Mon

31

Jan

2011

DotA: May Naitutulong Ba sa Pag-aaral?

Ni John Noel R. Mañibo

Google.com
Google.com

           Alam mo ba kung ano ang DotA? Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin ng mga letrang bumubuo sa salitang DotA? Kilala mo ba si IceFrog? Si Tuskarr at si Phoenix? Puwes, kung alam mo ang sagot sa mga tanong na ito, masasabing ikaw ay mahilig maglaro ng DotA. Ang Defense of the Ancients o mas kilala sa tinatawag nating Dota ay isang sikat na sikat na laro na minamahal nating mga Pilipino, bata man o matanda. Araw-araw, ang DotA ay nilalaro sa mga internet shops sa buong bansa. Karamihan sa mga naglalaro nito ay ang kabataan. Ang isang laro ng DotA ay umaabot sa isang oras o higit pa, at kung nasiyahan ka sa una mong laro, tiyak na hindi ka makukuntento sa isa lang. Kaya naman nag-iipon ang mga bata ng pera para lang may makapaglaro sila ng matagal sa mga internet café, at dahil na rin sa hilig ng mga bata na maglaro at maglaro ng DotA ay sinasabi ng marami na wala itong mabuting naidudulot sa mga bata, mas lalo na sa kanilang pag-aaral. May mga guro na ring nagrereklamo dahil iilan sa kanilang mga estudyante ay tumatakas sa kani-kanilang klase para lang makapaglaro ng DotA.

 

Kaya ang tanong natin: May mabuting epekto ba ang paglalaro ng DotA sa kabataan, lalo na sa kanilang pag-aaral?

 

           Inaamin ko na ilang taon na akong naglalaro ng DotA. Kung iisipin ko, may maganda naming naitutulong ang paglaro ng DotA sa ating pag-aaral. Magbibigay ako ng apat. Una, kapag naglalaro ka ng DotA, kailangang saulado mo ang buong laro. Dapat saulado ang skills ng bawat hero, lugar kung saan makikita ang mga item, at materials para sa recipe ng isang item. Hindi madali gawin ito dahil napakarami ng hero (mayroong 100+ na hero at bawat isa ay may apat na skills), at sangkatutak rin ang mga item. Dapat ay sampu o higit pa ang kailangan mong malaro para masaulo ang ins and outs ng DotA. Ngayon, paano ito makatutulong? Simple lang. Nakatutulong ang DotA sa kakayahan ng isang manlalaro na magsaulo ng maraming bagay. Kung kaya mong isaulo ang bawat skill ng bawat hero at ang lahat ng items, hindi ka rin dapat mahirapan sa pagsaulo sa mga bagay-bagay sa iyong pag-aaral. Sa ating pag-aaral, marami tayong kailangan isaulo tulad ng mga tula, konsepto, formulas at iba pa. Tuwing tayo ay nag-aaral, sinasaulo natin ang mga naisulat natin sa ating mga kwaderno para mas maunawaan natin. Nahahasa natin ang kakayahan nating magsaulo sa paglalaro ng DotA. At pangalawa, kailangan mabilis tayong mag-isip sa paglalaro ng DotA. Dapat bantay ang bawat tower at ang kalabang hero. Kapag may nangyari, alam mo agad kung ano ang kailangan gawin. Tinuturo rin ng DotA ang magandang aral na iyan. Ang mental alertness ay importante rin sa ating pag-aaral dahil alam natin agad kung ano ang dapat nating gawin, tuwing may dumaan na guro,kapag may nakitang basura sa paligid, at sa mga tanong na ipinapasagot sa atin. Higit pa roon, ang mental alertness na hinahasa rin ng DotA ay nakatutulong hindi lamang sa ating pag-aaral kundi pati sa ibang mga bagay na rin. Pangatlo, nakatutulong rin ang DotA dahil nagagamit natin rito ang ating mga natutunan sa sipnayan dahil kumukwenta tayo para sa gold, damages, physical ang magic reduction sa paglalaro ng DotA (Verin, 2011). Panghuli, ang DotA ay nagsisilbing pang-iwas natin sa ibang mga bisyo tulad ng paninigarilyo at paggamit ng droga na nagbibigay ng masasamang epekto sa ating katawan at isipan (Patulad, Sabio, & Malaluan, 2009). Kung tayo'y malululong sa mga bisyong ito, tiyak na hindi natin maiisipang ating pag-aaral. Mas mabuti na ang maglaro ng DotA dahil hindi ito nakakasama sa ating katawan, at marami ang kayang ipagsabay ang DotA pati ang pag-aaral. Kung hindi naman, mabibigay ng DotA ang dalawang epekto na nakasaad sa itaas.


            Nakikita natin na hindi naman puro problema ang dulot ng DotA sa buhay ng isang bata. May mga magandang epekto rin naman ito. Pero hindi dapat naaadik ang mga bata sa paglalaro nito. Mas importante pa rin ang mag-aral ng maayos sa pamamagitan ng pagbasa ng ating mga libro at pakikinig sa guro. Nakakatulong lamang ang DotA. Iilang oras lang sa isang linggo ang ibigay natin para sa DotA. Dapat ay humihigit pa rin ang ibinigay natin sa matinong pag-aaral.

 

Sanggunian:

Patulad, J., Sabio, M., & Malaluan, A. (2009). DotA sa isang mag-aaral. Retrieved on February 01, 2011: http://dotaatbuhay.blogspot.com/

Verin, A. (2011). Dota and the Youth Today. Retrieved on February 01, 2011: http://ezinearticles.com/?Dota-and-The-Youth-Today&id=2679117

Write a comment

Comments: 76

  • #1

    Kuya Andoy (Monday, 31 January 2011 09:07)

    Nagsisilbi itong motivation sa pag-aaral. Hindi naman ito nakasisira sa pag-aaral kung moderate lang ang paglalaro.
    Bravo, John.

  • #2

    ian (Tuesday, 01 February 2011 06:42)

    Walang masama sa isang bagay lalo na kapag nakakapagpasaya ito sa iyo.May mga magagandang bagay naman itong naidudulot.Ang kailangan lng nating matutunang gawin ay ang malaman kung kailan tayo titigil at sasabing 'tama na'. Tandaan din nating walang kahit na anong bagay ang maganda kapag sobra ito.kung kaya't dapat, di sobra, di din kulang.tama lang. :D

  • #3

    John Noel Manibo (Tuesday, 01 February 2011 06:53)

    Tama! Dapat ay nilalagaynatin sa wastong oras ang paglalaro. Nakasaad na dapat mas humihigit pa rin ang oras sa mga mas importanteng bagay tulad ng pag-aaral kaysa sa paglalaro.

  • #4

    ian (Tuesday, 01 February 2011 06:58)

    Tamaaa.Mahirap naman ding tanggalin sa isang tao ang isang bagay na nakagawian na niya.Ang magagawa nlng natin ay tignan ito sa isang positibong pananaw at ito ay magdudulot ng mas madami pang mabubuting bagay.

  • #5

    Ranrey (Tuesday, 01 February 2011 07:05)

    Maraming magandang bagay din naman ang naidudulot ng DoTA sa mga kabataan at sa kanilang pag aaral. Gaya ng sabi ng author, mas nagiging alert ang isang tao kung madalas siya maglaro ng dota. Nakakatulong din naman ito sa pag type ng mabilis kung kailangan man natin gumawa ng isang mahabang article sa English o para sa codes kung exam sa TLE. Isa pa, ang DoTA o kahit ibang mga laro ay nagisisilbing inspirasyon sa mga estyudante para mag aral ng mabuti dahil kung magiging mababa ang kanilang mga grado ay siguaradong hindi sila papayagan ng kanilang mga magulang na maglaro ng kompyuter kea pinipilit nilang gawin mataas ang grado nila upang makalaro sila ng DoTA o ibang PvP na mga laro.

  • #6

    Aizel (Tuesday, 01 February 2011 07:06)

    Mas magiging nakahihikayat ang artikulo kung nilapatan ng katibayan ang bawat punto. :)

  • #7

    Pabius (Tuesday, 01 February 2011 07:22)

    sa tingin ko oo dahil nahahasa ang iyong pag iisip kung pano itong gawin, tulad ng pagsusulat mabilis kang sumulat kung maglalaro ka ng dota,

  • #8

    Karlo Rodriguez (Tuesday, 01 February 2011 07:25)

    Kahit may nagasabi na masama sa mga kabataan ang DOTA. Pwede pa rin ito magbigay sa atin ng magagandang bagay. Hindi lang kasi alam nila kung ano ang laro na iyon.:))

  • #9

    John Noel Manibo (Tuesday, 01 February 2011 07:32)

    Marami naman sa kabataan ngayon ang nagsasabi na ang DotA ay nagsisilbing pagganyak sa kanila para mag-aral. Hindi rin naman lahat ng kabataan ay nasosobrahan sa paglalaro nito. Salamat po sa inyong mga opinyon. Huwag rin po kayong mahiyang magtanong. :)

  • #10

    Vanessa Jane Vicete (Tuesday, 01 February 2011 07:35)

    Para sa akin, may disadvantages and advantages ito. Isang disadvantage nito ay kinukuha nito ang oras na sana nilalaan ng mga estudyante para sa pag-aaral. Ngunit kahit ito ay may masamang naidudulot, meron rin namang magandang naidudulot. Kahit hindi ako naglalaro ng dota, alam kong sa tuwing naglalaro ang mga estudyante nito, na-eensayo ang kanilang pag-iisip. Napapabilis nito ang kanilang pag-iisip, isang bagay na nagagamit natin sa loob ng klase.

  • #11

    gia (Tuesday, 01 February 2011 07:36)

    sa tingin ko ay nasa tao yan kung kaya niya bang mas pahalagahan ang kanyang pag-aaral kaysa sa dota. ok lng kung kaya nilang imanage ang kanilang oras. kailangan maging responsable parin ang mga naglalaro nito.

  • #12

    DJ Jobert T. (Tuesday, 01 February 2011 07:37)

    tama dahil sa paglaro ko nang dota ay nainprove ko ang akin reaction time at ang pag saulo ng mga salita :D

  • #13

    John Noel Manibo (Tuesday, 01 February 2011 08:06)

    Vanessa at Gia, tama rin naman na may masasamang epekto rin ang DotA sa mga mag-aaral, lalo na kung hindi sila responsable sa paglalapat ng tamang oras para sa paglalaro. Dapat nga ay iilang oras lamang ang ibigay sa DotA sa isang linggo, at ang ibang oras ay ibigay sa mga mas importanteng bagay.

  • #14

    John Noel Manibo (Tuesday, 01 February 2011 08:08)

    DJ Jobert T, mabutiat may magandang naidulot sa iyo ang paglalaro ng DotA. Siguraduhin lamang na huwag sumobra sa paglalaro nito.

  • #15

    Jamir Hamsirani (Tuesday, 01 February 2011 08:57)

    Hinde ito nakabubuti para sa mga kabataan dahil ito ang rason kung bakit nasisira ang edukasyon ng mga bata :))

  • #16

    Arvin (Tuesday, 01 February 2011 09:23)

    Ang masasabi ko lang, oo may punto ka para sabihing ang Dota ay may maitutulong sa pag-iisip ng tao, pero mas marami pa ding kabataan na nalulong sa computer games ang nasira ang pag-aaral kaysa sa mga kabataan na natulungan nito. Natututo ang mga bata na magsinungaling sa magulang (para tumakas upang makalaro), sumuway sa magulang, at imbis na mag-aral ay computer ang kaharap. Kung hindi mo ito lalaruin ng matagal, hindi mo ito maisasaulo <or magagamay ang mga Hero>. Sabi mo na sa paglalaro nito makakatulong ito sa pag-aaral at pag-iisip. Pero sa paglalaro nito, natututo ang tao na maging "dependent" sa computer games: hahanaphanapin niya ito at imbis na mag-aral ay maglalaro nalang siya.

  • #17

    Ar-Rafi Saluan (Tuesday, 01 February 2011 09:28)

    Sa tingin ko, dapat alamin muna natin kung ano ang mas importante. Dapat marunong tayong mag-"manage" ng oras para hindi masira ang ating pag-aaral dahil sa larong DotA.

  • #18

    Kristian Trasporto (Tuesday, 01 February 2011 10:14)

    Una sa lahat, kung adik man tayo sa dota ay dapat nating bigyang halaga ng pagdidisiplina sa paglalaro sa tamang oras at bigyan ng halaga ang pag aaral muna. dahil minsay maging adek mga tao ay wala ng oras sa kanilang pag aaral. at lubusang maapektuhan ang pagiging mababa ang grado sa kanyang pag aaral.

  • #19

    Joseph Alvarez (Wednesday, 02 February 2011 00:34)

    tama, hindi tau dapat ma adik sa dota. :P

  • #20

    Wilhelm Deloria (Wednesday, 02 February 2011 05:46)

    Yung mga tumatakas sa klase mga dik lang iyon, ako ay nag lalaro rin ng DotA. Maganda yng pagkasabi mo tunkol sa mental alertness, at dapat may team cooperation rin. Napansin ko ito kaagad kasi familiar saakin yung picture. hahaha. More Power to DotA!

  • #21

    John Noel Manibo (Wednesday, 02 February 2011 05:58)

    Salamat po sa lahat nang nagpahayag ng kanilang mga opinyon ukol sa artikulong ito.

    Alam naman po natin na madalas ay masamang imfluwensya para sa isang batang mag-aaral ang paglalaro ng DotA. Tama rin naman kung iniisip niyo na ito'y nagiging dahilan ng mga bata na suwayin ang kani-kanilang mga magulang at magsinungaling para lamang makapaglaro nito, ngunit nangyayari lamangang mga ito kung nasosobrahan ang isang bata sa paglalaro ng DotA. Iba rin naman sa inyong mga nagpahayag ng opinyon ay nagsasabing may naitulong sa inyo ang DotA, at hindi naman ito nagiging sagabal sa inyong pag-aaral kung alam niyo lang kung paano ilagay ito sa mga tamang oras. Nakatutuwa ang paglalaro ng DotA para sa marami, at hindi niyo dapat pigilan ang sarili niyong magsaya basta't mas pahalagahan pa rin ang pag-aaral.

  • #22

    Katharina Nicole Tingkahan (Wednesday, 02 February 2011 06:58)

    Ngayon ko lang nalaman na may magandang epekto pala ang DotA. Akala ko dati ang DotA ay naninira lamang ng buhay ng estudyante. Hindi kasi ako naglalaro ng DotA kaya hindi ko alam. Atleast ngayon alam ko na may magandang epekto pala ito. Pero kahit may magandang epekto ito dapat ay hindi tayo maadik dito kasi minsan nauuna natin ito kaysa sa ating pag aaral. Kaya naman sa mga lalaking mag-aaral dapat paminsan minsan lang kayo magDotA kasi baka makalimutan niyo na kayo pala ay nag-aaral din.

  • #23

    marlo panong (Wednesday, 02 February 2011 08:50)

    May kaklase aq na mahilig magDota.. kea lagi xa tulog sa klase namin.. :D buti nga lang bright xa.. di pa bumabagsak lalo na sa math :D

  • #24

    Sameyha Imlan (Wednesday, 02 February 2011 10:15)

    Kung marunong lang magbalanse ang isang estyudante ay hindi naman problema ang pagdDota, yun nga lang, hindi eh. Kaya nagsisibli itong isang kalaban ng mga mag-aaral at mga magulang. @@

  • #25

    Christian Egos (Thursday, 03 February 2011 10:53)

    okay lang ang maglaro ng DoTA kahit ilang oras o buong magdamagan ka pa maglaro basta hindi natin makakalimutan pag-aaral, kailangan natin ng self-control, kapag mayroon tayong gawin importante na may kaugnayan sa paaralan, kailangan natin itong unahin. At kapag tapos ka na sa lahat, hala! maglaro ka kahit kailan mo gusto.

  • #26

    Sir Marcial (Saturday, 05 February 2011 11:43)

    Checked 02/06/2011

  • #27

    Sir M (Thursday, 10 March 2011 06:53)

    9 comments validated

  • #28

    danilo (Wednesday, 22 June 2011 02:59)

    wew mga adik talaga sa Dota

  • #29

    *(ian)* (Thursday, 07 July 2011 05:36)

    ahm hahahah makahtotolong talagah ang dotah laloh nah sah akin maramih akong mgah kaibigang sinasabihan kong paanoh maglaroh nitoh at naboboang din silah hahahah tnks dotah hindih akoh mabohay kong wlah kah hahahah...

  • #30

    we know na (Thursday, 18 August 2011 04:00)

    lahat ng sobra mali ,,,, d lahng dota ang way para makakuha kah ng opportunity pra magkaroon kah ng mga kaibigan o gawing libangan ,,,

  • #31

    Cheap UGG Boots (Wednesday, 14 September 2011 03:36)

    Certificates can serve as stepping stones to a degree.

  • #32

    Prema (Saturday, 22 October 2011 11:23)

    Hm, I’m just comfortable with this but still not entirely convinced, hence i’m going to research a touch more.

  • #33

    Pulkit (Sunday, 23 October 2011 07:57)

    Several of these replies on this post are garbage, You should delete them.

  • #34

    Robert (Tuesday, 25 October 2011 23:12)

    Several of these replies on this post are garbage, You should delete them.

  • #35

    Bekim (Thursday, 27 October 2011 04:17)

    Howdy are choosing WordPress on your website program? Iam new to blog world yet. Iam hoping to get started my own. I also learned about Drupal is fine. Will see my personal choice.... Informative submit, many thanks.

  • #36

    rizek (Friday, 28 October 2011 08:21)

    Hm, I’m just comfortable with this but still not entirely convinced, hence i’m going to research a touch more.

  • #37

    Tomasek (Saturday, 29 October 2011 20:26)

    good post dude

  • #38

    Sebastien (Friday, 11 November 2011 11:56)

    good post bro

  • #39

    KING* (Monday, 14 November 2011 02:03)

    NAKAKASAMA SA MGA KABATAAN ANG DOTA!!!!

  • #40

    PACALABOY (Monday, 14 November 2011 02:05)

    hindi masama ang pag dodota ....!!!!

  • #41

    Rocky (Saturday, 26 November 2011 04:47)

    Auto Tweet plugin for WordPress

  • #42

    ceník seo (Monday, 23 January 2012 13:14)

    Thanks for information

  • #43

    chinii (Friday, 10 February 2012 00:29)

    for me, DOTA is not good! wala itong naitutulong. pinaghambing mo ang pag-aaral at ang paglalaro ng dota, hindi dapat ito pinaghahambing dahil walang mali sa pag-aaral, samantala ang DOTA ay isang problema sa mga kabataan. Maraming hindi nakapag-aral ng maayos. Hindi mo pwedeng sabihin na hindi dapat maadik ang isang tao sa larong yan, dahil hindi mo pwedeng diktahan ang isang tao. sa pagkakaalam ko lahat ng mga manlalaro nito ay adik. so, you cant blame us na sabihing walang mabuting maidudulot ang DOTA! :)

  • #44

    kit.. (Saturday, 18 February 2012 01:40)

    ang dota ay isang laro na hindi nakakapagbigay ng benepisyo xa mga kabataan ngayon dahil dito maraming kabataan ang nawawalan ng gana xa kanilang pag aaral at nasisisira ang kinabukasan..i hope and pray na sana ay mata uhan na ang mga estudyante na mas bigyang halaga ang edukasyon kaysa dito..

  • #45

    ken (Monday, 27 February 2012 04:34)

    bobo ng dota d makakatulong yan sa tao

  • #46

    adrenhoj... (Sunday, 11 March 2012 21:12)

    wala lng????adik!!!!

  • #47

    pota bobo dre? (Wednesday, 25 July 2012 23:28)

    kapal ng mukha nyo mga adik kau lhat nagkampi kampi p kayo. eh wala nmn nadudulot n mganda ang mga ganyang laro sa dota nkakasira p s kalusugan ntatawa ko s mga comment nyo pano k bblis mgsulat s dota hahaha bobo dre?

  • #48

    bobo ka "pota bobo dre?" (Thursday, 26 July 2012 06:05)

    naranasan mo ng maadik sa dota at wala kang kontrol sa paglaro kaya mo lng snasanv yan at saka hindi nagsusulat sa subject na TLE mas bobo ka. ang dota hindi droga na masama sa kalusugan, sa naglalaro iyona kasalanan nyang magdota ng matagal na hndi kumakain o umiinom. wag kng magpakasaya mag-aral ka ng sobra pra mabaliw ka obob.

  • #49

    tanga ka dre?? (Friday, 27 July 2012 03:52)

    dahil sa dota nagkaroon ako ng maraming kaibagan sa loob ng klase. kaya pumapasa kami =)) diskarte lang yan mga dre.

  • #50

    dhang (Saturday, 18 August 2012 00:48)

    dahil sa paglalaro ng dota hindi na nila iniisip ang knilang kalusugan dhil sa paglalaro nito mas lalo pag nagiging pabaya na ang mga kabataan ngayon dhil nagiging libangan nrin nla ito.. dhail dito nakakalimutan na nla ang knilang sarili..para sa akin nkakaapekto talaga ang dota sa ating bansa..

  • #51

    Nye Nye (Friday, 24 August 2012 23:35)

    Nasa Player kung mapapabayaan nila ang pag-aaral nila dahil sa dota. Mayroon tayung tinatawag na "CONTROL at LIMITS".

  • #52

    Carrascal (Wednesday, 10 October 2012 03:08)

    napa ka ganda ni Vice Ganda!

  • #53

    Charle 'Joe' Veloso (Wednesday, 10 October 2012 03:09)

    Boom! Pusang gala! galing mo Carrascal.

  • #54

    designer sarees indian (Wednesday, 21 November 2012 00:06)

    Very informative article. Pretty sure people would love to go to that place for shopping. Specially to those who are semi naughty or semi conservative people. I guess there are a lot of things their that can be bought.

  • #55

    jomar llagas (Wednesday, 05 December 2012)

    tama naman eh its not prohibitted to play dota but we must play it moderately boom godlike hehe

  • #56

    rea encabo (Thursday, 10 January 2013 18:19)

    nasa kanya lamang yan qung anu ang tama at mali na gagawin sa kanyang buhay..

  • #57

    april emboltorio (Monday, 11 February 2013 02:25)

    tama disiplina lang kailangan

  • #58

    jerom (Sunday, 17 February 2013 23:38)

    ang lahat ng bagay ay galing sa diyos upang magbigay ksiyahan.ngunit, gamitin sana natin ito sa tamang paraan.

  • #59

    jr (Sunday, 17 February 2013 23:43)

    kamakalawa lang po ay may nabalitaan akong pinatay na batang limang taong gulang dahil sa dota. Akala daw kasi nung pumatay sa kanya ay demonyo yung bata. Adik kasi sa dota yung pumatay sa bata. kaya, mag-ingay ho tayong lahat. manatiling manalangin sa diyos.

  • #60

    Buy modern furniture online (Wednesday, 20 February 2013 05:52)

    This is excellent post. Its having good description regarding this topic.It is informative and helpful.I have known many information from this. Thanks for shearing.

  • #61

    magwa (Wednesday, 27 February 2013 19:10)

    charoot. munpun ango kau an namin hahahahaha

  • #62

    mimaw (Wednesday, 27 February 2013 19:14)

    ui.....ang ga2ling dre,mga adik tlaga...nangu2pit lang pra makapagdota...ewww

  • #63

    hotel furniture india (Tuesday, 12 March 2013 01:42)

    i do pretty much the exact same thing, local vhosts and all. taking nightly backups of /home is easy with rsync, so when anything goes awry, i just pull down the folder from my vps. since the cronjob itself is in the folder, even my backup script gets backed up. what ide do you use?

  • #64

    Centrifugal Juicer (Saturday, 13 April 2013 00:23)

    This informative article was exactly what I had been trying to find!

  • #65

    summer drama school (Thursday, 06 June 2013 03:53)

    Point in the article is really unique . I really like your article . We look forward to your next article .

  • #66

    salwar kameez online (Wednesday, 26 June 2013 05:12)

    Carry on via. It will help me to know better solution for website perform.

  • #67

    salwar kameez online (Wednesday, 26 June 2013 06:00)

    If you’re still on the fence: grab your favorite earphones, head down to a Best Buy and ask to plug them into a Zune then an iPod and see which one sounds better to you, and which interface makes you smile more. Then you’ll know which is right for you.

  • #68

    printed sarees (Friday, 26 July 2013 21:29)

    Can I post your post to my wordpress blog? I’ll add a one-way link to your forum. That’s one actually nice post.

  • #69

    web design vadodara (Wednesday, 11 September 2013 02:29)

    Thanks you drastically for this great and actually insightful report. Everybody will get fantastic specifics from this text.outstanding do the job protect it up. I�m planning to bookmark this website site for came back again all over again in upcoming.Visiting this site daily now. Great info. Keep it up!

  • #70

    DOTA..pangaddict (Thursday, 19 September 2013 07:31)

    taina nyo mga putang ina kayo.........DOTA....parang addict,,,,,

  • #71

    ChecK Diz (Tuesday, 19 November 2013 05:51)

    This opinyon helped me a lot on my research paper.. and this exact title became my own .. so . ty very much..

  • #72

    babert berto (Wednesday, 15 January 2014 07:26)

    ayon kay berto berto ang dota ay isang nota sa ating kabataan gayundin sa ating kabayutan OOOHKIEE!! anu ha >> DOTA OH AKUH????

  • #73

    Ranel G. Reña Jr (Wednesday, 29 January 2014 20:33)

    Malakai ang naitutuong ng larong ito sa pag-aaral ngunit kung mali ang pagkakakilala at pag-lalaro mo nito malaking posibilidad na makasira pa ito sa pag-aaral. Sa madaling salita nakadepende sa naglalaro ang makuuha niyang epekto. Ayon sa ginagawa kong pananaliksik, 93% ng mga mag-aaral (partikular na ang mga kalalakihan) na naglalaro ng dota sa tamang paraan ay may mas mataas na IQ level at mas nagagamit ang Common Sense. Sumakatuwid hindi na dapat itanong pa kung may naidudulot ba itong kabutihan sa pag-aaral sapagkat malinaw na malinaw na walang anumang masamang epekto ito kung mababalanse mo ang pag-lalaro at pag-aaral mo.

  • #74

    Marc Kevin Frondozo (Wednesday, 30 April 2014 08:25)

    Dapat hindi lang puro laro ang ginagawa dapat rin matutu ng ibang gawain gamit ang computer
    Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
    For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

  • #75

    ===== (Tuesday, 04 November 2014 02:09)

    tang ina nyo mga bobo naman kayo wala kyong alam sa dota putang ina bawal dun ang bobo,at tanga alam nyo kung ano ang makakabuti sa inyo wala kayong COMMONSENSE mga tanga mga walang magawa sa buhay ang puta

  • #76

    elgina (Monday, 24 November 2014 06:21)

    oo nga .. dapat hindi puro laro ang ating atupagin ... at dapat mag aral munang mabuti para sa huli may ipag malaki ... that's all .... thank you ...........

  • loading