Mon

31

Jan

2011

Karaniwang Maling Gawi sa Pag-aaral

Ni Aseret Anne B. Lasquety

photo credit: google.com
photo credit: google.com

Ni Aseret Anne B. Lasquety

 

Mahigit kumulang isang buwan na lamang ay magtatapos na naman ang isang taong pag-aaral at marahil, marami sa atin ang kailangang bumawi upang makapasa o kaya ay makamit ang inaasam na target grade. Upang magawa ito, kinakailangan nating malaman ang ating mga pagkakamali sa ating nakasanayang gawi sa pag-aaral. Nakalahad sa artikulong ito ang sampung karaniwang pagkakamaling gawi ng isang estudyante.


Una ay ang madalas na pagliban at ang pagiging huli sa klase. Ito ay isa sa mga karaniwang pagkakamali ng mag-aaral at hindi maiiwasan (Rockler-Gladen, 2008). Kung nais nating tumaas ang ating grado, kailangang tayo ay nasa loob ng klase upang mas maintindihan ang ating mga leksyon.


Pangalawa ay ang hindi pagkopya ng leksyon at mga importanteng sinasabi ng guro. Sa kasamaang-palad, marami na ngayong estudyante ang hindi kumukopya ng leksyon. Kailangang matutunan nating makinig sa mga sinasabi ng mga guro at kumuha ng masusing tala (Rockler-Gladen, 2008).


Pangatlo ay ang tamang paggamit ng ating oras. Dahil madami tayong responsibilidad katulad ng pagiging miyembro ng mga klubs at mga organisasyon na minsan ay sumasabay sa ating responsibilidad bilang mag-aaral, kinakailangang matutunan natin na hawakan nang maayos ang ating oras.


Pang-apat ay ang pagpapaliban ng ating mga gawain hanggang sa huling minuto. Talagang mapupuna kung ang isang aktibidad ay ginawa lamang ng mabilisan sapagkat maaaring may mga pagkakamali na hindi natin naiwasto dahil sa pagmamadali o kaya naman talagang hindi na naging maayos ang ating pagkagawa at wala na tayong panahon para ayusin ito. Kung gusto natin ng kaaya-aya at maayos na resulta, kailangang bigyan natin ito ng karampatang oras o panahon upang makapagsaliksik bago gawin ang atas.

 

Panglima naman ay ang kraming. Konektado din ito sa pang-apat na takda sapagkat ito ay ang pagpapaliban ng mga gawain na iniatas sa atin. Ang kakayahan na magpokus sa isang gawain ay isang kahusayan lalo na sa dami ng mga nakapaligid na maaaring umantala ng ating mga gawain tulad ng mga laro at paggamit ng Internet tulad ng Facebook at iba pa (Rockler-Gladen, 2008).


Pang-anim ay ang kabiguang basahin ng maayos ang panuto at ang di pagsunod dito. Dapat pakinggan ang guro habang nagpapaliwanag at kung hindi maintindihan magtanong agad upang maging tama ang gagawin. Kadalasang nagiging mababa ang resulta ng grado dahil lamang sa hindi pagsunod sa panuto.


Pampito ay ang pag-asa sa ibang kaklase. Hindi naman masama magpatulong kung hindi natin maintindihan ang leksyon ng guro ngunit huwag tayo palaging umasa sa iba sapagkat may mga pagkakataon na wala sila o kaya ay hindi rin nila alam ang sagot o di kaya may ibang pinagkakaabalahan at walang panahon na turuan tayo. Dapat matutunan nating mag-aral ng mag-isa at kung nahihirapan talaga ay maaari naman tayong magpaturo sa ating mga guro o nakatatandang kapatid na napagdaanan na ang leksyon. Pwede rin naman tayong sumali sa pangkatang pag-aaral para may matutunan sa iba at maaari pa nating maibahagi ang ating kaalaman sa kapwa natin mag-aaral (Rockler-Gladen, 2008).


Pangwalo ay ang pag-asa natin sa Internet. Sa kasalukuyan, tayong mga kabataan ay umaasa na lamang sa Internet sa ating paggawa ng takdang-aralin at pagsasaliksik. Tandaan natin na hindi lahat ng nahahanap na artikulo sa Internet ay wasto at tama. May mga iba na kulang ang ibinibigay na imformasyon o sadyang mali upang makapanlinlang ng iba. Dapat may iba tayong sanggunian tulad ng mga libro upang masiyasat natin ang imformasyon na nakuha natin sa Internet.


Pangsiyam naman ay ang panunulad o mas kilala sa terminong Ingles na plagiarism. Ito rin ay konektado sa pangwalong takda sapagkat madalas nagagawa ang panunulad sa pamamagitan ng pag-copy paste ng sagot na hindi nilalagay ang sanggunian nito. Huwag natin kalimutang banggitin ang mga sanggunian na ginamit natin at i-rephrase ang talata bago ipasa sa guro. Ang panunulad ay isang uri ng pandadaya at pagnanakaw sapagkat inaangkin natin ang ideya na hindi naman tayo ang nakabalangkas.


Panghuli ay ang kabiguang humingi ng tulong. Katulad ng mga nabanggit ko sa mga naunang takda, huwag tayong magdalawang-isip na magtanong at magpaturo sa ating mga guro at iba pang mga tao na nakakaalam ng ating aral. Kung kinakailangan nating magpaturo sa isang tiyutor para mas mainitindihan natin ang leksyon at makakuha ng mga pamamaraan upang mas mapadali at maging epektibo ang ating pag-aaral. Wala namang mali na magpaturo sa iba basta huwag lang nating iaasa sa kanila lahat ng ating mga gawain at responsibilidad sa paaralan.


Tandaan na ang pag-aaral ay isang proseso. Kung ang ating gawi sa pag-aaral ay hindi epektibo, baguhin natin para mapabuti at mapaayos ito. Walang mag-aaral ang perpekto ngunit kapag ibibigay natin ang lahat ng ating makakaya na makapag-aral ng mas mahusay, mapapansin natin na tayo ay mas gumagaling habang tumatagal (Rockler-Gladen, 2008).

 

Write a comment

Comments: 126

  • #1

    kier lapz (Monday, 31 January 2011 08:26)

    ok naman xa..hehehehe

  • #2

    kier lapz (Monday, 31 January 2011 08:30)

    basta graduate na ....ok na un..hahaha sus

  • #3

    aira lyne (Monday, 31 January 2011 08:34)

    Tama lahat ng nabanggit. Nice blog :)

  • #4

    Aseret Lasquety (Monday, 31 January 2011 08:34)

    Kier, salamat sa iyong komento. Sana may natutunan ka sa aking artikulo. :) Tandaan, may kolehiyo pa, maaari pa itong gamitin sa hinaharap.

  • #5

    Aseret Lasquety (Monday, 31 January 2011 08:36)

    Salamat, Aira Lyne. :)

  • #6

    aira lyne (Monday, 31 January 2011 08:38)

    kung di itatama ng estudyante ang mga maling kagawian na ito, siya rin ang kawawa at magsisisi sa huli dba? kya hanggat maaga pa, kelangan na 'tong ituwid. :)

  • #7

    kier lapz (Monday, 31 January 2011 08:39)

    hahaha...binasa mo ba lahat aira?? hahaha

  • #8

    Aseret Lasquety (Monday, 31 January 2011 08:40)

    Tama Aira Lyne. Kailangang maliwanagan na ang mga mag-aaral habang maaga pa. :)

  • #9

    Jenny Espinosa (Monday, 31 January 2011 08:41)

    Tama yan. Kaya kailangan talaga pagbutihan ang pag-aaral :)

  • #10

    kier lapz (Monday, 31 January 2011 08:44)

    kaya mag-aral ng mabuti..kahit 75% sa card pwede na basta pasado..hahahahaha

  • #11

    Aseret Lasquety (Monday, 31 January 2011 08:45)

    Salamat sa pagkomento Jenny at mabuti naman na ikaw ay sumasang-ayon sa akin. :)

  • #12

    aira lyne (Monday, 31 January 2011 08:46)

    Kier, oo binasa ko. Marami ng hadlang sa pag-aaral ng mga estudyante ngayon. Tulad na lamang ng internet, specifically sa mga social networking sites at online games na kung tutuusin ay mga bagay na may malaking epekto sa pag-aaral ng mga estudyante.

  • #13

    Aseret Lasquety (Monday, 31 January 2011 08:47)

    Mali ang ganyang pag-iisip, Kier. Dapat gawin natin lahat ng ating makakaya upang maging mataas ang ating grado. Gawin natin ito para sa ating mga sarili upang maging maganda ang ating kinabukasan.

  • #14

    Margaux de la Paz (Monday, 31 January 2011 08:50)

    Tama ang lahat ng iyong sinasabi. Sumasang-ayon talaga ako rito. Katamaran ang sanhi nitong mga gawi na ito. Dapat maging masigasig sa iyong pag-aaral at dapat magsikap ka talaga ng mabuti dahil ang lahat naman ng ito ay para sa iyong kinabukasan naman at hindi sa iba. Magsikap ka ngayon para sa ikabubuti ng iyong kinabukasan.

  • #15

    Martin M. (Monday, 31 January 2011 08:59)

    Oh ayuz... tutal natututo rin tayo sa ating mga dehins na sadyang mali.

  • #16

    MrZero Dalagan (Monday, 31 January 2011 09:03)

    NICE BLOG

    AMAZING MAH MEN ^_^


    Mr.Zero irr

  • #17

    Lanie K. (Monday, 31 January 2011 09:04)

    I agree. Tama lahat ng sinasabi dito.
    Kier: Kung sa tingin mo kaya mong gawin na mas mataas a sa 75% ang iyong grades, go for it. Don't be contented na lang sa ganyan grade. You must have effort and determination. Kaya yan!

  • #18

    Jon Marlo Panong (Monday, 31 January 2011 09:11)

    isangtabi na naten ang mga luho naten para makagraduate! XD

  • #19

    Aseret Lasquety (Monday, 31 January 2011 09:11)

    Salamat, Margaux. Tama ka rin. Katamaran ang sanhi ng mga ito. Dapat tayo ay maging responsableng mga mag-aaral dahil ito naman ay para sa ating ikabubuti. :)

  • #20

    Aseret Lasquety (Monday, 31 January 2011 09:14)

    Salamat Martin at MrZero. Sana kayo ay may natutunan sa blog ko. :)

  • #21

    Aseret Lasquety (Monday, 31 January 2011 09:18)

    Salamat din Lanie. Tama din ang sinabi mo kay Kier. Kung kaya naman, bakit hindi, di ba?

  • #22

    Aseret Lasquety (Monday, 31 January 2011 09:21)

    Salamat sa komento, Marlo. Tama ka. Konting tiis na lang kaya ibigay na natin ang lahat ng ating makakaya sa pag-aaral. :)

  • #23

    Chazandra Joy H. Pis-an (Monday, 31 January 2011 09:24)

    Tama. Pasensya lamang ang kailangan. Tandaan, hindi madali ang buhay kailangan itong paghirapan.

  • #24

    Aseret Lasquety (Monday, 31 January 2011 09:29)

    Salamat Chazandra. Tama ka rin. Pasensya ay mahalaga kung gusto nating may makamit sa ating buhay. :)

  • #25

    erick laping (Monday, 31 January 2011 09:35)

    naniniwala ako lahat ng tao na nilikha ng Dios ay matalino at malikhain..walang tao na bobo kaya nga ang pag aaral ay napaka importante para sa bawat isa..simple lang naman eh kung gusto mo maging matalino mag aral ka ng mabuti at kung gusto mo na pagtatawanan ka at maging tanga wag ka mag aral mamili ka..dahil kung ano ka ngayun yun ka...

  • #26

    Karlo Rodriguez (Monday, 31 January 2011 09:36)

    Sumasang-ayon ako sa mga sinabi mo, maganda ang paggawa mo sa iyong blog.:)

  • #27

    Alodie Mankin (Monday, 31 January 2011 09:41)

    Tama. Sumasang-ayon ako. Dapat ay maging responsable tayo at magkaroon ng mahabang pasensya para sa ikabubuti ng ating pag-aaral.

  • #28

    Aseret Lasquety (Monday, 31 January 2011 09:41)

    Salamat, Erick. Tama ka, lahat ng tao ay ginawang matalino at may talento. Dapat mahasa natin ang ating kakayahan para magamit natin ito sa ating kinabukasan. :)

  • #29

    Aseret Lasquety (Monday, 31 January 2011 09:43)

    Salamat Alodie at Karlo. Sana may naitulong sa inyo ang blog ko. :)

  • #30

    erick laping (Monday, 31 January 2011 09:44)

    mapalad ang mga anak na pinag aaral ng magulang dahil may pang aral..yung iba dyan gawin na ang lahat makapag aral lang..kaya pahalagahin ang pag aaral dahil yan lang ang tanging maipapamana natin sa ating mga anak at pamilya

  • #31

    Anjelo Jaldon (Monday, 31 January 2011 09:44)

    Nice Blog :) Maganda ang paggawa. Great Job! :D

  • #32

    Nica Follero (Monday, 31 January 2011 09:45)

    Ako ay sumasang ayon sa iyong blog. Hindi natin masisisi ang ating mga guro kapag tayo ay may target grade. Tayo ang may pakana nito dahil sa ating katamaran. Dapat tayo ay magsumikap sa pag-aaral upang makakuha ng magandang trabaho sa hinaharap.

  • #33

    Jeehan Jainal (Monday, 31 January 2011 09:45)

    Sumasang-ayon ako. Sa tingin ko ay makakatulong ito sa napakaraming mga estudyante sapagkat marami sa atin ang nasanay na sa mga maling gawi na ito. Tunay ngang dapat itong baguhan para sa mas mataas na grado. :)

  • #34

    Joe kerr (Monday, 31 January 2011 09:49)

    Pwahah.. good blog. 8D I once had a friend called Kier 'Laughing' ;D and he did all of these things and his uncle was one of the higher ups staff... and he was always in trouble 8D

  • #35

    lloydren laping (Monday, 31 January 2011 09:49)

    nice blog....

  • #36

    Aseret Lasquety (Monday, 31 January 2011 09:51)

    Tama po ulit, Erick. Dapat pahalagahan ang pag-aaral.

  • #37

    Aseret Lasquety (Monday, 31 January 2011 09:52)

    Salamat Anjelo at Iloydren. Sana ay may natutunan kayo sa aking blog. :)

  • #38

    Aseret Lasquety (Monday, 31 January 2011 09:55)

    Salamat Nica at Jeehan. Dapat iwasan natin ang pagiging tamad at simulan na natin ang pagbago para sa ating ikaaasenso.

    Joe, salamat sa komento. :)

  • #39

    Jigo Daud (Monday, 31 January 2011 09:56)

    Ang Galing! good blog! kung mabigo man, so what! failure is part of success. Just learn from it. thumbs up!

  • #40

    Aseret Lasquety (Monday, 31 January 2011 09:57)

    Salamat Jigo. Tama ka, huwag gawing hadlang ang pagkabigo. :)

  • #41

    Kit U. (Monday, 31 January 2011 09:58)

    Hindi lamang sa mga estudyante sa hayskul angkop ang artikulong ito -- maging mga propesyonal at iyong mga nakapagtapos na sa pag-aaral ay may makukuha ring benepisyo dito. Ang kabuuran ng sulating ito ay ang ugat ng ating pagkabigong makamit ang ating mga layunin, maging "target grade" o "career goal" man. Ito ay ang kawalan ng sigasig at tiyaga. Kailangan nating maunawaan na walang "short cut" sa tagumpay. Makakamtan lamang ito kung tayo ay magtitiyaga at magsisikap.

  • #42

    Aseret Lasquety (Monday, 31 January 2011 10:01)

    Salamat Kit. Tama ka, ito ay maaari pa ring gamitin kahit tayo ay propesyunal na at dapat palaging may tiyaga upang magtagumpay.

  • #43

    Andrew :) (Monday, 31 January 2011 10:02)

    guilty ako hahaha xD

  • #44

    joe frizer (Monday, 31 January 2011 10:04)

    talagang punong aral ang blog na ito, dahil sa buhay ngayon ay talagang kailangan natin ng sipag at tiga..

  • #45

    Dominique Kawaguchi (Monday, 31 January 2011 10:04)

    Sumasang-ayon rin ako, ngunit hinde na natin maiiwasan nito halos lahat ng kabataan(mismo ako :P)tawagin kong ito "short-cut" na gawin ko ang lahat kahit "copy paste" para pumasa lang ng isang kahit requirement/assignment/project, at iba pa, At ako rin mismo alam na masama nito, ngunit para maaiwas ito laging tandaan i- cite ang mga sources kung nasaan nakuha ang iyong impormasyon kundi- maaring kasuhan sa inyo ang may-akda!,at kung ano pa man ibang references. at sa kudos sa blog mo po :D

  • #46

    kiyo (Monday, 31 January 2011 10:08)

    nice blog.....

  • #47

    Aseret Lasquety (Monday, 31 January 2011 10:08)

    Salamat Andrew. Kaya simulan na nating magbago. :)

  • #48

    andrew carter (Monday, 31 January 2011 10:12)

    bunani, wala ako maxado naiintindihan, hahaha konti lang pero dapat kailangan talaga ng tiyaga..

  • #49

    Cj Lantay (Monday, 31 January 2011 10:14)

    Nice blog. hope that all students not on hs students but also college students will learn in reading this blog.

  • #50

    Aseret Lasquety (Monday, 31 January 2011 10:15)

    Joe F. - Tama ka diyan. Sipag at tiyaga ang sagot sa tagumpay.

  • #51

    Aseret Lasquety (Monday, 31 January 2011 10:18)

    Tama ka Dominique. Iwasan natin ang "copy-paste" at huwag nating kalimutan ang paglagay ng sanggunian. Salamat!

  • #52

    Aseret Lasquety (Monday, 31 January 2011 10:24)

    Salamat sa komento, Kiyo, Andrew C. at CJ.

    CJ - Sana may matutunan pati mga estudyante sa kolehiyo sa blog na ito. :)

  • #53

    crisland (Monday, 31 January 2011 10:30)

    dapat tayong mag-aral ng mabuti...nice blog

  • #54

    Aseret Lasquety (Monday, 31 January 2011 10:32)

    Tama ka Crisland. Salamat din pala sa pagkomento. :)

  • #55

    agnes cecilia estive (Monday, 31 January 2011 16:26)

    dapat ganon tlga ang gawin ng lahat na estudyante kc ndi madali mghanap ng pera lalo na kmi and2 sa abroad binabayaran kmi ndi sa trabaho namin kundi sa pagiging homesick kaya ito ang dapat gawin ng isang responsable na mg aaral at na anak

  • #56

    dotribel balcorta centeno (Monday, 31 January 2011 18:33)

    tama ang lahat ng sinabi mo, at sana mabasa ito ng mga estudyante para magkaroon sila ng gabay sa kanilang pagaaral, sapagkat ito ang pinaka mahalagang maipapamana ng kanilang mga magulang na nagsisikap para mabigyan kayo ng magandang kinabukasan.

  • #57

    Mary Querilyn A. Tinae (Monday, 31 January 2011 19:28)

    lahat ay nasabi ng tama para sa isang estudyante..

  • #58

    Paz Martinez (Monday, 31 January 2011 20:43)

    Tama lahat ang sinasaad sa iyong artikulo at nararapat lamang na mamulat tayo sa tamang gawi di lamang sa pag-aaral ngunit sa lahat ng ating ginagawa upang maging tama at mabuti ang direksyon ng ating buhay.

  • #59

    Dave Bautista (Monday, 31 January 2011 20:59)

    salamat sa iyong blog dahil tama lahat ang isinasaad nito at bilang estudyante may pagkakataon pang itama ang mga maling gawi sa ating pag-aaral

  • #60

    mercy s. banta (Monday, 31 January 2011 21:22)

    your blog is so true...very informative and practical...learning is a continuing process...in this modern times....responsibility equals progress

  • #61

    weng santillan (Monday, 31 January 2011 23:16)

    nice blog! keep it up!

  • #62

    alan (Monday, 31 January 2011 23:37)

    ouch..hehehe guilty talaga ako..salamat sa blog.

  • #63

    Ruby Perez (Monday, 31 January 2011 23:41)

    you're correct 'cause good habits or the right attitude in studying is essential in achieving our goals in life...

  • #64

    jerry m. reyes (Monday, 31 January 2011 23:47)

    marami akong natutunan sa iyong blog hindi pa naman huli ang lahat di ba?

  • #65

    emmy alba de leon (Monday, 31 January 2011 23:54)

    Hindi pa huli ang lahat.Ang sampung karaniwang pagkakamaling gawi ng isang estudyante ay pwede pang itama pag nasa college na.

  • #66

    lisa may dela cruz (Tuesday, 01 February 2011 00:23)

    it's never too late... change for the better. btw, nice blog

  • #67

    Paula Estive (Tuesday, 01 February 2011 06:01)

    Sumasang-ayon ako sa lahat ng iyong sinabi. Pero kadalasan ay hindi naiiwasan ng mga mag-aaral ang mga kamaliang ito :)

  • #68

    dimple pilanga (Tuesday, 01 February 2011 06:15)

    .nice2x. mdami ako matutunan d2. :D

  • #69

    Lorna Macorol - Ramilo (Tuesday, 01 February 2011 06:46)

    Maganda sya Aseret, sana lahat ng estudyante alam nila bakit sila mag-aaral ng mabuti..dapat isapuso ang pag-aaral para balang araw kayo rin ang aani sa mga pinaghirapan nyo, ika nga "What you sow, so shall you reap." congats for a job well done...

  • #70

    Monique S. Alforte (Tuesday, 01 February 2011 17:57)

    nice blog,tama ang sinabi mo,dapat lahat ang estudyante gagawa ng extra effort para makakuha ng mataas na grade.congrats Aseret.

  • #71

    Ken-ken Sta. Elena (Wednesday, 02 February 2011 05:01)

    Base nga naman sa personal na karanasan, kahit mahirap man aminin, tama ang mga nakasaad dito. Wala namang ibang taong sisisihin sa mababang grado nakuha natin kundi ang mga sarili natin (kung ginagawa man natin ang mga nakasaad sa artikulong ito), yun ay kung hindi "minamagic" ng guro ang mga gradong pinaghirapan natin, tama? :)

  • #72

    AC Estive (Wednesday, 02 February 2011 07:43)

    Ang iyong nabanggit ay tama. siguro nga kasalanan ito ng bawat isa, kailangan alam ng isang mag-aaral ang dapat niyang gawin bilang mag-aaral. kailangan din niya isipin ang kanyang pag-aaral sapagkat ito ang kailangan niya.

  • #73

    Kristin Gail. (Wednesday, 02 February 2011 10:02)

    Sang ayon ako sa blog mo, Aseret. :)

  • #74

    Xtel (Wednesday, 02 February 2011 10:03)

    Tama po. :)

  • #75

    Dan (Wednesday, 02 February 2011 10:06)

    Interesting blog. :D Tama ang mga sinabi mo. At ang dami ko palang maling gawain. LOL. Sana makita to ng ibang istudyante for them to have a sense of change. :D

  • #76

    Sameyha Imlan (Wednesday, 02 February 2011 10:11)

    Tama nga naman talaga ang mga naibanggit sa artikulo at inaamin ko, ako ay natamaan pero susubukin kong magbago. ^_^

  • #77

    Aseret Lasquety (Wednesday, 02 February 2011 10:12)

    Salamat sa lahat ng nagkomento sa aking blog. :)

  • #78

    lovely francisco (Wednesday, 02 February 2011 10:12)

    nice blog..

  • #79

    Giii. (Wednesday, 02 February 2011 10:13)

    Nice Blog. :)

  • #80

    jake :D (Wednesday, 02 February 2011 10:14)

    nice :D

  • #81

    KarlZkie (Wednesday, 02 February 2011 10:16)

    Nice blog. >:)) More power to you. :)

  • #82

    Keesh :3 (Wednesday, 02 February 2011 10:34)

    Tama nga ang iyong sinabi. Dapat malaman ng ating mga kapwa kabataan tungkol sa pangangailangan natin magsikap sa pag-aaral. :DD

  • #83

    hashim abubakar :) (Wednesday, 02 February 2011 10:47)

    sang-ayon ako..dapat lahat tayo mag graduate..kailangan ay magsikap tayo para abutin natin kung meron man tayong mga target grades.:D

  • #84

    Edward P. (Wednesday, 02 February 2011 10:51)

    angkop ang blog na to para sa mga hs graduating dyan.

  • #85

    Sirach John Lacson (Wednesday, 02 February 2011 10:51)

    Sang ayon! buti naman may taong naii-isip kung ano ang kamalian ng mga kabataan, (tulad ko? XD)..

  • #86

    ava may (Wednesday, 02 February 2011 11:04)

    tama po ito. ganda ng blog niyo..

  • #87

    Ian (Thursday, 03 February 2011 09:12)

    Nice article, dapat ituwid na ang pamamaraan ng pag-aaral. Magtiwala sa sariling kakayahan at wag umasa sa iba. c:

  • #88

    Star Joyce (Thursday, 03 February 2011 09:22)

    Wow. Pwde maging aral sa mga studyante na ayusin ang pagkakamali sa skwela at upang gumawa ng tama habang nasa klase. Nice blog, anyway. :]

  • #89

    jeremy (Thursday, 03 February 2011 09:26)

    totoo ang lahat nakasulat dito.

  • #90

    Gene (Thursday, 03 February 2011 09:34)

    ito ang dapat na gawin at tandaan ng mga studyante para hindi sila maiiwanan sa leksyon dahil ang edukasyon ang makakatulong sa atin balang araw.

  • #91

    Ruby L. (Thursday, 03 February 2011 09:58)

    Sumasang-ayon ako sa iyong artikulo, Aseret. Dapat tayo ay magsumikap sa pag-aaral upang magkaroon ng magandang kinabukasan. Pasensya lang ang ating kailangan upang makamit natin ang ating layunin.

  • #92

    Medy Tan (Thursday, 03 February 2011 10:13)

    Kahit hindi ko nabasa lahat ng laman ng artikulo ay madami ako natutunan.

  • #93

    Salina Teo (Thursday, 03 February 2011 10:15)

    Tama nga naman :)

  • #94

    Neil Sindiong (Thursday, 03 February 2011 10:30)

    NICE^^....

  • #95

    Mark Funes (Thursday, 03 February 2011 10:37)

    Napakapormal ng pagkakagawa. Astig*. Pati comments sumabay na rin! :)) Two thumbs up! :D

  • #96

    Jen Lim (Thursday, 03 February 2011 10:45)

    dami ako natutunan. okay ito. g'luck sayo!

  • #97

    Trisha V. (Thursday, 03 February 2011 10:54)

    Dapat itong mabasa ng mga estudyante para sila ay maliwanagan kung ano ang makatutulong sa kanila sa pag-aaral.

  • #98

    lyn galindo (Thursday, 03 February 2011 20:53)

    everything in this blog is true. great blog asereht.

  • #99

    farah mendoza (Friday, 04 February 2011 14:57)

    nice blog! maraming matututunan ang mga estudyante sa iyong artikulo.

  • #100

    Flora Magallanes (Friday, 04 February 2011 18:58)

    Thumbs up! we should realize our mistakes... the sooner the better...

  • #101

    rebecca samia (Saturday, 05 February 2011 00:16)

    tama lahat ang nabanggit mong maling gawi sa pag-aaral,maging gabay sana itong artikulo mo sa mga kabataan ngayon.

  • #102

    tony lim (Saturday, 05 February 2011 00:49)

    maganda ang isinasaad ng iyong blog!

  • #103

    alvin :) (Saturday, 05 February 2011 01:24)

    good article!

  • #104

    Sir Marcial (Saturday, 05 February 2011 11:51)

    Checked 02/06/2011

  • #105

    Sir M (Thursday, 10 March 2011 06:54)

    47 comments validated

  • #106

    rennier:p (Monday, 06 June 2011 01:25)

    ganda maraming matututunan........nc ate

  • #107

    Jasmine Juane (Tuesday, 26 July 2011 04:26)

    Mapagpalang hapon po. Maraming salamat po sa blog na ito. Ang dami ko pong natutunan. Sa totoo po kahit hindi ako ganoong katalino ay dinadaan ko ang lahat sa pagsisikap at tiwala sa Diyos. Kahit na hindi ako yung nangunguna sa klase ngayong kolehiyo, ang mahalaga ay yung alam mo na pinagsikapan,pinagpuyatan at pinagpaguran mo ang lahat.

  • #108

    Dresses Outlet (Wednesday, 10 August 2011 03:59)

    At the same time distinct fashion consultants run their companies in different approaches, lots of concentrate only on outfits and apparel accessories. People that are owning a hard time attempting to choose out an outfit for any specific function or perhaps a new position, more often than not turn to some trend consultant for pro information.One mistake that countless persons make when pondering whenever they may make bucks as being a vogue expert is by wondering that it's as well very difficult. Absolutely yes, you might not have the ability to predict what the subsequent new trend trend might be, however you might help folks that are interested in improving their fashion feeling now. It is possible to effortlessly try this since you should certainly have a very variety of assets at your fingertips.

  • #109

    Mila (Tuesday, 18 October 2011 15:56)

    Fine post dude

  • #110

    Michelle (Saturday, 22 October 2011 12:38)

    I have been recently following weblog for any few months or so and possess found a ton of information and also adored the method youve organized your website. I am trying to work my really individual blog site nevertheless. I believe it's also basic and I should give attention to a great deal of scaled-down topics. Getting things to all or any individuals isn't all that the damaged as much as be.

  • #111

    Jezkon (Saturday, 22 October 2011 14:50)

    You will find already been following web site to get a thirty day period or so and have picked up a huge amount of info and liked the process that you've structured your web site. We are looking to run my extremely private website however. I believe it's way too common and I have to consentrate on quite a lot of scaled-down matters. Being as much as possible to all people is not all of that it's chipped as much as end up being.

  • #112

    Amartuvshin (Tuesday, 25 October 2011 12:23)

    Several of these replies on this post are garbage, You should delete them.

  • #113

    Ryan (Wednesday, 26 October 2011 02:10)

    Several of these replies on this post are garbage, You should delete them.

  • #114

    Filii (Friday, 28 October 2011 02:25)

    Hm, I’m just comfortable with this but still not entirely convinced, hence i’m going to research a touch more.

  • #115

    Mara (Friday, 28 October 2011 17:00)

    I do believe some other web site masters need to consider this web site as a possible style extremely clean and great style and design, let alone this article. You’re a professional in this field!

  • #116

    JuLi (Saturday, 29 October 2011 22:51)

    Fine 1 publish. Normal problem is usually G. change their own thoughts too frequently.

  • #117

    Kuba-Sna (Friday, 11 November 2011 16:43)

    Hey are using WordPress to your web site platform? Iam a new comer to the blog globe nevertheless. Iam trying to find started out and hang up my own. I also found out about Drupal is ok. Sees my own choice.... Useful post, cheers.

  • #118

    Riccardo (Friday, 25 November 2011)

    Auto Tweet plugin for WordPress Post the post to Twitter, from Wordpress administrator area

  • #119

    Beats Studio (Wednesday, 30 November 2011 20:30)

    When playing inside a team environment that focuses on communication, Beats Studio is important that you invest in discount monster beats headphones which will permit you to clearly connect to another people you're playing with. Whether they are in the same room or on the other side of the globe, it is essential that your voice can be heard evidently and without the effect of ambient noise. Making investments inside a headset which doesn't provide the best resource for unambiguous communication will only hamper your gaming efforts and result in complications when working with others with the online environment.

  • #120

    dražby nemovitostí (Monday, 02 April 2012 06:50)

    Appreciate your data

  • #121

    Paľo (Thursday, 05 April 2012 16:14)

    is shortly

  • #122

    Vladan (Monday, 16 July 2012 16:34)

    will come back soon

  • #123

    sherwani (Friday, 21 September 2012 02:15)

    "I like all the reviews have been posted by the visitors of this site, some of them are very good suggested regard the article."

  • #124

    evening party sarees (Saturday, 20 October 2012 02:43)

    "Good day really nice web site!! Guy.. Excellent.. Superb.. I'll search for the web site as well as carry the nourishes also …I am happy to seek out numerous useful information here in the post, we want work out extra techniques in this respect, thank you for discussing."

  • #125

    Chelsey ♥ (Saturday, 05 January 2013 02:04)

    Tama :) Thank you po sa pag popost netong article nyo, nakatulong po ito sa research paper ko :))

  • #126

    mena (Monday, 06 May 2013 06:10)

    salamat po sa sa post nkatulong din sa aking assignment......

  • loading