Mon

31

Jan

2011

Bored ka na ba?

photo credit: deviantart.com
photo credit: deviantart.com

ni Julius M. Apeluddin

Isa ka rin ba sa mga biktima ng nakakikilabot at nakasisindak na kalaban ng mga batang mag-aaral? Walang nakatatakas sa kamay ng masamang elementong ito, kahit si Superman ay walang magawa ‘pag siya na ang kaharap nito. Mga ginoo’t binibini, paano ba natin malalabanan si Antok? Lagi siyang nakaabang at nagbabantay kahit saan pa man tayo pumaroon. Ang malala pa rito ay madalas siyang lumulusob kapag tayo ay matiyagang nakikinig sa klase nina Ginoong Balimbing at Binibining Pipita. Ngunit, masisisi nga ba talaga natin si Antok kapag bumigay tayo sa kanyang pang-aakit at piniling matulog sa klase?

Alam nating lahat na boring talaga ang klase ng isa o higit pang mga guro kaya nama’y bumibigay talaga tayo at sumusuko kay Antok, hindi ba? Madalas tayong natutulog sa klase kapag pagod na pagod na tayo buhat ng magdamagang paggawa ng mga takdang-aralin at sa pag-aral para sa nalalapit na mahabang pagsusulit. Tama na naman ako, hindi ba?

Ngunit tama ba ang ating ginagawa? Tama bang matulog tayo sa klase ni Ginoong Balimbing dahil lang sa pagod tayo? Tama rin bang sumuko kay Antok sa klase ni Binibining Pipita dahil lang sa napagod tayong tuparin ang ating mga tungkulin bilang isang mag-aaral ng Ateneo? Malamang alam niyo na ang sagot ko sa mga katanungang ito. Tama ka kapatid, ang sagot ko’y isang napakalaking HINDE.
Mga kamag-aral, ang inyong pagsuko sa isang matindi at sumisiklab na digmaan laban kay Antok ay hindi katanggap-tanggap. Ang pagsukong ito ay ang magiging umpisa ng inyong sunod-sunod na pagbagsak sa mga klaseng tinulugan ninyo. Ang pagpapasailalim ninyo sa kapangyarihan ni Antok ang hihila sa inyo pababa sa lupain ng kabiguan at hinagpis. Ang lahat ng ito ay mas lalala pa kung matutulog kayo sa klase ng inyong mga guro sa matematika o math sapagkat maaari kayong mahuli at maiwan sa pagtatalakay ng iba’t ibang formula o lektura.

Ang nais kong ipahiwatig rito ay kailangan ninyo o nating magsumikap sa pag-aaral, mga kamag-aral. Hindi lahat ng mga kabataang Pilipino ay nakakapag-aral, ang iba pa nga marahil ay naiiwang mangmang kahit sa pagtanda nito. Dapat lang nating pahalagahan ang biyayang ito na bigay ng ating mga magulang at ng Diyos. Kailangan nating magsumikap sa ating pag-aaral at maaari tayong mag-umpisa sa pagtanggi kay Antok. Ang pagtanggi sa tawag ni Antok ay magsisilbing unang hakbang nating lahat sa isang matiwasay at maliwanag na kinabukasan?

Inaantok ka pa rin ba?

Write a comment

Comments: 63
  • #1

    Ding. (Monday, 31 January 2011 06:18)

    May punto ang iyong article. Lahat ng estudyante ngayon ay mahilig matulog habang may klase. Dapat magpasalamat tayo na nakakapagaral tayo at sikapin para magkaroon ng maganda kinabukasan.

  • #2

    Alodie Ann Mankin (Monday, 31 January 2011 06:22)

    Tama ka nga, Kuya. Sang-ayon ako sa mga inilahad mo. Dapat nga tlga nating bigyan ng importansya ang ating pag-aaral.

  • #3

    Mikko Arquiza (Monday, 31 January 2011 06:22)

    Tama nga naman talaga, dapat nating labanan ang antok at huwag nating gawin rason ang dahilang "pagod ako". Alalahanin, bawat oras na pagtulog natin sa klase ay oras na hindi tayo natututo...

  • #4

    Marion Tan (Monday, 31 January 2011 06:26)

    Tama ang imformasyong ito. Ako mismo ay natutulog sa loob ng klase. Ngunit dapat nating iwasan ito dahil napakaimportante ang ating pag-aaral.

  • #5

    Ella (Monday, 31 January 2011 06:29)

    Tama ang iyong mga nabanggit ngunit paano nga ba natin matatanggihan ang tulog sa isang klaseng saksakan ng pagka-boring? Haha. :D

  • #6

    Yousef Cali (Monday, 31 January 2011 06:46)

    May punto ka nga. Ngunit, kaya pa bang pigilan ng mga tao na mabored kung ang kanilang lipunang ginagalawan ay ang mismong nag-iimpluwensya sa kanila na maging bored?

  • #7

    Gio Nortiga (Monday, 31 January 2011 06:49)

    Tama. Pero hinde talaga natin maiiwasan si Antok. Dahil ito sa paraan nang pagtuturo ng mga guro at ang puyat sa mga schoolwork. Ngunit, hinde ito ang dahilan para tayo ay magpalamon sa kapangyarihan ni Antok. :)

  • #8

    Gem (Monday, 31 January 2011 06:50)

    May punto ang iyong mga naibanggit. Naniniwala ako na talagang dapat tayong magsumikap sa ating pag-aaral. Ngunit, mayroong mga pagkakataong hindi talaga natin maiiwasan ang antok.

  • #9

    Julius Apeluddin (Monday, 31 January 2011 06:52)

    Salamat sa inyong mga komento. Ang masasabi ko lang ay nasa sa atin na iyan kung magpapalamon ba talaga tayo kay Antok o hindi. Kung nais nating umasenso bilang isang tao't mag-aaral, marapat lang na tumanggi tayo sa alok ni Antok. Para rin naman ito sa ikagaganda ng ating kinabukasan. Laban lang mga kamag-aral. Tanggihan natin si Antok. :)

  • #10

    shemei (Monday, 31 January 2011 06:53)

    sumasangayon ako sa mga sinasabi rito, at tunay nga na mahirap labanan ang antok, pero hindi ito dapat gawing dahilan upang matulog tayo sa klase.

  • #11

    Misty :) (Monday, 31 January 2011 07:01)

    Sumasang-ayon ako. Alam nga natin na hindi maiiwasang maantok sa klase ngunit kailangan pa rin natin isipin ang rason kung bakit tayo nasa paaralan. Kaya tama ang iyong pahayag, magsumikap sa pag-aaral.

  • #12

    Mae (Monday, 31 January 2011 07:13)

    Sang ayon ako sa iyong mga sinabi. Minsan, hindi natin maiwasang tangihin si antok. Pero kailangan nating tandaan na dapat iwasan nating ang pagtulog tuwing klase dahil kinakailangan nating makinig sa mga leksyon ng ating mga guro.

  • #13

    Debra Ann (Monday, 31 January 2011 07:33)

    Tama. Hindi dapat tayo natutulog kapag tayo ay may klase sapagkat hindi mo lamang binabalewala ang inyong mga leksiyon, kundi nagpapahiwatig ka narin ng iyong kawalan ng respeto para sa inyong guro.

  • #14

    Leah Aying (Monday, 31 January 2011 07:34)

    Naniniwala akong responsibilidad nating mga mag-aaral ang makinig at huwag matulog sa mga klase natin gaya ng iyong mga naibanggit, subalit sa palagay ko ay responsibilidad rin ng mga guro na panatilihing maliwalas at masaya ang klase nang sagayo'y mas madali para sa mga mag-aaral ang makinig at matuto. :D

  • #15

    Mae R. (Monday, 31 January 2011 07:36)

    Sumasangayon ako sa iyong mga sinabi. Ngunit mayroon ka bang maipapayo kung papaano umiwas sa pag-tulog kung sadyang nakaaantok ang klaseng iyon?

  • #16

    Yvanna (Monday, 31 January 2011 07:36)

    Tama. Hindi tama ang matulog sa klase, ngunit dahil sa daming requirements at quizzes, ay napipilitan tayong magpuyat at matulog sa klase. Ngunit hindi naman ito ang rason kung bakit nagpupuyat ang isang estudyante. Maaari dahil sa mga social sites or games. Maaari ring dahil ginagawa ang mga requirements sa huling minuto, kaya nagpupuyat ang estudyante. Sang-ayon ako dahil masyadong mahalaga ang pag-aaral natin, at hindi lang napupulot kahit saan.

  • #17

    Nimeth (Monday, 31 January 2011 07:43)

    Tama naman ang mga sinabi mo.. ngunit naisip mo na ba na hindi lahat ng kasalanan ay nasa estudyante.. maaari ring ito ay dahilan ng pagtuturo ng isang guro na sadyang di epektibo o kaya namang nakaka antok talaga di' ba? Ngunit sang-ayon talaga ako na ang pagiging responsable ay dapat tinataglay ng bawat mag-aaral. ;)

  • #18

    Julius Apeluddin (Monday, 31 January 2011 07:43)

    Salamat po sa inyong mga komento.
    Para kay Leah, ang iyong punto'y aking sinasang-ayunan. Marapat lang na gumawa rin ng hakbang ang mga guro upang maiwasan ang pagkaantok ng kanilang mga estudyante sa kani-kanilang mga klase.

    Para kay Mae R., ang madalas kong ginagawa para lang hindi maantok sa klase ay ang pagkain ng candy (ginagawa ko lang to kapag pinahihintulutan ito ng aming guro). Sinasabing nakagigising at nakasisigla ang candy kapag ika'y inaantok na dahil ito raw ay mayroong asukal.

  • #19

    .gia. (Monday, 31 January 2011 07:43)

    Talagang totoo ang mensaheng ibinibigay mo, kuya.
    Lalo na ngayon na nahiligan na ng mga nasa hayskul ang pagtulog sa klase. Ito ay nakakasama sa ating pag-aaral at moralidad kaya dapat nating pigilan ang ating mga sarili sa pagtulog.

  • #20

    Madel Matute (Monday, 31 January 2011 07:50)

    Ako ay sumasangayon sa lahat ng iyong nabanggit Kuya Julius. Hindi dapat natin aksayahin ang ating oportunidad na makapag-aral sa isang prestihiyosong paaralan. Ngunit hindi natin matanggi ang katotoohanan na tayo'y natutulog habang ang ating mga mahal na guro ay sobrang bisi sa pagtatalakay ng mga leksyon. Kung maaari, baguhin na lamang ng mga titser ang paraan ng pagtuturo upang makuha nila ang atensiyon ng kanilang mga estudyante. Sa kabilang dako, sikapin din natin labanin si Antok upang hindi man lang masayang ang ating panahong makapag-aral.

  • #21

    Margaux de la Paz (Monday, 31 January 2011 07:53)

    Tama ang lahat ng iyong sinasabi rito. Hindi talaga maiiwasan ng mga estudyante na matulog sa klase dahil sa ito ay "boring" o dahil sa pagod at puyat sa paggagawa ng mga takdang-aralin. Pero dapat solusyonan ang problema na ito. Dapat, sa parte rin ng guro, sikapin niya na maging maybuhay ang kanyang klase. Gawin niyang "lively" ang kanyang pagtuturo at 'wag naman ang monotonous na ewan. Sa bahagi rin ng mga estudyante, mag-ehersisyo para magising, uminom ng kape, samplain ang sarili, o kahit ano naman ang pwedeng gawin para lamang manatiling gising at alerto sa klase.

  • #22

    Chai (Monday, 31 January 2011 07:56)

    Sumasang-ayon ako. Masuswerte tayo dahil nakakapag-aral pa tayo sa magandang paaralan. Dapat ang kapalit ay, magagandang grado. Kaso nga lang, di talaga maiwasan si Antok. Kaya bumababa ang mga grado ng mga estudyante.

  • #23

    Julius Apeluddin (Monday, 31 January 2011 08:01)

    Madel, Salamat sa iyong komento. Tama ka nga naman. Dapat lamang na magsumikap rin ang ating mga 'mahal' na guro para mabigyang buhay niya ang kanyang mga klase; para maiwasan niyang patulugin ang kanyang mga estudyante dahil sa mahahaba't napakaboring na lektura.

  • #24

    Julius Apeluddin (Monday, 31 January 2011 08:04)

    Margaux, salamat sa iyong tugon. Ako'y sumasang-ayon na dapat gumawa rin ng hakbang ang mga guro upang panatilihing masigla ang kanyang mga klase ngunit marapat lamang din na may gawin ang mga mag-aaral upang sila'y manatiling gising sa umpisa ng klase hanggang sa katapusan nito. Natutuwa lamang ako sa iyong pahayag ukol sa pagsampal sa iyong sarili upang manatiling gising.

  • #25

    Julius Apeluddin (Monday, 31 January 2011 08:06)

    Chai, tama ka riyan! ang pag-aaral sa ganitong uri ng paaralan ay hindi nakakamtan ng iba nating kababayan kaya nama'y dapat nating bigyang halaga ang biyayang ito para naman hindi masayang ang pawis ng ating mga magulang. Dapat lamang na hindi tayo sumuko sa kapangyarihan ni Antok.

  • #26

    Julius Apeluddin (Monday, 31 January 2011 16:09)

    Gia, tama! Ang pagsuko kay antok ay makaaapekto sa iyong pagkatao't moralidad at hindi lamang sa iyong pag-aaral. Ang pagtulog sa klase ay nakababastos sa dignidad ng isang guro kaya dapat subukin nating manatiling gising hanggang sa matapos ang klase.

  • #27

    Julius Apeluddin (Monday, 31 January 2011 16:14)

    Nimeth, nagpapasalamat ako para sa iyong komento. Sumasang-ayon ako sa iyong sinabi ngunit mas mabuti na iyong hindi tayo matulog sa klase. Ang mahalaga'y nagawa nating ang ating parte, hindi ba?

  • #28

    Kharnelle Eyrand Sade K. Lim (Tuesday, 01 February 2011 04:00)

    sang-ayon ako sa iyong nilalahad Kuya. Dapat nating labanan si 'Antok' upang hndi tayo mahuli sa klase, lalo na sa matematika.AHHA. *clap2x. ang galing, wala na akong masabi :)

  • #29

    Neen (Tuesday, 01 February 2011 04:09)

    Sumasangayon ako dto, dahil napakatotoo ito. Tayong mga estudyante ay nakakatulog nmn kpg ang guro ay npakaboring. Pero kht boring nmn, dapat tayong makinig dahl nagpapakahrap ang ating magulang upang tayo ay mkapagaral.

  • #30

    Julius Apeluddin (Tuesday, 01 February 2011 04:21)

    Kharnelle, ang matematika ay isa sa mga asignaturang madalas na magpabagsak sa isang estudyante kaya dapat lamang na labanan natin si Antok para manatiling tayong gising at alerto sa klase nina Ma'am at Sir. :)

  • #31

    Julius Apeluddin (Tuesday, 01 February 2011 04:23)

    Neen, tama ka riyan! Kailangan nating suklian ang pawis at sakripisyo ng ating mga magulang sa pamamagitan ng pagkukuha ng mga matataas na marka at ito'y magiging posible kung matiyaga tayong makikinig sa klase ng ating mga guro at iwasan nating ang pagtulog sa mga klase nila.

  • #32

    Jessah Daymiel (Tuesday, 01 February 2011 04:28)

    Tama ang lahat ng iyong mga nilalahad, kailangan nating maging masipag o malakas upang labanan ang antok. Ngunit paminsan nman kahit pilit mo na itong nilalabanan ay nananalo pa din ito. Subalit sa mga sinabi mo ay may punto ka. :P

  • #33

    Rachel Himpon (Tuesday, 01 February 2011 04:33)

    Ang lahat ng iyong inilahad na imformasyon ay tama. Kahit na inaakit tayo ni Antok ay dapat nating tanggihan ito sapagkat ito ay isang temptasyon. Sa panahon ngayon, mapapansin na halos lahat ng mga mag-aaral ay tinatamad nang pumasok sa paaralan. Huwag nating hayaang sirain ng katamaran ang ating pag-aaral sapagkat dito nakasalalay ang ating kinabukasan. Mahirap nga namang tanggihan si Antok. Depende ito sa guro kung paano siya magturo kasi may ilan na nagtuturo lamang sa pamamagitan ng pakikinig ng mag-aaral. Ang hanap kasi ng karamihan sa mga mag-aaral ay ang "FUN." Kaya nais kong gumawa ang mga guro ng mga "educational activities" nang sa ganoon ay hindi aantukin ang mga mag-aaral. Ang sulating ito ay may malaking pakinabang at tulong. Hindi lamang mga mag-aaral ang makikinabang dito kundi makakatulong rin ito sa mga guro upang mabuksan ang kanilang isipan sa pagtuturo ng mga "educatinal activities."
    Salamat!

  • #34

    Denisse Nicole Galo (Tuesday, 01 February 2011 04:37)

    ako ay sumasang- ayon sa inyo kuya. bilang isang estudyante dapat natin labanan ang lahat ng mga sumsagabal sa ating pag- aaral. natural lang na mapagod tayo o mapuyat dahil ginagawa natin ang ating mga takdang aralin. pero, kung gusto talaga nating tumaaas ang ating mga grado ay malalabanan ang ating pagka- antok. at kapag nalabanan natin si antok ay magiging maganda naman ang epekto nito sa ating pag- aaral.

  • #35

    Christian Egos (Tuesday, 01 February 2011 04:54)

    Isang napakalaking TAMA. Dapat na natin itong iwasan subalit hindi pa rin natin ito napipigilan. Bakit nga ba? Ang ating mga sarili mismo ang sasagot niyan.

  • #36

    Marie Feliciano (Tuesday, 01 February 2011 07:21)

    Tama ka sa mga inilahad mo sa artikulong ito. Tunay ngang hindi maiwasan ng mga mag-aaral ang makatulog sa klase. Ito'y maaaring dahil nagpuyat tayo sa kagagawa ng mga takdang aralin at sa kaaaral para sa mga pagsusulit. Tama kang maling isisi ang antok sa mga ito. Responsibilidad natin ang mga ito kaya't dapat ay tinatapos nang maaga upang makakuha ng sapat na tulog. Pagiging responsable, pag-prioritize at kakayahang mag manage ng oras ang sagot sa problemang iyan. Dapat ay habang tayo'y nasa elementarya at hayskul pa lamang ay matuto na tayong lumaban sa antok, upang sa kolehiyo, hindi tayo mapalabas sa klase dahil nakatulog sa NCM class. :)))) Magaling, magaling! :D

  • #37

    Aizel (Tuesday, 01 February 2011 07:24)

    Nagandahan ako sa pagkasulat ng artikulo. Ang tinutukoy ko ay ung mga salitang ginamit. Maganda rin ang pinapahiwatig nito. Magaling Julius ah. :)

  • #38

    Paula Estive (Wednesday, 02 February 2011 05:42)

    Tama nga, dapat ay harapin rin natin ang responsibilidad bilang mag-aaral kahit tayo'y pagod na at dapat ay pahalagahan natin ang ating pag-aaral.

  • #39

    Fad Fadd Fahad (Wednesday, 02 February 2011 06:45)

    Lagi na lang akong nababagot sa klase. oo, halos boring ang klase. ngunit, bilang mag-aaral, kailangan natin gawin ang ating mga responsibilidad. kailangan natin ng konting pasensiya sa sarili at dedikasyon naman sa ating pag-aaral.

  • #40

    XyvieGee ^---^ (Wednesday, 02 February 2011 23:50)

    At dahil diyannnnnnnnnn! May TAMAAA ka! =))) Talaga namang dapat nating dedmahin ng bongga si Antok upang tayo'y di bumagsak sa ating mga klase lalong lalo na kay Binibining Pipita at Ginoong Balimbing. hahahaha Kung tayo'y magpapadala kay Antok eh paano tayo makakapagpokus niyan sa ating pag-aaral at sa mga tinatalakay ng ating mga guro at ang pinakamalupit ay paano naman natin masisilayan ang napakagandang mukha ni Binibining Pipita? :))) At ang napakalusog na katawan ni Ginoong Balimbing? =)))Diba diba? :))) Yan lamang. I I I thank yerrrrrrrr =)))

  • #41

    Angelique Miranda (Thursday, 03 February 2011 02:28)

    Tama! Lahat naman tayo ay nabobored sa klase minsan.. ngunit, hindi ito ang dahilan ng ating pagwawalang-bahala sa ating edukasyon. Ang mga antuking kaklase natin ay nararapat din nating tulungan upang hindi niya ito tuluyang maging 'habit' sa loob ng classroom. Kung gagayahin lang man natin siya, mas isipin niyo na lang ang mas dapat na ikabubuti ng bawat isa. Sa loob ng classroom ay kailangang may 'focus' sa sarili at maging sa leksyon na tinuturo ng mga guro.

  • #42

    Alyanna Santamaria (Thursday, 03 February 2011 09:17)

    Tama. :)
    Madaling makatulog kapag klase kasi minsan boring mga lesson tapos mahirap pa. Kapag sobrang matagal na akong nakatingin sa guro at sa blackboard, nasasawa ako sa view kaya sinasara ko mga mata ko at hindi ko namamalayan na nakatulog na pala ako. Buti nalang nandiyan seatmate ko para gisingin ako bago ako mahuli. hehe. Sa tingin ko rin, isa sa mga dahilan kung bakit tayo natutulog sa klase ay pagod at kulang sa tulog pero kailangan nating magbago dahil ang pag-aaral natin ay mahalaga para saatin, sa ating mga magulang, at para sa ating kinabukasan. Dapat seryoso tayo sa ating pag-aaral at HUWAG matulog kapag nagtuturo ang guro. Iwasan mag facebook para maaga makatulog at kinabukasan, handa tayo sa paaralan. ^_________^

  • #43

    Sir Marcial (Saturday, 05 February 2011 12:09)

    Checked 02/06/2011

  • #44

    Sir M (Thursday, 10 March 2011 06:58)

    26 comments validated

  • #45

    Cheap Nike Air Max (Wednesday, 10 August 2011 03:38)

    Do you frequently discover oneself studying up in the most up-to-date style tendencies? What about style help, do you want to provide it to individuals that you know? When you do, were you aware you may perhaps have the ability to create a dwelling like a vogue consultant? You possibly can and when you would like significantly more information on the way you can go about executing so, you will want to proceed studying on. Previously you immediately resolve that you just would love to become a trend advisor, you may want to make an effort to take a look at specifically what just one is and what one does. In case you consider to further homework producing income as a style guide, you might want to know that a fashion guide can be typically referred to as a picture advisor and visa versa.

  • #46

    Genc (Thursday, 20 October 2011 04:55)

    I have been recently following a blog site to get a month or two or so and possess found a huge amount of data and loved the technique you have structured your web site. We are looking to run my extremely individual website nevertheless. I do think the as well common and i also should target a lot of smaller sized subjects. Getting as much as possible to everyone men and women isn't all of that it's damaged as much as become.

  • #47

    Marian (Sunday, 23 October 2011 06:40)

    Great one submit. Normal trouble can be G. change their spirit too repeatedly.

  • #48

    Cfko (Sunday, 23 October 2011 17:59)

    Hm, I’m just comfortable with this but still not entirely convinced, hence i’m going to research a touch more.

  • #49

    Martin (Thursday, 27 October 2011 03:20)

    Fine a submit. Normal downside is usually G. transform their mind far too repeatedly.

  • #50

    Ron (Saturday, 29 October 2011 06:24)

    Hi there are choosing WordPress on your website program? Iam a new comer to the blog world yet. Iam trying to find started out my own. Also i learned about Drupal is ok. Might find my own alternative.... Helpful submit, many thanks.

  • #51

    Adrian (Tuesday, 08 November 2011 03:23)

    I do think some other internet site owners ought to acquire this web site just as one design extremely clean and great design and style, not forgetting the content. You’re an expert of this type!

  • #52

    Harald (Friday, 25 November 2011 16:15)

    {-String.Split-|-Automated Link Building directly from Twitter to your WordPress blog Auto Tweet Wordpress plugin

  • #53

    půjčky online (Saturday, 31 March 2012 14:35)

    Thanks for data

  • #54

    Sunil (Tuesday, 03 April 2012 15:16)

    good post

  • #55

    jianlipata (Thursday, 02 August 2012 07:49)

    i according this your poetry

  • #56

    Juicer Reviews (Sunday, 14 April 2013 05:00)

    I just shared this on Myspace! My buddies will definitely want it!

  • #57

    Memutihkan Wajah Secara Alami (Thursday, 31 December 2015 01:25)

    Köszönöm információk nagyon érdekes és remélhetoleg hasznos

  • #58

    Obat Gerd Paling Ampuh (Wednesday, 13 January 2016 01:14)

    die Informationen sind sehr nett und hilfsbereit zu uns, wir als Droge Verkäufer sagen, ich danke Ihnen so sehr für den Austausch von ihnen, Gott immer segne uns. :)

  • #59

    Obat Herbal Ejakulasi Dini Paling Ampuh (Friday, 15 January 2016 20:14)

    mantap beritanya, terimakasih atas beritanya.

  • #60

    obat herbal kelenjar getah bening (Thursday, 28 January 2016 03:12)

    may be useful, the information is very interesting

  • #61

    CARA MENGHILANGKAN BERCAK PUTIH (Tuesday, 08 March 2016 00:22)

    sorry I helped to establish the link.
    your website is very good and this article is very useful.
    good luck and always success for your blogging.

  • #62

    OBAT HERBAL KISTA BARTHOLIN (Wednesday, 16 March 2016 04:12)

    selamat siang gan,
    salam kenal, blogger baru nih,
    ijin berkomentar yaa, hehe...
    semoga artikelnya bermanfaat dan blognya bisa maju terus, okeh.

  • #63

    Obat Untuk Penyakit Kondiloma Akuminata (Thursday, 09 June 2016 01:18)

    mantap nih.. salam sehat dari kami untuk semuanya..