Mon

31

Jan

2011

Art of Procrastination: Isa nga bang kasanayan sa pag-aaral?

photo credit: google.com
photo credit: google.com

ni Ma. Concepcion Y. Atilano

 

Nakapagsimula ka na ba ng isang gawain kung saan ay hindi ka nakapagbigkas ng kahit na isang reklamo? May pagkakataon ba sa iyong buhay na naipangako mo sa iyong sarili na sisimulan mo ang isang gawain kaagad? Kung ang sagot mo sa mga tanong na ito ay hindi, maaaring ikaw ay nag-eensayo ng sining ng pagpapaliban o mas kilala sa pariralang “art of procrastination.”

 

Hindi natin maikakaila na tayo, bilang mga mag-aaral, ay dalubhasa na sa sining ng pagpapaliban o pagpapabukas. Tunay nga naman na naging bahagi na ang pagpapaliban sa ating pang-araw araw na pamumuhay sa eskwelahan. Ngunit, ano nga ba talaga ang pagpapaliban?

 

Ang pagpapaliban o ‘procrastination’ ay isang kilos kung saan ay ipinagpapabukas ng isang tao ang isang bagay na dapat nang gawin. Lahat tayo ay nagpapabukas ng isang bagay na ayaw nating simulan. Nagpapabukas tayo dahil sa nahihirapan tayo sa ating gawain o kaya’y marami tayong ibang gawain na dapat pagtuunang pansin. Maidadagdag na rin na ayaw natin sa naibigay na tungkulin at wala tayong sapat na abilidad upang ito’y tuparin. Ngunit, ano man ang ating dahilan, iisa lamang ang nasa ating isipan, at ito ay gawin ang bagay na mas nakakapagpasaya sa atin.

 

Marami na ang nag-iisip na ang pagpapaliban ay mabuti. Hindi sila nagkakamali riyan. Ngunit ang mga mabubuting dulot ng pagpapaliban ay hindi permanente. Sa katunayan, ay nakakapagdulot ito ng masama sa huli. Ang sobrang pagpapaliban ay maaaring maging sanhi ng pagkabalisa dahil sa maraming gawain pa rin ang naiwan upang tuparin. Dagdag dito, maaari rin itong maging sanhi sa paglalahad ng hindi kaaya-ayang gawain. Sa maikling salita, ang sobrang pagpapaliban ay maaaring makagambala sa mga pampaaralan at mga personal na tagumpay.

 

Pwede nating sabihin na ang pagpapaliban ay isa nang pangkaraniwang kilos sa mga mag-aaral. Ito ay bahagi na rin ng kanilang buhay mag-aaral at ng kanilang pagiging tao. Ngunit kung ating unawaing mabuti ang mga dulot nito, ay mag-isip tayo muli. Ayos lang na magpaliban tayo minsan, pero ang kasobrahan nito ay nakakasama sa ating pag-unlad bilang isang mag-aaral at mamamayan ng bansa.

 

Kaya ikaw, magpapaliban ka pa ba?

 

Write a comment

Comments: 77
  • #1

    kath sinsuan (Tuesday, 01 February 2011 03:07)

    hnd nah , naks , minsan nlang , haha , natamaan man ako , luls ..^^

  • #2

    lea sevilla (Tuesday, 01 February 2011 03:15)

    hindi na ako magpapaliban. :) kung ano ang pwede konng gawin ngayon, gagawin ko na.. :D

  • #3

    macy atilano (Tuesday, 01 February 2011 03:17)

    tama. dapat ay magbago na tayo sa ating mga gawain. kung ano ang kaya nating gawin ngayon ay huwag nang ipabukas upang tayo'y hindi na mahirapan. :)

  • #4

    giselle artesano (Tuesday, 01 February 2011 03:29)

    magaling ang pagkakagawa. :)

  • #5

    divine atilano (Tuesday, 01 February 2011 03:31)

    nice job. ngayon ay iiwasan ko na ang pagpapaliban. salamat sa artikulo na ito at nabigyang unawa ang aking isipan.

  • #6

    ac alvarez (Tuesday, 01 February 2011 03:32)

    nice. natamaan ako dun. :D

  • #7

    macy atilano (Tuesday, 01 February 2011 03:35)

    salamat at naiintindihan niyo na ang mga masamang dulot ng pagpapaliban o "procrastination". sana ay magbago na tayo para sa ikabubuti nating lahat. :)

  • #8

    Patrick Geonzon (Tuesday, 01 February 2011 03:58)

    oo nga, nice job :)

  • #9

    Kharnelle Eyrand Sade K. Lim (Tuesday, 01 February 2011 04:03)

    sang-ayon ako sayo Ate :) natamaan ako dun.HAHA. mgaling ang pagkakagawa, tamang-tama sa heneresyon ng kabataan ngayon. :)

  • #10

    Debra Ann (Tuesday, 01 February 2011 04:15)

    Tama. Sa ating buhay, madalas tayong magsisi sa mga bagay na maaari sana nating gawin pero hindi naisakatuparan dahil mas pinapairal natin ang ating katamaran. Paminsan, kahit wala na ngang oras para magawa ang mga kinakailangang gawin, pinipili parin natin ang magpakasaya kahit na alam nating tayo'y nagiging pabaya na. Kailangan talagang magsimula na tayong patunayan na karapat-dapat tayong mapagkatiwalaan sa mga gawain sa pamamagitan ng paggawa sa mga bagay na nararapat nang gawin sa tamang oras. Hindi iyong nagpapakasaya tayo at pagkatapos ay sisisihin ang sarili sa pagkakamaling nagawa. Kinakailangan nating tandaan na hindi na naibabalik ang mga bagay na nagawa na. Kaya, ako'y lubos na sumasangayon sa iyo Ate Macy :)

  • #11

    macy atilano (Tuesday, 01 February 2011 04:20)

    salamat sa inyong mga opinyon. labis ang saya na aking nararamdaman ngayon sapagkat pinagtuunan ninyo ng pansin ang aking artikulo. maraming salamat at sana'y ang inyong mga pagsang-ayon ay magiging daan para sa ating pagbabago. :)

  • #12

    macy atilano (Tuesday, 01 February 2011 04:25)

    kharnelle, salamat sa iyong opinyon. sana nama'y nakatulong ang artikulong ito upang mabago ang iyong tingin sa mga gawain, pang-eskwelahan man ito o hindi. :)

  • #13

    macy atilano (Tuesday, 01 February 2011 04:27)

    debra, maraming salamat sa pagsang-ayon. mabuti naman at iyong naintindihan kung ano ang nais kong ipahiwatig sa artikulong ito. sana ay makatulong ito sa paghubog sa iyo at sa iba pang mga kabataan sa pagiging isang respnsableng mag-aaral at mamamayan ng bayan. :)

  • #14

    jb atilano (Tuesday, 01 February 2011 04:48)

    great work, sis. :)

  • #15

    Paula Estive (Tuesday, 01 February 2011 05:52)

    Tama nga ang sinasabi mo ate macy, sabi nga ng iba kung kaya mo ngayon bakit mo pa ipapabukas? Mas mabuti na rin kung gagawin natin ang mga dapat nating gawin sa mas maagang panahon.

  • #16

    macy atilano (Tuesday, 01 February 2011 05:59)

    tama ang iyong pag-unawa paula. sana'y ito ay makatulong sa ating pagbago bilang mga mag-aaral.

  • #17

    Alvin Anitan (Tuesday, 01 February 2011 06:13)

    Tama, kelangan nating gawin ang dapat nating gawin ngayon at wag nang ipagpabukas nang sa gayon ay wala na tayong problema pang iisipin..:D

  • #18

    Karlo Rodriguez (Tuesday, 01 February 2011 06:25)

    Maganda ang iyong ginawa at tama ang lahat ng iyong isinulat. :)

  • #19

    Louie V. Mani (Tuesday, 01 February 2011 06:43)

    Magaling! Talagang kuhang-kuha nito ang realidad ng ating panahon at henerasyon. Dapat baguhin ng mga kabataan ang kanilang pananaw sa "procrastination" bilang mabuti. Simulan na natinang pag-iwas sa sobrang pagpapaliban!

    Great work! Good voice! :)

  • #20

    Bryle Matthew F. Bacatan (Tuesday, 01 February 2011 16:03)

    Mañana Habit o Procrastination ay sakit ng maraming tao na ipagpaliban ang dapat gawin ang dapat nagawa na dahil ito ay isang sintoma ng katamaran, Pero kaya baguhin ito sa bagong henerasyon, mga kabataan. Kasi ito ay nasa utak lamang ng tao kung positive thinker ka o hindi, Dapat nating turuan ang mga kabataan, upang magkaroon ng pagbabago sa ating mga tahanan, komunidad, ciudad, at buong bansa.

    hehe I like it :)

  • #21

    macy atilano (Wednesday, 02 February 2011 03:47)

    louie, salamat sa iyong komento. sana nga'y makatulong ito sa paghubog sa inyong kabataan sa inyong pagbabago. :)

  • #22

    macy atilano (Wednesday, 02 February 2011 03:49)

    bryle, salamat. tama ka sa iyong mga nasabi. kaya't sana'y mas magkaroon ka ng positibong pag-iisip tungkol sa isyu ng pagpapaliban upang ito ay maging daan sa iyong pagbabago. :)

  • #23

    Margaux de la Paz (Wednesday, 02 February 2011 07:08)

    Sang-ayon ako sa iyong sinasabi! Masama ang procrastination dahil ipinapakita mo ang katamaran at wala kang "sense of responsibility" sa iyong mga gawain. Kung kaya mong gawin ngayon, eh di gawin mo ngayon! Always do things ahead of time because when you do you'll find that you'll have more free time in your hands to do things you want and to have fun. Advice: Procrastinate procrastination. Do your stuff NOW! :)

  • #24

    Aizel (Wednesday, 02 February 2011 07:41)

    May mga oras naman na kailangan nating ipagpaliban ang isang bagay dahil may mas mahalagang bagay tayong kailangan atupagin, ngunit hindi nakabubuti kapag sinanay natin ang ating sarili sa "sining" na ito. Magaling ang iyong pagpapaliwanag, ngunit mas makahihikayat pa ito kung nilapatan ng mga katibayan ang mga puntong inilahad. :)

  • #25

    AC Estive (Wednesday, 02 February 2011 07:46)

    Sa aking karanasan, naging tamad din naman ako paminsan sa pag gagawa ng aking takdang aralin at dahil dito, ito'y naging kasanayan na. subalit dahil sa aking napalang grado, kaya't ang "procrastination" ay natanggal sa akin. kapag tayo ay may sipag lamang, kung "willing" tayo tanggalin ito, magagawa natin. kaya bigyan natin ng inspirasyon ang mga kabataan ngayon para maiwasan ang iyong nabanggit sa itaas :)

  • #26

    Inna Kindica (Wednesday, 02 February 2011 08:16)

    Ang procrastination ay problema ng lahat ng mga estudyante. Ang sanhi nito ay katamaran. Sa aking karanasan, wala itong magandang maidudulot, kaya dapat nating baguhin ang masamang ugali na ito. Kung wala tayong gagawin, sa huli, tayo lamang ang mawawalan. :)

  • #27

    Amielle Barre (Wednesday, 02 February 2011 08:16)

    Hindi ko mapapangako.'"Bukas na, facebook muna, next monday pa man yan" line na kadalasan kong nasasabi :D

  • #28

    Macy Atilano (Wednesday, 02 February 2011 08:25)

    Ate Margaux, salamat sa iyong pagsang-ayon. :)
    Tama rin ang iyong pag-unawa sa nais kong mailahad gamit ang artikulong ito. Sana naman ay nakaapekto ito sa iyong pagtingin sa isyung ito na kadalasang dinadaranas ng kabataan.

  • #29

    Macy Atilano (Wednesday, 02 February 2011 08:28)

    Kuya Ac, lahat tayo ay naranasan nang magpaliban. Ngunit, lahat naman tayo ay may pagkakataon para magbago. Kaya't masaya ako na nabago ang iyong landas tungo sa isang mas malinaw na daan na nakatulong sa iyo at sa iyong mga grado. Salamat din sa iyong opinyon ukol dito. :)

  • #30

    Tara Basanez (Wednesday, 02 February 2011 08:29)

    Parang iibahin ko na lang ng kaunti ang habit kong ito hindi naman kasi minsan pingpapaliban ko lang ang mga bagay-bagay pero mukhang papalitan ko na yan ngayon madami na ang mga proyekto at iba pa.

  • #31

    Macy Atilano (Wednesday, 02 February 2011 08:30)

    Ate Inna, tama ka sa iyong sinabi. Ang pagpapaliban o "procrastination" ay sanhi ng katamaran. Kung ang mga kabataan ngayon ay matututong maging responsable sa kanilang mga gawain, marahil naiwasan na ang mga masamang dulot ng pagpapaliban. Salamat at nahikayat kitang makapag-isip ukol sa isang sensitibong isyu gaya nito. :)

  • #32

    macy atilano (Wednesday, 02 February 2011 08:33)

    Amielle, dapat ay simulan mo na ang iyong pagbabago ngayon upang hindi mahuli ang lahat. Salamat din sa iyong pagkomento. :)
    Tara, mabuti iyan. Sana ay ngayon pa lang ay matuto na tayong magbago sa ating mga nakasanayan na. Kapag nabago na natin ang ating mga maling gawi ay mas mahuhubog pa tayo sa pagiging isang mas magaling na mag-aaral. :)

  • #33

    Marlo Panong (Wednesday, 02 February 2011 08:48)

    Maraming batang bumabagsak dahil sa cramming! XD

  • #34

    Macy Atilano (Wednesday, 02 February 2011 08:52)

    Marlo, tama ang iyong sinabi. Kaya't panahon na upang magbago ang ugaling ito. :)

  • #35

    Yra Saavedra (Wednesday, 02 February 2011 08:58)

    ang aking sagot sa iyong katanungan macy, ay oo at hindi. Hindi ka nagkakamali sa iyong mga punto. Sumasang-ayon ako na mali ang sobrang pagpapaliban, ngunit para sa akin, nakabubuti rin naman ang magpaliban kahit paminsan-minsan para naman hindi ma-stress ang isang estudyante. masama ang palaging pagpipilit na gawin ang isang gawain sapagkat may pagkakataong lalong wala kang magagawa dahil wala kang maisip, o mararanasan mo ang "mental block". ang solusyon diyan ay ang matuto tayong gamitin nang tama ang ating oras :)

  • #36

    Mr. M (Wednesday, 02 February 2011 08:59)

    Mahirap talga mag cramming. Super. :)

  • #37

    Andrew :D (Wednesday, 02 February 2011 09:00)

    guilty ako haha :))
    lagi ko to ginagawa almost everyday xD

  • #38

    Sarah Camenforte (Wednesday, 02 February 2011 09:02)

    sumasang-ayon ako na mabuti ang pagpapaliban, sapagkat bakit mo pa gagawin bukas kung pwede mo gawin ngayon?

    Dapat nating maiwasan ang ganitong pag-uugali.

  • #39

    Kathryn Mercado (Wednesday, 02 February 2011 09:02)

    Tunay na ito ay parang sakit na ng mga estudyante. :)

  • #40

    Min (Wednesday, 02 February 2011 09:08)

    Tama. Sumasang-ayon ako. Mas naintindihan ko na ang 'procrastination' at kung ano ang mga masasamang dulot nito.

  • #41

    Camilla Reyes (Wednesday, 02 February 2011 09:13)

    Katulad sa iba ay tinamaan talaga ako. Ang "cramming" ay nagiging Ateneo culture na dahil sa pagpapaliban.

  • #42

    .gia. (Wednesday, 02 February 2011 09:57)

    sumasang-ayon ako. kahit ako ginagawa ko rin kasi ang "cramming". pero isa itong magandang article na nagbibigay ng mensahe sa lahat ng mag-aaral na gawin ang mga dapat gawin sa tamang oras hindi yung nagmamadali nalang dahil late na at kailangan nang ipass.

  • #43

    Russell Diolata (Wednesday, 02 February 2011 19:25)

    Bilang isang mag-aaral, masasabi kong hindi nakabubuti ang gawaing ito. Mraming beses ko na rin naransan ang pagpapaliban ng gawain sa pagnanais na maglibang. Dapat lamang isang-alang alang lagi kung ano ang magiging epekto o opportunity cost kung inuuna ang hindi gaanong mahalaga kaysa sa prayoridad.

  • #44

    Bryan Reyes (Thursday, 03 February 2011 00:41)

    ahhh, ganun pla...

  • #45

    Mari Mar Florendo (Thursday, 03 February 2011 06:31)

    nice work. Tama, dapat hindi na tayo magpaliban ng ating gawain. :)

  • #46

    Ninia Knüttel (Thursday, 03 February 2011 06:42)

    Tama, hindi natin dapat pairalin ang ating katamaran dahil isa ito sa mga ugali na ating ipinapakita sa ibang tao.
    kailangan gawin natin ito agad at magsikap dahil hindi natin kayang pahintuin ang oras, hindi rin ito makapaghihintay. kaya naman, dapat pagbutihin ang ating pag-aaral para naman magiging sukli ito sa ating mga paghihiraphindi tay dapat magpatalo sa katamraan at pagliliban ng oras.

  • #47

    Anton Go (Thursday, 03 February 2011 06:42)

    Tama nga naman. Bakit ka pa maghihintay ng bukas kung pwede naman ngayon, hindi ba?

  • #48

    Ian (Thursday, 03 February 2011 06:44)

    Yup, nagpapaliban ako. Nakakatamad kasi gawin. Ngunit talagang mas nakakabuti ang paggawa ng mga gawain habang maaga pa. :)

  • #49

    Prince Mallari (Thursday, 03 February 2011 06:46)

    Class T-Shirt pa lng namin nakasulat na "Master Procastinators". Pero I think masamang habit na ang procastinating kaya susubukan ko na lng tumigil sa pagproprocastinate.

  • #50

    Macy Atilano (Thursday, 03 February 2011 06:57)

    Tama ang lahat ng inyong mga sinabi. :) Salamat sa pagkomento.

  • #51

    Angelique Miranda (Thursday, 03 February 2011 08:45)

    Hindi natin masisisi ang mga ganitong gawain nating mga kabataan ngayon. Ang kinakailangan natin ay ang malinawan ang ating isipan kung ano ba ang epekto nito [art of procastination] sa atin. Diba naranasan na natin ang mag-'cram'? Maganda ba 'yon? Diba hindi? Isa rin yun sa magandang halimbawa ng epekto nito na dapat nating iwasan. Dapat ay maging responsable tayo sa ating mga gawain at sa oras na kailangan itong gawin.

  • #52

    Christian Egos (Thursday, 03 February 2011 08:52)

    Minsan ay nagplaplano ako ng mga gagawin sa isang araw, at pagdating sa araw na iyon, pinagpaliban ko iyon dahil sa may iba akong ginagawa o tinatamad lamang ako. Ngunit ganoon, nagaggawa ko pa rin naman ang mga ito nang tama sa oras.. =DD

  • #53

    Alodie Mankin (Thursday, 03 February 2011 10:37)

    Hindi tlga natin maiiwasan ang pag cram. Minsan, ito nlng tlga ang natitirang paraan upang matapos natin ang dapat nating tapusin. Ito ang dulot ng ating katamaran. Kahit alam kong mali ito, ginawa ko din ito. Ngunit dahil sa cramming na ito, pumapasa ako! :)))

  • #54

    Sirach John Lacson (Thursday, 03 February 2011 17:46)

    Tama ka diyan!!! XD

  • #55

    Mae R. (Friday, 04 February 2011 09:49)

    Hindi naman talaga natin maiiwasan ang pagpapaliban ng mga gawain lalo na kung tayo ay abala sa iba pang mas importanteng bagay. Kahit na siguro na ang ating gawain ay puro resulta ng pagmamadali, makukontento naman siguro tayo dito dahil ginawa natin ito sa abot ng ating makakaya sa loon ng konting panahon.

  • #56

    A.L. Luna (Saturday, 05 February 2011 01:40)

    Pinakita kung ano ang totoo sa buhay ng mga estudyante. Ipinakita kung ano ang mga pwedeng mangyari.

  • #57

    Sir Marcial (Saturday, 05 February 2011 11:26)

    Checked 02/06/2011

  • #58

    Lawrence G. Ang (Friday, 25 February 2011 04:37)

    Ang pagpapaliban ay isang nakagawiang kilos ng mga mag-aaral ng makabagong panahon. Sang-ayon ako sa iyong sinabi na ito’y masama, ngunit nakakatulong rin naman ito minsan sa nakakapagod na buhay ng mga estudyante. Ang pagpapaliban kasi ay nagsisilbing daan upang makapagpahinga nang kaunti ang mga mag-aaral. Ngunit, dapat ay iwasan na ang sobrang pagpapaliban dahil kung nasanay ka sa gawing ito ay mahirap na itong pigilan.

  • #59

    Vivenzel Carl Potot (Friday, 25 February 2011 05:05)

    Sa madaling salita KATAMARAAN ang lagi nauuna sa mga iilan mag-aaral.

  • #60

    Shella Mae Tiamzon (Friday, 25 February 2011 06:16)

    tama! di naman talaga maiiwasan ang nakagawiang kilos nating lahat at ito ay ang "pagpapaliban". May pagkakataon din naman kasi na mas inuuna natin ang mga gawaing di naman importante kaysa unahin na gawin ang mga importanteng bagay tulad ng paggawa ng mga projects or requirements, at dahil sa mga gawaing ganoon ay doon pumapasok ang salitang "CRAMMING". Ang hihilig kasi nating maglast minute. Pero may pagkakataon din naman na ginagawa natin ang "pagpapaliban" upang makapagpahinga.

  • #61

    Sir M (Thursday, 10 March 2011 06:51)

    23 comments validated

  • #62

    rayhnanie (Saturday, 09 July 2011 03:08)

    dpat itong sagotin kac asignment nmin i2ng itatanong ko plzzzzzzzzzzzzzz................

  • #63

    UGG Boots Clearance (Thursday, 28 July 2011 01:52)

    The money will slip through your fingers if you don't know how to collect it, keep track of it, save it and spend or invest it wisely.

  • #64

    Cheap Nike Air Max (Wednesday, 10 August 2011)

    Do you frequently discover oneself studying up in the most up-to-date style tendencies? What about style help, do you want to provide it to individuals that you know? When you do, were you aware you may perhaps have the ability to create a dwelling like a vogue consultant? You possibly can and when you would like significantly more information on the way you can go about executing so, you will want to proceed studying on. Previously you immediately resolve that you just would love to become a trend advisor, you may want to make an effort to take a look at specifically what just one is and what one does. In case you consider to further homework producing income as a style guide, you might want to know that a fashion guide can be typically referred to as a picture advisor and visa versa.

  • #65

    Rysdesigns (Sunday, 23 October 2011 08:54)

    Great one publish. Normal problem can be G. transform their own mind very frequently.

  • #66

    Doominiik (Wednesday, 26 October 2011 22:20)

    Can I post your post to my wordpress blog? I’ll add a one-way link to your forum. That’s one actually nice post.

  • #67

    Maca (Thursday, 27 October 2011 16:37)

    Howdy are choosing WordPress for the web site program? Iam a new comer to the blog entire world however. Iam trying to get started my very own. Furthermore, i learned about Drupal is fine. Sees my personal option.... Helpful post, many thanks.

  • #68

    Bedrich (Friday, 28 October 2011 19:30)

    Hi there are using WordPress on your web site program? Iam new at all to the blog planet but. Iam trying to find began my own, personal. I also found out about Drupal is okay. Sees my personal choice.... Educational publish, thank you.

  • #69

    Arne (Saturday, 29 October 2011 02:09)

    I do believe additional web site owners ought to take this website as an product really neat and amazing design and style, let alone this article. You’re an authority in this field!

  • #70

    Kamu (Saturday, 29 October 2011 06:43)

    I believe other site masters must acquire this site as an style really neat and fantastic design and style, not to mention this content. You’re an authority of this type!

  • #71

    Vladimir (Wednesday, 09 November 2011 12:38)

    I do think other internet site owners ought to take this website as an design quite neat and amazing style and design, not forgetting this content. You’re a professional of this type!

  • #72

    Vlastik (Saturday, 26 November 2011 08:42)

    FREE Automated WordPress to twitter plugin

  • #73

    True Religion Outlet Jeans (Friday, 03 February 2012 02:59)

    This is all very new to me and this article really opened my eyes.Thanks for sharing with us your wisdom.

  • #74

    Honzíík (Tuesday, 03 April 2012 17:14)

    THX for info

  • #75

    Marcelo (Wednesday, 18 July 2012 07:47)

    good post

  • #76

    Juicers Reviews (Sunday, 21 April 2013 09:01)

    I just shared this on Facebook! My buddies will really enjoy it!

  • #77

    usuwanie luk w aurze (Thursday, 01 December 2016 02:58)

    taraban