Mon

31

Jan

2011

Bahala na si Batman

photo credit: tumblr.com
photo credit: tumblr.com

ni Chrystelle Avanzado

 

Sa tuwing tayo ay may mga pagsusulit, at hindi tayo nakapag-aral, “bahala na” ang ating naririnig. Kapag tayo’y sumusuko na at napapagod sa ating mga ginagawa, ang pariralang “bahala na” ay muli nating maririnig. Nakatanim na ito sa ating mga isipan, kung kaya’t naging pang-araw-araw na salawikain na natin ito.

 

“Bahala na si Batman,” ibang paraan ng pagsabi na, “Ang Diyos na ang bahala.” Ang “bahala na” ay isang parirala na madalas nating marinig lalo na sa mga estudyante, tulad ko. Sa tuwing tinatamad na tayong mag-aral at gawin ang ating mga proyekto, at mga takdang-aralin, itong parirala ang lagi nating tugon. Kadalasan, kusa na itong lumalabas sa ating mga bibig kapag sa tingin natin ay sapat na ang ating nagawa. Ngunit ang hindi natin namamalayan, ito ay isang negatibong kaugalian na ating kinasasanayan.

Hindi ko sinasabi na isang masamang bagay ang pagtitiwala natin sa Diyos. Ngunit sa pagsabi ng “bahala na” ipinapakita natin na tayo ay nagpapaunlak sa ating sarili na gawin lamang ang kung ano ang kinakailangan at umasa na lamang sa hangad ng Diyos. Ipinapakita natin na tayo’y madaling sumuko, pinaghihinaan ng loob at wala ng pag-asa. Dito, natututo tayong maging tamad at pabaya sa ating pag-aaral. Nawawala na ang ating pangganyak na magsumikap para sa karagdagan. Iniisip na lamang natin na ang ating mga ginagawa ay lihis sa ating mga kamay.

 

Ngunit bago natin ipahayag ang salitang “bahala na” bakit hindi muna nating subukin tanungin ang ating sarili kung iyon na nga ba ang pinakamahusay na ating magagawa, o kung wala na ba talagang ibang pwedeng gawin na ikabubuti nito.

 

Wala tayong patutunguhan sa salitang “bahala na.” Kaya kung hinahangad nating maging matagumpay sa hinaharap, gawin natin ang pararilang “bahala na” ang huling salita na ating isusumbat.

 

Write a comment

Comments: 94
  • #1

    Ferdudz (Tuesday, 01 February 2011)

    ^_^ galing

  • #2

    Zel tan (Tuesday, 01 February 2011 04:35)

    Tama ^--^

  • #3

    Jessah Daymiel (Tuesday, 01 February 2011 04:36)

    Tama ang iyong mga sinabi, wala nga nmang ibang matatakbuhan at siguradong matutulungan tayo kundi ang Diyos. Ngunit kailangan din nman nating magsikap upang matupad ang ating mga kahilingan. :P

  • #4

    Kristin Gail. (Tuesday, 01 February 2011 04:36)

    Maganda ang pagkasulat. Halos lahat ng estudyante ngayon ay wala ng paki kung meron bang pagsusulit. Dapat alisin natin sa ating bokabularyo ang salitang "Bahala na".

  • #5

    Kenneth (Tuesday, 01 February 2011 04:39)

    Very well said. :D
    Saludo!

  • #6

    RafNic (Tuesday, 01 February 2011 04:47)

    Tama >:D

  • #7

    Jabe (Tuesday, 01 February 2011 04:50)

    may tama nga naman. IDOL!

  • #8

    Neen (Tuesday, 01 February 2011 04:52)

    Sangayon ako dto X)

  • #9

    Issa V. (Tuesday, 01 February 2011 05:25)

    isang magandang aral :D

  • #10

    Rica (Tuesday, 01 February 2011 05:32)

    Gustong-gusto ko ang Huling pangungusap. Talagang wala tayong mararating sa buhay kung lagi nalang "bahala na" ang sinasabi natin. Kailangan nating magsikap ;)

  • #11

    Aubrey (Tuesday, 01 February 2011 05:33)

    Tama. :)

  • #12

    Airra Cavan (Tuesday, 01 February 2011 05:41)

    Tama po. Dapat nga ibigay natin lahat ng makakaya sa ating mga ginagawa, wag laging umasa sa diyos. Dahil dito sa mundo mayroon rin tayong gampanin. :)

  • #13

    Madel Matute (Tuesday, 01 February 2011 05:44)

    Sumasangayon ako sa mga punto mo ate Chrystelle. Hindi dapat tayo mawalan ng pag-asa sa kahit anong bagay na ginagawa natin. Ang "bahala na" ay nagpapahiwatig lamang na tayo ay mga tamad at walang tibay ng loob. Ang pariralang "bahala na" ay hindi nagiging isang solusyon kundi ito ay ang nagiging isang rason kung bakit nadagdagan ang ating mga problema.

  • #14

    Madel Matute (Tuesday, 01 February 2011 05:47)

    Sumasangayon ako sa mga punto mo ate Chrystelle. Hindi dapat tayo mawalan ng pag-asa sa kahit anong bagay na ginagawa natin. Ang "bahala na" ay nagpapahiwatig lamang na tayo ay mga tamad at walang tibay ng loob. Ang pariralang "bahala na" ay hindi nagiging isang solusyon kundi ito ang nagiging isang rason kung bakit nadagdagan ang ating mga problema.

  • #15

    Xtel (Tuesday, 01 February 2011 06:27)

    Tama. :D

  • #16

    Marion Tan (Tuesday, 01 February 2011 06:28)

    "Bahala na." Ako mismo ay laging ginagamit ang pariralang ito. Hindi natin maitatanggi ang ating kasanayan sa pagsasabi nito. Sang-ayon ako sa iyong punto. :)

  • #17

    Karlo Rodriguez (Tuesday, 01 February 2011 06:34)

    Sumasang-ayon ako sa mga sinabi mo. Maganda ang paggawa at nakakarelate din ako.:)

  • #18

    ronnel (Tuesday, 01 February 2011 06:34)

    tama! :)

  • #19

    Kathryn (Tuesday, 01 February 2011 06:38)

    Tama. :) dapat tayong matuto tapos ang ating mga gawin at wag ng masyadong gamitin ang "bahala na". :)

  • #20

    jami imlan (Tuesday, 01 February 2011 06:41)

    Pinag-isipang mabuti. Hindi mo binahala ang pag gawa. Mahusay na manunulat (ehem). Kaya't simula ngayon, ayoko ng masanay sa "bahala" system. :)

  • #21

    Keesha :D (Tuesday, 01 February 2011 07:02)

    Sumasangayon ako dito, Tel. Tayo'y madali ngang sumuko sa mga pangyayari na yaon. Kailangan lang natin sumikap para magawa ang mga bagay-bagay na di karapat-dapat sabihin ng 'bahala na'. Nakaka-relate talaga ako sainyong sinabi. :))))

  • #22

    Dindie (Tuesday, 01 February 2011 07:17)

    Ako'y sumasangayon sa iyong ideya. Napakahusay ng iyong pagkagawa at napakalalim ng iyong gustong ipahiwatig. Simula ngayon kailangan na natin magbago para hindi tayo masanay sa pariralang "bahala na". :)

  • #23

    Ayeem (Tuesday, 01 February 2011 07:27)

    Tamang-tama at sigurado akong marami estudyante ang sumasang-ayon dito dahil sila rin ay nakakarelate. :)

  • #24

    Aimee (Tuesday, 01 February 2011 08:01)

    Tumpak na punto! Isang habbit na nga talaga natin ito. Sa sobrang katamaran ay lagi ito na lang ang ating bukambibig! :)

  • #25

    Jp (Tuesday, 01 February 2011 08:09)

    Tomo :D. Ako'y sumasangayon din. Simula ngayon ay wala ng salitang "bahala na" ang lalabas sa ating mga bibig dahil ito'y hindi ikabubuti natin kung hindi pagwawalang bahala lamang ang idudulot nito..nays 1 \m/

  • #26

    Gio Nortiga (Tuesday, 01 February 2011 08:36)

    Dapat ay gumawa tayo ng paraan upang makamit ang ating mga gusto. Hinde lamang sa pamamagitan ng 'bahala na'. Sumasang-ayon ako sa'yo, Ate Tel. :)

  • #27

    Kharnelle Eyrand Sade K. Lim (Wednesday, 02 February 2011 04:26)

    tama! :) *clap2x! galing. Sang-ayon ako sayo Ate Tel :)
    dapat ay hindi tayo masanay sa pagsabi ng "bahala na" at makuntento sa mga bagay na ating nagawa na tingin natin ay ok na, dahil dapat na gawin parin natin ang lahat ng ating makakaya sa lahat.

  • #28

    Moody (Wednesday, 02 February 2011 05:13)

    Tama talaga :D

  • #29

    Amina W. (Wednesday, 02 February 2011 06:41)

    Wala tayong patutunguhan sa salitang “bahala na.”
    - TAMA! Nakakareflect din sa personalidad ng tao ang mga kanyang sinasabi.

  • #30

    Katharina Nicole Tingkahan (Wednesday, 02 February 2011 06:48)

    Tama!Tulad nga ng kasabihang "Let's do our BEST and God will do the REST" ang ibig sabihin nun ay dapat gawin muna natin ang lahat ng ating makakaya bago natin ipabahala sa Diyos. Dapat hindi tayo makontento lamang dapat ay gawin talaga natin natin ang lahat na ng ating makakaya. Inaamin ko minsan sinasabi ko ang "bahala na" kasi tinatamad ako, pero hindi ibig sabihin nun tularan niyo ako ang ibig sabihin nun ay dapat ipakita niyo sa akin na nagkamali ako sa aking sinabi na dapat hindi ko iyon sinabi kasi alam ko na hindi ko pa ginawa ang lahat ng aking makakaya. Kaya naman wag tayo makontento sa bahala na.

  • #31

    Job Macatangay (Wednesday, 02 February 2011 06:50)

    Tama ka. hindi nakabubuti sa atin ang salitang "bahala na". :)

  • #32

    Kio Yamamoto (Wednesday, 02 February 2011 06:54)

    Ang salitang "bahala na" ay pagpapadamang pampilosiya ng mga Pilipino, ngunit sadyang hindi natin ito maiiwasan. Kaya't, sang ayon ako sa iyong punto. :)

  • #33

    Kryz Acuna (Wednesday, 02 February 2011 07:04)

    True, true, ate cher.. As Ateneans, we must not put the phrase "Bahala na" in our heads. We are know to be excellent, and we are also known for Magis, and "Bahala na" is nothing related to those traits. We must give our best in everything we do because that is the Atenean way. :DD

  • #34

    Andrew :D (Wednesday, 02 February 2011 07:17)

    hala guilty ako wew hahaha :))
    pilit kong iniiwas pero nagagawa ko parn hahaha xD

  • #35

    Dax (Wednesday, 02 February 2011 07:19)

    Tama, dapat mga tao ngayon ay hindi masanay sa "bahala na".

  • #36

    Jerry (Wednesday, 02 February 2011 07:23)

    Tama, karamihan sa mga estudyante ngayon ay nagiging tamad na.

  • #37

    charles (Wednesday, 02 February 2011 07:24)

    yes its true... i can relate to your topic.. cause as a student sometimes we feel that it is hard to do and if the others don't have there's a tendency that we'll not do anymore.. as an atenean we should strive for more..

  • #38

    Ian (Wednesday, 02 February 2011 07:25)

    pinoy nga tayo.XD.pero tama nga naman.Di tayo dapat masanay sa "bahala na" maging ako ay ginagawa yan, pero nahiya ako sa aking sarili noong narealize ko na hindi pala ito mabuti. idolaan.XD

  • #39

    Aaliyah Fernandez (Wednesday, 02 February 2011 07:26)

    ayos ah, ganyan rin ako. Pero hinde naman ito nakakatulong sa atin eh. Kung kaya't sang ayon ako sayo. kailangan na nating magbago :D

  • #40

    Salina Teo (Wednesday, 02 February 2011 07:30)

    Tama nga naman.Kaso,dapat muna tayo maghirap o mag-aral ng maayos upang makamit ang isang bagay bago tayo hihingi ng tulong sa Panginoon :)

  • #41

    Kester (Wednesday, 02 February 2011 07:32)

    Nako! ganyan nga tayong mga kabataan, masanay na sa pariralang "bahala na sia Batman". pero hindi maganda iyan kase parang pinapakita natin sa iba na hindi natin kaya.

  • #42

    Ella Galea (Wednesday, 02 February 2011 07:32)

    Bilang isang mag-aaral ay hindi ko maitatanggi na nasa akin na ngang "vocabulary" ang pariralang ito. Ngunit totoo nga na hindi dapat masanay ang mga kabataan sa simpleng "bahala na" dahil wala naman talaga tayong mararating kung ito na lang lagi ang ating sinasabi.

  • #43

    Aya (Wednesday, 02 February 2011 07:42)

    Tama. :>

  • #44

    Trizhia Matutinao (Wednesday, 02 February 2011 07:42)

    Tama. Kung minsan pinangungunahan tayo ng katamaran. Ang pagiging tamad ay ang nagiging sanhi kung bakit minsa'y hindi natin nagagawa ang mga bagay na dapat nating gawin. Nakakalimutan natin ang pagiging responsable at ang pagbabalanse ng oras. Kung minsan, panay ang ating reklamo sa halip na simulan na lamang ang dapat gawin. Dahil sa mga ito, hindi natin nagagawa ang mga dapat nating gawin kaya nasasabi natin ang pariralang "Bahala na". Hindi ito magandang kaugalian sapagkat maaari itong pumigil sa isang magaaral na mas galingan pa o mas malala ay maging tamad at hindi na lamang gumawa ng paraan sabay sabi ng "Bahala na".

  • #45

    Stella Timtim (Wednesday, 02 February 2011 07:49)

    Tama, kung nais nating makamit ang ating mga pangarap. dapat nating gawin ang lahat ng bahay na mas nakabubuti para saatin. Wag nating sanayina ng ating mga sarili sa "bahala na" dahil sa huli, tayo rin ang maghihirap na abutin ang mga panagarap natin sa buhay. Kaya't habang di pa huli ang lahat dapat nating bigyan halaga ang bawat oras na natitira, bago mahuli ang lahat.

  • #46

    John Serag (Wednesday, 02 February 2011 08:02)

    "Bahala na" ay isa sa mga ugaling Pilipino na humahantong sa kahirapan at pasakit ng ating lipunan. Dapat lamang na hindi ito gamitin sapagkat dahil dito, hindi tayo umuunlad. Nawa'y ang blog post na ito ay makakagising sa mga tulog na isipan ng mga taong "bahala na".

  • #47

    Abdul muridil (Wednesday, 02 February 2011 21:19)

    Tama2x.. :))

  • #48

    pards (Wednesday, 02 February 2011 21:21)

    oh na na. what's my name? cool :)

  • #49

    Gene (Wednesday, 02 February 2011 21:21)

    so true. lahat ng studyante ngayon ay nambabahala na pag may pagsusulit lalo na kung wala nakapag review.

  • #50

    Jackie Pioquinto (Wednesday, 02 February 2011 21:24)

    Sumasang-ayon ako sa artikulo na ito. :)

  • #51

    Kangeks (Wednesday, 02 February 2011 21:24)

    e ugaling pinoy ganun na talaga. kaya wag tularan ang pinoy.

  • #52

    Sheikha Nuño (Wednesday, 02 February 2011 21:33)

    Tama :)

  • #53

    Misty (Wednesday, 02 February 2011 22:38)

    Sumasang-ayon ako. Alam naman natin na hindi tayo pinababayaan ng Diyos ngunit lagi din natin isipin na hindi lahat ng bagay ay iaasa na lamang sa Diyos. Parang "give and take" kuno; kung pagsisikapin natin ito ay matutulungan tayo o makakamit ang ating hangarin :)

  • #54

    Sameyha Imlan (Thursday, 03 February 2011 00:19)

    Sumasang-ayon ko ng buong-buo. Totoong kasanayan na nating mga estyudanteng Pilipino ang pagbanggit ng "Bahala na" kaya sana maisipan na nating tigilan ang pagsabi nito. :)

  • #55

    Batman Batman (Thursday, 03 February 2011 01:08)

    Tamaaa :)

  • #56

    Rafi (Thursday, 03 February 2011 01:12)

    Kahit nasanay na tayo sa pagbanggit ng "Bahala na" huwag tayong agad-agad na sumuko sa ating mga gagawin. XD

  • #57

    Pia (Friday, 04 February 2011 07:21)

    Sumasang-ayon ako dahil 'di tayo dapat makutento sa "bahala na" dahil wala itong patutunguhan. :)

  • #58

    Sir Marcial (Saturday, 05 February 2011 11:36)

    Checked 02/06/2011

  • #59

    I'm SUPERMAN ung kasama ni BATMAN (Monday, 07 February 2011 07:59)

    bakit palagi si batman? pde naman sana c superman

  • #60

    Sir M (Thursday, 10 March 2011 06:53)

    18 comments validated

  • #61

    Barth (Thursday, 27 October 2011 04:47)

    Ive been recently following on from the blog site to get a month or two or so and also have found a ton of details along with cherished the technique youve structured your site. I'm attempting to operate our really private blog site however. I think the way too basic and that i need to target a lot of scaled-down subject areas. Becoming things to all folks is just not everything that their broke as much as be.

  • #62

    Ilari (Saturday, 29 October 2011 14:59)

    Howdy are utilizing WordPress for the internet site program? Iam a new comer to blog world yet. Iam hoping to get started and set up my own, personal. Also i found out about Drupal is okay. Might find my own option.... Informative submit, thank you.

  • #63

    Mada (Saturday, 29 October 2011 15:19)

    Hm, I’m just comfortable with this but still not entirely convinced, hence i’m going to research a touch more.

  • #64

    Maros (Saturday, 29 October 2011 19:07)

    I believe various other web site entrepreneurs need to consider this web site being an model really clean and great style and design, not to mention this content. You’re a specialist in this field!

  • #65

    Lukass (Wednesday, 09 November 2011 01:44)

    Delighted to view until this site works well in this little iphone 3gs , anything I must accomplish is actually functional. Thank you for retaining it down thus far with the newest.

  • #66

    Andre (Thursday, 24 November 2011 17:06)

    Auto Twitter WP plugin

  • #67

    Horvis (Thursday, 05 April 2012 21:16)

    will be restored soon

  • #68

    Jake (Tuesday, 24 July 2012 05:15)

    pano po nakakatulong ang salitang yan sa kabuhayan o sa negosyo

  • #69

    Trek (Saturday, 29 September 2012 03:41)

    nice post

  • #70

    Best Juicer (Tuesday, 16 April 2013 11:52)

    This informative article was in fact precisely what I had been trying to find!

  • #71

    Memutihkan Wajah Secara Alami (Thursday, 31 December 2015 01:27)

    Köszönöm információk nagyon érdekes és remélhetoleg hasznos

  • #72

    Obat Gerd Paling Ampuh (Wednesday, 13 January 2016 01:16)

    die Informationen sind sehr nett und hilfsbereit zu uns, wir als Droge Verkäufer sagen, ich danke Ihnen so sehr für den Austausch von ihnen, Gott immer segne uns. :)

  • #73

    Obat Herbal Ejakulasi Dini Paling Ampuh (Friday, 15 January 2016 20:19)

    mantap beritanya, terimakasih atas beritanya.

  • #74

    obat herbal kelenjar getah bening (Thursday, 28 January 2016 03:14)

    may be useful, the information is very interesting

  • #75

    CARA MENGHILANGKAN BERCAK PUTIH (Tuesday, 08 March 2016 00:30)

    sorry I helped to establish the link.
    your website is very good and this article is very useful.
    good luck and always success for your blogging.

  • #76

    OBAT HERBAL KISTA BARTHOLIN (Wednesday, 16 March 2016 04:25)

    selamat siang gan,
    salam kenal, blogger baru nih,
    ijin berkomentar yaa, hehe...
    semoga artikelnya bermanfaat dan blognya bisa maju terus, okeh.

  • #77

    Obat Untuk Penyakit Kondiloma Akuminata (Thursday, 09 June 2016 01:22)

    mantap nih.. salam sehat dari kami untuk semuanya..

  • #78

    tarot readings (Monday, 14 November 2016 04:52)

    graveside

  • #79

    seks telefon (Monday, 14 November 2016 08:07)

    nakurzywszy

  • #80

    sextelefon (Monday, 14 November 2016 12:37)

    lexicographers

  • #81

    Zauber (Tuesday, 15 November 2016 10:39)

    opioids

  • #82

    sex telefon (Wednesday, 16 November 2016 02:15)

    hichiriki

  • #83

    literatura erotyczna (Wednesday, 16 November 2016 06:05)

    ichtiol

  • #84

    spętanie miłosne (Thursday, 17 November 2016 07:26)

    jednoliciej

  • #85

    ogłoszenia kobiet (Thursday, 17 November 2016 14:45)

    judaizując

  • #86

    adut chatline (Monday, 21 November 2016 07:22)

    cutely

  • #87

    wróżka kontakt (Thursday, 24 November 2016 17:50)

    niepopieloną

  • #88

    dziewczyny nago (Friday, 25 November 2016 09:02)

    nieprzyzywany

  • #89

    liebeszauber (Tuesday, 29 November 2016 06:12)

    dürfen – mieć pozwolenie

  • #90

    sex tel (Tuesday, 29 November 2016 15:13)

    relegacja

  • #91

    love spells (Wednesday, 30 November 2016 08:21)

    grzęza

  • #92

    love spells (Wednesday, 30 November 2016 18:28)

    okulistyczny

  • #93

    usuwanie luk w aurze (Wednesday, 30 November 2016 19:08)

    tan

  • #94

    wróżka telefon (Monday, 05 December 2016 09:45)

    wyzute