06:52)

    Ang Facebook po ay isang Social Networking Site. Mas madalas ko lamang nababanggit ang terminong "Social Networking Site" upang "i-generalize" ang Facebook. Sa katunayan, ang mga epekto,impormasyon, at iba pang mga katotohan tungkol sa Facebook ay angkop rin sa pangkalahatan ng Social Networking Sites. At isa pa, mas nakakapaghatak o nakakapanghikayat ng mga mambabasa ang pamagat na aking napili.
    Salamat po.

  • #33

    Daiyne (Thursday, 03 February 2011 07:47)

    Tama, ang galing. :)

  • #34

    Rhona Lim (Thursday, 03 February 2011 08:17)

    Mahusay. May limitation parin tayong mga estudyante sa pag gamit ng facebook. kahit na ito ay isang paraan ng komunikasyon. Pwede itong gawing libangan pero dapat huwag pabayaan ang pagaaral :)

  • #35

    Mae R. (Thursday, 03 February 2011 08:43)

    Para sa akin, nasa sa tao na yan kung papaano niya gamiting ang Facebook. Pero sa aking sitwasyon ay mas nakatutulong pa ito dahil nau-update ako sa mga bagay bagay tulad na lamang ng mga importanteng anunsyo. Ang Facebook rin ay tumutulong sa pagpapadali ng pag-distribute ng mga handouts sa simpleng pag-upload ng mga larawan.

  • #36

    Medinalyn Tan (Thursday, 03 February 2011 10:04)

    Para sa akin, depende naman kung gaano ka ka "addict".Paminsan naman ay may magandang naidudulot ang Facebook sa atin mga estudyante.

  • #37

    XyvieGee ^---^ (Thursday, 03 February 2011 19:17)

    `Ang pagfeFACEBOOK everrrr =)) ay hindi naman nakakasama. Kailangan lamang natin tiyaking ang pag-aaral pa rin ang ating mas pinapahalagahan at pinagtutuunan ng pansin kaysa sa ibang bagay lalong lalo na ang nakakaadik na Facebook na yan diba diba? :))

  • #38

    Raelyn (Friday, 04 February 2011 01:11)

    Para saakin, may tulong ang facebook sa buhay natin bilang mga estudyante, dahil paminsan nakaka reach out tau sa ating mga guro at classmates para pag-usapan ang mga takdang-aralin at mga proyekto, pero, huwag sana natin gawin ang facebook as an 'icon of addiction', dahil iyon ay nakakasama sa buhay natin bilang mga mag-aaral.

  • #39

    Yndee (Friday, 04 February 2011 02:59)

    It can either be a BAD or GOOD HABIT :) It depends on the person, actually. But as long as they're balancing their studies and doing facebook, everything would be fine :D

  • #40

    diane (Friday, 04 February 2011 05:08)

    para sa akin, ang facebook ay nakakatulong sa pampalipas ng oras ngunit nakakasama na rin ito sa mga mag-aaral ngayon dahil hindi nila matapos ang mga takdang-aralin dahil dito. kaya lang, hindi na rin natin maiwasan na hindi magfacebook dahil pati na rin ang ibang handouts o lectures na ipinapaphotocopy ng guro sa mga mag-aaral ay pinapascan na lamang ang mga ito. at halos lahat ng mga announcements ay inaanunsyo na lang sa facebook. depende na rin yan sa tao kung mas piliin niyang gamitin ang kanyang oras sa facebook o sa ibang mas importanteng bagay.

  • #41

    Russell Diolata (Friday, 04 February 2011 05:36)

    Ang facebook ay ginawa para pagtuunan sa iyong libreng oras o sa madaling salita, ito'y panlibangan lamang. Ibig sabihin lang hindi dapat ginagawang prayoridad ang facebook lalong lalo na kung ipagpapalit ito sa oras ng pag-aaral o mas mahalagang gawain. Kaya dpat matuto tayong balansehin ang mga bagay.

  • #42

    Jp Lim (Friday, 04 February 2011 07:31)

    Lahat naman ng bagay ay nakakasama kung nasosobrahan na. Oo nga't, normal lang sa ating mga kabataan o khit mga nakakatanda na gumamit ng ganitong Social Networking Sites subalit hinde ito makakabuti sa atin lalo na't sa pag aaral ang paggamit nito ng sobra. Kaya sa mga taong nakakabasa nito mas makakabuti sa atin na dapat limitado ang mga bagay bagay.

  • #43

    .gia. (Saturday, 05 February 2011 06:27)

    tama talaga :)) hindi naman talaga masama ang facebook, nasa tao na kung papaano siya mamimili ng kanyang mga prayoridad sa kanyang buhay.

  • #44

    Sir Marcial (Saturday, 05 February 2011 12:16)

    Checked 02/06/2011

  • #45

    Ricoh Orcia (Monday, 07 February 2011 06:48)

    Ang husay. tama nga na wala namang masamang naidudulot ang Facebook, depende lang naman yan sa tao eh, sa kung paano niya imamanage ang kanyang oras.

  • #46

    SeCeRt!its my own!its not ur bussiness! (Thursday, 03 March 2011 07:53)

    galiing noh2!?hehehe
    indi msmang mg facebook!eh?!diba?!
    agree ako diyan!?!?!!

  • #47

    never mind!! (Thursday, 03 March 2011 08:02)

    para sa akin, ang facebook ay nakakatulong sa pampalipas ng oras ngunit nakakasama na rin ito sa mga mag-aaral ngayon dahil hindi nila matapos ang mga takdang-aralin dahil dito. kaya lang, hindi na rin natin maiwasan na hindi magfacebook dahil pati na rin ang ibang handouts o lectures na ipinapaphotocopy ng guro sa mga mag-aaral ay pinapascan na lamang ang mga ito. at halos lahat ng mga announcements ay inaanunsyo na lang sa facebook. depende na rin yan sa tao kung mas piliin niyang gamitin ang kanyang oras sa facebook o sa ibang mas importanteng bagay.
    Para saakin, may tulong ang facebook sa buhay natin bilang mga estudyante, dahil paminsan nakaka reach out tau sa ating mga guro at classmates para pag-usapan ang mga takdang-aralin at mga proyekto, pero, huwag sana natin gawin ang facebook as an 'icon of addiction', dahil iyon ay nakakasama sa buhay natin bilang mga mag-aaral.
    Hindi masamang mag Facebook. Nakakatulong din naman ito sa ating pag-aaral, dahil minsan kung wala tayong notes, pinopost nmn ng ating mga classmates ang notes na meron sila. Ngunit minsan, masyado tayong naeentertain kaya nakakalimutan na natin tumigil. Dapat tlgng imanage ang time sa paggamit ng Facebook.
    hehehe :D

  • #48

    Sir M (Thursday, 10 March 2011 06:59)

    23 comments validated

  • #49

    mahj (Tuesday, 15 March 2011 02:47)

    niceone !!!

  • #50

    Jesell (Tuesday, 15 March 2011 08:32)

    very well said! :)

  • #51

    Cheap Nike Air Max (Wednesday, 10 August 2011 03:40)

    Do you frequently discover oneself studying up in the most up-to-date style tendencies? What about style help, do you want to provide it to individuals that you know? When you do, were you aware you may perhaps have the ability to create a dwelling like a vogue consultant? You possibly can and when you would like significantly more information on the way you can go about executing so, you will want to proceed studying on. Previously you immediately resolve that you just would love to become a trend advisor, you may want to make an effort to take a look at specifically what just one is and what one does. In case you consider to further homework producing income as a style guide, you might want to know that a fashion guide can be typically referred to as a picture advisor and visa versa.

  • #52

    Richard (Sunday, 23 October 2011 07:53)

    Glad to determine that site is effective in this little i phone , almost everything I must perform is actually well-designed. Many thanks for retaining it up thus far using the newest.

  • #53

    Stanly (Sunday, 23 October 2011 17:02)

    Pleased to determine that this web site works well on my small iphone 4 , every thing I wish to perform is useful. Thanks for keeping it down to date with the latest.

  • #54

    Lluis (Monday, 24 October 2011 00:17)

    Hello there are utilizing WordPress for your website platform? Iam new to the blog entire world yet. Iam trying to get started out and hang up my own, personal. I additionally discovered Drupal is okay. Sees my own choice.... Useful post, thanks.

  • #55

    Mojmir (Wednesday, 26 October 2011 23:38)

    Ive already been following your website for the few weeks roughly and possess acquired a ton of details and also loved the strategy you've structured your web site. I am trying to run our really personal website even so. I believe their as well standard and i also have to consentrate on quite a lot of more compact topics. Becoming everything to everyone people is just not all that their cracked approximately become.

  • #56

    Eman (Thursday, 27 October 2011 18:46)

    {-String.Spintax-|-{I think|I believe|I do believe|I do think} {other|additional|some other|various other} {web site|site|internet site|web page} {owners|proprietors|entrepreneurs|masters} {should|ought to|need to|must} {take|consider|get|acquire} {this web site|this website|this site} {as an|being an|as a possible|just as one} {model|design|product|style}

  • #57

    Vladimir (Saturday, 29 October 2011 02:19)

    I do think additional internet site masters should acquire this web site being an product extremely neat and wonderful styling, let alone this article. You’re a specialist of this type!

  • #58

    Marian (Saturday, 29 October 2011 03:48)

    good post bro

  • #59

    Any (Friday, 11 November 2011 10:10)

    I think other web site owners need to take this web site as a possible design very clean and wonderful style and design, as well as this content. You’re an expert in this region!

  • #60

    M-c (Friday, 25 November 2011 16:55)

    Auto Tweet plugin for WordPress Submit your current write-up in order to Twitter, from WP administrator interface

  • #61

    Geraldine Sucal (Thursday, 01 December 2011 23:48)

    marami na sa mga kabataan ngayon ang nahuhumaling sa paggamit ng kanilang mga account para maghanap ng kaligayahan ngunit nakakatulong din ito sa karagdagan mg kaalaman ng isang studyante man maging sa taong interesadong sa mga ganitong bagay...



  • #62

    Stanly (Sunday, 25 December 2011 18:54)

    Nice post bro

  • #63

    Jesseca Rose Lambino (Sunday, 05 February 2012 07:34)

    may malaking punto ka!!!

  • #64

    angel smith (Monday, 20 February 2012 00:31)

    thanks sa opinion mo ... :) ilalagay po nmin yung name no sa baby thesis namin ah :)) thanks po :)

  • #65

    Ryan (Thursday, 05 April 2012 18:45)

    good post

  • #66

    Testy plodnosti pro ženy (Monday, 28 May 2012 15:08)

    Nice one info, thx

  • #67

    Rocky D. Elizario Jr. (Sunday, 23 September 2012 23:24)

    Sa panahon natin ngayon kung saan nauuso na ang mga makabagong teknolohiya . Kasabay nito ang pagdiskubre ng mga makabagong gamit katulad ng iPod, Laptop, at iba pang mga kagamitan kung saan pwedeng mag social network katulad ng Facebook, Twitter, at iba pa.
    Nakakatulong rin ito sa pagpapalawak ng ating komunikasyon. Pero meron rin namang masamang dulot ang mga social network, katulad na lamang ng pagkalulong ng mga kabataan sa mga ito at nagiging resulta sa pagkakuha n mababang marka sa mga asignatura. Sa pamamagitan rin ng mga social networks nakakakilala tayo ng mga estranghero na nagpapanggap bilang kaibigan natin. Katulad nalang sa mga nababalita sa mga telebisyon na napaparami na ang mga bilang ng napapatay, nanakawan, at higit sa lahat ang paggahasa sa mga kababaihan ng kanilang mga nakilala sa social networks.
    Ginawa ko po ang blog na ito hindi para pilitin na itigil ng mga kabataan ang kanilang pag-gamit ng social networks, kundi ibalanse nila ang kanilang oras sa paggamit ng Social Networks

  • #68

    venancio minorias (Tuesday, 16 October 2012 06:42)

    hindi..... kc meron kang communication sa pamilya mo sa ibang lugar.

  • #69

    mArk_69 (Tuesday, 22 January 2013 09:39)

    8=D-----

  • #70

    Juicer Review (Wednesday, 17 April 2013 00:06)

    I just shared this on Facebook! My friends will definitely enjoy it!

  • #71

    student (Monday, 19 January 2015 05:36)

    thank you dahil nakatutulong kayo sa akin para masagot ang aking ass.

  • #72

    LYKIKS (Monday, 09 March 2015 23:46)

    ANG GANDA PU.PWEDE PO BANG HIRAMIN MUNA ANG KONTING DETALYE PARA PU SA AMING PROYEKTO MALAKING TULONG PU ITO SAMIN. SALAMAT PU.

  • #73

    Memutihkan Wajah Secara Alami (Thursday, 31 December 2015 01:20)

    Köszönöm információk nagyon érdekes és remélhetoleg hasznos

  • #74

    Obat Gerd Paling Ampuh (Wednesday, 13 January 2016 01:14)

    die Informationen sind sehr nett und hilfsbereit zu uns, wir als Droge Verkäufer sagen, ich danke Ihnen so sehr für den Austausch von ihnen, Gott immer segne uns. :)

  • #75

    Obat Herbal Ejakulasi Dini Paling Ampuh (Friday, 15 January 2016 20:13)

    mantap beritanya, terimakasih atas beritanya.

  • #76

    Gerald Rivera (Monday, 18 January 2016 21:27)

    nice po

  • #77

    Janmer Barrios (Wednesday, 20 January 2016 19:26)

    Ang galing nyo po, nakatulong pa po ang mga sinabi nyo saamin dahil ito ang tapic namin ngayon salamat po. : ) '-' '='

  • #78

    obat herbal kelenjar getah bening (Thursday, 28 January 2016 03:10)

    may be useful, the information is very interesting

  • #79

    CARA MENGHILANGKAN BERCAK PUTIH (Tuesday, 08 March 2016 00:22)

    sorry I helped to establish the link.
    your website is very good and this article is very useful.
    good luck and always success for your blogging.

  • #80

    OBAT HERBAL KISTA BARTHOLIN (Wednesday, 16 March 2016 04:12)

    selamat siang gan,
    salam kenal, blogger baru nih,
    ijin berkomentar yaa, hehe...
    semoga artikelnya bermanfaat dan blognya bisa maju terus, okeh.

  • #81

    Obat Untuk Penyakit Kondiloma Akuminata (Thursday, 09 June 2016 01:18)

    mantap nih.. salam sehat dari kami untuk semuanya..

  • #82

    jak oczy�ci� aure (Thursday, 01 December 2016 03:01)

    tam-tam